Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Her Truth

Fascinated, her eyes followed the children. Hanggang sa hindi niya namalayang itinabi na pala niya ang sasakyan sa gilid. Bumaba si Becca at wala sa loob na sinundan ang mga bata. She found out there is a nearby park. Doon ang punta ng grupong sinusundan niya. May nakalatag na picnic blanket sa damuhan. Isa-isang nagsiupo ang mga bata.

Natigil si Becca sa paglalakad. Napaupo din siya sa pinakamalapit na bench, hindi humihiwalay ng tingin sa mga paslit. Na-realize niyang and kulay dilaw na suot ng mga bata ang umakit sa kanyang sundan ang mga ito. The throw pillows then in their library were yellow too. Katorse anyos siya noon at naghahanap ng magagamit para sa project hanggang mapadpad siya sa library ng bahay nila.

Parang tubig, luminaw ang bawat hibla ng alaala ni Becca, binalikan ng isip nakaraang apat na taon.

"Nasaan na ba 'yon?"

Ang alam niya ay nandoon lang 'yon sa library. Naalala niyang nitong nakaraang buwan lang ay pakalat-kalat lang 'yon doon. Pero bakit ngayon ay hindi na niya makita? Kailangan niya ang album na 'yon para maging reference sa design na gagawin niya sa project. Mga lumang pictures 'yon na kuha noon ng parents niya.

Puwede naman siyang kumuha ng images sa Internet. But the artist side of her will not let her do so. Mas gusto niya na authentic ang pakiramdam ng vintage sa magiging finish product niya.

Nilibot niya ang tingin sa mga hilera ng cabinet. Mayamaya pa ay sumuko na siya. Ang isang cabinet naman ang susubukan niya. Pagbukas niya sa salamin ay inisa-isang basahin ni Becca ang mga volumes sa loob.

All those volumes were hardbound in leather, all in pristine condition. Mga collector's item 'yon ng mga first editions ng mga classic novels. Kung tutuusin ay maituturing na kayamanan ang lahat ng 'yon.

Pero hindi pinansin ni Becca ang mga libro. Iba ang hinahanap ng mga mata niya. Sa pagkakatanda niya ay kakulay ng mga librong naroon ang album na hinahanap niya. Baka naisingit 'yon doon nang iligpit ng katulong ang kalat sa mesa.

"Aha!" bulalas niya nang matagpuan ang hinahanap. Agad niyang binunot 'yon mula sa lalagyan.

Pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang tuluyang makita ang hawak; kamukha lang pala. Mas malaki ang album na hinahanap niya bagama't magkasing-kapal. At mas magaan ang hawak niya ngayon.

Ibabalik na lang sana niya sa cabinet ang hawak nang biglang may malaglag na litrato mula sa pagkakaipit nito sa mga pahina.

Kumunot ang noo niya nang pulutin ang litraro. Mukha ng Mommy niya ang naroon, masayang masaya ang anyo nito habang nakatingala sa isang lalaking nakaakbay dito. Naninilaw na ang larawan, may bahagi nang nawalan ng kulay.

Maging ang mukha ng lalaki sa larawan ay hindi na niya nakita dahil sa parang napatakan ito ng tubig. Kung pagbabasehan ang tangkad ng lalaki, sigurado siyang hindi ang Daddy niya 'yon.

Nang baliktarin niya ang larawan ay may nakasulat.

Regina and Daniel, 1986

Sino ang lalaking 'yon sa buhay ng ina? Bigla siyang naalerto nang makarinig ng kaluskos. Hindi niya maipaliwanag pero parang may sariling isip ang katawan na nagtago siya sa ilalim ng mesa. Hawak pa ni Becca ang magkaparehong litrato at libro.

"Yes, Anton. No, hindi na kailangan." Boses ng Daddy niya ang kasunod na narinig ni Becca.

She saw her father's shoes from her position under the table. Pagkatapos ay tumalikod ang ama niya, lumapit sa malaking bintana habang tuloy sa pagkikipag-usap sa kung sino.

Ang Daddy lang naman niya 'yon, bakit ba siya nagtatago? Natatawa sa sariling akmang lalabas na siya para lang matigil sa sumunod na narinig. Dahan-dahan siyang kumilos pabalik sa dating puwesto. Parang sa pakiramdam niya ay hindi siya dapat nakikinig sa usapan.

"It's been years, pare. Pero kung ako ang masusunod, hindi ko na hahayaang magkaroon pa si Regina ng kahit na anong koneksyon sa lalaking 'yon." Tumigil saglit Daddy niya, pinakinggan ang sagot ng kausap nito sa kabilang linya.

Lalaki?

"Alright. Tatanungin ko si Regina kung gusto niya. Pero hindi ko maipapangako, Anton. Last wish or not, wala akong pakialam. Becca is my daughter, they can not tell me otherwise. At 'wag na 'wag silang lalapit sa anak ko. 'Wag kamo nilang tangkain guluhin ang buhay ng bata."

Coldness crept up Becca's spine. Pagkatapos noon ay unti-unting bumibilis ang pagpintig ng puso niya. Nakakabingi ang kabog. Ganoon pa man ay hindi siya gumawa ng ingay. She felt she would hear something more if she is patient.

"Simula nang iwan niya si Regina at akuin ko ang responsibilidad sa mag-ina, ibinasura na niya ang karapatan niya kay Becca." May halong diin ang pagkakasabi ng Daddy niya.

Pero hindi 'yon ang tumatak sa isip ni Becca. Parang tunog ng kampana ng simbahang umaalingawngaw sa utak niya ang partikular na mga salitang binitiwan ng Daddy niya. She stared at the carpet in a daze, the words haunting her mind.

...akuin ko ang responsibilidad...akuin ko ang responsibilidad...akuin ko...

Hindi siya anak ng Daddy niya! Sa naisip ay saglit siyang hindi nakahinga. Nang balikan ng hangin ang baga ni Becca ay sumabay ang paglitaw ng luha sa mga mata niya. Unti-unti 'yong naghatid ng bara sa lalamunan ni Becca. She can only bite her lip to keep herself from sobbing.

Kaya ba laging si Jan ang kinakampihan ng Mommy niya? Kaya laging paborito ang kapatid niya. Hindi pala siya totoong anak ng ama.

Hindi na niya namalayang napasandal na pala siya sa paa ng mesa. Dahil sa bigat niya ay gumalaw 'yon.

"Who's there?" dinig niyang tanong ng Daddy niya.

Hindi siya nakasagot. Ilang sandali pa ay sumilip ang Daddy niya sa ilalim ng mesa. Kahit nanlalabo ang mga mata ay kitang-kita ni Becca ang pagkukulay-suka ng mukha ng ama.

"B-Becca..."

Bago pa man makabawi ang ama ay mabilis na gumapang si Becca palabas ng mesa. Hindi lumilingon na tinakbo niya ang pinto. She was intent to get away. Ayaw niyang marinig kung ano ang sasabihin ng Daddy niya.

"Becca, wait!"

Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga paa. Ang alam niya ay kusa siyang napagod. Pakiramdam ni Becca ay inubos ng katotohanang narinig niya ang reserba niyang lakas sa tuhod. Nanlalambot na napaupo siya. Doon siya naabutan ng ama.

"Becca, sweetheart, let Daddy explain."

Tinabihan siya ng Daddy niya. Naramdaman niya ang braso nitong dumantay sa mga balikat niya. Lalong lumakas ang pag-iyak niya sa nararamdamang awa sa sarili. She heard her father sighed before he lifted her chin with his forefinger.

"Nothing's changed, sweetheart. You will always be my baby girl. Hindi importanteng hindi ako ang tunay mong ama. Para sa akin, anak kita. Naiintindihan mo?"

Tinangka niyang magsalita. But the little hiccups got in her way. Sa nanlalabong mga mata ay tinitigan niya ang ama. Kaya pala wala siyang nakuhang kahit na anong features ng Daddy nila.

Hinayaan lang siyang umiyak ng Daddy niya. Paminsan-minsan ay hinahaplos nito ang buhok niya. Walang sawa din nitong tinutuyo ang luha niyang wala na yatang katapusan sa pag-agos.

Eventually, her sobbing ceased. Natuyo na rin ang luha niya. Ang natitira na lang ay ang pagsinghot-singhot. Nakahilig ang ulo niya sa balikat ng ama. Tahimik lang itong naghintay na mahimasmasan siya.

"Okay ka na?"

Tumango siya. Isa pang singhot ang pinakawalan ni Becca. Ganoon na lang ang pandidiri niya nang lumobo ang sipon niya sa ilong.

"Yuck!"

Tatawa-tawang inabutan siya ng Daddy niya ng panyo.

"Okay ka na nga. Nakukuha mo nang mandiri sa sarili mong sipon eh."

Inirapan niya ang ama pero napangiti na rin siya.

"Daddy..."

"Yes?"

"Kaya ba si Jan Marie ang paborito n'yo ni Mommy—"

"Nonsense," putol ng Daddy niya. "Wala kaming paborito. Pareho namin kayong mahal. Kung iniisip mong mas lamang ang pagmamahal namin kay Jan dahil siya lagi ang binibigyan ng atensyon, nagkakamali ka."

Lumabi si Becca, hindi kumbinsido. Tuloy ay pabirong piningot ng ama ang ilong niya.

"Hindi namin planong bigyan ka ng kapatid dahil na rin sa advice ng doktor ng Mommy n'yo. Kaso matigas ang ulo ng Mommy n'yo, gusto niyang magkaanak pa kami. She tricked me and got pregnant. It was fifty-fifty. Pinapili ako ng doktor sa kanila ng kapatid mo. I chose your mother. But we were granted a miracle, they both survived. 'Yon lang sakitin si Jan. Kaya habang lumalaki kayo, sa kanya natuon ang mas malaking atensyon namin ng Mommy n'yo."

Sakitin nga ang kapatid niya. Labas-masok ito sa ospital. Hindi rin niya ito makalaro dahil laging may sakit. Kahit ang Mommy niya ay walang oras sa kanya, laging na kay Jan. Ang Daddy lang niya ang nakakalaro niya minsan. Kaya naiinis siya sa kapatid. She didn't mean to but she resented her sister because Jan hogged all their parents' attention.

"Hindi ibig sabihin na hindi ka namin mahal dahil madalas na kay Jan ang atensyon namin," sabi ng Daddy niya. Bahagya siya nitong inilayo at tinitigan sa mga mata. "Nakikita din kasi namin ng Mommy mo na kaya mong mag-isa. You're smart, resourceful and strong. Mas kailangan ni Jan ang paggabay namin dahil mahina siya. And we're so proud of you, contrary to what you believe."

Naluha na naman siya. Mabilis iyong tinuyo ng Daddy niya. Her father smiled, eyes shining with love. Bakit ba hindi niya naisip 'yon? Ang petty pala niya.

"S-Sorry D-Dad."

Umiling ang ama niya.

"There's nothing to say sorry for, sweetheart. This is all a big misunderstanding. Kasalanan din namin ng Mommy mo. Sana kinausap ka namin. But we thought you would understand. We relied too much on the fact that you're smart and that you would naturally catch on things on your own. Forgive this old man for being insensitive."

"S-Sorry po t-talaga. I'll be a better sister for Jan, Dad."

"You already are the best sister."

Napangiwi siya. "I'm always mean to her."

"Then all you have to do is say sorry to her," suhestiyon ng Daddy niya. "But you can do something to make up to your sister. Gusto mong malaman kung ano 'yon?"

Sunod-sunod ang pagtango niya. Biglang tutok na tutok ang atensyon niya sa ama.

"Protect her. Always. Hindi lang siya, pati ang Mommy mo. I'm sorry to ask something big from you, sweetheart, but I want you to promise me to protect our family in my stead."

"Why? Saan po kayo pupunta?" kunot-noong tanong ni Becca.

Umiling ang Daddy niya. "I'm not going anywhere. Ang sinasabi ko lang, ikaw ang magiging head of the family 'pag wala si Daddy. Okay ba 'yon?"

Saglit siyang natigilan. Mayamaya ay tumango si Becca, nakangiti na.

"Okay. I'd get to order Jan Marie around," aniyang nakangisi.

"Wicked little girl," sambit ng Daddy niya bago siya nito kiniliti sa tagiliran. Naghalo ang halakhakan nilang mag-ama.

Nang tumigil sila ay napansin niyang lumamlam ang mga mata ng Daddy niya. Hindi niya maipaliwanag kung saan nanggagaling ang maliit na kabang pilit na sumisingit sa dibdib niya.

"Dad?" nababahalang pukaw niya sa amang malayo ang tingin.

"Yes, sweetheart?"

"What's wrong?"

Umiling ang Daddy niya. "N-Nothing. Iniisip ko lang kung ano ang magiging reaction ng Mommy mo 'pag nalaman niyang alam mo na ang katotohanan."

"Let's not tell her then."

"Okay lang sa 'yo?"

"Opo. Malulungkot si Mommy. Jan is sick, I don't want to add to her worries," aniya. "Atin atin na lang 'to Dad."

Ginulo ng Daddy niya ang buhok ni Becca.

"That's my baby girl. Thank you, sweetheart."

Niyakap niya ang ama sa baywang.

"I love you, Daddy. Thank you because you love me like I'm your own."

Her dad snorted. "You are my daughter. Nothing will change that. And baby girl?"

"Hmm?"

Hinalikan siya ng ama sa noo. "I love you too."

"Miss?"

"H-Ha?"

Ngumiti ang babae sa harap niya. Kumurap-kurap si Becca, pinilit alalahanin kung saan niya nakita ang babae. Lumagpas ang tingin niya sa kaharap, doon sa mga batang nag-pi-picnic. Naalala na niya.

"Kako baka gusto mong kumain?"

Noon lang niya napansin ang kamay nitong may inaalok na sand which.

"S-Salamat pero—"

"Teacher Jane!"

May isang batang babae ang patakbong papalapit sa kanila. May bitbit itong lata ng inumin. Tumatalbog-talbog ang pigtails nitong abot hanggang kalahati ng likod. Namumurok ang namumulang pisngi ng bata.

"O, Crissa."

Kandahingal ang bata nang tumigil. Sa tantiya ni Becca ay nasa limang taong gulang lang ito. Bumuga pa ito ng hangin, dahilan para lumipad ang ilang hibla ng bangs nito.

"Miss, sa 'yo daw po."

Gulat si Becca. "S-Sa akin?"

Tumango ang bata. Itinuro nito ang mga kagrupong nakatutok ang mga mata sa kanila.

"Pan...pan...tulak?" Umiling ito. "Dink."

Nagkatinginan sila ng teacher nito. Sabay pa silang natawa dahil hindi nito mabigkas ang letrang "R". Inabot ni Becca ang inaalok ng bata. Hindi niya napigil ang sariling kuritin nang mahina ang pisngi nito.

"Thank you. Pakisabi sa friends mo thank you rin."

Ngumiti ang bata pero hindi kumilos. Parang may hinihintay itong kung ano.

"You dink, Miss."

"Ha?"

"Dink."

Binasa niya ang nakasulat sa katawan ng canned juice. Lihim siyang napangiwi nang makitang orange juice 'yon.

"Now na?" alanganin ang ngiting tanong niya sa paslit.

"Opo. Now na."

"O-Okay."

Kung tutuusin, pwede siyang magpalusot para maiwasang inumin ang juice. But the expectant look in the eyes of the little girl proved to be too much for Becca. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang bigyan ng disappointment ang inosenteng bata.

Mabagal ang kilos na binuksan niya ang inumin. Bago niya dinala sa bibig ang lata ay nagtama ang mga mata nila ng bata. Tumango ang bata na para bang inuudyukan siyang ituloy. Pikit-matang uminom si Becca.

"Yey!" pumalakpak ang bata. "Welcome. Bye."

Iyon lang at nagtatatakbo na naman itong umalis.

"Here, ito ang dapat kaparis niyan. Pasensya ka na kung inistorbo kita. Ayaw akong tigilan ng mga estudyante ko, mag-share daw kami ng pagkain sa 'yo."

"Okay lang. Thank you." Pinahid ni Becca ang bibig. Inilapag niya sa bench ang lata at tinanggap ang pagkain.

"Balik na ko sa mga estudyante ko. Sana ma-enjoy mo ang pagkain. Masarap 'yan kahit medyo messy ang pagkakabalot. Gawa namin ng mga bata."

"Ah."

Akmang aalis na ang babae nang biglang may maalala ito. May dinukot itong isang flyer mula sa likurang bulsa ng suot nitong slacks.

"Mukhang mahilig ka sa mga bata. Baka gusto mo kaming samahan sa activity namin tuwing Linggo? Pwede ka ring mag-donate. Pero mas maganda kung makakarating ka."

May kung ano sa ngiti ni Teacher Jane na natukso siyang tanggapin ang inaalok nito. Nabasa niyang tungkol 'yon sa fund raising campaign ng isang volunteer group para sa mga batang inabandona ng pamilya o kaya ay ulila na.

Specifically, ang Cradle of Love Orphanage ang beneficiary ng programa ng grupo. Nasa isang compound sa Sampaloc area ang ampunan.

Nakangiting tumango si Becca. "Susubukan ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance