Crisis on Hand
Seven Years After...
"Ate!"
Automatic na sumilay ang ngiti sa mukha ni Becca pagbaba niya ng sasakyan. Iilan lang ang bagay sa mundo na nagbibigay ngiti sa kanya; isa na doon ang limang nilalang na nag-uunahang makalapit sa kanya.
Sabay-sabay siyang sinalubong ng limang kabataan. Naglalaro mula trese hanggang disisiyete ang edad ng mga ito. Nangunguna si Roman sa pagsalubong sa kanya. At seventeen, Roman is exhibiting an appeal that women his age and older finds irresistible. Ito ang pinakamatanda sa limang anak-anakan niya.
Sumunod kay Roman sina Santi, Carlito at Julienne. Parehong nasa edad na katorse ang tatlo kaya siguro sila ang mas malapit. Naghaharutan sila habang pasalubong kay Becca. Sa likuran naman ay nakabuntot ang tahimik na si Maianah, edad trese.
At twenty six, Rebecca Grace Cordova is a mother to five children. These children are her deepest secret. Sa mga ito rin napupunta halos nobenta porsyento ng kinikita niya. Sa tuwing sinasalubong siya ng mga ngiti ng mga bata ay hindi siya makaramdam ng pagsisisi sa pagkupkop sa kanila.
Malapad ang ngiting sinalubong niya ng yakap ang tatlong naunang makalapit sa kanya. As usual, Roman ang Maianah watched the ruckus in the side lines in silence. Pangiti-ngiti lang si Maianah samantalang si Roman ay seryoso ang mukha. Kunot ang noo ng binata habang pinapanood sila.
"Kamusta naman kayo?" tanong niya sa mga bata. Pabirong ginulo niya ang maiksing buhok ni Julienne para asarin ito.
"Ate! 'Wag ang buhok ko," reklamo nito sabay iwas sa kamay niya.
"Sus! Ginagaya mo nga ang buhok ni Ate Becca eh. Kaya ka nagpagupit, 'di ba?" pangbubuko ni Santi. Inambaan lang ito ng suntok ni Julienne.
"May kras na kasi kaya nagpapaganda. Akala naman niya gaganda siya kagaya ni Ate Becca 'pag nagpagupit siya ng maiksi. Lalo pa nga siyang pumangit!" si Carlito.
"Tse! Ang ganda ko kaya!"
"Saan banda? Di namin makita," tukso ni Santi.
"Tigilan n'yo na si Julienne. Ang mabuti pa, ipasok na natin sa loob itong mga dala ko," singit niya.
'Pag humaba pa ang asaran ay hindi malayong mauwi sa sapakan ang tatlo. Kahit babae si Julienne ay lumalaban ito ng basag-ulo sa dalawa.
Sanay sa bakbakan si Julienne, palibhasa natutong makibaka sa buhay sa lansangan sa murang edad. Nang mamatay ang tatay nitong dating martial arts instructor ay naiwan ito sa pangangalaga ng madrasta.
Pinagtangkaang gahasain ng bagong kinakasama ng madrasta niya si Julienne kaya naglayas. Sa lansangan ito tumira hanggang sa makilala sina Santi, Carlito, Roman at Maianah.
Nakilala niya ang mga bata nang minsan pagnakawan ang kotse niya ng isang grupo ng mga batang lansangan. Nasakote ang mga magnanakaw dahil na rin sa grupo nina Julienne. Nagkataong habang patakas ang mga nagnakaw ay nabangga nila sina Julienne na papunta naman sa direksyong pinanggalingan ng mga salarin.
To make the story short, she treated the kids for a meal to thank them. Doon niya nalaman ang kwentong buhay ng bawat isa. Pagkalipas ng isang linggo ay nagkita uli sila ng mga bata.
Siya ang tinawagan ng mga pulis dahil naka-detain daw doon si Roman. Mabuti na lang at nag-iwan siya ng calling card sa mga bata bago sila naghiwalay pagkatapos niyang pakainin ang mga ito.
Inilabas niya sa presinto si Roman. Nang araw ding 'yon ay nagpasya siyang dalhin ang lima sa Cradle of Love Orphanage kung saan siya nag-vo-volunteer.
Crade of Love Orphanage is her happy place. Doon siya dumidiretso para umamot ng lakas sa tuwing pinanghihinaan na siya ng loob.
Si Teacher Jane na nakilala niya sa park noon ang naging daan kung paano siya naging volunteer sa ampunan. Hindi niya akalaing magugustuhan niya ang pagvo-volunteer. Hanggang sa kusa na siyang dumadalo sa mga activities. At wala siyang pinagsisihan sa ginawang desisyon.
Ayaw pa sanang tanggapin ng namamahala sa ampunan ang mga bata pero napapayag din niya sa huli. Hindi na nakatanggi ang dating head ng ampunan nang sabihin niyang aakuin niya ang lahat ng gastos sa mga bata.
"Akina ang dala n'yo, Ate," si Roman.
Sa tangkad niyang limang talampakan at pitong pulgada, dinagdagan pa 'yon ng suot niyang heels na dalawang pulgada ang kapal. Pero magkapantay na silang dalawa ni Roman. In a few years, her handsome charge is going to be a six footer.
Inabot niya kay Roman ang dalawang plastic ng pinamili. Ang natitirang dalawa pa ay pinaghatian nina Santi at Carlito. Tahimik namang tumabi sa kanya si Maianah. Kumapit ang dalagita sa kamay niya.
Napangiti siya. She fondly pinched Maianah's chubby cheeks. Sa lahat ng mga ampon niya, ito ang pinakatahimik. Hindi ito madalas magsalita. Mapagkakamalan mong mahina ang utak dahil patingin-tingin lang.
But Maianah is a genius. Kahit hindi niya ipasuri ay lutang ang kakaibang talino ng bata. Sa kasalukuyan ay puro advance classes ang kinukuha ng dalagita. Ito lang ang ini—enroll niya sa private school na malapit sa orphanage.
Noong una ay gusto niyang i-enroll ang lima sa iisang eskuwelahan. Pero si Roman ang tumanggi. Masyado raw magastos. Tama nang si Maianah lang ang nasa private school dahil mas kailangan nito. Hindi kayang sabayan ng mga guro sa public school si Maianah.
Hindi man lahat ng mga bata ay maituturing na genius katulad ni Maianah, matataas naman ang mga grades ng mga ito dahil bawing-bawi sa pagkamasigasig sa pag-aaral lalo na si Roman. Sa kasalukuyan ay miyembro ito ng varsity team sa basketball ng eskuwelahan nila.
"Becca. Mabuti at nakarating ka," bati ni Sister Amelia sa kanila. Malapad ang ngiti ng madre habang papalapit sila. Ito ang pumalit sa dating head ng orphanage.
"Hello, Sister Amy. Hindi pwedeng hindi ako dumalaw sa mga 'to. Baka kako nakukunsumi na kayo sa kakulitan nila," aniyang nakangiti.
"Hindi naman. Mababait naman sila, tumutulong nga sa mga gawain dito sa ampunan."
"Talaga?" Tuwang binalingan niya ang lima. Tumango ang mga bata.
Hindi niya alam 'yon. Hindi rin naman kasi niya inobliga ang mga bata na tumulong. May sariling bahay ang lima sa isang bahagi ng lupang kinatatayuan ng ampunan. Dating bodega 'yon na hindi na nagagamit kaya naisip niyang ipagawa para matirhan ng mga bata.
Isa sa dahilan kung bakit tinanggihan ng dating head ang mga bata ay kulang sila sa space. Halos punuan na ang mga dorms. Bukod pa doon, matatanda na ang mga ampon niya.
"Dahil d'yan, may bonus kayo sa akin. Kakain tayo sa labas!" deklara ni Becca.
"Yehey!"
Pangiti-ngiti lang si Roman. Si Maianah ay yumakap sa baywang niya.
"Hala, magsibihis na kayo," taboy niya.
Nag-unahan sina Santi, Carlito at Julienne sa pagpasok. Sumunod naman sina Roman at Maianah, walang halong pagmamadali ang mga kilos. Napailing siya habang sinusundan ng tingin ang mga bata.
"Kamusta na ang Mommy mo?" mayamaya ay tanong ni Sister Amelia.
"Maayos naman po."
"Ang kapatid mo?"
"'Ayon, busy sa pag-aaral. Wala nang ginawa kundi magbabad sa kusina, kumain sa mga restaurants, pati mga karinderya sa tabi-tabi hindi pinapalagpas."
May maliit na ngiting lumitaw sa labi ni Becca. Hindi man niya nasasabi kay Jan Marie ay proud na proud siya sa kapatid. Bukod sa matalino, mabait si Jan. Madalas lang niyang sungitan ang kapatid para pagtakpan ang nararamdaman.
"Bawas-bawasan mo ang kasungitan mo sa kapatid mo. Mamaya isipin niyang wala siyang halaga sa 'yo," paalala ni Sister Amelia. "Mano ba namang tratuhin mo siya kagaya ng pagtrato mo sa mga batang kinupkop mo?"
Napakamot siya sa ulo. "Eh...kasi po..."
"Naku, ikaw talagang bata ka. Nahiya pa eh. Pamilya mo sila. Sila dapat ang nakakakita ng totoong ikaw."
Tumango lang siya sa kawalan ng masabi.
"Hindi mo kailangang maging matapang sa lahat ng pagkakataon, Becca. Tao ka lang. Tatanggapin ka pa rin ng mga taong nagmamahal sa 'yo kahit may kahinaan ka."
Hindi siya sigurado doon. Bilang nakakatanda, responsibilidad niya ang kapatid at ang inang sakitin habang wala ang Daddy nila. And speaking of her father, he's camping in his office day and night.
Minsan sa isang linggo na lang kung umuwi ang Daddy niya dahil sa dami ng trabaho. Dinalaw niya ang ama nitong nakaraan lang. Naabutan niyang magulong-magulo ang ibabaw ng mesa nito. His eyes were bloodshot and badly needed a shave.
Kahit hindi sabihin ng ama ay alam niyang may krisis sa Pleides Philippines na itinatag ng mga Lolo at Lola niya. Lingid sa kaalaman ng ama ay may mga tao siyang nilapitan sa loob ng Pleides para tanungin tungkol sa totoong lagay ng negosyo nila.
That was roughly seven years ago. Sa loob ng pitong taon ay nagsusumikap ang Daddy niyang makaahon sa nagbabantang pagkalugi nila.
It was around the same time she made her move, a bold move which earned her the moniker gold digger. And that monicker stuck to her like a hungry leech.
"Becca?" pukaw sa kanya ni Sister Amelia.
"P-Po?"
"Kako halina sa kusina, nagpahanda ako ng paborito mong tsaa kay Sister Lourdes."
"Ah. Maraming salamat. Tara na po."
Tutuloy pa sana silang manood ng sine pagkatapos nilang kumain pero biglang may text na natanggap si Becca. Kumunot ang noo ng dalaga, kasabay ng pagbundol ng kaba sa dibdib. Hindi 'yon nakaligtas sa matalas na paningin ni Roman.
"Te?" pukaw ng binata sa kanya.
"H-Ha?"
"Kako 'wag n'yo na po kaming samahan manood ng sine. Ako na po ang bahala sa kanila," ani Roman.
Napatingin si Becca sa katabi. "Bakit naman?"
Ngumuso si Roman sa hawak niyang cellphone. "Hindi po ba importante 'yan?" balik-tanong ng binata.
"Sigurado ka?" paniniyak ni Becca, "hindi ko na rin siguro kayo maihahatid pauwi."
"Okay lang po 'yon, 'te." Sumingit si Carlito. "Behave naman po kami."
Napangiti si Becca. Five innocent faces stared at her expectantly.
"Sige na nga." Dinukot niya ang wallet sa bag. Naglabas siya ng ilang libo at inabot kay Roman. "Mag-taxi kayo pauwi."
"Sobra-sobra na po 'to, 'te," protesta ni Roman na pilit ibinabalik sa kanya ang dalawang libo.
Umiling si Becca. "Itabi mo ang sukli para may panggastos kayo. Baka hindi muna ako makadalaw sa susunod na linggo."
The message she received has a grave note. Hindi basta-basta matatapos ang problema sa isang pitik lang ng mga daliri.
Tumango si Roman. "Sige po."
"Paano, alis na 'ko."
Isa-isang hinalikan ni Becca ang mga bata maliban kay Roman. Hindi kasi komportable si Roman sa kahit na anong uri ng skin ship. Kung gaano ka-clingy si Maianah, kabaliktaran si Roman. Becca assumed it has something to do with Roman's past. Matagal na niyang alam na hindi basta-basta magkukuwento ang binata kaya hinayaan na lang niya. She must respect Roman's decision to keep it to himself.
After all, they have their own demons to deal with. Naniniwala siyang darating din ang panahon na mag-o-open up din ang ampon niya tungkol sa nakaraan nito.
Diretso na ang dalaga sa parking lot ng mall. From there, she drove towards Pleides Philippines in Makati. Inabot rin siya ng kulang-kulang dalawang oras.
Mabilis siyang nakahanap ng puwesto sa basement parking. Mula doon ay nilakad ng dalaga ang malaking pinto na gawa sa salamin. She shivered as the cold air assaulted her the moment she set foot inside the building.
"Good evening, Ma'am."
Tinanguan ng dalaga ang guard. Kilala na siya nito.
"Nasa taas pa ba si Daddy?" tanong niya.
"Opo, kababalik lang. Lumabas po kanina kasama ang ilang executive ng Pleides."
"I see." Tuloy-tuloy ang lakad niya papuntang elevetor.
Dahil uwian na, wala siyang nakasabay paakyat sa floor kung nasaan ang Pleides Philippines. Ang receptionist kaagad ang nabungaran ng dalaga pagkalabas niya sa elevator. Abala ang babae sa computer na nasa harap nito, hindi napansin ang paglapit niya.
"Good evening, Misha," bati ni Becca sa babae.
May pasak na puting earphones sa magkabilang tainga nito. Kaya naman pala hindi siya napansin. Ang ginawa niya, nilapitan niya ang babae at tinanggal ang isang earbud nito. Napapitlag si Misha.
Agad namang nagliwanag ang mukha nito nang mapagsino siya.
"Miss Becca. Sorry hindi ko kayo narinig."
Ngumiti siya. "Halata naman. Ano, pauwi ka na?" Nagliligpit na ng mesa nito si Misha.
"Opo. Dapat OT ako ngayon hanggang seven kaso sabi ni Boss umuwi na raw ako." Kumunot ang noo nito. "Weird. Ang alam ko ang daming dapat tapusin. Pero ewan ko ba."
"Lumabas daw siya kanina?"
Tumango si Misha. "Kasama ang ilang matataas na tao sa kompanya. Kababalik nga lang eh. Mukhang aburido."
"May tao pa ba sa Accounting?" pag-iiba niya sa usapan.
"Meron. Nakita ko kanina si Miss Ana at si Fred. Mukhang may OT rin."
"Ah. Sige, pasok na muna ako. Tingnan ko lang si Dad."
"Sige po."
Naabutan niya ang ama na halos nakasubsob na sa executive table nito. Manuel Cordova is a big man in his five feet an eleven inches. May mangilan-ngilan nang uban ito sa gilid. But looking at him now, he looked small in the midst of the paperworks scattered in his table.
"Dad?"
Nag-angat ng tingin si Manuel. Automatic na sumilay ang ngiti sa labi nito. And no matter how wide her father's smile is, it didn't escape her notice that her father is exhausted.
"Hey there, sweetheart. Napadaan ka?" Niluwagan ni Manuel ang kurbata sa leeg nito. Napasandal ang lalaki sa swivel chair, pinanood ang anak sa paglapit.
Hindi niya pinansin ang sinabi ng ama.
"You look tired. Baka pwedeng magpahinga na muna kayo?"
Manuel shook his head.
"These can't wait, sweetheart."
Lumabi si Becca. "Halos hindi na ho kayo umuuwi sa bahay, ah."
Manuel's smile had a pained look in it.
"I know. Good thing your mother understands."
Halata na rin ang itim sa ilalim ng mga mata ni Manuel.
"Why don't you take a quick shut eye? Kahit twenty minutes lang. A power nap would help boost your efficiency," pilit niya.
Napabuntong-hininga si Manuel. "Sige na nga."
Inalalayan niya ang ama na lumipat sa sofa. Nang masigurong payapa na ang pagtaas-baba ng dibdib nito ay maingat siyang lumabas.
Diretso si Becca sa Accounting. Pagdating niya doon ay naghihintay na sa kanya ang dalawang taong kausap niya.
"Ma'am," sabay na bati ng dalawa.
"Is it safe to talk?" paniniyak niya. Nagpalinga-linga pa si Becca sa paligid.
"Wala na pong tao, Ma'am. Kami na lang ni Ma'am Ana," sabi ni Fred.
"Fill me in," aniyang wala nang paligoy-ligoy.
"Hindi na tatagal ang kompanya, Becca. Sa loob ng isang buwan, hindi na mapipigilan ang pagsasara," sabi ni Miss Ana, malungkot ang mga mata.
Napalunok siya. "May magagawa pa tayo, Miss Ana."
"Kailangan natin ng himala, Ma'am." Inabot sa kanya ni Fred ang isang makapal na folder. "Kailangan n'yo pa ho ba ito?"
"Oo. This is my last card."
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa folder. Marketing strategy 'yon na pasikretong binuo nina Fred at Miss Ana kasama siya, alinsunod sa pinag-uutos niya.
Kahit paano ay may alam siya sa ganoong bagay. Growing up under Manuel Cordova has it's perks. Kahit Interior Design ang tinapos niya ay hindi siya estranghero sa kalakaran ng negosyo nila.
"Good luck, Ma'am."
Tumango siya. She needs all the luck in the world for this to work. Or else, kasamang bubulusok ng Pleidis Philippines ang Daddy niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro