Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Building a New Life

Mula sa perang kinita niya sa isang gabing muntik na siyang mapahamak, nakahanap siya ng malilipatan ng kapatid. Hindi kasing laki ng nakasanayan nilang bahay pero puwede na. Ang importante ay malinis ang lugar at safe para sa kapatid at ina niya. Tutal temporary lang naman. Rekomendado din iyon ni Patty. Malapit lang din sa ospital kung saan naka-confine si Regina, isang sakay lang. 'Yon lang medyo malayo sa paaralang pinapasukan ng kapatid niya.

Agad niyang ipinadala ang lahat ng detalye ng bahay sa e-mail ni Jan Marie. Hindi bale. Pansamantala lang 'yon. Sa ngayon, kailangan munang magtiis ni Jan Marie sa malayong commute. Pagkatapos niyang bayaran ang bahay ay nagpasya si Becca na bumalik sa opisina para tapusin ang lahat ng kailangan niyang tapusin. Pero habang sakay ng taxi ay saka naman nag-ring ang hawak niyang telepono. May message na ipinadala sa kanya si Jan Marie.

Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang nilalaman ng mensahe ni Jan. Becca sighed. Pera pa rin ang problema nila. Nagpasya siyang tumawag sa kapatid. Agad namang sinagot ni Jan Marie ang tawag.

"Ate?"

"Ikaw na muna ang bahala kay Mommy. Mawawala ako ng three months, may training kami sa Singapore," pagsisinungaling niya. Ewan ba niya kung ano ang eksaktong dahilan na pumigil sa kanya para sabihin sa kapatid ang totoo. "Nag-advance na ako ng suweldo sa trabaho para may panggastos ka kahit paano. Check mo rin ang e-mail mo, nandoon ang detalye ng bago nating titirhan. Lumipat ka na agad, 'wag mo nang hintaying palayasin ka ni Maxwell," tuloy-tuloy na bilin ni Rebecca.

"P-pero Ate, paano ang bills ni Mommy sa ospital?"

"May iniwan akong promisory note sa mesa ko sa kwarto. Isang buwan lang ang kailangan natin, Jan. After a month magpapadala ako ng pera. Pasensya ka na kung sa 'yo ko inaasa lahat sa ngayon. I promise when I get back, hindi mo na sosolohin lahat. Please, hang on. 'Aight?"

Hindi sapat ang natitira niyang pera para pambayad sa ospital. Bumili na siya ng plane ticket para sa pag-alis niya papuntang Thailand. Pagdating doon, personal din siyang gagastos para sa mga pangangailangan hanggat hindi pa siya nakakasuweldo. Oo, libre ang bahay at sasakyan pero hindi ang pagkain at iba pang gastos niya.

"Ate..."

Becca closed her eyes and clenched her palms. Hindi siya manhid at bingi para hindi ma-pick up ang takot at pangamba sa boses ng kapatid. This will be the first time Jan Marie will be left on her own. Natural lang dito ang matakot. Sa pag-alis niya, literal na mag-isa ang kapatid. Pero kailangan niyang tiisin. Wala silang patutunguhan kung magpapadala si Becca sa emosyon.

You have to grow up, sis. I am sorry for doing this to you. Paninindigan ko ang binitiwan kong pangako kay dad noon. Sa ngayon, magtiis ka muna. Babawi si ate, hindi ko hahayaang maghirap kayo ni Mommy.

"Sige na, marami pa akong kailangang gawin. Mamayang alas onse na ang flight ko. Bye."

***

Becca set off with a heart full of anticipation, and at the same time her head were filled with worries. Hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano habang sakay ng eroplano na magdadala sa kanya sa bansang Thailand. Bagamat sanay naman siyang bumiyahe sa iba't ibang bansa para magbakasyon, iba ang dahilan ng byahe niya ngayon. She will be in Thailand semi-permanently. O kung aadyain ng kapalaran, baka doon na rin sila tuluyang manirahang mag-anak.

Marami siyang plano para sa pamilya, kasama na ang mga ampon niyang mga bata. Gusto niyang makasama lahat ng importante sa kanya pagdating ng panahoh. She promised herself she will do a great job to enable her to reach her goals a little faster. Nakasalalay sa trabaho niyang 'yon ang katuparan ng lahat ng mga pinapangarap niya, sampo ng mahahalagang tao sa buhay niya.

Bago siya umalis ay dinagdagan na rin niya ang pera sa ATM na iniwan niya kay Roman. Nakausap na rin niya ang binata bago siya tuluyang tumulak papuntang Thailand. Her charge assured her they're doing great, thanks to her support. Nangako rin siyang regular na tatawag at magpapadala sa mga bata sa sandaling maging settled na siya doon. Sa tulong ng mga madre sa ampunan, kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala niya para sa mga bata.

As the plane drifted through the clouds, Becca allowed herself to sleep. Sa ngayon ay wala na siyang magagawa kundi maghintay, at ihanda ang sarili sa panibagong hamon sa kanya ng buhay. With that, the stress and exhaustion finally caught up to her.

Ang mga sumunod na pangyayari tila humahagibis na tren sa pakiramdam ni Becca. Pagdating na pagdating niya sa Thailand ay sinalubong siya ng isang tauhang ipinadala ng J.G. and Kale mula sa HR Division para ihatid siya sa titirhan niya. Somehow, she has an idea how big J.G. and Kale is. Pero walang nakapagsabi sa kanyang ganoon ito kalaki.

Why, the whole subdivision housing her apartment unit is owned by the company. J.G. and Kale is one big business group. At na-hire siya sa ilalim ng subsidiary ng higanteng kompanya, ang JGK Construction. Ang unit na naka-assign sa kanya ay solo niya, at parte ng JGK Real Estate. Maluwag na maluwag para sa kanya kung tutuusin, kahit kasama niyang manirahan doon ang kapatid at ina.

Perfect.

"Is everything to your liking, Miss Cordova?" tanong sa kanya ni Orly, ang lalaking ipinadala ng HR para sunduin siya. Natuwa siya nang malamang may dugong Pinoy ito. Orly is half-Thai and half-Filipino. Marunong namang mag-Tagalog si Orly kahit paano pero mas komportable ang lalaki sa wikang Ingles.

Tumango si Becca. Humigit kumulang tatlong oras at kalahati ang biyahe mula Pilipinas patungong Thailand kung kaya madaling araw na siya nakarating doon. Maliwanag naman sa palibot ng bahay at nagustuhan niya ang garden sa likod.

"Yes, thank you Orly."

"I'm glad. Mas maganda ang garden during daylight," sabi ng lalaki.

"Maraming salamat ulit."

Ngumiti si Orly, nawala ang mga mata. "You have one day to rest. And then you are expected to report to the main office for the briefing and contract signing." Sinipat nito ang suot na relo. "I will pick you up in two days, around seven in the morning. We don't want to get caught in the middle of the city's rush hour."

Napangiwi si Becca. "Is it as bad as Manila?"

"I guess. Traffic is as bad as in any part of the world's bustling metro."

"True. Alright, see you in two days then."

"Yes. I have to go. See you. Make sure you get enough rest."

Days went by like an Olympic runner. Paunti-unting nakapag-adjust si Becca sa bagong environment, trabaho at mga kasamahan. Halos walang pinagkaiba ang Bangkok sa Manila, kasama na ang alinsangan ng panahon at tindi ng traffic. Kaagad rin siyang nabigyan ng work load dahil kare-resign lang ng taong pinalitan niya sa trabaho.

Kung tutuusin, hindi pa niya gaanong naa-absorb ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa trabaho niya. Somehow, Becca was worried and nervous. Mabuti na lang at maunawain at magagaling ang mga kasama niya sa team. Bagamat demanding ang trabaho ay kaya naman niya sa tulong ng mga kasama. And almost three weeks in Bangkok, Becca finally found her pace.

It was only then when she found room to breathe and check on her personal e-mail. At ang nabasa niya ay lubhang bumagabag sa kanya. Ngayon siya nagsisi kung bakit hindi niya tiningnan ang e-mail araw-araw. Masyado siyang naging kampante na walang anomang mangyayari sa kapatid na iniwan niya sa Pilipinas. Pero ano 'to?

Ayon sa e-mail na ipinadala sa kanya ni Jan Marie, nagpakasal ang kapatid niya kay Maxwell Quintanar! Agad niyang dinampot ang cellphone at tumawag sa immediate supervisor niya. Kailangan niyang makauwi ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.

***

Salamat sa maayos na performance niya sa trabaho, pinayagan siyang umuwi ng Pilipinas. Dalawang araw lang ang ibinigay sa kanya ng J.G. and Kale. Becca grabbed the opportunity without much thought. Puwede naman niyang tawagan ang kapatid pero kailangan nilang mag-usap nang harapan. Kukunin din niyang pagkakataon iyon para tingnan kung ano ang kailangang gawin para maproseso ang paglilipat kay Regina sa Bangkok.

May nakausap na siyang ospital na malapit sa apartment niya. Tinulungan siya ni Orly sa pag-i-inquire. Ang kailangan na lang ay maayos niya ang mga bagay sa Pilipinas para mailipat si Regina. Hindi pa man sa ngayon dahil wala pa siyang sapat na pondo, pero mas mabuti na 'yong alam na niya kung ano ang gagawin kung sakali.

Pasado alas nuwebe ng gabi nang tumigil ang taxi na sinasakyan ni Becca sa tapat ng bahay nila. Hindi siya kaagad nakakilos habang nakatayo sa tapat ng gate. Memories of the old days went past her head. At parang naririnig niya ang boses ng namayapang ama, wini-welcome siya sa pag-uwi niya kagaya ng salubong nito sa kanya lagi noon pagdating niya galing sa eskuwela.

Ipinilig niya ang ulo, tahimik na pinagalitan ang sarili. She checked before coming here. Ang akala niya ay nakalipat na sina Jan Marie sa bahay na kinuha niya. Hindi niya alam ang buong detalye pero kaya siguro hindi natuloy ang paglipat ng kapatid ay dahil sa kasal na ito kay Maxwell Quintanar. Bakit magtitiis ang maybahay ng isang Quintanar sa isang maliit tirahan, aber? Money is not something the Quintanar's lack.

Dalawang maliit na luggage ang dala niya dahil ilang araw lang naman siya sa bansa. The other contains her personal things. And isang bagahe naman niya ay puro pasalubong sa kapatid ang laman. Ganoon pa man, tinamad siyang bitbitin 'yon papasok. Gawa ng pagod, iniwan niya ang bagahe sa foyer. Hindi naman 'yon mawawala.

Makikisuyo na lang siya kay Menchu para tulungan siyang ipasok 'yon. Siguro naman ay kasama pa rin ni Jan Marie si Menchu. Na-lay off ang lahat ng katulong nila sa bahay pero pinili ni Menchu na manilbihan sa pamilya nila. She must remember to reward Menchu for her loyalty. There must be something in her luggage the woman would like, she hoped.

Wala siyang nakasalubong na tao kahit nang makapasok siya sa bahay. From the wide living room, she made her way to the kitchen. Sa ganitong oras, posibleng naroon ang kapatid niya at si Menchu. 'Yon eh kung nakauwi na si Jan Marie galing sa eskuwela. At hindi siya nagkamali. Two sets of voices drifted to her ears as she neared the kitchen.

Nadatnan niyang nakatalikod sa direksyon ng pinto sina Jan Marie at Menchu at nag-uusap. Crossing her arms, she leaned one shoulder on the door frame.

"Nandito lang pala kayo."

Sabay na napalingon ang dalawang babae. Nanlaki ang mga mata ni Jan.

"Ate!"

"G-Good evening, Ma'am Becca."

Isang mahinang tango ang isinagot ni Becca kay Menchu.

"Ipasok mo sa kuwarto ang mga luggage ko, Menchu. Iniwan ko sila sa foyer."

"Yes, Ma'am."

"Kamusta, kapatid? Mukhang hiyang ka sa buhay may-asawa ah," Becca said with a smirk.

"A-Ate. Nabasa mo na ang e-mail ko?"

"Kaya nga ako napasugod ng uwi. God! What have you been thinking, Jan Marie?"

"What have I been thinking?" hindi makapaniwalang tanong ni Jan Marie sa kapatid, "I have to save Mom!"

"I told you to wait, damn it! Isang buwan lang, Jan! O baka naman interesado ka lang talaga kay Maxwell that's why you grabbed the opportunity? Ginawa mo lang na excuse si Mommy." She doesn't mean, but it came ugly off her mouth.

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ng kapatid.

"Wow! Ako pa talaga ang pag-iisipan mo ng ganyan, Ate?"

"Bakit, hindi ba? Nag-iwan ako ng promisory note sa 'yo. Hindi mo man lang ginamit?"

"Ipinaliwanag ko sa 'yo sa e-mail ko lahat, Ate! Lahat nakadetalye. Ultimo takot ko naisulat ko doon! Somehow, I was hoping for you to save me dahil ikaw ang nakakatanda. Gusto kong magtiwala sa mga sinabi mo pero ano ang magagawa ko? Hindi na makakapaghintay ang bayarin sa ospital! Kung hindi natin nagastos ang pera sa gulong pinasok mo, the money could have been enough!"

"So kasalanan ko na naman?!" tumaas na ang boses ni Becca.

Alam niyang guilt ang mas nagtulak sa kanya para sabihin 'yon. Pero hindi niya kailanman intensyon na saktan si Jan Marie sa pamamagitan ng salita niya. She's being unfair. Pero ewan ba niya, ugali na nga siguro niya ang saktan ang damdamin ng kapatid. Old habits die hard, wika nga.

"Oo! Kung hindi ka pumatol sa babaeng 'yon, hindi nabawasan ang pera natin! Hindi sana ako pumatol sa alok ng mga Quintanar. I basically sold myself just to keep this family afloat!"

What made it hurt was the amount of truth in her sister's words. Hindi na napigilan ni Jan ang mapahagulgol. Sa pagkakakilala niya sa kapatid, alam ni Becca na wala itong balak isisi kahit kanino ang naging desisyon nito. Hindi lang napigilan ni Jan Marie ang ang sama ng loob. Napalunok siya, umaahon ang paghihimagsik sa isang bahagi ng dibdib.

"Don't talk like you're the only one who made sacrifices for this family! You have no idea kung ano ang nagawa ko para sa 'yo, para kay Mommy!" ganti ni Becca. "At hindi ako makakapayag na pagkatapos ng mga sakripisyong ginawa ko ay mapapariwara ka lang. God! Jan Marie! Hindi ko ipinainan ang sarili ko sa mga manliligaw mong sinungaling to let you end up like this!"

"A-Ate..."

Humugot ng malalim na hininga si Becca, pigil ang panunubig ng mga mata. Hindi ngayon. It is not the right time and place to cry, to break down. Later. She promised herself later.

"I may not be the best sister but I only want what's best for you. You don't know shit about the world, Jan." Lumungkot ang mga mata niya sa pagkakatingin sa kapatid. "Stop this nonsense ngayon din. Kung hindi, ako mismo ang magsasabi kay Max ng totoo."

"What's happening here?"

"M-Max..."

Maxwell Quintanar walked past Becca.

"Nagtatalo na naman ba kayo?" Lumapit si Maxwell kay Jan Marie at inakbayan nito ang kapatid niya. "Welcome back, Becca. Mabuti naman at naisipan mong silipin kung buhay pa 'tong kapatid mo."

Hindi siya tanga para hindi marinig ang nakatagong sarcasm sa tono ni Maxwell.

"Of course. Nandito ako para matigil na ang kalokohan ng kapatid ko. Thank you for taking care of my family but it ends here. Ibabalik ko sa inyo kung magkano man ang nagastos n'yo kay Mommy."

"Ate..."

Inirapan ni Becca ang kapatid. "Shut up, Jan Marie."

"Hindi ko yata maintindihan ang pinagsasabi mo, Becca. Especially about the money."

"I'm sorry, Maxwell. Pero peke ang kasal n'yo ng kapatid ko, hindi kayo totoong mag-asawa. In fact, ni hindi mo nga siya girlfriend. She only did that to save our mother and this house."

Jan closed her eyes. Laglag ang balikat nito, wala sa loob na napasandal sa katabing si Maxwell. Hindi rin nakaligtas sa matalas na mata ni Becca ang mahinang pagpisil ng lalaki sa balikat ng kapatid niya. A thought flitted in her head. Posible kaya? Pero kaagad rin niyang pinasubalian 'yon. Mas sigurado siyang may hidden agenda itong si Maxwell sa kapatid niya. Kung ano man 'yon ay hindi makabubuti para sa kapatid niya.

"Paano mo naman nasabing hindi kami totoong mag-asawa? Wala ka doon nang ikasal kami ni Jan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance