Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Blood is Thicker Than Water

Napansin ni Becca ang pandidilat ng mga mata ni Jan Marie sa narinig mula sa lalaki. Kahit pati siya ay halos hindi makapaniwalang tama ba ang dinig niya dito. Pero dahil kilala niya ang likaw ng bituka ni Maxwell, hindi siya ganoon kadaling nauto.

"She told me bago pa man kayo ikasal. Plano ng Lolo mo na 'wag ipa-register sa Civil Registrar ang kasal n'yo dahil nagpapanggap lang naman si Jan."

Napapalatak si Maxwell. Hinapit nito sa tagiliran si Jan Marie na parang hindi pa nakaka-recover sa shock nito. Parang balewala sa lalaki ang nalaman. At kung makahawak si Maxwell sa kapatid niya, aakalain mong takot itong mawala si Jan Marie. Lihim na napaismid si Becca. Magaling din umarte itong Quintanar na 'to.

"Rehistrado na. I made sure of that."

Si Becca naman niya ngayon ang nagulat. "I-Ibig bang sabihin nito, alam mong magkasabwat ang Lolo mo at si Jan?"

Tumango si Maxwell.

"K-Kailan pa?" tanong ni Jan Marie.

Maxwell smiled down at Becca's sister. Ano'ng drama ng lalaking ito at kung umasta ay akala mo in love sa kapatid niya?

"Naalala mo noong binisita ako ni Lolo? May dala siyang documents tungkol sa trabaho na nangangailangan ng pirma ko. Hindi sinasadyang nasama sa mga papel na 'yon ang marriage contract natin nang ilabas niya sa satchel. Kaya 'yon, huli."

"H-Hindi ka galit?" paniniyak ni Jan Marie.

"Nope. Pero mamaya na natin pag-usapan 'yan, gutom na ako eh." Tinapunan ng tingin ni Maxwell si Becca. "And whatever you say, we will remain married. Jan Marie is my wife now whether you like it or not."

Imbes na mapanatag ay naningkit ang mga mata ni Becca. Nakakaamoy talaga siya ng malansa sa intensyon ni Maxwell Quintanar. She has seen a lot of men like him. And she'll be damned if she lets him take advantage of her sister's naivete. Jan Marie may be a legal adult but she is far too sheltered and inexperienced with the ways of the world.

"Ano'ng binabalak mo sa kapatid ko, Maxwell? Hindi ako naniniwalang basta mo na lang palalampasin ang panlolokong ginawa ni Jan at ng Lolo mo unless you're hatching some plan."

"You wound me, Becca. True, I may not be in love with your sister but I like her. Naniniwala akong eventually ay matututunan ko siyang mahalin. Pera man ang dahilan kung bakit niya ako pinakasalan, I'll make sure na makikita niyang there is more to the man behind the name and reputation, enough to fall in love with me in return."

"Rubbish! Hindi siya ang tipo ng babaeng magugustuhan mo, Maxwell. So cut the crap. Let my sister go and let her live her life. She's too young to be caught up in this sham."

"Tell me, Becca, ano ba ang gusto ko sa babae? Mukhang alam na alam mo eh, i-remind mo nga sa akin baka nakalimutan ko lang," hamon ni Maxwell.

"Of course I know the type of women you usually go for! Sa haba ng mga pumipila sa 'yo, iisa lang ang uri nila. Sophisticated, strong and career-oriented women. Mga babaeng hindi takot na i-pursue ang gusto nila."

"Tsk. Sa description mo, isa ka na doon. Pero umubra ka ba sa akin, Becca? Sa dami n'yong pumipila---your word---hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit ni isa walang nagtagumpay na masilo ako?"

Natigilan si Becca. "Oh. Of course it must be because you're too picky."

"Wrong." Lalong hinapit ni Maxwell si Jan Marie palapit sa katawan nito. Hinalikan pa nito ang buhok ng kaaptid niya. "Because this right here, is the woman of my dreams. Beautiful, strong at gagawin lahat para sa mga mahal niya. A woman who does not care about her looks but looks beautiful just the same because of her equally beautiful heart."

"M-Max, hindi ba gutom ka na? Ihahanda ko na ang dinner," pag-iiba ni Jan Marie sa usapan. Becca knew her sister was uncomfortable.

"Good, may maitutulong ba ako?"

"N-No." Tiningnan si Becca ng kapatid, "sasaluhan mo ba kami, Ate?"

"Hindi na. Kumain na ako. Pero kailangan pa rin kitang makausap bago ako umalis uli. Pagkatapos mong kumain ay puntahan mo ako sa poolside."

"Sige."

Matapos ang dinner ay sinadya siya ni Jan Marie sa poolside gaya ng napagkasunduan nila kanina. Habang hinihintay niya ang kapatid ay nag-isip isip si Becca. Sa huli ay nagdesisyon siyang mag-swimming. Baka sakali ay kumalma ang isipan niya. She was swimming laps back and forth nang dumating si Jan Marie. Matiyaga itong naghintay na umahon siya, inokupa ang isang lounging chair.

Her body dripping with water, she padded towards her sister. Dinampot niya ang tuwalyang iniwan sa katabing upuan na kinauupuan ni Jan. Isang mabilisang kuskos sa buhok ang ginawa niya.

"Bukas ay aalis na naman ako. Dadaan muna ako kay Mommy. I heard inilipat n'yo s'ya ng room?" Rebecca dried herself and put on her robe. Umupo siya katapat ni Jan sa lounging chair.

"Oo. Mas komportable ang room niya ngayon," sabi ni Jan Marie.

"Jan, can't you reconsider? Kaya ko nang tustusan ang pangangailann n'yo ni Mommy."

"I made a deal with them, Ate."

"Eh di bayaran natin sila sa lahat ng ginastos, problema ba 'yon? Get out of that marriage habang maaga pa. Baka pagsisihan mo lang eventually, Maxwell doesn't love you. Gusto mo ba talagang makulong sa isang loveless marriage?"

Napayuko si Jan Marie. Sa ginawang 'yon ng kapatid ay humigpit ang dibdib ni Becca. May mali. Pero hindi niya matukoy kung ano. Ganoon pa man, hindi siya kailanman binigo ng instincts niya. 'Pag may naramdaman siyang mali, malamang sa malamang ay mayroon nga.

Pero ano pa ba ang puwede niyang sabihin para makumbinsi ang kapatid? Kung mayroon man itong pagkakatulad sa kanya, iyon ay ang katigasan ng ulo. And a few seconds of watching her sister, a conclusion dawned on Becca. Napasinghap siya sa pagkabigla. Becca felt scared. The fear was so sharp her hand shook.

"Don't tell me...oh my god! How stupid can you get, Jan Marie? Masasaktan ka lang! Maxwell is a player of another level."

"I know. Pero ano'ng magagawa ko? I'm falling for him, Ate."

"Kaya nga dapat ngayon pa lang umiwas ka na! Bago pa magkaroon ng sanga 'yang tumutubo pa lang na feelings mo kay Maxwell. Please, Jan? I can take you with me if you want, pati si Mommy."

"Saan ka naman kumuha ng pera?"

Becca avoided her eyes. Not yet.

"Don't ask me because I can't tell you. Just know na hindi na tayo maghihirap."

"Ate? What have you done?"

Becca smiled. Sana hindi maramdaman ng kapatid niya na pilit 'yon. She wasn't too proud of what she did that lead her into this. Oo, masasabi niyang nasa maayos na siya ngayon. Pero pasasaan ba at magagawa din niyang ipagtapat sa kapatid ang lahat. Hindi lang sa ngayon.

"Don't waste your time worrying about me. Ang problemahin mo, 'yang sarili mo. Ano? Bukas na bukas din isasama na kita."

"Ayoko."

"Times like this makes me wish you're not a legal adult yet. Para pwede pa kitang kaladkarin at sapilitang ilayo."

Natawa si Jan Marie. It was the kind of laugh that added to the weight in Becca's chest. Tunog-masaya ang tawa ng kapatid niya. At nagi-guilty siya dahil hindi niya magawang maging totoong masaya para dito. Paano nga naman niya magagawa 'yon ganoong alam niyang siguradong paiiyakin lang din ito ni Maxwell? Pero matapang ang kapatid niya, at higit sa lahat ay hindi na bata. Kaya na nitong magdesisyon para sa sarili. Wala na siyang magagawa.

"I'd like to see you try."

Becca sighed in resignation. Hindi niya napigilan ang sariling abutin ang ibabaw ng ulo nito at guluhin ang buhok ng kapatid. Madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung ipakita ni Becca ang concern kay Jan Marie. But Becca was somehow hoping that Jan Marie knows that she loves her sister in her own way.

"You can call me anytime kahit malayo ako. Hindi ko na sasabihin sa 'yo kung saan ako pupunta pero sisiguruhin kong mako-contact mo na ako kahit na ano'ng oras."

"Sige."

Literal niyang naramdaman ang paninigas ng kapatid nang hilahin niya ito sa braso para yakapi ni Becca. Ganoon pa man, ginantihan ni Jan Marie ang yakap niya. And oddly enough, it was enough for Becca. Kahit walang namagitang salita sa kanilang dalawa, naipaabot ni Becca ang mga gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng yakap na 'yon. They have each other no matter how many shits the world hurls at them.

***

Kagaya ng sinabi niya sa kapatid, dumaan muna siya sa ospital kung saan naka-confine si Regina. Ayon sa attending physician nito ay malaki ang naging improvement ni Regina bagamat nananatili itong walang malay. And for Becca, that is already good news. Habang naroon siya, inayos na rin niya ang mga kailangan para sa future transfer ni Regina sa Thailand.

Gustuhin man niyang ilipat kaagad sa lalong madaling panahon si Regina, hindi niya magawa. Kailangan daw muna nilang obserbahan si Regina para masigurong walang maging problema sa mangyayaring transfer. Mas mabuti na ang nag-iingat. Kapag patuloy na nagpakita ng improvement at stability si Regina, doon pa lang ito papayagan ng mga doktor nitong bumiyahe sa ibang bansa para makalipat.

Hindi nakipagtalo si Becca tungkol sa bagay na 'yon. Sang-ayon din naman siya sa mga sinabi at payo ng mga ekspertong tumitingin sa ina. She had nothing but her mother's best interest at heart so she listened. Naniniwala rin naman siyang magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kondisyon ng ina ngayong provided na ang lahat ng pangangailangan nito.

As much as she resented Maxwell, she couldn't help but be thankful for their money. Which reminds her, Jan Marie mentioned it was the old man who made it possible to have Regina transferred to a better room. Ang impluwensya rin ni Maximo Quintanar ang naging daan para makahanap sila ng mga eksperto para kay Regina.

Makalipas ng dalawang araw, sakay na muli ng eroplano si Becca pabalik sa Thailand. Bago siya umalis ay tinawagan na lang niya si Jan Marie. Muli niya itong inalok na sumama na sa kanya sa Thailand pero matigas ang ulo ng kapatid niya. Desidido si Jan Marie na panindigan ang kasal nila ni Maxwell.

If only there were no feelings involved, aniya sa sarili habang tutok ang mga mata sa labas ng bintana ng eroplano. Mahirap talaga kapag kalaban ang sarili. Siya kaya, darating din kaya sa kanya ang pag-ibig na nararanasan ng kapatid niya? Pero mukhang malabo. Sa dami ng pinagdaanan niya, halos lahat na yata ng uri ng tao ay nakilala na niya.

Hindi rin maganda ang reputasyon niya. With that alone, not a single soul would believe that no man has ever made it to her bed. Heck, she herself couldn't believe it. She's no prude, not even a single cell in her body. Sadya lang wala pang lalaking nagkaroon ng kapangyarihan para makalimutan niya ang mga paniniwala niya. Kung paano siya nanatiling ganoon ay hindi rin biro.

She survived a lot of rape attempts. Marami lang talagang salbaheng tao sa mundo na hindi marunong ng salitang paggalang. Nakakalungkot man pero ganoon na nga yata ang reyalidad. Huhusgahan ka ng kapwa mo base sa suot mo, sa mga bagay na wala sa 'yo, sa mga usap-usapang nagpasalin-salin sa hindi na mabilang na bibig at dila, pati na rin sa kung saang pamilya ka nanggaling.

People will never bother to find the truth about you. It's much easier to believe in hearsays because it requires zero to no effort. Most importantly, it sometimes serve their interests best.

"Miss?"

"Huh?" Naputol ang daloy ng isip ni Becca nang mapansing tinatawag ng stewardess ang pansin niya. Takang sinalubong niya ang tingin ng nakangiting babae.

Mula sa tulak-tulak nitong trolley ay may kinuhang itim na box ang babae. Maliit lang 'yon, halos tatatlong pulgada ang lalim at lapad. Saka nito iyon inabot sa kanya. Bagamat nagtataka ay kumilos ang mga kamay ni Becca para tanggapin 'yon. Baka naman kasi kasama 'yon sa binayaran niyang tiket?

"What is this?" Sa wakas ay nagawa niyang itanong. "Is this some kind of dessert you guys forgot to serve earlier?"

The material of the box is far from simple box intended for desserts. Pero kasi wala na siyang maisip na rason kung para saan 'yon, o kung ano ang totoong laman. Kaya kahit alam niyang hindi tugma, sinabi na lang niyang dessert. Saka hindi first class ang tiket niya kundi economy. Pero baka naman kasi ganoon talaga ang level ng economy class ng eroplano ng mga Thai?

Umiling ang stewardess, hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti.

"This is from our boss. We were told you are acquaintances and that he was glad to see you. But he couldn't meet you in person because you're flying out of the country and he has business to attend to. We don't know the details aside from that, ma'am. We were just instructed to pass this box to you."

"Oh." Tuloy ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin. "I am afraid I don't know your boss. This must be a mistake." Tinangka niyang ibalik sa trolley ng stewardess ang nasabing box pero matigas ang naging pag-iling ng babae.

"Please, accept it. He assured us that it is not something that would cause you any harm in whatever form. Consider it as a gift wishing you well. That's all I can say, ma'am. He would have reimbursed you with the airfare since he discovered you're flying with us but decided against it. He settled for a small token instead. "

Duda pa rin siya. Kaya nakaisip siya ng paraan. Pagkatapos ay saka siya magdedesisyon kung tatanggapin ba niya o hindi.

"Can I open this now with you as witness? And I may need you to take me to him so I can thank him personnaly."

"Certainly, ma'am. But I am afraid thanking him in person would be a little difficult."

Kumunot ang noo ni Becca, hindi naituloy ang pagbukas sa kahon.

"Is that another of his order?"

Muling umiling ang stewardess.

"That wouldn't be possible because he's not on board. That box came to us long before we left the airport, along with specific instructions. His secretary personally came to relay the order."

"Is your boss Filipino?"

"No, ma'am. He's of mixed descent—Italian and Thai. He's in your country for some official business."

Wala siyang kilalang negosyanteng puwedeng mag-fit sa description ng stewardess. Puwede kayang acquaintance ng daddy nila? Pero wala siyang maalalang ganoon.

"And his name? You are allowed to say it, right?" Hindi naman siguro kasapi ng Mafia ang sinasabi ng stewardess na boss nito, ano?

"His name is Reth De Luca."

The name still doesn't ring a bell. "Are you certain your boss said we know each other? Because I don't recognize the name."

Lumabas ang biloy ng babae sa kabilang pisngi sa muli nitong pagngiti.

"You can search his name when we land and decide for yourself ma'am."

Iyon lang at iniwan na siya ng stewardess. Naiwan si Becca na takang-taka, tagos-tagusan sa hawak na kahon ang tingin.

Who is this Reth De Luca?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance