Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

A Tempting Offer

Matagal siyang nag-isip kung ano ang pwedeng gawin para magkaroon ng pera. Hindi naman niya pwedeng bawiin ang ATM kay Roman. Habang nag-iisip ay palakad-lakad siya sa buong bahay. Hanggang sa mapatigil siya sa cabinet kung saan naroon ang china ware collections ng Mommy nila.

Napakagat-labi si Becca. May Ming vase din sa library. Authentic 'yon, bahagi ng collection ni Regina. Ayaw man niyang gawin ay kusang kumislap ang isang ideya sa isipan niya. Binuksan niya ang cabinet.

Pagkatapos ay nag-dial siya sa cellphone para sa isang contact. Hindi rin nagtagal ay nagkasundo sila sa presyo. Mismong sa araw na 'yon ay kinuha ng ka-deal niya ang lahat ng China wares na binanggit niya sa kausap. Habang hinahakot ng mga tauhan ng contact niya ang mga gamit ay blangkong nakatingin lang si Becca.

"Hala, ang collection ni Madam!"

Napalingon siya. Nasa likod niya si Menchu, ang kasambahay nila. May hawak itong basahan, nanlalaki ang mga mata. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Bago pa man ito makatakas ay hinablot niya ang braso ng babae.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pwedeng magsumbong kay Jan Marie at hadlangan ang plano ko," aniyang nanlilisik ang mga mata sa pagababanta.

Matangkad siya at mas malaki kay Menchu. Hindi siya nahirapang kaladkarin ito papunta sa laundry room sa likod bahay. Nagbingi-bingihan siya sa pagmamakaawa ng katulong.

"D'yan ka hangga't hindi ko sinasabing puwede kang lumabas," aniya. Siniguro niyang naka-lock ang pinto.

"Ma'am, palabasin n'yo ako dito! Parang awa n'yo na!"

She bit on her lip. Hindi siya malupit sa katulong. Pero sa pagkakataong ito, kailangan niyang gawin 'yon. She cannot let Menchu derail her plans.

I'm sorry, Menchu. Pag-alis nila ay makakalabas ka rin.

And she did let go the teary-eyed Menchu when her contact left. Nasa bulsa na niya ang envelope na puno ng perang pinagbentahan niya sa China wares ni Regina.

Balak niyang ibigay ang kalahati sa kapatid para pambayad sa ospital. Ang kalahati ay gagamitin niya maisakatuparan ang plano tungkol kay Maxwell.

Pagkatapos pakawalan si Menchu ay dumiretso siya sa kuwarto. Iniwan niya sa isang drawer and envelope at nagbihis. Kailangan niyang kumalma at planuhing mabuti ang susunod na hakbang.

In her two piece bikini and sunnies, she lounged at the pool. Kung saan-saan na rin napunta ang isip niya. Lahat ng possibilities at scenarios, she thought of it all.

"Ate!" Boses ni Jan ang narinig niya galing sa loob ng bahay.

She resisted the urge to roll her eyes. Sa tono ng kapatid, siguradong alam na nito ang ginawa niya.

"Yes?"

"Bakit mo ibinenta ang collection ni Mommy?!"

Patamad na bumangon si Rebecca.

"Paabot nga n'yan," turo niya sa bote ng sunscreen na nakapatong sa mesang nasa likod ni Jan.

Padabog na dinampot iyon ng kapatid at inihagis kay Becca.

"Uulitin ko, bakit mo ibinenta ang china wares ni Mommy?"

"Kailangan natin ng pera, 'di ba? Isa pa, aanhin naman naman natin 'yon kung tirik na ang mga mata natin sa gutom?" balewalang sagot ni Becca habang nag-a-apply ng lotion sa binti.

"Kailangan natin o kailangan mo? Ate naman! Wala ka ba talagang pakiramdam? Halos hubad na nga ang bahay natin, lahat naibenta na para ipambayad sa utang ni Daddy. Pero hindi mo dapat ginalaw ang collection ni Mommy! Sa kanya 'yon eh!"

Tumigil si Becca.

"Buhay pa tayo, Jan Marie. Hindi kasalanan na gamitin natin ang lahat ng puwedeng magamit to survive! Kung nandito si Mommy ngayon, tingin mo hindi niya pakakawalan ang china collections niya para mabuhay tayo? Think! Mom would do the same thing."

"Kahit na!" Napapadyak na si Jan Marie. "Dapat hinintay natin siya para siya ang magdesisyon sa bagay na 'yan."

Umiling si Becca, patuloy pa rin sa paglo-lotion.

"Matalino ka pero hindi mo ginagamit ang utak mo. Mag-aral ka na lang, 'wag mo akong pakialaman sa diskarte ko. Ibibigay ko sa 'yo ang kalahati, itabi mo 'yon para may dagdag kang panggastos. Sapat na 'yon para tustusan ang pag-aaral mo buong taon. Ang gastusin sa ospital, gagawan ko na lang ng paraan. Maghahanap na rin ako ng malilipatan natin, magtiis ka muna."

"Ate..."

Tapos nang mag-lotion si Becca. Nahiga uli siya.

"Kung wala ka nang sasabihin, lumayas ka na sa harapan ko. You're blocking my sun."

"Miss Jan, may bisita po kayo," anunsyo ni Menchu.

Hindi sinasadyang napalingon rin si Becca. Lumitaw sa likuran ni Menchu si Maxwell. Naka-beige shorts ito, brown loafers on his feet and untucked blue gingham button down shirt. Kung laid back ang attire ng binata, kabaliktaran ang mukha nito.

Napansin niya binti nitong nangingitim ang na pasa na naroon. Umangat ang kilay niya. Sino'ng malakas ang loob na tumadyak sa aroganteng si Maxwell Quintanar? Parang gusto niyang i-congratulate. Maywell may be rich but he is an asshole.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," sabi ni Max, "I want you out of my property immediately."

"Max!" Napabangon si Becca.

Malapad ang ngiti niyang tumayo at sinalubong ang lalaki. Parang wala lang siyang narinig. Kahit ang totoo ay gustong-gusto niyang kalmutin sa mukha ang lalaki. Kailangan niyang magpanggap.

"Hindi ka man lang tumawag, sana nakapaghanda kami."

Max sidestepped and avoided her. Saglit na nawala ang ngiti ni Becca pero agad ring nakabawi.

"Uhm...we've been looking for a new place to stay. Pwede bang dito muna kami hangga't wala pa kaming nalilipatan?"

"No. Dito na ako titira, hindi ako komportableng may ibang tao sa pamamahay ko. I'll give you until tomorrow."

"B-But may bahay ka naman. Bakit dito?" hindi nakatiis na tanong ni Jan Marie.

"Hindi ko obligasyong magpaliwanag."

"Baka pwedeng---" hirit ni Becca

"Good day, ladies."

Iyon lang at tinalikuran na sila nito. Wala siyang nagawa kundi sundan ng matalim na tingin ang lalaki.

Someday, Maxwell. I'll make you pay for that. Nagngingitngit na sinundan ni Becca ng tingin ang papalayong likod ng binata.

***

KINAUMAGAHAN ay maaga siyang umalis. Kailangan na kasi niyang mag-report sa trabaho. Hindi na niya hinintay na magising ang kapatid. Iniwan niya sa vanity table nito ang isang sobre na naglalaman kulang-kulang kalahating milyon.

Extensive ang collection ng Mommy nila, hindi na nakapagtataka kung ganoon kalaki ang napagbentahan. Kasama na rin kasi doon sa mga ibinenta niya ang Ming vase sa library.Pagdating niya sa building nila ay mabilis siyang nagpark. Bitbit ang bag ay dumiretso siya sa floor nila.

When life gives you lemons, make a lemonade. Rebecca scoffed at the sign she passed by on her way to her cubicle. It must be something the HR put up to cheer the employees. Sana all kayang gumawa ng lemonade sa isang kisap-mata.

Kaya lang sa kaso niya, tone-toneladang lemons ang ibinagsak sa buhay niya. And she's near breaking point. Kaunting tulak na lang ay bibigay na siya. Inakala niyang kaya na niyang magtrabaho pero hindi pala. Magulo pa rin ang isip ni Becca. Hindi iilang beses siyang nagkamali sa ginagawa.

Mabuti na lang at katatapos lang ng latest project nila kaya wala siyang naka-pending na gawain sa opisina. Pagdating ng lunch time ay lulugo-lugo siyang pumila canteen.

Ni hindi niya pansin ang mga tinging ibinabato sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho. Maging ang mga lalaking dati rati'y nakapalibot sa kanya tuwing tanghalian ay nakakapagtakang wala man lang lumapit ni isa.

"Bilib naman talaga ako sa kapal ng mukha. Nakuha pa niyang pumasok pagkatapos ng eskandalong kinasangkutan niya ano?"

"Shhh...baka marinig ka. Kahit ano'ng sabihin mo, wala tayong magagawa. Paborito siya ni VP. Baka gusto mong masipa?"

"Siguradong inakit niya rin si VP kaya malakas siya doon."

"Tsk. Kawawa naman ang girlfriend ni VP. Ikaw ba naman magkaroon ng boyfriend na ibang babae pa ang kinampihan."

She ignored the whispers. Sanay na siya. Inasahan na niyang mangyayari 'yon pagkatapos ng nangyari noong nakaraang Biyernes.

Nahuli sila ni ng girlfriend ni Joaquin Altares, VP for Operations ng kompanya nila, na magkasama sa roof top ng building nila nitong nakaraang linggo bago namatay ang Daddy niya. She must admit, it was a clandestine meeting.

Pero wala silang ginagawang masama. Wala ring nakakaalam sa kompanya nila na malapit sila ni Joaquin dahil minsan silang naging magkaklase ng lalaki noong elementary.  Iyon ay bago ito tumulak papuntang London para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral. They met for a lot of reasons, and most of them is confidential. Sinusubukan niya kung makukumbinsi niya si Joaquin na mag-invest sa Pleides.

Kapatid na rin ang turing niya kay Joaquin, at ganoon din ang lalaki sa kanya. Kaya lang, walang naniniwalang platonic ang relasyon nilang dalawa. Una, wala siyang obligasyong magpaliwanag kahit kanino. And Joaquin is having second thoughts about his relationship especially with the way his girlfriend behaves towards Becca.

Wala nang pwedeng sabihin ang ibang tao na kayang manakit sa damdamin ni Becca. She heard it all, in different versions. Sanay na siya. Sanay na sanay na. At sa dami ng gumugulo sa isip niya ngayon, wala siyang energy para magbigay ng pakialam sa opinyon ng iba.

Imbes na intindihin ang mga pahaging na naririnig niya ay kampanteng kumuha ng tray si Becca. Hinayaan niyang tumingin nang tumingin ang lahat hangga't gusto nila. Balewalang itinuro niya sa server ang lahat ng order. Pagkatapos ay pumili siya ng mesang malapit sa may bintanang salamin.

Sinadya niyang doon pumuwesto para makapag-isip. Habang pinagmamasdan niya ang pagdaan ng iba't ibang sasakyan sa ibaba ay abala ang isip niya. Iisa lang ang solusyon sa problemang kinakaharap niya ngayon; pera. At 'yon ang wala sa kanya.

Hindi siya nakapag-ipon sa totoo lang. Kasi paano naman siya makakapag-ipon, limang bibig ang umaasa sa kanya? Naging instant nanay siya sa limang kabataang hindi niya matiis.

Iniisip pa lang niya na kumakalam ang sikmura nina Julienne, Carlito, Roman, Maianah at Santi ay hindi na siya makatulog. Hindi maalis sa isipan niya ang mga humpak na pisngi at yayat na katawan ng mga bata.

Nagulat na lang siya nang biglang may umupo sa harapan niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang si Nanette pala 'yon, kapwa Interior Designer niya na kabilang naman sa ibang team.

Hindi niya mapigilang magtaas ng kilay. Hindi sila close ng babae. Kung mag-usap man sila ay laging tungkol sa trabaho. Pero isa si Nanette sa mga piling tao sa kompanya na hindi niya kinakitaan ng mga tinging mapanghusga. Kaya itinikom niya ang bibig at hinintay ang babae na kusang magsabi kung ano ang sadya nito.

"Pwedeng maupo?"

"Nakaupo ka na."

Ngumisi si Nanette. "Sabi ko nga. Problema?" tanong nito saka sumubo ng pagkain.

"Paano mo naman nasabing may problema ako?" kaila ni Becca.

Noon niya naalalang hindi pa pala niya nagagalaw ang inorder na pagkain. Nagsimula siyang sumubo. Lasang abo. Muntik na niyang mailuwa ang pagkain kung hindi lang siya nahiya sa kaharap. Pero hindi nakatakas sa matalas na paningin ni Nanette ang pasimpleng pagngiwi niya.

"Hindi pa ba obvious na may problema ka dahil sa kawalan mo ng ganang kumain? Kanina pa kita tinitingnan. Mauunahan ka na ng langaw sa lunch mo, hindi mo pa rin nagagalaw."

"Natural lang na wala akong ganang kumain. Kamamatay lang ng Daddy ko, wala pa akong tulog," sabi niya.

Natigilan si Nanette. Lumamlam ang kanina ay nakangiting mga mata nito.

"Condolence. Pero bakit ka pa pumasok? Dapat nag-file ka na ng leave."

Umiling siya. "Kung maibabalik ng pagpa-file ng leave ang buhay ni Daddy, ginawa ko na."

"Kung sabagay. Each and everyone of us has our own ways of grieving and coping."

"Ano ba talaga ang sadya mo?" diretsahang tanong niya. Wala siyang pasensya sa mga paikot-ikot na usapan.

"Wala naman. Naisip ko lang baka may maitulong ako. I don't normally lend a helping hand to people, if you must know. Hindi rin tayo magkaibigan."

"Kaya nga nakakapagtaka kung bakit nandito ka ngayon," sabi ni Becca.

"That's a given. Hindi tayo close. But I like you. Hindi ka plastic. Kumpara sa mga 'yan," turo ni Nanette sa mesa ng mga babaeng nakapila kanina sa likuran ni Becca. Sila rin ang mga babaeng hantaran kung pagtsismisan siya.

Pinrangka niya si Nanette. "Salamat sa alok na tulong pero sa tingin ko hindi mo ako matutulungan. Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan mo. It's just that—"

"You need a money. Malaking halaga," putol ni Nanette.

Kumunot ang noo ni Becca. "Paano mo nalaman?"

Ngumiti si Nanette. Sumandal ang babae sa upuan, iginala ang mga mata sa paligid. Mayamaya ay dumukwang ito para mapalapit sa kanya.

Mababa ang boses ni Nanette nang magsalita, para bang nag-iingat na walang makarinig na ibang tao sa pinag-uusapan nila.

"Kilala kita. Lubog na ang kabuhayan n'yo. You have a sickly mother and a sister who depends on you. Natural pera ang problema mo."

Isa-isang nagsitunugan ang alarm ni Becca sa isip.

"Pinaimbestigahan mo ako?"

"Hindi. May kaibigan ako sa social circle na ginagalawan mo. And you are famous, dear. To be honest, I find you fascinating." Kinindatan pa siya ng babae.

"Sabihin na nating alam mo ang background ko. Ganoon pa man, hindi mo ako matutulungan. I don't see any point in this conversation."

Desidido na sana siyang iwan ang hindi nagagalaw na pagkain pero naunahan siya ni Nanette.

"Three million."

Natigilan si Becca. "Ano?"

"Tatlong milyon," ulit ni Nanette. "Para sa tatlong buwan mong pagsama sa isang kliyente. Wala kang gagawin kundi samahan siya sa bakasyon niya."

Naningkit ang mga mata ni Becca. Hindi man nag-elaborate si Nanette ay alam na niya ang ibig sabihin ng babae.

"Hindi ako ganyang klase ng babae!" mariing sambit niya, namumula ang mukha.

Saglit niyang inilibot ang mga mata, baka may makasahod sa usapan nila ni Nanette. She doesn't want another rumor to attach itself to her name. Kahit sabihin pang wala siyang pakialam, umaabot din siya sa puntong nakakapagod.

"Come on, Becca. Walang mawawala sa 'yo. It's a simple escort service. At ibahin mo 'to, may kontrata kayong pipirmahan ng kliyente. 'Pag may violation, ang kompanya mismo ang magdedemanda sa kliyente in your behalf."

Naglabas ng calling card si Nanette. Kulay maroon 'yon at gold ang kulay ng mga letrang nakalimbag. Fantasia. 'Yon ang nakasulat sa gitna ng card. Sa ilalim ay ang pangalang Rafa Brilliantes, Talent Manager. May dalawang contact numbers sa ilalim.

"Hindi ito pipitsugin, legit ang operations namin. Isa pa, karamihan sa kliyente namin ay malalaking tao. Mahihiya silang gumawa ng kabaluktutan dahil mabubunyag sa madla," dagdag pa ni Nanette.

"Kasali ka rin dito?" manghang tanong niya.

Ngumiti si Nanette. Inangat nito ang kamay. Her bracelet caught the light of the sun. Kumislap 'yon nang igalaw ng babae ang braso.

"How can I afford items such as this?"

Chanel bracelet. Six figures ang halaga ng isa noon. Hindi sapat ang sinusuweldo ng isang Interior Designer para maka-afford ng ganoon.

Bumaba ang tingin niya sa damit ng babae. Pulang Dior wrap-around dress naman ang suot nito. Malabong peke ang damit dahil alam niya ang pagkakaiba ng imitation sa branded. Ngayon lang niya napansin na kahit ang hikaw ni Nanette maging ang kuwintas ay designer brands lahat.

"Kung walang monkey business, bakit ang laki ng ibinabayad sa inyo?"

Duda pa rin siya. Pero hindi niya itatangging nakakatukso ang alok ni Nanette.

"Connections, darling. Our company provides certain connections na kailangan ng mga kliyente. Halimbawa, si Client A ay gustong makipag-cooperate sa isang kilalang international player. Ang Fantasia ang nag-a-arrange ng meeting between two parties." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance