Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXII

A/N: I'm sick so the update was delayed. I'm currently in bed rest.

✏✏✏✏✏✏

MATAGAL nang nawala sa paningin niya sa Maxwell pero hindi pa rin siya nakaaalis sa kinatatayuan. Nang walang lingon-likod na umalis ang lalaki ay idinalangin niyang lingunin man lang siya nito. Kahit isang beses lang. Paulit-ulit niyang ibinulong sa hangin ang hiling pero hindi siya pinagbigyan ng pagkakataon.

Ngayon pa lang ay nami-missed na niya ang lalaki. Ipinilig niya ang ulo, kung ano-ano na naman ang nakikita niya. The first six months na umalis siya sa Pilipinas ay hindi iilang beses na nangyari sa kanya 'yon. Lahat ng may similarity kay Maxwell ay napagkakamalan niya. At itong lalaking palabas ng gate na pinasukan kanina ni Maxwell ay isa na naman sa hallucination na 'yon.

"Jan," hinihingal na sambit ng lalaki nang tumigil sa tapat niya.

Saglit siyang natulala. Bakit pati boses ay halos pareho? Nag-level up na ba ang hallucinations niya?

"May hindi pa ako nasasabi sa 'yo na dapat matagal ko nang sinabi," muling nagsalita ang lalaking kamukha ni Maxwell.

"Maxwell?" parang tangang tanong niya.

Kumunot ang noo nito. Pinadaanan nito ng palad ang mga mata niya. "Are you alright?"

"Is that really you?" ulit niya.

"Yes, it's me."

Noon lang siya nahimasmasan. Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ang lalaki, naninigurong totoo nga ang nakikita niya. "B-Bakit nandito ka? Paalis ang eroplano mo!"

Umiling si Maxwell. "Hindi ka nakikinig. I have something to tell you."

"Bakit kailangan mo pang bumalik? Pwede mo namang i-text o kaya i-email sa akin."

"Because you'd likely to dismiss it as a joke otherwise."

Ayan na naman ang mga pitik sa dibdib niya. Wala sa loob na napahawak siya doon. "What?"

Maxwell put his hands on the sides of her face. Diretso ang tingin nito sa mga mata niya nang muling magsalita. "I love you."

Pakiramdam niya ay kasama siyang nasabugan sa Chernobyl nuclear power plant sa Ukraine sa narinig. Sandaling hindi nag-function nang maayos ang five senses niya sa pagkabigla. Words failed her, mouth opening and closing like a dying fish. Ramdam niya ang pananayo ng balahibo sa katawan.

He dropped his hands. "I know hindi kapani-paniwala pero totoong mahal kita. Ang tanga ko lang kasi huli na nang ma-realized kong pagmamahal pala ang dahilan kung bakit halos mag-ulol ako sa galit noon. Sinundan kita sa Phuket dahil deep inside ayokong mawala ka. And I guess love was also the reason why I decided to let you go thinking mas liligaya ka kay Sebastian."

"M-Max..."

"I love you, Jan Marie. Hindi ko ito sinasabi dahil desperado akong mabawi ka kundi dahil ito ang totoo. Alam ko nang hindi mo na ako mamahalin gaya ng dati. But you should know that I love you then and I love you still."

"Bumalik ka lang para sabihin 'yan?"

"Kung hindi ko sasabihin ngayon, kailan ako magkakaroon ng pagkakataon?" Umiling si Maxwell. "Pag ikinasal na kayo ni Reth, lalong hindi ko na pwedeng sabihin. Habang-buhay akong hindi matatahimik."

Walang kami ni Kuya Reth. Ngayon lang niya pinakawalang ang pinipigilang paghinga. Punong-puno ang dibdib niya pero hindi niya hinayaang talunin siya ng emosyong 'yon. Kailangan muna niyang makasiguro.

"Paano ka nakakasigurong mahal mo nga ako?"

Lumalam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Dahil nararamdaman ko dito," kinuha nito ang kamay niya at itinapat sa bandang puso, "this used to be empty. Now it's full because you're here."

"What about Yvonne?" Hindi niya napigilang itanong. Naikuwento sa kanya ni Basti ang tungkol sa babae. Para itong aninong hindi humihiwalay kay Maxwell.

"We have never gotten back together. True, she's been my constant companion all these years. Pero hindi kami nagkabalikan. Gusto niya but a part of me doesn't want to. Hindi na lumagpas sa pagkakaibigan ang naging relasyon namin."

"Totoo?"

"Yes." He tucked a stray strand of her behind her ear. "How can I look at other women when my mind was filled with your memories? You got me real bad, woman."

Halatang hindi nito alam ang gagawin sa kamay. Sa huli ay isinuksok nito sa magkabilang bulsa ang kamay na parang hindi mapirmi sa tagiliran nito.

Unti-unting umangat ang sulok ng labi niya. Pigilan man niya ay hindi niya magawa. Kusang nabuo ang isang ngiti. She saw her smile reflected in his eyes. Hindi na niya kayang magkunwari.

"Ang ibig bang sabihin ng ngiting 'yan, naniniwala kang mahal kita?" tanong ni Maxwell, nag-aalangan ang ngiti.

Tumango siya. Napakagat ito sa pang-ibabang labi na parang nagpipigil na lumapad ang ngiti. He looked down on his shoes, a silly smile on his face. Nagulat na lang siya nang biglang mapasuntok ang lalaki sa hangin.

"Yes!"

Nahawa na rin siya sa sayang nakikita sa lalaki. "Ay, over naman maka-react 'to."

"Mababaw lang ang kaligayahan ko. Sapat na 'yong alam kong naniniwala ka."

Tinaasan niya ng kilay si Maxwell. "Para 'yan lang, ganyan ka na kung umarte. Paano pa kaya kung sabihin kong hindi totoong boyfriend ko si Kuya Reth?"

Literal niyang nasaksihan ang pagpapalit ng kulay ng mukha ng lalaki. Namutla ito, awang ang bibig habang pinoproseso sa utak ang sinabi niya. Ilang segundo na ang nakakalipas pero tulala pa rin ito.

"Hoy, ano na? Ano'ng nangyayari sa 'yo?" Pumitik siya sa tapat ng mukha ni Maxwell.

"Tell me I'm not hallucinating," sabi nito.

"You're not hallucinating."

"Am I dreaming then?"

"You're not dreaming either."

"Then what?!"

Bumigay na siya. Ikinalang niya sa leeg nito ang dalawang braso at inilapit ang mukha sa lalaki. "You're the man I love," sabi niya bago hinalikan sa labi ang lalaki.

Saglit lang ang naramdaman niyang paninigas ni Maxwell. His arms circled around her, one hand on her hip and the other at the back of her head. Nawala ang awareness niya nang gumanti ng halik si Maxwell. Ramdam niya sa mga halik nito ang katuparan ng mga pangarap niya.

Wala siyang masyadong kailangan sa buhay. Hindi siya nangangailangan ng kayaman, katanyagan o ano pa man. Iisa lang ang kailangan niya; Maxwell's love. Because after all the hoopla, his love is the only healing balm to all her scars.

🌷🌷WAKAS🌷🌷

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro