XXI
SA MGA sumunod na araw ay wala siyang ginawa kundi iwasan at takasan si Maxwell. Hindi naging madali kahit na malaki ang bahay. Kahit saan siya mapunta ay naroon si Maxwell, pinagsisikip ng mga sulyap at ngiti nito ang paghinga niya. Tuloy ay hindi siya humihiwalay alinman sa kapatid niya o kay Reth na siyang pinaka-effective niyang buffer.
"You're particularly clingy today," puna ni Reth nang tabihan niya ito sa sofa. Katatapos lang ng birthday dinner ni Maxon. Nagkakape na lang sila sa may lanai. Ang Mommy nila ay kaaalis lang. Na kay Maxwell na rin ang pasalubong nito kay Carmen.
Nagpalinga-linga muna siya bago bumulong sa lalaki. "He's bothering me."
Tumaas ang kilay ni Reth. "Yeah? I don't see him doing that, though."
"He is!" pilit niya.
Lumitaw ang pinong laugh lines sa gilid ng mga mata nito. "Pray tell how?"
Hindi siya agad makapagsalita. Paano ba niya ipapaliwanag kay Reth ang pagrarambol ng mga dinosaur sa dibdib niya sa tuwing ngumingiti si Maxwell?
O ang kakapusan ng hangin sa baga niya sa tuwing titig na titig ang lalaki sa kanya? May palagay siyang hindi sasapat ang mga salitang alam niya para ilarawan kung paano siya na-bo-bother.
"He...he..."
"Yes?" encouraged sa kanya ni Reth.
"He suffocates me with his eyes!" Nakalimutan na niyang hindi siya dapat magtaas ng boses baka may makarinig.
Natawa si Reth. "Poetic."
Sa inis ay nahampas niya sa balikat ang lalaki. "Poetic? He drives me crazy and that's all you can say? You're supposed to protect me," nanunulis ang ngusong paalala niya dito. Hindi niya tinigilan sa kakahampas ang balikat nito.
"Hey," may bahid-tawang sinalo nito ang kamay niya. "Stop it, you'll hurt yourself."
"Stop laughing at me!"
"Sorry." Pero hindi pa rin mawala-wala ang nakakalokong ngisi nito sa mukha. She wanted to peel that smile off his face.
"Kuya!" Halos magpapapadyak na siya sa inis.
"Ano na namang ginawa ni Reth?" Pumasok si Rebecca, naka-pantulog na. May bitbit din itong tasa ng kape at sa katapat na upuan nila naupo.
"Ate o, inaasar na naman ako ni Kuya. Pwede ko ba siyang sapakin?" parang batang ungot niya.
"She's falling in love with him all over again," sumbong ni Reth sa kapatid niya.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Rebecca. "You can't, Jan. Masasaktan ka lang."
Napayuko siya. "I know, Ate. Kaya ko nga siya iniiwasan. 'Eto namang si Kuya imbes na tulungan ako, may gana pang mang-asar." Binigyan niya ng irap ang katabi.
"Okay, okay," itinaas ni Reth ang magkabilang kamay. "I'll stop."
"He'll be returning to Manila tomorrow, until then you have to put up with the pretense that you're Jan's boyfriend," paalala ni Rebecca.
"No problem, sweetheart. I enjoy watching him burn with jealousy."
"You two should be careful. He caught you outside your room," sabi niya.
"Eh? What did you say?" si Reth.
"Nothing. I let him assume you're cheating on me and that I'm okay with it."
Sabay na natawa sina Rebecca at Reth. "That explains why he was shooting daggers at me with his eyes the whole time."
Nakarinig sila ng kaluskos kaya natahimik silang tatlo. Mayamaya ay lumitaw si Maxwell sa doorway. Kagaya ni Rebecca ay nakabihis-pantulog na ito. Loose cottom pajama ang ibaba at white t-shirt ang pang-itaas. Agad na lumipad ang mga mata niya sa mukha ng lalaki, para lang umiwas nang makitang sa kanya nakatuon ang mga mata nito.
"Kape, Maxwell?" alok ni Rebecca.
"No, thanks. Patulog na rin naman ako. Nagpunta lang ako dito para magpasalamat."
"Kami ang dapat magpasalamat sa 'yo sa nagawa mo para kay Maxon," si Rebecca uli.
Umiling ang lalaki. "Anak ko siya, responsibilidad ko bilang ama na siguruhing nasa maayos siya. Though I shied away from my responsibility before, this time I won't run away."
"Good."
Kay Reth sunod na bumaling si Maxwell. "And thank you too for all the help. Sebastian told me everything's been resolved. Your team's bound for New York tomorrow."
Reth nodded his head. "You're welcome. If you need my help in the future, feel free to let me know."
"Thanks. Good night."
"Good night," halos sabay silang tatlong nagsalita.
Nakatalikod na si Maxwell pero sinusundan pa rin niya ng tingin ang lalaki. Sa bawat hakbang nito palayo ay pahigpit nang pahigpit ang dibdib niya. Bukas ay uuwi na si Maxwell, babalik na silang pareho sa kani-kanilang buhay.
Pero bakit ganito ang nararamdaman niya? She should be relieved. 'Yon naman ang gusto niya, di ba? Sa unti-unting panlalabo ng paningin niya ay ang mahinang pagsiko ni Reth ang naramdaman niya.
"You got it bad, kid," puna nito.
Kumurap siya, matamlay ang ngiting lumitaw sa labi. "As bad as the first time, Kuya."
Nakakaunawang inabot ni Reth ang ulo niya. The moment her head touched his shoulder, her tears fell. Sa harap ng kapatid at lalaking itinuturing na kapatid, nagkapira-piraso ang matibay na pader na pilit niyang ipinalibot sa sarili.
She still love Maxwell. At ang pagmamahal na 'yon ang dumudurog sa dibdib niya sa katotohanang sa kabila ng patong-patong na kasinungalingan, mahal pa rin niya ang lalaki. Time and distance failed to erase his memories.
**********
HER eyes were still stinging by the time they called it a night. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakaiyak nang ganito. Inakala niyang nakalimutan na niya si Maxwell dahil hindi na niya iniiyakan gabi-gabi ang nangyari sa kanila. Masyado siyang nakatutok kay Maxon.
'Yon pala, naipon lang ang mga luha. Unleashing them felt liberating, her chest felt lighter. Sure, the pain is still there but it was reduced into a dull throb. Nakaya nga niyang tiiisin noon, kakayanin din niya ngayon.
Pinauna na niyang umakyat ang kapatid at si Reth, inako na niya ang paghuhugas ng ginamit nilang tasa. She was finishing up in the kitchen when he stepped in, feet silent as a cat. Kung hindi pa ito tumikhim ay hindi niya mapapansin si Maxwell. Agad na bumilis ang pitik ng dibdib niya nang humarap dito.
"A-Akala ko tulog ka na."
"Nakatulog na 'ko, nagising lang."
"Ah."
Pumatlang ang nakakailang na katahimikan sa kanila. Hindi niya alam kung saan titingin. Walang kibong nilapitan ni Maxwell ang ref at kumuha nang maiinom. Para may magawa ay mabilis siyang nag-abot ng baso sa lalaki.
"Thanks."
Tango lang ang isinagot niya. Para siyang hilong talakitok na napatanga dito nang inumin ni Maxwell ang laman ng baso. The way his throat bobbed up and down made her feel funny. Embarrassed, she caught herself and looked away. Dapat ay umalis na siya para matulog. Pero ewan ba niya kung bakit parang nakapako ang mga paa niya sa kinatatayuan.
"Jan?"
"Huh?"
"Your eyes are puffy. Umiyak ka ba?" kunot-noong nilapitan siya nito para tingnang mabuti ang mga mata niya.
"A-Ah. W-Wala 'to. Nagkadramahan lang kami ng kaunti ni Ate," palusot niya.
Pagkabanggit sa kapatid niya ay tumuwid ng tayo si Maxwell. Inilapag nito sa mesa ang pitsel at basong hawak. Pinag-krus nito ang mga braso sa dibdib at tinitigan siya na parang principal na naghahandang ipadala ang pasaway na estudyante sa detention.
"Hindi ka ba talaga gagawa ng ano mang hakbang tungkol sa realsyon ng Ate mo at ni Reth?" tiim-bagang na tanong nito. Bahagyang naniningkit ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.
Umilap ang mga mata niya. Natatakot siyang makalahata si Maxwell. Sa ngayon, si Reth ang nagsisilbing pader sa pagitan nila. "No," she croaked.
"You deserve someone better! You don't deserve assholes like me, and Reth is cut from the same cloth!"
"Gaya ng nasabi ko na, wala kang pakialam," matabang na sagot niya.
Frustrated na nasabunutan ni Maxwell ang sarili. Tinalikuran siya nito, parang itinatago ang mukha. Ang tanging nakikita niya ay ang pagtaas-baba ng balikat nito at paulit-ulit na paghagod ng kamay sa magulong buhok.
"Hindi na kita nilapitan nang makita kong masaya kang kasama si Sebastian sa Phuket. Inisip kong mas makakabuting sa kanya ka mapunta dahil mas aalagaan ka niya. Kahit nagagalit ako sa panlolokong ginawa mo, okay lang. Kako makakalimutan ko rin naman 'yon. At least isa sa atin ang masaya."
Nagulat siya. "Sumunod ka sa Phuket?"
Tumango si Maxwell. "Sinundan ko kayo hanggang sa hotel kung saan ka naka-check in. Hindi matanggap ng pride ko na iniwan mo ako para sa ibang lalaki. The fact that it was my fault kung bakit ka umalis ay hindi nag-sink in sa utak ko. I was blinded with rage. But when I saw how happy you were sa pool side katabi si Sebastian, para akong binuhusan ng malamig na tubig."
"Maxwell..."
"No," itinaas nito ang isang palad. "Patapusin mo muna ako. I have to get this out of my system at least."
"O-Okay."
"Your face was a different vision from when you were with me last. 'Yong mga tawa mo habang kausap si Sebastian, it hit me like a sledge hammer straight into my chest. Ako dapat ang nagpapasaya sa 'yo ng ganoon dahil ako ang asawa mo. But all I did was make you cry. Kaya nagpasya akong tama na, sobrang nasaktan na kita. Kahit 'yon na lang ang huling bagay na magagawa ko para sa 'yo."
"Hindi na ako lumapit, lalo lang magkakagulo. So I left. Hindi ko na inalam kung saan ka nagpunta. Galit na galit si Lolo Maximo sa akin, pati si Mommy ay hindi ako kinibo. Tiniis ko 'yon, kasi alam kong mali ako. How I managed to stay sane was beyond me." Sinundan ni Maxwell ng mapaklang tawa ang mga sinabi.
"Walang kami ni Basti. Nagkataon lang talagang nagsabay kami ng flight at pareho ang pupuntahan," sabi niya.
"Unfortunately, hindi ko naisip 'yan noong mga panahong 'yon. So when he got back from his break, nasapak ko siya. Ni hindi siya nagtanong kung para saan 'yon. Lalo lang akong nabwisit dahil wala siyang ginawa."
"Why are you telling me this now?"
He sighed. Tiningala nito ang kisame na parang doon niya mahahanap ang sagot sa tanong. "Beats me. Alam ko namang walang magagawa ang kahit na anong sabihin ko para itama ang mali ko noon. The most I can do is be a good father to Maxon. Still, I think you should know I tried to make you stay."
Nagbara ang lalamunan niya. "You didn't try enough. You didn't fight enough"
Napayuko si Maxwell. "Yeah, I didn't. And I'm sorry."
Tuluyang nang nalaglag ang mga luha niya. "Really, why are you doing this, Max?" halos pabulong na tanong niya.
Naramdaman niya ang mga kamay ni Maxwell sa braso niya. Iniharap siya ng lalaki, inangat ang baba niya para magtama ang mga mata nila. Medyo may kalabuan ang tingin niya kay Maxwell dahil sa namumuong luha.
Mababa ang boses nito nang sumagot. "Sabihin na lang nating huling subok ko 'to kung kaya pa kitang bawiin kay Reth."
"You're too late, Max. Too late," aniyang pigil ang luha. Nakita niyang napalunok si Maxwell. Guni-guni lang ba niyang tunog-basag ang boses nito?
"I know," he whispered. Magaan ang pagdampi ng mga hinlalaki nito sa ilalim ng mga mata niya. "Habang-buhay kong pagsisisihan 'yon. My life is nothing but a big, empty place now without you in it. Masabi ko man lang sa sarili ko na may ginawa ako kahit alam kong wala nang pag-asa."
Sunod-sunod ang pag-agos mula sa mga mata niya. Masakit na masakit ang dibdib niya, kinakapos siya ng paghinga. She drew in a lungful of air but it wasn't enough. Pakiramdam niya ay may malaking tipak ng bato na nakadagan sa kanya. Lalo lang siyang napaiyak nang yakapin siya ni Maxwell.
Walang kasing-higpit ang yakap ng lalaki. Hindi na niya napigilan ang sariling gumanti ng yakap dito. Parang pag ginawa niya 'yon ay maipapaabot niya dito ang mga nakatagong damdamin niya. Gustong-gusto niyang sabihing subukan pa nila. Pero hindi niya basta-basta kayang talunin ang takot na baka masaktan lang uli.
"Shhh...don't cry. It hurts me more to see you like this," mahinang saway ni Maxwell. Humahagod ang isang palad nito sa likuran niya.
"Kasi...kasi..."
"I know. Kahit hindi mo sabihin, alam ko. You still love me but I hurt you bad enough. No amount of sorry can repair the damage. Don't cry, please." His voice was muffled by her hair.
Lumakas ang pag-iyak niya. Kung sana ay mahal mo rin ako. 'Yon lang naman talaga ang inaasam-asam niya. Sabihin lang nito na mahal siya ay kaya niyang kalimutan lahat ng nangyari. But she learned her lesson well. Nagawa na niyang magmahal na siya lang.
Dahan-dahang kumalas si Maxwell sa pagkakayakap sa kanya. His palms framed her tear-stained face. Nagmulat siya ng mga mata at sumalubong sa kanya ang nangingislap na mga mata ng lalaki. He smiled, the sadness too visible to hide.
"This is really goodbye," bulong ni Maxwell.
Hindi siya makapagsalita kaya pinili niyang tumango. Hindi siya umiwas nang unti-unti nitong ilapit ang mukha sa kanya. Parang nilatigo ang pakiramdam niya sa dibdib. The moment his lips touched hers, a fresh batch of tears flowed.
Iniyakap niya ang mga braso sa leeg ni Maxwell. Ibinuhos niya lahat sa halik ang mga hindi na niya magawang masabi.
**********
SI JAN ang naghatid sa kanya sa airport. Nangangalumata pa ito nang madatnan siya dining room. Nagulat siya nang mag-volunteer itong ihatid siya. Ayaw sana niya pero hindi nakinig sa kanya ang babae. Kaya pagkatapos niyang magbihis at halikan si Maxon ay umalis na sila.
"You should be resting," aniya habang nakatingin sa maputlang mukha ng babae. Nakapag-check in na siya at ngayon ay naghihintay na lang ng flight.
"Marami akong oras magpahinga mamaya pag-uwi ko sa bahay."
Hindi niya napigilang hawakan ang kamay nito. Jan didn't say anything, just stared at their clasped hands. Nanatili silang hindi nag-uusap. Buong magdamag siyang hindi pinatulog ng mga naiisip pero hindi niya magawang sabihin kay Jan Marie.
"Regular akong magdedeposito ng sustento ni Maxon sa account mo," sabi niya.
"Hindi na kailangan, Maxwell. We have enough."
"It's Reth's money, iba pa rin 'yong galing sa akin. Hindi ba pangarap mong makapagtayo ng restaurant? Use the money to set-up a business na gusto mo."
Umiling si Jan. "I still have three terms left to finish my course. Saka na siguro 'pag tapos na 'ko."
"Then use my money to go back to school,"
"But---"
Nainis na siya. Bakit ayaw nitong tanggapin ang kahti na ano galing sa kanya? 'Yon na nga lang ang magagawa niya para sa babae. "Damn it! Tanggapin mo na lang, pwede? Bahala ka kung ano'ng gawin mo sa pera, wala akong pakialam. Basta tanggapin mo."
He instantly regretted his outburst when he saw her face. What are you doing, Maxwell? You're hurting her again.
"I-I'm sorry," bawi niya.
"Okay lang, nagulat lang ako. Sige, tatanggapin ko na. Pasensya ka na kung nag-iinarte ako. Nakakahiya lang kasi."
"Bakit ka mahihiya? Anak ko si Maxon, part ng responsibility ko ang sustento sa kanya."
"Hindi mo ako masisisi, I married you for money. Ayoko lang isipin mong ginagamit ko ang bata para makakuha ng pera sa 'yo."
Pain sliced through his chest at her admission. Siya ang dahilan kung bakit ganoon mag-isip si Jan Marie. Masyado niyang ipinamukha sa babae ang tungkol sa pera noong nagsasama pa sila.
"I was an asshole."
"Yeah, the biggest asshole in the planet," sang-ayon nito.
Nang silipin niya ang mukha ni Jan Marie ay natawa siya dahil hindi naman pala seryoso ito. Mayamaya pa ay inannounce na ang flight niya. He felt the heaviness in his limbs.
"Paano, alis na ko?"
"Ingat ka."
Pareho silang titig na titig sa isa't isa pero wala silang masabi. Slowly, he loosened his grip on her hand. Pinilit niyang ngumiti.
"Bye, Jan."
"Keep safe, Maxwell." Bumitaw na si Jan sa pagkakahawak niya.
Mabibigat ang mga hakbang na tinungo niya ang gate. Hindi siya lumingon. Mas mahihirapan siyang umalis 'pag ginawa niya 'yon. O baka nga makalimutan niya ang naghihintay na responsibilidad. Masasabi niyang nasa punto na siya ngayon kung saan kaya niyang balewalain ang lahat para sa isang tao. Jan Marie could make him forget the world. Too bad she's not his anymore.
Kontento ka na ba sa nagawa mo? Have you given your all? Can you live with for the rest of your life wondering about the what ifs? You lost her once and look what it did to you.
His steps faltered. Nabangga pa siya ng pasaherong nakasunod sa kanya. Really, nagawa na ba niya lahat para maibalik si Jan sa buhay niya?
The answer is a big resounding no.
He turned on his heels. May hindi pa siya nasasabi kay Jan Marie. Malalaki ang mga hakbang na bumalik siya. Hanggang sa ang mga hakbang niya ay naging takbo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro