XX
MAINGAT siyang bumangon sa pagkakahiga. Makirot pa ang sugat niya kaya dahan-dahan ang ginawa niyang paggalaw. Across his bed was his son, slowly recuperating from the operation. Nakayupyop si Jan Marie sa gilid ng higaan ni Maxon.
Inabot niya ang cellphone na nakapatong sa mesa katabi ng higaan niya. Alas singko y medya na ng hapon. Kailangan niyang tawagan si Sebastian para sa bagong update, kung mayroon man. Nang magdesisyon siyang maiwan sa Boston ay nag-volunteer si Sebastian na akuin ang pagsasaayos ng problema ng Quantum.
"Only if you trust me," sabi ng lalaki pagkatapos nilang mag-usap ni Jan Marie.
Hindi siya agad na nakapagbitaw ng salita sa babae nang sabihin nitong siya ang bahala. Bilang ina, alam niyang umaasa si Jan na magpapaiwan siya para sa anak nila. He felt conflicted because somehow he felt she would understand if he chose to leave. Pero ano'ng klase siyang ama kung iiwan niya ang anak nila na palapit nang palapit sa bingit ng kamatayan?
Tinitigan niya si Sebastian, pinag-iisipan kung pwede ba niyang ipagkatiwala sa lalaki ang issue sa kumpanya. Kahit inis siya dito, hindi naman niya pwedeng ipagkailang bukod sa kanya ay si Sebastian lang ang may capability para i-handle ang ganoong sitwasyon.
"I'll kill you 'pag may ginawa kang kalokohan." Hindi siya umoo pero alam niyang naintindihan ni Sebastian ang laman ng mga salita niya dahil napangiti ito.
"No, thanks. I love my life. Gusto ko pang magkaanak ng kagaya ni Maxon."
"I assume you're leaving and Maxwell's staying?" singit ni Reth.
"I have to be here for my son," sabi niya.
"We don't know yet the extent of the damage. But I am confident that our IT team can handle it."
"We should focus on taking care of the breach before we can secure the confidential files in our server."
Tumango si Sebastian. "Alright. I need to get packing now."
"How talented is your IT team?" muling tanong ni Reth.
"Are you looking down on us?" kunot-noong tanong niya.
"No. I'm just thinking of the possibilities. It won't hurt if you have a backup. Would you like me to lend you a hand?"
Nagkatinginan sila ni Sebastian. They secretly looked up Reth De Luca on the web. Kaya may idea na sila kung saang field involved ang lalaki, bukod pa sa royal lineage nito. Ito lang naman ang creator ng security program na ginagamit ng malalaking corporations sa iba't-ibang bahagi ng mundo.
The man is IT industry's modern King Midas. Bukod sa paggawa ng programs, mahilig itong mag-acquire ng mga failed programs na nagawa ng iba at ini-enhance hanggang sa maging perpekto bago ilabas sa market.
"What gives?" tanong niya. Hindi siya naniniwalang libre ang inaalok na tulong ni Reth. After all, pareho silang negosyante.
Nagkibit-balikat si Reth. "Your annulment. Please make it fast."
Naputol ang pagbabalik-tanaw niya nang lumitaw ang mukha ni Sebastian sa screen ng cellphone niya. Tama ang hula niya, nasa opisina pa rin ang lalaki sa ganitong oras. Kung may pagkakatulad sila ni Sebastian, 'yon ang pagiging workaholic nila.
"Sebastian."
"Hi, Boss. Kamusta?"
Gumalaw siya nang kaunti para maging komportable ang pagkakaupo. Pero agad siyang napangiwi nang kumirot ang sugat niya. Nag-we-wear off na kasi ang epekto ng pain killers na itinurok sa kanya. The burn made him feel like cursing.
Kung hindi lang siya nag-aalalang maistorbo ang pagtulog ng anak at ni Jan ay kanina pa siya nagpakawala ng makukulay na pagmumura.
"Don't ask me stupid questions, Fersth!" angil niya.
Hindi nasindak si Sebastian. Parang gusto niyang dukutin sa screen ang mukha ng lalaki at ingudngod sa mesa nito nang imbes na tumahimik ay natawa pa.
"Ah, okay ka naman pala. You're back to your old, grouchy self. That's a good sign, Boss."
Napapikit siya dahil naramdaman niya ang panipis na nang panipis ang naka-stock niyang pasensya. What's with this blockhead at ganoon na lang kabilis siyang mainis pagdating dito?
"Progress?" pag-iiba niya sa usapan.
"Ah, we're close to seventy percent in securing the breached server. Malaking tulong ang ipinadalang tao ni Reth. Those son of a bitches who went past our walls are quite talented. Taratang-taranta ang team natin nang datnan ko. Good thing they managed to hold out that long sabi ng mga tauhan ni Reth. Or else, they could have totally invaded the whole system."
He gritted his teeth. "Any suspects?"
"Let's talk pagbalik mo."
Sa pagtataka niya ay dinampot ni Sebastian ang ballpen sa mesa nito at may isinulat. Pagkatapos ay itinaas nito sa camera ang piraso ng papel na sinulatan nito. Bugged. Can't elaborate. Will set-up a more secure communication channel. Pasimple nitong itinupi ang papel hanggang sa maging maliit na square na lang at saka ibinulsa.
"How bad was the damage?"
Nahilot ni Sebastian ang pagitan ng mga mata. Ilang araw pa lang na nakakauwi ito ay parang nagdagdagan na ang mga pinong linya sa noo.
"Bad. They managed to get hold of the information of one of our upcoming product that was targeted for launch in the third quarter next year. Kailangan nating i-revamp ang design at ang mga features kung gusto nating ilabas pa siya sa market. Magmumukha tayong nangopya."
"Damn. Ang laki ng nagastos natin doon," inis na bulalas niya.
"Max?" Boses ni Jan Marie ang narinig niya. Gising na ang babae, namumula ang mga mata sa tulog.
"I-update mo na lang ako. By the way, good job."
"Uy, mukhang compliment 'yon ah. Ano kamo, Boss? Pakiulit nga. Hindi ko masyadong narinig eh."
Pinanlakihan na lang niya ng mata ang lalaki na ikinatawa lang nito. Ewan ba niya kung bakit aliw na aliw ang tarantado na inisin siya. He ended their conversation and turned to Jan Marie.
"Hey."
Namumungay pa ang mga mata ng babae sa antok. Kinusot nito ang mga mata at sandaling tiningnan ang natutulog na anak.
"Kanina ka pa ba gising?" pigil ang hikab na tanong ni Jan sa kanya.
"Mga five minutes siguro."
"Si Basti ba ang kausap mo?"
"Yeah."
Lumapit si Jan sa higaan niya at naupo sa bakanteng upuan katabi ng kama. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya naghintay siyang magsalita ang babae. Nang hawakan nito ang kamay niya ay hindi niya naitago ang pagkagulat.
"Alam kong paulit-ulit na ko pero sasabihin ko uli sa 'yo. Thank you."
"Anak ko rin si Maxon kaya hindi mo kailangang magpasalamat."
Nakaramdam siya ng pagkadismaya nang bitiwan ni Jan ang kamay niya. Ganoon pa man, pilit niyang pinagtakpan 'yon ng ngiti.
"Ano'ng balak mo ngayong magiging okay na si Maxon?"
"Unang-una, i-celebrate ang birthday niya." Tumigil ang babae at sumulyap sa kanya. "A-Aattend ka ba?"
"Ano na namang klaseng tanong 'yan? Siyempre, oo."
"Pero baka dito na siya abutan ng first birthday niya. 'Pag magaling na siya, lilipat na kami sa Thailand. Kailangang mag-concentrate ni Reth sa Asian market this year para sa expansion."
Tumabingi ang ngiti niya. Kailangan niyang makontento kung ano lang ang kayang ibigay na atensyon ni Jan sa kanya ngayon.
"Uhm...'wag kang mag-alala pag-uwi ko ng Pilipinas aasikasuhin ko agad ang annulment natin."
"T-Thanks."
"Siguradong hindi naman magtatagal kaya kaunting tiis muna. I'm sure nagmamadali na rin si Reth. So don't worry. Aayusin ko agad."
Tumango si Jan Marie. Pero hindi pa siya tapos. May gusto pa siyang sabihin sa babae.
"Can we be friends, at least? Hindi man naging maayos ang pagsasama natin, para na lang kay Maxon?" sabi niya sabay lahad ng kamay kay Jan Marie.
Hindi kumibo ang babae. Tuloy ay nagsisi siya kung bakit pa niya nasabi. Baka galit na ito kaya hindi siya kinikibo. Nasabi na niya, alangang bawiin pa niya 'yon.
"Alright," sa wakas ay sumagot si Jan. "Tutal pareho na rin naman tayong naka-move on, I think pwede naman. It's not as if mahal pa kita."
How can she say those things casually?
**********
DALAWANG araw bago ang birthday ni Maxon, pinayagan na silang iuwi ang bata. Tuwang-tuwa ang Mommy niya nang ibalita nila ang pagkaka-discharge ni Maxon. Tuloy ay napilitan silang baguhin ang mga plano para sa party ng bata.
Magpapadala na lang sila ng pagkain para sa mga doktor at nurses na tumulong sa kanila habang naka-admit si Maxon. Damay na rin ang mga batang naging kasabay ng anak niya at ang mga magulang ng mga ito.
"Hindi ako pwedeng mag-over night, anak. Uuwi rin ako pagkatapos ng birthday dinner ni Maxon."
"Dito ka na matulog, 'My," pilit niya sa ina. Kausap niya ito sa telepono. Nakauwi na sila sa condo at ngayon ay kalaro ng anak niya si Maxwell. Naka-schedule ang uwi ng lalaki sa Pilipinas isang araw pagkatapos ng birthday ng bata.
"Nakalimutan mo na ba? May schedule ako sa therapist bukas. Pagkatapos ay may meeting kami ng mga kasama ko sa women's club. Malapit na ang annual charity ball, first time kong umattend kaya excited ako."
"Tsk, akala ko ba nagpapahinga kayo? Why are you turning into a social butterfly?"
"Nagpapahinga naman ah? Walang streneous sa ginagawa ko. Pinagbawalan n'yo akong mag-garden ni Rebecca, ano'ng gagawin ko dito buong maghapon? Mabuti nga naging kaibigan ko si Mrs. Gilmore."
Presidente ng homeowners association ang tinutukoy ng Mommy niya. Mabait naman si Mrs. Gilmore, naglalaro sa pagitan ng sixty five to seventy ang edad. Asawa ito ng isang retired USAF general. 'Yon lang, simula nang maging close sa Mommy niya ay hindi na napipirmi sa bahay ang ina.
"Hindi ho ba kayo mapapagod niyan? Hindi ba nga hindi kayo masyadong bumibiyahe dahil hindi kaya ng katawan n'yo?"
"Mahahabang byahe lang ang hindi ko kaya, Jan Marie. Pero ang mga activities naman ng club namin halos lahat dito lang din," katwiran ng ina.
"Sige na nga, kayo na ang bahala. Basta pumunta kayo. Which reminds me, baka may gusto ho kayong ipadala kay Tita Carmen? Uuwi na si Maxwell isang araw pagkatpos ng birthday ni Maxon."
"Mabuti nabanggit mo. Dadalhin ko pagpunta ko d'yan."
"Okay."
"Ibababa ko na 'to. Naririnig kong may nag-doorbell baka si Mrs. Gilmore na 'yan. Bye, anak."
Naiiling na inilayo niya sa tainga ang telepono. Dinis-connect na agad ng Mommy niya hindi pa nga siya nakakasagot. Ganoon pa man ay hindi niya napigilang ngumiti. Masaya siya dahil unti-unti nang nagiging maayos ang ina. Dalawang taon matapos mamatay ang Daddy nila, masasabi niyang naghihilom na ang sugat sa pagkawala nito.
Pumunit ang magkahalong hagikhik ni Maxon tawa ni Maxwell sa buong silid. Napalingon siya sa dalawa. Halos magkandaduling si Maxon sa kakatitig sa bulang nadikit sa tungki ng ilong nito. Parang may isip na hinayaan lang ni Maxon ang bula. Hawak naman ni Maxwell ang bubble blower.
Lumingon si Maxwell sa kinauupuan niya at nagtama ang kanilang mga mata. His eyes were slits against his face. "Ilayo mo na nga 'tong makulit na 'to, baka makagat ko sa panggigigil eh."
"Maxon," tawag niya sa anak. Nilingon lang siya ni Maxon pero agad ring ibinalik ang pansin sa makukulay na blocks na nasa harap nito. Wala na ang bulang kanina lang ay nasa ilong ng bata.
"Hindi ka pinansin," nangingiting komento ni Maxwell. Tumayo ito at lumapit sa isang mesang may drawer. Itinabi na nito ang bubble blower, sinigurong hindi maabot ng paslit. He leaned his hip against the table, both hands gripping the edge.
"Ganyan naman 'yan, lalo na pag engrossed na engrossed sa ginagawa. Titingnan ka lang na parang walang narinig. Ibig sabihin, ayaw paistorbo."
Umangat ang kilay ni Maxwell. "Parang 'yong taong kilala ko."
"Eh? Sino?"
"Mommy ni Maxon," nanunudyong sagot ng lalaki.
"Hindi no."
"Oo kaya. 'Pag nanonood ka ng cooking show mo sa TV, ayaw na ayaw mong kinakausap ka dahil baka may ma-missed kang detalye."
Medyo aware siya doon pero hindi niya masyadong pinagtuunan ng pansin. So, may napulot din palang quirks niya ang lalaki habang nagsasama sila. She gave off a nervous laugh. Wala na siyang maisip na paraan para itaboy ang kakaibang awkwardness na biglang nabuhay. Naging mailap ang mga mata niya, hindi makatingin kay Maxwell.
"As if you've watched me enough to know," sabi niya.
Nagkibit-balikat si Maxwell. "Hindi mo naman kasi ako nahuhuling nakatitig sa 'yo. It's either you're oblivious that I'm watching you or you're asleep. Mas madalas kitang titigan 'pag tulog ka."
The warning bells in her head came alive once more. Bigla siyang tumayo. "Ahm...maghahanda lang ako ng meryenda."
"Hindi pa ako gutom," kontra ni Maxwell. "Alas dos pa lang naman, mahigit dalawang oras pa lang nang mag-lunch tayo."
"Ako gutom na. Dito muna kayo ni Maxon, watch him for me."
"Magpa-deliver na lang tayo, papagurin mo pa ang sarili mo eh. Wala si Rosa, wala kang katulong sa kusina."
Day off nina Rosa at Manuel ngayong araw kaya silang tatlo lang nina Maxwell at Maxon ang naiwan sa bahay. Nag-shopping ang Ate Rebecca niya kaya wala sa bahay. Si Reth naman ay nasa New York, sumaglit lang sa headquarters para plantsahin ang iba pang detalye para sa pinaplano nitong expansion sa Asian market. Ngayong maayos na si Maxon, paspasan na ang paghahanda ng lalaki bago pa sila umuwi ng Thailand.
"No, mas gusto kong ako mismo ang naghanda."
"Pero inaantok na si Maxon, maya't maya na ang paghikab o."
Napasulyap siya sa anak, medyo namumungay na nga ang mga mata nito. Ganoon pa man, hindi ito kagaya ng ibang batang nagta-tantrums 'pag inaantok. Pero kaya na 'yon ni Maxwell. It's just that there's something that tells her she needs to get away from him.
"S-Saglit lang naman ako. You can put him to sleep in case I'm not back yet."
"Paano kung mag-iiyak 'yan? Ganoon daw ang mga bata 'pag inaantok," pilit ni Maxwell.
"Hindi ganoon si Maxon. Sige na, kaya mo na 'yan. Malapit ka na ring bumalik ng Pilipinas, sulitin mo na ang pakikipag-bonding sa anak mo." Bago pa siya tuluyang makumbinsi ni Maxwell ay tinalikuran na niya ang lalaki.
Akmang bubuksan na niya ang pinto nang habulin siya ng tanong ni Maxwell. "Tumatakas ka ba?"
Natigilan siya. Tumatakas nga siya. Hindi lang niya sigurado kung saan; kay Maxwell o sa kakaibang damdaming nagsusumiksik sa dibdib niya. Okay na sila at masaya na siya doon. Pero bakit naman may ganito pa? Makakagulo lang sa mga bagay na finally ay maayos na.
"Why are you running away?"
Bigla siyang napaikot siya sa lapit ng boses. Nanlalaki ang mga matang napaaatras siya hanggang sa mapasandal sa pinto. Nasa harap na niya si Maxwell na karga ang anak nila sa isang braso. He planted his free hand on the door directly above her head and leaned down at her. Halos magkiskisan ang dulo ng ilong nilang dalawa sa lapit ng mukha nito sa kanya.
"Duwag," mahinang bulong ni Maxwell.
Nang tumama sa mukha niya ang mainit-init na hininga ni Maxwell ay agad siyang sinapian ng kakaibang kilabot sa buong katawan. Saklolo! Tili ng isip niya. Bago pa siya mawalan ng ulirat sa harap ng lalaki ay mabilis na kumilos ang mga paa niya para tumakas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro