Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XVIII

RETH De Luca's place is an eleven-room penthouse duplex housed in a charming building built around 1920s. Halos banquet size ang living room. Floor to ceiling windows opened to the view over Charles River to Cambridge and beyond.

Mataas ang kisame, may fireplace at gawa sa piraso ng kahoy ang tiles ng sahig. Nagbibigay ng eleganteng awra ang mga refined crown molding sa kisame at dingding.

Dalawang palapag ang unit na tinitirhan nina Jan at Reth habang nasa Boston. Iba-iba rin ang color theme ng bawat isa sa anim na kuwarto. May wet bar rin. Hindi basta-basta ang boyfriend ng ex-wife niya.

Pagdating nila ay dalawang staff ng building ang tumulong sa bagahe nila. Dalawa pang katulong ang sumalubong sa kanila sa foyer, isang lalaki at babaeng parehong nasa mid-40s. Hindi siya sigurado pero mukhang Hispanic ang ethnicity ng dalawa.

"You can choose between the blue and green room," sabi ni Reth habang hinuhubad ang suot na coat.

Si Jan Marie ay diretsong umakyat sa second floor. Kanina pa niya napapansin bago sila sumakay sa kotse na namumutla ito. Parang mabigat ang mga hakbang ng babae habang paakyat ng hagdan. He bit his inner cheek to stop himself from asking if she's okay.

"I'll take the green room," si Sebastian.

"Blue," sabi ni Maxwell.

"This is Rosa and Manuel, my stay-in staff. They will take care of your needs. I have one more staff coming in tomorrow, she does the cleaning and assists Rosa in the kitchen."

Tango lang ang pagbati ni Maxwell sa dalawa. Kabaliktaran naman si Basti na nakipagkamay kina Rosa at Manuel.

"Please show them to their rooms, Rosa."

"Si, Señor."

Umakyat rin sila sa second floor sa pangunguna ni Rosa. Nakasunod naman si Manuel sa kanila na bitbit ang mga bagahe. Magkatabi lang ang kuwarto nila ni Sebastian. As much as he hates the man, wala siyang choice kundi tiisin ang presence nito. Kung tutuusin hindi na 'yon bago sa kanya. Nagawa nga nilang magtrabaho nang maayos sa loob ng ilang taon. A week with in Sebastian's company will not kill him.

"You want to eat something, Señor?" tanong ni Rosa nang maipasok na ni Manuel ang luggage niya.

Tiningnan niya ang relo. Alas otso tres pa lang ng gabi. Hindi siya kumain sa eroplano kanina bago sila lumapag. Ngayong nabanggit ni Rosa ang pagkain ay nakaramdam siya ng paghilab ng tiyan.

"Yes, please. But I'd like something light."

"I understand. Señor Reth travels a lot so I know just what you need," sagot ng babae na may kasamang ngiti. Lalong naging prominent ang laugh lines nito sa gilid ng mga mata.

"Thank you, Rosa."

"No, gracias Señor."

Nagtaka siya. "What are you thanking me for?"

Lalo pa siyang nagulat nang mangislap ang mga mata ng babae. Bigla siyang hinawakan nito sa kamay. Her fingers felt rough but warm.

"For doing this for el chico. He's such a sweet boy. We love him tanto. Gracias."

"Y-You're welcome."

Nang iwan siya ni Rosa ay lumapit siya sa bintana. Nagkikislapan ang mga ilaw sa siyudad. He felt the familiar stirring of loneliness in his core. Sa loob ng mga panahong mag-isa siya, trabaho ang sumalo sa kanya.

Halos hindi na rin siya umuuwi sa bahay ng mga Cordova. Nang umalis si Jan Marie ay isang gabi lang ang itinagal niya doon. Lumipat siya sa sarili niyang unit kinabukasan.

He threw himself into work. Halos doon na siya tumira sa opisina. Kung hindi lang dahil sa Lolo niyang maya't maya siyang sinesermunan ay hindi siya uuwi. Resulta, lalo pang lumago ang Quantum Industries sa pamumuno niya. His performance was stellar enough to convince the board of his abilities.

Aaminin niyang curiousity ang pangunahing dahilan kung bakit siya pumayag na sumama. Nang malaman niyang nag-volunteer si Sebastian pero hinihiningi pa rin ni Jan Marie ang tulong niya, napaisip siya. May bahagi ng pagkatao niyang ayaw maniwalang siya nga ang ama ni Maxon.

At ang sinabi kanina ni Reth sa kotse ay lalo lang gumugulo sa isip niya. The events he personally witnessed made it hard for him to believe. Kaya siya nandito para matigil na ang mga perceptions na nagpapahirap sa kanya. Hindi niya alam kung ano'ng kasunduan meron sina Sebastian at Jan Marie. He's here to find the truth.

Then what? Paano kung ikaw nga talaga ang ama ng bata? Na hindi nagsisinungaling si Jan Marie noong gabing 'yon?

Suddenly, his lungs felt sore. Tumingala siya para punuin ng hangin ang nanikip na baga. Alam niyang hindi na siya mahal ni Jan. Hindi niya masisisi ang babae kung magkaganoon. Siya ang nagkamali, pagdusahan niya.

Hanggang ngayon, sa tuwing binabalikan niya ang huling mga sandaling magkasama sila ng babae ay parang paulit-ulit siyang sinasaksak sa lalamunan.

Annulment is the best thing he can do for her. Ngayong nakatagpo na ng lalaking deserve niya si Jan, ang palayain ito ang natitirang magandang bagay na magagawa niya para dito. And him? Ah. Bahala na. Mabubuhay na lang siya sa mga alaala ng babaeng kulot na nagpabaliktad sa mundo niya.

A lone tear rolled down his cheek. Ito na siguro ang parusa ng langit sa kanya. Binalikan na siya ng karmang sinasabi ni Jan noon.

**********

NAGISING siya bandang alas tres ng madaling araw dahil sa gutom. Pagpasok niya kanina sa kuwarto ay mabilis siyang nagbihis. She was literally dragging herself into the bathroom para maglinis ng katawan bago matulog.

Pagsayad na pagsayad ng likod niya sa higaan, K.O. na agad siya. Ni hindi na nga niya namalayan na naipasok na pala ni Rosa ang baggage niya sa kuwarto.

Bababa siya para gumawa ng sandwich. Hindi na niya iistorbohin si Rosa na siguradong mahimbing na ang pagkakatulog ngayon. Kung siya ang masusunod, hindi na nila kailangan ng katulong. Mapilit lang talaga si Reth. Katuwiran nito, hindi niya kakayanin ang ibang gawaing bahay.

Tapos na siyang kumain nang biglang matigilan. Parang may narinig siyang pintong nagbukas. Nakiramdam siya pero wala na uli siyang narinig. Baka guni-guni lang niya. Ipinagkibit-balikat na lang niya 'yon nagligpit ng mga kalat.

Pabalik na siya sa kuwarto nang makarinig uli ng kaluskos. It was clearly not her imagination! Bigla, nanayo ang mga balahibo niya sa braso. Walang ilaw ang hallway sa labas ng blue at green room na adjacent lang ng study ni Reth. Nasa dulo naman ang kuwarto niya. Ngayon siya nagsisisi kung bakit hindi niya ini-on ang ilaw kanina. Sana hindi siya natatakot nang ganito.

Biglang bumukas ang pinto ng study at iniluwa ang Ate Rebecca niya at si Reth. Her sister was laughing at something Reth said. Hindi siya napansin ng mga ito lalo na't madilim. Mayamaya, pumaikot ang magkabilang braso ni Rebecca sa batok ng lalaki. The moment Reth leaned down, bumukas rin ang pinto malapit sa kanya.

Isang kamay ang tumakip sa bibig niya. Hindi na siya nakasigaw sa gulat. Tumalon na yata palabas ng baga niya.

"Sshhh...don't make a sound. Ako lang 'to."

She sagged against him in relief. Hinayaan niyang dalhin siya nito sa loob ng kuwarto. Maingat at walang ingay na isinara ni Maxwell ang pinto at pagkatapos ay binitiwan siya.

"What are you doing?" pabulong na tanong niya.

"Saving you?"

"From what?"

Napamura ito. "Your boyfriend is cheating on you with your sister!"

Natulala siya. Oo nga pala, boyfriend niya si Reth. Kung paanong sakto ang timing ni Maxwell sa paghatak sa kanya palayo sa eksena nina Reth at Rebecaa ay hindi niya alam. Unless...

"Were you spying on Reth?"

"Hindi. Nagkataon lang na gising ako nang umakyat ang kapatid mo. Narinig ko silang nag-uusap sa labas. Akala ko pinasok tayo ng magnanakaw. Damn, Jan Marie! Matagal ka na bang niloloko ng boyfriend mo? Bakit parang hindi ka man lang nagulat?"

She bit her lip. Ano'ng sasabihin niya? "It's none of your business, Maxwell. Pero salamat na rin. It would be awkward watching them kiss."

He shook her until her teeth rattled. "What's wrong with you? Niloloko ka na kapatid at nobyo mo, ganyan ka lang!?"

"At ano'ng gusto mong gawin ko? Mag-eskandalo? Ano'ng magagawa noon sa sitwasyon ko ngayon? Sige nga!" madiing sagot niya.

"I can't believe this!"

"Then don't. Wala kang pakialam kung ano ang nangyayari sa amin ni Reth. Labas ka na doon. Now, if you'll excuse me gusto ko nang magpahinga."

"Ganoon lang? Hahayaan mo na lang ang kapatid mo at si Reth?" hindi makapaniwang tanong nito.

Hinarap niya ang binata. "Kung sabihin ko sa 'yong oo, ano'ng gagawin mo?" hamon niya.

His face was a silhouette against the low light coming from a lampshade. Ganoon pa man, hindi naitago ng dilim ang magkahalong galit at disbelief sa mukha nito.

"Bakit kailangan mong magpakababa nang ganito? Para lang sa isang lalaki?"

Bumalik sa isipan niya ang alaala ng gabing nasabi niya dito ang totoong nararamdaman. Nag-init ang mga mata niya sa pagkakatitig kay Maxwell pero hindi siya umiwas.

"Dahil nagmamahal ako."

"Hindi na pagmamahal ang tawag diyan kundi katangahan!"

"Oh? You're an expert now? Bakit, nagmahal ka na ba?" Hindi nakakibo ang lalaki. "It's not the brain which understands love, it's the heart. Unfortunately, you don't have one. Unless you grow a heart, you will never understand."

"Cut the crap."

Tumango siya. "Yeah, love is nothing but crap for you. Kaya nga nakakaawa ka. Mamamatay kang mag-isa at malungkot kahit napapalibutan ka ng kayamanan at mga babae mo. You know why? Because they will never love the real man behind the wealth and fame."

Natigilan si Maxwell. He looked so lost that a part of her stirred and ached for him. Malungkot siyang napangiti sa sarili.

"Do you know what the saddest part, Max?"

He flinched when she raised her hand. Akala siguro nito ay mananampal siya. Pero hindi 'yon ang intensyon niya. Dinama ng palad niya ang kaliwang pisngi nito. Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya habang nakatitig siya sa lalaki.

"No one will ever love you the way I have."

Sinapian na nga siguro siya. Dapat tinalikuran na niya si Maxwell, hayaan ito sa kamiserablehan nito. 'Yon lang, iba ang idinidikta ng isip at puso niya. Pakiramdam niya, ito na ang closure na hinahanap niya. She tiptoed and dropped a hard kiss on his lips. Na-shock yata ang lalaki dahil hindi ito nakapag-react.

"And this is me kissing you goodbye."

Tinalikuran na niya si Maxwell. Panahon na para bitiwan ang pag-asang magkakaayos pa sila. She mentally patted herself. Kalokohan lang pala ang tinatawag nilang closure. Her closure didn't bring her peace. Instead, it hurt like a bitch.

**********

"REBECCA dropped by at dawn," sabi ni Reth kay Jan Marie habang nag-aalmusal sila, "she went to see your mother back home at Fairfield."

He inwardly smirked. Itinuon na lang niya ang pansin sa pagkain. Sa gilid ng mata niya ay nakita niyang napatingin sa kanya si Jan Marie. Pinanatili niyang blangko ang mukha habang maganang kumakain. Si Sebastian naman ay mukhang pusang nakalunok ng isang truck ng gatas kung makangiti. The guy is extra perky today.

"I see. Have you talked to Maxon's doctors?"

"Your sister did. And yes, they're ready for us."

"Good." Inabot ni Jan ang baso ng juice.

"Nurse Simmons called."

Nabitin ang pag-inom ni Jan Marie. Gumuhit sa mukha nito ang pagkaalarma. "Is Maxon alright?"

"Yes. It's nothing to worry about. It's just that he woke up this morning and he kept looking for you. He cried a little bit though."

Halata ang relief sa mga mata ng babae. Binawi niya ang tingin para hindi mahalatang pinanonood niya ito. Hindi niya maintindihan kung bakit may ngitngit pa rin siyang nararamdaman sa natuklasan tungkol kina Rebecca at Reth kagabi. Lalo pang nag-iinit ang bungo niya dahil parang balewala lang kay Jan Marie ang kagaguhang ginagawa ng boyfriend at kapatid.

Bakit nga ba kasi siya apektado? Kahit magdamag niyang tanungin ang sarili at hanapin ang sagot, walang nangyari. Naiinis siya dahil ang ang gulo-gulo na ng lahat. Ang ipinunta lang naman niya dito ay para mahanap ang sagot sa mga tanong niya. Pero lalo lang yatang naging komplikado, dumami ang mga tanong.

"Max?" Siniko siya ni Sebastian sa braso.

Nag-angat siya ng tingin. "Huh?"

"Hindi ka pa ba tapos?"

Napatingin siya sa plato. Ubos na ang pagkain niya, ang natitira na lang ay ilang mumo ng kanin. How long did he spaced out? Wala na rin sina Reth at Jan Marie sa upuan nila.

"Uh...I'm done." Binitiwan niya ang kutsara't tinidor.

"Mayamaya lang aalis na daw tayo."

"Sige. Akyat lang ako sandali."

Mabilis lang siyang nag-toothbrush at nagbihis. Pagbaba niya ay handa na ang kotse na maghahatid sa kanila sa ospital. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang alalayan ni Reth si Jan Marie papasok sa sasakyan. He only allowed himself to look at her when they were settled in their seats.

Napansin niyang tahimik si Jan Marie sa tabi ni Reth sa buong byahe. Maging hanggang sa makarating sila sa Boston Children's Hospital ay wala itong imik. Hinawakan nito si Reth sa braso pagbaba nila.

"I think I'll go see Maxon first. Can you take them to his doctors, please?"

Ngumiti si Reth, iyong klase ng ngiting aakalain mong si Jan Marie lang ang babae sa mga mata nito. Nabuhay na naman ang inis niya.

"Of course."

"Thanks." Lalo pa siyang nanggigil nang humalik si Jan sa pisngi ni Reth.

Get a hold of yourself, Maxwell. Wala kang pakialam kung trip ni Jan Marie na magpakalunod sa karagatan ng katangahan.

Sabay silang sumakay sa elevator na naghatid sa kanila sa fourth floor. Agad rin silang naghiwalay pagdating doon. Sila, diretso sa opisina ng doktor ng bata at si Jan naman sa suite ni Maxon.

Na-briefed na sila ni Jan Marie kung ano ang dapat i-expect pero nagulat pa rin siya sa dami ng mga tests na dapat nilang pagdaanan ni Sebastian. Maging si Sebastian ay parang na-bother nang matapos ang doktor magpaliwanag.

May pinabasa at pinapirmahan muna sa kanila ang doktor bago sila nag-umpisa. Ang lalabas na potential donor sa kanila ni Sebastian ay magkakaroon ng dalawang araw na evaluation appointment para sa susunod na phase ng tests.

Nang matapos sila sa screening ay naabutan nilang naghihintay si Reth sa kanila sa labas ng lab. Tumayo ito nang makita silang dalawa ni Sebastian.

"It is past two o'clock, I'm sure you're famished. Mind if we eat in? We'll have something delivered at Maxon's suite."

"Sure. Ikaw, Maxwell?"

Tango lang ng ulo ang sagot niya. Hindi pa nawawala ang pangangalay ng braso niya mula nang kunan siya ng blood sample.

"Let's go and introduce you to the little guy."

Sinundan nilang dalawa ni Sebastian si Reth. Hindi nagtagal ay tumigil sila sa labas ng suite ni Maxon. Naririnig niya ang boses ni Jan Marie sa loob na may kausap. Si Reth ang nagbukas ng pinto.

Eerily familiar eyes stared back at him. Literal na nanlambot ang tuhod niya habang titig na titig sa kanya ang bata. Wala sa loob na nakapa niya ang hamba ng pinto at napasandal doon. Pakiramdam niya ay bumagal ang bawat segundo. Dahan-dahang umangat ang gilid ng labi ng bata, nagkahugis ang isang inosenteng ngiti.

His lungs begged for air. The little tyke has his eyes and smile.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro