XVII
SEBASTIAN was talking but he's not making any sense. Mahigit isang oras nang nakakaalis si Jan Marie kasama ang boyfriend nito. Pero hanggang ngayon ay parang umaalingawngaw pa sa tainga niya ang salitang boyfriend. Kaya ba ganoon na lang kabilis itong pumirma sa annulment papers?
Kung tutuusin, timbang lang ang nadagdag sa babae. Her curls had gotten longer and tamed. Her cheeks had a healthy pink glow. Wala sa loob na niluwagan niya ang kurbata. Nagsisikip ang lalamunan niya. Nang malaman niyang nasa labas ito kanina kasama si Sebastian ay hindi niya alam ang gagawin. His hands trembled so he stuffed them inside his pockets.
And when she stepped inside his office, his chest thundered. Sa pinto pa lang ay umabot na sa ilong niya ang familiar na bango ni Jan Marie. Kasabay noon ay ang pagsalakay ng mga alaala noong huli niyang nakita ang babae. Nabuhay uli ang lahat ng galit at tampo niya kay Jan. Pero hindi niya rin kayang pigilan ang pagbangon ng kakaibang pananabik na makaharap uli ang asawa.
"Max? Are you listening to me?" pukaw ni Sebastian sa kanya.
"Huh?"
"Kako okay lang ba sa 'yo na mag-file na ako ng leave bukas? Naayos ko na ang lahat, iniwan ko na sa sekretarya ko ang mga kailangan."
Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Bago pa dumating
Marie ay may balak nang magbakasyon ni Sebastian. Initially, ang plano niya ay 'wag payagan ang lalaki kahit na binigyan niya ito noon ng go signal. He must admit, he's just being petty. Hindi pa nga talaga siya siguro nakaka-get over sa nangyari noon kaya ginagantihan niya si Sebastian sa kahit na anong paraan.
Binago ng request ni Jan ang mga plano niya. Sasama siya sa Boston at papayagan niya rin si Sebastian. May kung anong bumubulong sa kanya na pagbigyan si Jan Marie kahit sinasabi ng utak niyang ayaw niya.
"Depende 'yan kung gaano ka katagal na mawawala," sabi niya.
"A month."
"No way. Two weeks."
"Three," hirit ni Sebastian.
"Two and four days. Take it or leave it."
"I'll take it." Tumayo na si Sebastian. Pinagpag nito ang tuhod kahit wala namang dumi. "Aren't you gonna ask?"
He gave him a puzzled look. "About?"
"Kung bakit kami magkasama ni Jan sa Phuket."
Umiwas siya ng tingin. Biglang siyang naging busy sa pag-aayos ng dati nang maayos na drawer niya. "It's none of my business."
"Hindi ka man lang ba na-curious kung bakit ako ang kasama ng asawa mo nang layasan ka niya?"
Hindi siya kumibo. Dati na rin naman siyang inis sa lalaki kaya nang magbalik ito galing Phuket ay hindi na bago sa mga tauhan nila kung bakit nagsusungit siya dito. Lalo na at ito ang pumalit sa dating Vice President nila. Their rivalry is a very well known thing inside Quantum Industries.
Ang lalo pa niyang ikinaiinis kay Sebastian, magaling ito. Hindi niya mahanapan ng butas ang lalaki pagdating sa trabaho. Kaya nag-iingat siya dahil hindi imposibleng masulot nito sa kanya ang hawak niyang posisyon ngayon. Sebastian thrives on challenge.
"Alright. Mukhang wala ka na nga talagang pakialam kay Jan. Kung sabagay, ginamit mo nga lang pala si Jan para sa presidency. Alam nating si Yvonne naman talaga ang mahal mo."
"Shut up!"
Natawa lang si Sebastian. Sumaludo pa ito sa kanya. "See you in a week, boss. Magpaalam ka na kay Yvonne baka magwala na naman 'yon." Tuloy-tuloy nang lumabas ng pinto si Sebastian.
Napasandal siya sa kinauupuan. Parang biglang sumakit ang ulo niya nang mabanggit si Yvonne. Since Jan left, the woman seemed to stake her claim on her. Naging visible na ito sa lahat ng lugar na puntahan niya. Kung dati ay ito ang may gustong itago ang relasyon nila, ngayon naman ay all out kung magpakita sa publiko ang babae. Ang kaibahan nga lang, wala na silang relasyon ngayon.
Madalas siyang pagalitan ng Lolo niya. Ayaw nito kay Yvonne. Idagdag pang may asawa siyang tao. 'Yon lang, nawawala sa picture ang asawa niya. At ngayong nagbalik na sa Pilipinas si Jan Marie, hindi 'yon para sa kanya kundi sa anak nito.
His fist balled just as his phone rang.
"Hey, babe. 'Wag mong kakalimutan ang gala sa Metro Museum next week ha. Ngayon pa lang ni-re-remind na kita. Ipaayos mo na ang schedule kay Aubrey."
Napatingin siya sa desktop calendar. "I'm afraid hindi kita masasamahan, Yvonne."
"Why?"
"I'm leaving for the States, six days from now."
"What? Hindi ko yata alam 'yan? Kailan pa naka-schedule 'yan? Nakausap ko si Audrey kahapon."
Here we go again. "Look, wala akong obligasyong ipaliwanag sa 'yo ang mga plano ko. Wala ka ring karapatang pangunahan ako, Yvonne. Stop buttering up my secretary to spy on me. I'm going to Boston on personal business."
"Ano'ng gagawin mo doon?" parang walang narinig na tanong nito.
"Have a nice day, Yvonne." Agad niyang pinutol ang tawag bago pa ito magtititili sa inis.
He used to find that habit of hers endearing. Pero ngayon, nakakainis na. Hindi niya alam kung kailan nag-umpisang marami siyang napapansing hindi niya gusto sa ugali ng babae. Nagising na lang siyang isang araw na asar na asar dahil ang aga-agang dumayo ni Yvonne sa bahay niya para daw ipaghanda siya ng breakfast.
Biglang bumukas ang pintuan. "Iho!"
"Lolo. Napadaan kayo?" Sinalubong niya ang matanda na nakatungkod. Mag-iisang taon na rin itong nakadepende sa tungkod nito. "Bakit kayo lang? Nasaan si Nurse Mildred?"
Iwinasiwas ng matanda ang kamay sa hangin. Nagulat na lang siya sa higpit ng hawak ng matanda sa braso niya. "Tell me that my eyes were not playing tricks on me. Dito ba nanggaling si Jan Marie?"
Dahan-dahan siyang tumango. Nagliwanag ang mukha nito sa sagot niya. "Then, is she back for good? Nagkaayos kayo?"
"No, Lolo. She's here to ask for my help."
Nadagdagan ang guhit sa kulubot na noo ni Maximo. "Para sa?"
"Her son is sick." Hindi na siya nag-elaborate.
"S-She had a s-son?"
"Opo."
"And how old is he?"
"I don't know exactly. But I heard he's turning two."
Hindi niya inasahan ang ginawa ng lolo niya. Naramdaman na lang niya ang init sa bahagi ng ulo niyang sinapok nito. Nakamot na lang niya 'yon.
"Damn it!" hindi niya napigilang magmura. "I'm not a kid anymore para batukan n'yo nang ganyan!"
"Where have all your brains gone?" Inosenteng tanong nito. Bigla ay nanlisik ang mga mata ni Maximo. "He's yours!"
He scoffed. "Siguradong-sigurado kayo ah."
"Of course! Dahil hindi ako naniniwalang pinagtaksilan ka ng asawa mo. Maaaring kakumpitensya mo si Sebastian pero hindi niya magagawang manira ng pamilya."
"You don't know that, Lolo. That sonofabitch may have planned it all along."
"Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa batang 'yon, in the same way that I know your wife would never cheat on you," deklara ng matanda.
Pinili niyang ibahin ang usapan para hindi na humaba pa. "Anyhow, I'm leaving in a week. I'm having myself tested if I am compatible with her son to be a donor."
Tumango-tango si Maximo. "You do that. Ayusin mo na ang dapat mong ayusin bago ka umalis. Uuwi na ako. Ikaw na ang bahalang magpaalam sa Mommy mo."
He sighed. Matagal nang wala sa buhay niya si Jan Marie pero hindi pa rin nawawala ang tampo sa kanya ng ina. She believed he didn't put up a fight when his wife left him. Dapat daw ay ginawa niya ang lahat para maisalba ang pagsasama nila. Ilang buwan din siyang hindi kinibo ng ina nang bumalik siya galing Phuket na hindi kasama si Jan Marie.
"Sige ho, ako na ang magsasabi kay Mommy," aniya nang nasa pinto na sila ng matanda.
Sumalubong sa matanda ang nurse nito na naghihintay sa labas. Palayo na ang dalawa nang tumigil si Maximo sa paghakbang para lingunin siya.
"Max."
"Po?"
"Sana hindi ka magsisi 'pag nakita mo na siya."
**********
BASTI let out a whistle. Nasa private jet ni Reth nakatutok ang mga mata nito, parang batang nakakita ng bagong laruan. "Who are you engaged to, some royalty?"
Nilingon niya ang lalaki pero hindi siya sumagot. Magkakasama silang naghihintay kay Reth sa hangar ng private jet nito. Lumabas ito sandali dahil ipinatawag ng piloto. Si Maxwell ay abala sa cellphone nito habang nakasandal sa upuan. Mukhang business pa rin ang inaatupag, kabaliktaran ni Basti na bakasyong-bakasyon ang vibe.
"Hindi naman papatol 'yan kung walang pera ang lalaki."
His gibe was totally uncalled for. Ganoon pa man ay pinili niyang 'wag patulan ito. She ignored the pinpricks of pain jabbing at her chest and throat. Napayuko siya para itago ang pag-iinit ng gilid ng mata, kunwari ay napuwing.
"Kung wala ka rin lang masabing maganda sa kapwa mo, manahimik ka na lang pwede?" si Basti.
Kibit-balikat lang ang naging reaction ni Maxwell. Nakita niya ang pagkilos ni Sebastian para sugurin ang huli pero mabilis niyang napigilan ang braso nito. Nang mapatingin sa kanya si Basti ay huli na para itago niya ang pinipigil na luha.
Umiling siya. "Hayaan mo na siya. He can run his mouth all he like. Kaya kong tiisin lahat ng 'yon para sa anak ko."
"Still, it doesn't give him the right to be an ass."
Pilit siyang ngumiti. She stepped back and crossed her arms against her chest. "He's always been an ass. Hindi ka na nasanay."
"Right."
"Is everyone ready?"
Nalingunan nila si Reth na palapit sa kanila. Pawisan ang noo nito kaya mabilis niyang nilapitan ang lalaki para punasan 'yon. Ngumiti si Reth at kinurot ang dulo ng ilong niya. But his eyes grew tight when he saw her face. Agad itong umakbay sa kanya.
"We're taking off in ten minutes. Let's go." Iyon lang at iginiya na siya ni Reth palabas ng hangar. Panay ang hagod ng kamay nito sa braso niya. Parang binibigyan siya ng assurance na hindi siya nag-iisa.
"Thanks," bulong niya kay Reth.
"Anything for you."
Magkakasunod silang umakyat ng private jet. Magkatabi sina Basti at Maxwell sa upuan. Agad na lumabas ang isang flight attendant at tinulungan silang mag-settle. Pagkalipas ng ilang minuto, nasa himpapawid na ang eroplano. Nag-stop over muna sila sa Hong Kong para mag-refuel at maintenance check bago bumiyahe ng kulang-kulang seventeen hours.
Wala siyang ginawa kundi kumain, matulog at makipagkuwentuhan kay Reth. Ang dalawa naman sa kabilang upuan ay nagkapanisan ng laway sa buong byahe. Paglapag nila sa Boston ay doon pa lang niya narinig na nagpalitan ng salita sina Maxwell at Basti.
"Baka nakakalimutan mo Mr. President, bakasyon ko ngayon," si Basti.
"So you can't be bothered with work, ganoon ba?"
"Hindi naman. Ang akin lang, maayos kong iniwan ang trabaho ko. Kung ikaw hanggang panaginip mo bitbit mo ang concerns sa kumpanya, 'wag mo na akong idamay," katwiran ni Basti.
Napailing na lang siya. So typical of Maxwell. Hindi pa rin talaga nagbabago ang pagiging workaholic nito. Pero noong nagsasama pa sila ay kaya namang iwan ni Maxwell ang ginagawa lalo na 'pag kailangan niya ang lalaki.
Because it was all just a show. She should stop herself from deluding that maybe she meant something for him then. Hindi siya dapat mawala sa focus. Sa ngayon, si Maxon ang lahat-lahat ng 'yon para sa kanya.
Paglabas nila sa airport ay nakaabang na ang driver ni Reth. Walang masyadong dalang bagahe sina Maxwell at Basti kaya hindi naging problema ang space sa kotse. Maluwag pa nga silang apat.
"I assume sa pinakamalapit na hotel sa ospital kami tutuloy ni Maxwell?" tanong ni Basti habang bumibiyahe sila sa kahabaan ng Sumner Tunnel papunta sa Storrow Drive exit dahil downtown Boston ang punta nila.
Sila ni Reth and nakaupo sa likod, ipinaubaya ng lalaki ang space sa mga bisita nila.
"Ah, hindi ko pa naitatanong kay Reth." Bumaling siya sa katabi. "Where did you book them to stay?"
Tinitigan siya ni Reth. "Why would they stay at some hotel when we have a condo big enough for eight people?"
Oo nga naman. Maluwag na maluwag sa condo ni Reth na binili nito para magamit nila ni Maxon nang mag-umpisa ang treatment ng bata sa Boston Children's Hospital. Pero hindi niya inisip na i-ooffer 'yon ni Reth sa kanila ni Basti at Maxwell. After all, that condo is his personal space.
Penthouse suite ang condo ni Reth sa Beacon Street at nasa ninth floor. Nang mag-house shopping sila noon sa Back Bay kasama ang Ate Rebecca niya ay agad niyang nagustuhan ang lugar. Kaya lang ay tinanggihan niya dahil sa sobrang laki. Pero binili ni Reth nang malaman kay Rebecca na 'yon gusto niya sa lahat ng pinuntahan nila.
"No, we will stay in a hotel. There are lots of five star hotel here to choose from," dinig niyang tanggi ni Maxwell.
"I assure you, Mr. Quintanar. My place is a lot more comfortable than five star hotels. I have people who can accommodate your needs around the clock if need be," sabi ni Reth.
Sumingit na siya. "Ganito na lang, kung hindi n'yo magugustuhan ang condo ay pwede naman kayong mimili kung saang hotel n'yo gusto tumuloy."
"Okay."
"I don't have any problem. You can even house me in a barn, I won't complain," si Basti.
"I have a barn habitable for both human and animal, complete with amenities."
"Really?" namilog ang mata ni Sebastian. "With prized mounts and hot water?"
Lumutang ang mahinang pagtawa ni Reth. "That, too."
"Man, you have to show me."
"I'd be glad to. But it's in Thailand. You can come and visit if you like. God-willing, we'll be in Thailand after Maxon's surgery."
Pagkabanggit sa bata ay ibinaling niya ang mga mata sa bintana ng kotse. Hindi niya maiwasang maging emosyonal 'pag napapag-usapan ang operasyon ng anak niya. Nauubos na ang oras ng anak niya. Hindi pa man nag-uumpisa ang buhay ng anak niya ay nakikipaghabulan na ito kay Kamatayan.
"I'm actually wondering if it's okay with you to have your girlfriend's ex-husband stay in your house?"
Sinakop ng isang palad ni Reth ang kamay niya. He gave her a reassuring smile before addressing Maxwell. "Why not? It's not as if everything isn't over between you two. I am not an insecure man. Besides, these are all for the boy. Maxon is dear to me and I will do everything in my power to give him a future he deserves."
She squeezed his hand in gratitude. Masyadong malaki ang puso ng lalaking ito. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi niya pinagsisihan ang desisyong sumunod sa Ate Rebecca niya sa Thailand noon. Sina Rebecca at Reth ang naging sandalan niya sa mga panahong kinakain siya ng lungkot.
"I see," ani Maxwell.
"Maxon is a sweet boy. It's just unfortunate that you don't want him. But I'm not complaining, though. After all, a man's trash is another man's treasure. I guess I have you to thank for driving them away. I'm not being sarcastic, it's just I'm really thankful for having Jan Marie and Maxon in my life. And thank you too for doing this. Rest assured you won't have to worry about Jan coming after your wealth. I have more than enough to let them live in luxury for the rest of their lives."
Basti snickered. Hindi na niya napigil ang pagngiti.
Burn, Maxwell.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro