XVI
TWO years and five months later, hindi niya inexpect na babalik pa siya dito. Malalim ang hinugot niyang paghinga pagbaba ng taxi. Tiningala niya ang Q Building, sa tayog nito ay halos mag-isang guhit na ang mga mata niya.
She ran a clammy hand over her curls. Remember, you're not doing this for yourself.
Pagdating niya sa lobby ay agad siyang lumapit sa receptionist. The girl behind the desk gave her a pleasant smile. Busy pa ito sa pakikipag-usap sa telepono kaya naghintay siya.
"Yes, Ma'am? Saan po ang sadya natin?"
"The President's office, Miss."
Hindi nagbabago ang ngiti ng babae kahit na natigilan ito. "Ah, kailangan po kasi nating dumaan muna sa Executive Secretary ni Mr. Quintanar. Puwede ko ho bang malamang ang pangalan nila?"
"Jan Marie Cordova Quintanar."
Tarantang dinampot ng babae ang telopono."I-Im sorry, Ma'am. Hindi ko kayo nakilala."
"It's okay, hindi mo kasalanan."
Naghintay pa uli siya. Apparently ay hindi naniniwala ang sekretarya ni Maxwell na siya nga ang asawa ng boss nito. Apologetic na napatingin sa kanya ang receptionist.
"Puwede ko ba siyang makausap?"
"S-Sige po."
"What's her name again? Bagong secretary ba ni Maxwell 'to?" tanong niya bago tinanggap ang telepono.
"Opo. Audrey po."
Tumango siya. "Miss Audrey, this is Jan Marie Cordova Quintanar. Pwede mo ba akong isingit sa schedule ng boss mo today?"
"Sorry but Mr. Quintanar is busy. May kausap pa siyang tao sa office niya. Puno rin ang schedule ni Sir hanggang katapusan ng buwan."
"Hindi ko naman sinabing istorbohin siya, all I need is chance to talk to him."
"Look, Ma'am. Hindi lang kayo ang nagpanggap na asawa ni Boss para lang makapasok sa office niya. Lumang style na ho 'yan. Kaya pasensya na ho kayo."
Nag-init na ang ulo niya. Hindi siya nakakain sa eroplano dahil habang palapit nang palapit ang siya sa Pilipinas ay parang hinahalukay ang sikmura niya. Ganoon pa man, nagtimpi pa rin siya. Ginagawa lang ng babae ang trabaho nito. Pero emergency rin ang dahilan kung bakit niya sinadya si Maxwell dito.
"I know you're just doing your job. But what I came here for is important. Hindi ako magpapakapagod bumiyahe mula Boston para landiin ang Boss mo. Will you please just tell Maxwell I'm here? Wala kang ibang gagawin kundi tanungin siya kung kilala ba niya ako o hindi."
Pero matigas ang sekretarya ni Maxwell. "I'm sorry."
Frustrated na ibinalik niya sa receptionist ang telepono. Hindi siya pwedeng umakyat nang walang visitor's pass dahil sa elevator pa lang ng President's floor ay haharangin na siya ng security doon.
"Si Mr. Sebastian Fersth, dito pa rin ba nagtatarabaho?"
"Yes, Ma'am."
Nabuhayan siya ng loob. Kay Basti siya hihingi ng tulong para makausap si Maxwell. "Please, siya na lang ang kakausapin ko. Pwede ba?"
"Ahmm...gaya ni President kailangan nating dumaan sa executive secretary ni VP eh."
"Okay lang, it's worth the try."
"Sige po, sandali lang."
Hindi siya naghintay ng matagal. Pagkatapos niyang iwan sa receptionist ang passport ay binigyan siya nito ng visitor's pass sa floor kung saan naroon ang opisina ng Vice President for Operations. Nalaman niyang magkaiba ang location ng office ni Maxwell at Sebastian.
"Upo muna kayo, Ma'am. May kausap pa kasi si Sir through video conference," sabi sa kanya ng sekretaryang naabutan niya sa labas ng office ni Sebastian. Nag-offer ito ng maiinom pero tinanggihan niya.
"Thank you."
Mayamaya pa ay tumunog ang intercom. Lumutang ang boses ni Basti. "Julia, may appointment pa ba ako today?"
"Isa na lang po, kararating lang."
"Oh? Sino?"
"Miss Jan Marie Cordova po, itinawag ng reception. Isingit ko na tutal nag-cancel ang 11:00 AM n'yo. Pinaakyat ko na after verification, Boss."
The door immediately opened. Iniluwa noon si Basti. "Jan! My god, what are you doing here?"
"Hello, Basti. Long time no see."
Lumapit sa kanya si Basti at walang babalang niyakap siya. Nabigla man ay ginantihan niya ng tapik ang balikat ng lalaki. Kumalas naman ito. He held her at arm's length.
"Look at you, kamusta ka na? God, woman! Nag-alala ako sa 'yo. After Phuket, hindi ko na alam kung saang lupalop ka napunta."
"Okay lang naman, as you can see I'm still breathing."
Hindi siya nito binitiwan. Lumipat lang sa likod niya ang kamay ng lalaki at binalingan ang sekretarya. "Hold all my calls. I might cancel all my appointments this afternoon."
"Pati 'yong meeting with the President?"
"Mapapaaga lang ang meeting namin kung sakali." Nilingon siya ni Sebastian. "It's almost lunchtime, kumain ka na ba?"
Iling ang isinagot niya. "Kararating ko lang galing Boston, dito ako agad dumiretso."
"Julia, please order us some lunch."
"Right away, Sir."
Sebastian guided her inside his office. Maayos ang silid pero hindi ang mesa nito. Nagkalat ang papel, patong-patong rin ang mga folders.
"Pasensya ka na sa kalat."
"A messy table is a sign of a hard working man. Unless sadyang ginulo mo lang para magmukha kang busy," biro niya.
"Actually naghahanda na ako para sa isang mahabang bakasyon kaya ganito kagulo ang mesa ko."
"Really?" Naupo siya sa visitor's chair. "Buti nakakaalala ka pang magbakasyon."
"Kailangan ko rin. Or else masisiraan ako ng bait dito. Matagal-tagal na rin 'yong huling bakasyon ko."
"'Yong Phuket trip mo?"
"Oo. Hindi na nahintay ng dating VP ang retirement niya, nagkasakit kasi kaya napabilis ang promotion ko. When I got back from that trip, I was informed I had to take over the position."
"I see. Pero mukhang hiyang ka eh, hindi ka naman mukhang stressed."
Natawa si Basti. "With your husband as the President? You have no idea, woman. Anyway, enough about me. What happened to you?"
"Wala naman masyado. I stayed in Phuket with my sister for a month. Pagkatapos ay nagpunta kami ng US. We stayed at Connecticut, sa childhood home ng fiancee ni Ate. Nagustuhan ko doon kaya nang umalis sila para sa Europe tour ay nagpaiwan ako. Since then, I've been living in Connecticut.
"Pero sabi mo galing ka ng Boston?"
Napayuko siya. Kailangan niyang ikuwento kay Basti ang totoong sadya niya kung gusto niyang tulungan siya ng lalaki na makausap si Maxwell. Hindi lihim sa kanya na hindi magkasundo ang dalawa.
"Since my son was diagnosed with Bilary Artesia at three weeks, halos doon na nakatira ng anak ko sa Boston Children's Hospital. Mahigit dalawang oras din kasi ang byahe mula sa bahay namin sa Old Greenwhich papunta sa ospital. So Reth rented an apartment for me in Boston para malapit ako sa anak ko."
"At nandito ka dahil?"
Unti-unting namigat ang dibdib niya. Kung puwede lang ayaw niyang gawin 'to pero para sa anak niya, kaya niyang maglumuhod at magmakaawa.
"Maxon needs a liver transplant. None of us is a compatible donor. Hindi ako, si Ate at lalo na si Mommy. Even Reth volunteered. Nasa waiting list na rin kami pero hindi na namin kayang maghintay. Kailangang maoperahan ang anak ko bago siya mag-birthday sa June." Hindi na niya napigil ang paghagulgol. Iniisip pa lang niya ang mga pinagdaanan ng anak niya ay parang pinupunit ang dibdib niya.
Nagising ang Mommy niya sa araw na nag-li-labor siya kay Maxon. Iyak sila nang iyak ni Rebecca sa magandang regalong ibinigay sa kanila ng Diyos. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit kinalimutan na niya ang pag-uwi ng Pilipinas. Para ano pa? Maayos siyang nakaraos sa panganganak. Kumpleto na ang kaligayahan nila lalo na nang mahawakan ng Mommy nila si Maxon sa mga bisig nito.
Pero nagpakita ng signs ng jaundice ang bata tatlong linggo matapos itong ipanganak. Maxon went through a lot of tests dahil baka may damage ang liver nito. Sa unang beses na tinurukan ng karayom ang anak niya ay halos mawalan siya ng malay. Awang-awa siya sa bata. But her little boy is little bundle of courage. Nalagpasan nito lahat pati na ang pinakahuling operasyon nito.
"Even after he underwent Kasai surgery to remove his damaged bile ducts and create a direct path for bile to flow into his small intestine from his liver, he developed cirrhosis. The surgery managed to prolong his life pero kailangan pa rin ng transplant para maisalba ang liver niya."
"God. He went through all that at a young age. Kailan ka babalik ng Boston? Gusto kong mag-undergo ng test."
Nagulat siya. "Gagawin mo 'yon?"
"Why not? You need all the help you can get. I live healthy. Sana lang, compatible ako sa anak mo."
"Thank you, Basti. Kahit hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, maraming salamat. Kailangan ko munang makausap si Maxwell at kumbinsihin siyang sumama sa akin sa Boston para magpa-test."
"Magkaibigan tayo, sapat nang dahilan 'yon. Sasamahan kitang umakyat mamaya sa opisina ni Maxwell. Malamang hindi ka nakalusot kay Audrey. Mabuti na lang hindi pa ako lumalabas para mag-lunch."
"Oo nga eh."
Isang katok ang narinig nila. Lumitaw ang ulo ni Julia sa pinto. "Sir, nandito na po ang lunch n'yo."
"Thanks, Julia. Pakidala na lang dito, please."
Pinagtulungan nila ni Julia ang paghahanda ng pagkain kahit sinaway siya ni Basti.
"Bisita kita"
"Walang batas na nagsasabing hindi pwedeng kumilos ang bisita," sabi niya na may halong irap.
"Okay, fine. Kumain na tayo. Right after this, didiretso na tayo sa asawa mo. Hindi 'yon lumalabas para mag-lunch, nagpapa-deliver din lang."
Asawa mo. How strange it is for her to hear it again after all these times. Simpleng Jan Marie Cordova lang siya sa nakalipas na labimpitong buwan.
"Okay."
**********
"SIR, VP Fersth is here to see you."
"Tell him to come back later. Ala una y medya pa ang meeting namin, masyado siyang maaga kamo." Dinig nila ni Basti ang boses ni Maxwell sa intercom.
"Pero---"
"Hindi ka ba makaintindi, Audrey?"
Namula ang sekretarya. Inunahan na ito ni Basti bago pa masundan ni Maxwell ang mga sasabihin nito at masermonan ang babae.
"Magsungit ka hangga't gusto mo but I'm here with your wife. Importanteng magkausap kayo," sabi ni Basti.
Natahimik si Maxwell sa kanilang linya. Mayamaya ay nagsalita rin ito. "Let them in."
Nakatalikod sa kanila si Maxwell nang pumasok sila sa opisina nito. He was facing a big glass wall that overloooks that part of Ortigas. Para itong haring nakatanaw sa mga nasasakupan sa ibaba.
"What do you want?" malamig na tanong ng lalaki sa kanila.
Nagkatinginan sila ni Basti. Tinanguan siya ng lalaki, inuudyukan siyang magsalita. Naupo ito sa visitor's chair at nag-umpisang magbuklat ng magazine. Naiwan siyang nakatayo, hindi makapagdesisyon kung uupo ba o ano. She clenched and uncleched her fist agaisnt her knee-lenght A-line skirt. Pakiramdam niya ay sumisikip ang leeg ng suot niyang sleeveless blouse.
"I-I need your help, Maxwell."
"And what made you think I'd say yes?" Nanatiling nakatalikod sa kanila ang lalaki.
"Please hear me out first," pakiusap niya.
Dahan-dahang umikot si Maxwell. Napalunok siya nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. Blangko ang mukha nito, ni hindi niya kinakitaan ng pagkagulat sa biglaang paglitaw niya. Si Basti ay parang walang naririnig na tuloy pa rin sa ginagawa.
"Alright. You have ten minutes." Umupo ito sa ibabaw ng mesa. "Start talking."
Inulit niya kay Maxwell ang ikinuwento kay Basti kanina. Walang kibo ang lalaki habang nagkukuwento siya kaya naman nagkaroon siya ng pag-asa. Nang matapos siyang magsalita ay hindi pa rin nag-re-react ang lalaki.
"T-Tutulungan mo ako, right?" pananantya niya. Nag-aalangan siyang ngumiti pero hindi niya ipinagdamot, kahit doon man lang makita ni Maxwell na sincere siya sa paghingi ng tulong.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?"
Tumabingi ang ngiti niya. Her facial muscles had gone slack. Kasabay noon ay ang paglakas ng kabang kanina pa niya pilit na pinagtatakpan.
"H-Ha?"
"Bakit ko gagawin 'yon? Malayo ang Boston, hindi ko pwedeng iwan ang kumpanya. God knows how long those tests would take para lang ma-check kung compatible kami ng anak mo."
"But Maxon is your son! Hindi kita ginulo simula nang umalis ako dito, inako ko lahat ang responsibilidad sa kanya. Ngayon lang ako lumalapit sa 'yo para humingi ng tulong. Maxon won't live past two years old 'pag hindi siya na-operahan!" nag-iinit ang mga matang bulalas niya.
Hanggang ngayon pa rin ba, hindi pa rin nito matanggap ang bata? Bulag pa rin sa katotohanan ang lalaki. Hindi naman siya namimilit kung ayaw itong tanggapin ang bata. Tulong nito ang kailangan niya.
"Look, there's no way he's my son. Bakit hindi sa totoong ama ka niya lumapit?" Itinuro nito si Basti. "Ayan oh, nasa harap mo na."
Ilang minuto pa lang silang magkaharap ni Maxwell pero nararamdaman na niya ang pagod. It seeped into her bones. Tutal sarado na ang isip nito, hindi na siya mag-aaksaya ng panahong magpaliwanag.
"Sasama naman talaga ako sa Boston. We need other options dahil hindi ako siguradong compatible kami ng bata," kalmadong singit ni Basti. Hindi niya alam kung bakit hindi rin nito itinama ang maling paniniwala ni Maxwell.
Hindi kumibo si Maxwell. Nanatili itong nakatingin sa kanya, parang tinitimbang ang mga sinabi ni Basti. Mayamaya ay lumapit ito sa drawer ng mesa nito at may kinuhang folder doon.
"Only if you'll sign these documents." Pabagsak nitong inilapag sa ibabaw ng mesa ang folder.
Lumapit siya. "Ano 'to?"
"Basahin mo para malaman mo." Puno ng disinterest ang boses ni Maxwell saka umupo sa swivel chair. "Kung papayag ka sa lahat ng mga 'yan, ang ibibigay kong kapalit ay ang pagtulong sa anak mo."
Annulent papers ay waiver of rights sa lahat ng conjugal properties nilang mag-asawa ang mga 'yon. She bit her lip. Mukhang pinaghandaang mabuti ni Maxwell ang pagbabalik niya. It's like as if he was sure she will be back begging.
Ganoon pa man, bago pa siya dumating dito ay buo na ang loob niya. Susundin niya lahat ng kondisyon ng lalaki para lang mapapayag ito. Kahit sabihin pang may karapatan ang anak niya sa ari-arian ng mga Quintanar, hindi na niya hahabulin 'yon.
"Can I borrow a pen?"
"Jan! Hindi mo pa nababasa lahat ng kondisyon niya, pipirma ka na?" si Basti.
"Even if this means selling my soul to the Devil, walang magbabago. Pipirma pa rin ako," matigas niyang deklara.
"But---"
"It's okay, Basti. I may not have much but my I will make sure my Maxon will not lack for anything. But first, I need to ensure that he'll live to enjoy what life has to offer."
Hindi na siya napigil ni Basti. Hindi pa rin nagbabago ang mukha ni Maxwell hanggang sa matapos siyang pumirma. Walang kibong ibinalik ng lalaki sa drawer ang folder.
"When do we leave?" tanong nito.
"As soon as possible. We're racing against time here. The sooner you get tested, the better."
Nag-isip ang lalaki. "In a week's time."
"Fair enough. Thank you."
"May kailangan ka pa?" tanong ni Maxwell.
She shook her head. Noon naman tumunog ang intercom. "Sir, a certain Mr. De Luca is here to see you."
Maxwell's forehead creased. "De Luca?"
"Yes, sir. He said he's here for M-Mrs. Q-Quintanar."
Nag-isang linya ang kilay ng lalaki sa narinig. Ganoon pa man ay nagbigay ng go signal sa sekretarya. Pagbukas ng pinto ay iniluwa noon si Reth De Luca. He walked as if he had all the time in the world, confidence oozing in each step. Matangkad sina Sebastian at Maxwell pero higit matangkad si Reth. Diretso ang lalaki sa kanya. Parang walang nakikitang ibang taong humalik sa pisngi niya si Reth.
"Are you done here?" tanong nito, hawak ang kamay niya.
"Y-Yes."
"Excuse my lack of manners, gentlemen. I am Reth De Luca."
Lumitaw ang mapuputing ngipin ni Reth nang ngumiti ito. Kita ang isang sungking ngipin sa bandang kaliwa mapalit sa dulo. It was one of his imperfection that he refused to fix. Kahit ang pilat nito sa nose bridge ay hindi nito pinaayos.
"Maxwell Quintanar, the pleasure's been all mine."
"Sebastian Fersth."
"Ah, I've heard about you guys from Jan Marie. Nice meeting you." Lumipat ang kamay ni Reth sa likod ni Jan. "If you'll excuse us, my girlfriend is tired."
There was no mistaking the surprised look on Maxwell's face.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro