XV
HATING-GABI na nang dumating si Maxwell. Kanina pa siya naghihintay sa kuwartong dati nilang pinagsasaluhan. Amoy alak ang lalaki, hindi siya pinansin at diretso sa walk-in closet para magbihis. Nakaramdam kaagad siya ng pagkaita sa inasal nito.
But she clenched her teeth, desperately holding her temper in. Kailangan nilang mag-usap kaya dapat ay kumalma siya. Visions of him with Yvonne came flashing in her head. Mariin siyang napapikit.
"What do you want?"
Namulat siya ng mga mata. "Can we talk?"
"Nag-uusap na tayo," balewalang sagot ni Maxwell.
Nagsindi ito ng sigarilyo mula sa kahang nakapatong sa bedside table saka umupo sa kama. Nakatalikod sa kanya ang lalaki. Naalibadbaran siya sa usok na ibinubuga nito. Napupunta kasi sa kinauupuan niya.
"Pwede bang mamaya ka na manigarilyo 'pag tapos na tayong mag-usap?" aniyang iwinawasiwas ang kamay para itaboy ang usok.
Walang kibong idinutdot ni Maxwell ang sigarilyo sa katabing ashtray. "Okay na?"
"Salamat."
"Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo. Pagod ako, gusto ko nang matulog."
Pagod ka sa pakikipaglandian kay Yvonne? Gusto sana niyang sabihin. "B-Buntis ako."
Hindi niya nakikita kung ano ang reaction ni Maxwell. Ang tanging indication lang na nagreact ito ay ang pagtuwid ng likod nito sa pagkakaupo. He offered no words, just sat there as if he's a permanent fixture in the room. Pero nang magsalita ito ay para siyang ibinaon ng six feet sa ilalim ng lupa.
"So what?"
Nanikip ang lalamunan niya, hindi makapaniwala sa narinig. "S-So w-what? Anak mo 'to."
Marahas na lumingon sa kanya si Maxwell. Ngayon niya nakita ang pagngangalit ng bagang nito. Nakakuyom din ang magkabilang kamao ng lalaki sa ibabaw ng kama.
"Paano ka nakakasigurong ako ang ama ng batang 'yan at hindi si Sebastian?!"
"Dahil wala kaming relasyon!"
Napatayo si Maxwell. Sa ilang hakbang ang nasa harap na niya ang lalaki. Halos bumaon ang mahahabang daliri nito sa balikat niya sa higpit ng pagkakahawak sa kanya.
"Stop lying to me!" sigaw nito na parang gigil na gigil. Veins in his neck were popping. "Just stop!"
Hindi siya makapagsalita hanggang sa unti-unting nanlabo ang paningin. Pakiramdam niya ay wala siya sa sariling katawan. Nawala sa kamalayan niya ang sakit na hatid ng mapagparusang darili ng lalaki sa balikat niya. She just stared at him without seeing him. Paulit-ulit na isinisigaw ng isip niya ang katotohanang isinampal ni Maxwell sa kanya: hindi nito tinatanggap ang responsibilidad.
"This is the last straw. Ayoko nang makipaglokohan sa 'yo. The show is over, Jan Marie."
Slowly, tears trickled down her face. Noon siya binitiwan ni Maxwell. Dinig niya ang pagmumura nito nang tumalikod at lumabas sa terrace. Hindi niya napigilan ang paghagulgol, hawak ang naninikip na dibdib.
She bent her body forward as she sob. Hindi niya mailarawan ang sakit, para siyang pinupunit na ewan. Para bang may invisible na kutsilyong humihimay-himay sa bawat maliit na bahagi ng katawan niya, nakasentro sa bandang dibdib na dahilan para mahirapan siyang huminga. Mas matindi pa kaysa noong nawala ang Daddy niya.
Suko na siya. Maxwell slowly kills her spirit. She can't let it happen because of her child. Kailangan siya ng anak niya lalo na at itinanggi ito ng sariling ama. Before she loses her self completely, she must leave even if it means giving up the man she loves. Lalo pang napalakas ang iyak niya sa na-realized.
Hindi na niya alam kung gaano siya katagal na nag-iiyak doon. Nang maubos ang luha niya, dahan-dahan siyang tumayo. Nakita niya si Maxwell na nakaupo pa rin sa terrace at naninigarilyo. Ni hindi siya nito nilingon. Tumindi ang hapdi sa dibdib niya. Pagpasok niya sa sariling kuwarto ay nagsimula siyang mag-empake ng damit.
**********
"SIGURADO ka ba sa gagawin mo? Paano ang pag-aaral mo?" tanong ni Anne.
Alas kuwatro pa lang ng madaling araw, isang oras pa lang mula nang makaalis siya sa bahay nila. Sa ospital siya dumiretso para dalawin ang Mommy niya at para na rin magpaalam. Tinawagan niya ang kaibigan at ikinuwento ang nangyari.
"Hindi rin naman ako makakapag-conentrate sa sitwasyon ko ngayon, Anne. Iniwan ko nga pala sa nurse ni Mommy ang special power of attorney para makapag-file ka ng withdrawal ko sa school in my behalf."
"Sige. Basta balitaan mo ako ha, 'wag kang basta mawawala."
"Oo. Hinihintay ko na nga ang tawag ni Ate. She booked me a flight. Saka paki-kuha si Menchu sa bahay, kawawa naman walang mapupuntahan 'yong tao. Sabihin mo ipinagbilin ko siya sa 'yo."
Bago siya umalis ng bahay ay nag-send siya ng message sa kapatid. Hindi niya alam kung nasaan ngayon si Rebecca pero tiwala siya sa binitiwang pangako nito noon. Kung hindi man ito agad na mag-respond ay plano na niyang humingi ng tulong kay Anne para makalayo kay Maxwell.
"Walang problema. Isa pa, gusto ko rin si Menchu. Teka, saan ka ba pupunta?"
"I don't know yet. Sabi ni Ate siya na ang bahala." Narinig niya ang mahinang pag-beep. "May incoming call ako. Baka si Ate na 'to."
"Alright. Keep your promise ha."
"I will." Tinapos na niya ang pakikipag-usap kay Anne. Si Rebecca na nga ang tumatawag. "Ate."
"I booked you a flight to Thailand. Be at the airport ASAP. Dala mo naman ang passport mo, 'di ba?"
"Opo. Pero saan ako tutuloy doon?"
"Sa akin siyempre. Ako mismo ang susundo sa iyo sa airport. Nagpaalam ka na ba kay Mommy?"
Nilingon niya ang Mommy niyang wala pa ring malay. Masakit sa loob niya na iwan ang ina pero sigurado siyang maiintindihan naman siya nito. She broke down earlier while telling her mother what happened.
"I did."
"Don't worry, uuwi rin ako para makasama siya. Balak kong i-arrange ang transfer ni Mommy para makasama natin siya."
Kahit paano ay nakaramdam siya ng tuwa. "Sige, Ate. Maraming salamat."
"Dapat noon mo pa 'to ginawa. Anyway, there's no use crying over spilled milk. Mag-ayos ka na at pumunta sa airport. Mag-check in ka nang maaga."
"Opo."
Matapos nilang mag-usap ng kapatid ay dumiretso siya sa nurse's station. Naroon ang karelyebo ng kasalukuyang nurse on duty sa Mommy niya.
"Yes, po?" tanong ng nurse.
Nagpalinga-linga muna siya sandali. "Puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?"
Nakangiting tumango ang nurse. "Ano po 'yon?"
"May kailangan lang sana akong i-print. Pwede ba akong makisuyo sa 'yo?"
"Sige po. Pwede n'yo pong i-print thru Bluetooth."
Nakahinga siya nang maluwag. "Thanks."
Ilang sandali pa ay hawak na niya ang kopya ng flight details niya. Hindi nagtagal ay sakay na siya ng taxi papuntang airport. Saglit siyang naidlip sa byahe. Pumuputok na ang araw nang tumigil ang taxi. Mabilis siyang bumaba at pumasok.
Tahimik siyang nakaupo sa isang café at kumakain nang biglang may humila ng upuan sa tabi niya. Sa gulat ay muntik nang maibuga ang laman ng bibig. Titig na titig siya sa mukha ng lalaking basta na lang nang-invade ng space niya.
"Fancy meeting you here," ngiting-ngiting mukha ni Basti ang bumulaga sa kanya.
"Isang napakalaking coincidence naman nito. Bakit ka nandito?"
"Ikaw ang dapat kong tanungin. Where are you going, Mrs. Quintanar?"
Umilap ang mga mata niya, hindi makasagot sa tanong ng lalaki. "S-Somewhere."
Umangat ang kilay ni Basti. Tumuwid ito ng upo, pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib.
"Hindi mo yata kasama ang asawa mo?"
"Stop sticking your nose into my life, Basti."
"Hmm...there's trouble in paradise. Mukhang tumatakas ka eh. Sana wala nang balikan 'yan," komento nito. Ngumuso ito sa kinakain niyang cupcake. "Is that good?"
"Gusto mo?" alok niya. "You can have it all."
Inabot ng malalaking kamay nito ang dalawang cupcake sa mesa. "Para kang bata."
"Dahil gatas imbes na kape ang iniinom ko?"
"Yep, among other things." Nagulat na lang siya nang bigla nitong pahiran ng hinlalaki ang gilid ng labi niya. "You make a mess when you eat."
Bigla siyang nailang. Parang nahimasmasan naman ang lalaki, binawi nito ang kamay. Alanganing ngumiti ito saka ipinagpatuloy ang pagkain. They settled into a comfortable silence which she liked. Mukhang naging abala na rin kasi ang lalaki sa smartphone nito maging hanggang sa matapos itong kumain.
"Saan ba ang punta mo?" tanong ni Sebastian nang magsawa ito sa ginagawa. Nagbabasa na siya sa tablet niya ng na-download niyang electronic book. Ubos na ang cupcakes ni Basti pati na rin ang gatas niya.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" hindi tumitinging balik-tanong niya.
"Curious lang."
"Phuket."
"Oh? Doon din ang punta ko. Anong flight number mo?"
Nag-angat siya ng tingin. "MH-908, 7:50 AM"
Napapitik sa hangin si Basti. "Same flight."
"Okay."
Magkatabi rin ang upuan nila nang tingnan nila ang ticket. Kahit mabigat pa rin ang loob niya ay hindi niya maiwasang matawa. Nang i-announce ang flight nila ay sabay na silang umalis ni Basti sa café.
"Dahil usisero ako, puwede ko bang malaman kung bakit mag-isa kang bibyahe ngayon?"
She sighed. She could use someone to talk to right now. "Iniwan ko na si Maxwell."
**********
"UMALIS na ba si Jan?" tanong niya kay Menchu habang nag-aalmusal.
Takang napatingin sa kanya si Menchu. "Hindi pa ho bumababa, Sir."
He silently cursed. Nakalimutan niyang wala nga palang alam ang mga kasama nila sa bahay sa totoong sitwasyon nila ni Jan Marie. Tumikhim siya. "Hindi ko na kasi siya naabutan nang magising ako," palusot niya.
"Ah." Nalingunan nito si Mae na nagpapalit ng tubig sa flower vase. "Mae, nauna kang magising. Naabutan mo ba si Miss Jan?"
Umiling si Mae. "Hindi. Four thirty ako nagising. Ah, kaya siguro hindi na naka-deadbolt ang pinto sa kitchen, akala ko nga namalengke ka na pero naalala ko Huwebes pa lang ngayon. Bukas ka pa mamamalengke."
Nagkatinginan sila ni Menchu. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tumubong kaba sa dibdib niya. Ganoon pa man ay pinilit niyang kontrolin ang sarili. Humigop muna siya ng kape bago ibinaba ang binabasang newspaper.
"Tapos na 'ko. Pakisabi kay Martin 'yong Audi ang gagamitin ko ngayon."
"Yes, Sir."
It took him tremendous amount of self-control not to dash into a run. Kalmado siyang naglakad palabas ng dining room. Pero nang masiguro niyang wala nang nakatingin ay tinakbo na niya ang natitirang baitang ng hagdan paakyat ng second floor. Pagdating sa kuwarto ay mabilis niyang pinuntahan ang connecting door.
Ni-lock niya 'yon sa side niya kagabi nang lumabas si Jan. It was his anger which drove him to say and do the unthinkable. Huli na para bawiin ang lahat dahil nasabi na niya. Hindi na rin kayang itama ng salitang sorry ang nagawa niya. Ano pa ang silbi, hindi ba? Magsasayang lang siya ng laway.
What am I doing?
Binitawan niya ang door knob. Ano naman ang sasabihin niya kung sakaling nasa loob si Jan? Umiling siya. Sisilipin lang niya ang babae para makasiguro. Kahit paano ay nag-aalala siya dito. He's not some kind of mindless beast. Bago pa niya mapigilan ang sarili ay nagkusa ang kamay niya sa pagpihit sa door knob. Locked.
Umikot siya sa kabilang pinto. His stomach clenched when he found the room empty. Malinis ang kuwarto, maayos din ang bed sheet na halatang hindi tinulugan ng may-ari. Paglapit niya sa vanity table ni Jan ay may napansin siya.
Wala doon ang bote ng paborito nitong pabango. Binuksan niya ang closet. Kulang ang mga damit nitong naka-hanger. And the final evidence indicating that Jan left? Nawawala ang isang maliit na suitcase nito.
Nanumbalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at isinigaw ang pangalan ni Menchu habang naglalakad. Nakasalubong niya ang babae sa may punong-hagdan, hawak ang cellphone nito.
"S-Sir?"
"Tawagan mo si Jan Marie, wala siya sa kuwarto."
Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pamumutla ng babae. Kumunot ang noo niya. "May alam ka ba kung nasaan ang amo mo?"
"E-Eh, S-Sir. Kakatawag lang p-po ni Miss Anne. Mag-empake na daw po ako, kukunin na niya ako. N-Nagbilin daw po si Miss Jan na umalis na ako dito k-kasi..." Napakagat-labi ang babae, hindi itinuloy ang sasabihin.
"Kasi ano?!"
Menchu flinched. Hindi pa niya ito napapagtaasan ng boses kahit minsan. "K-Kasi naghiwalay na daw po kayo."
"Give me Anne's phone number," he hissed.
Tarantang ibinigay sa kanya ni Menchu ang cellphone, naka-display doon ang number ni Anne sa last call received. Pagkatapos niyang makuha ay tinalikuran na niya ang babae. Diretso siya sa poolside. Pakiramdam niya ay nasasakal siya sa loob. O kundi man ay makakasakal siya ng tao.
Apat na ring pa bago sinagot ni Anne ang tawag niya. "Where is Jan Marie?" bungad niya kaagad.
"Hindi ko alam."
"Damn it, Anne!"
"Saka bakit ba? Di ba ayaw mo na? Ngayon, bakit para kang King Kong na ninakawan ng higanteng saging kung umasta? Hayaan mo na ang kaibigan ko, she deserved better."
"She is my wife!"
"Then you should have treated her like one! Kahit ano'ng gawin mo, hinding-hindi ko sasabihin sa 'yo kung nasaan si Jan dahil hindi ko alam! Mabuti na rin 'yon para makalimutan ka niya. You're nothing but an asshole with an ego as big as planet Jupiter!"
Binabaan siya na siya ni Anne ng telepono. Lalong nag-init ang ulo niya. Bukod kay Anne, kanino pa ba lalapit si Jan Marie? Wala sa bansa si Rebecca. Wala rin siyang alam na ibang acquaintance nito. Naisip niya ang Lolo Maximo niya.
"Yes, iho?" bati nito sa kanya.
"Ah...alam n'yo ho ba kung nasasan si Jan? Nag-usap ho ba kayo?"
"Hindi, bakit?"
Wala siyang choice kundi sabihin sa matanda ang nangyari. For some reason, hindi niya binanggit ang tungkol sa pagbubuntis ni Jan. May pakiramdam siyang tatamaan siya sa matanda. Gaya ng inaasahan, malutong na pagmumura ang pinakawalan ni Maximo sa kabilang linya.
Lahat patungkol sa kanya. Pakiramdam niya ay biglang nangalay ang batok niya lalo na nang marinig niya ang boses ng ina sa background.
"I can't believe I raised an idiot! Akala ko ba matalino ka? Hindi mo muna siniguro kung totoong may relasyon sila ni Sebastian bago ka nag-isip ng kung ano-ano?!" tungayaw ni Maximo.
"Lo..."
"Shut up! Pull some strings, check all domestic and international flights at alamin mo kung saan nagpunta ang asawa mo! She may have married you for money but she's not a loose woman, for god's sake!"
"Yes, Lo."
Tinawagan niya ang contact niya sa airport. He was too distracted to work kaya hindi na siya pumasok sa trabaho. Naghintay na lang siya sa update ng kakilala niya. Makalipas ang dalawang oras ay may natanggap siyang e-mail galing sa kausap niya. Mabilis siyang umakyat sa kuwarto para i-print ang document na natanggap niya.
Kulang na lang ay hilahin niya ang papel na iniluluwa ng printer. When the machine was finally done printing, sinuyod niya ng tingin ang document para hanapin ang pangalan ni Jan. Nang mahanap niya ang pangalan ng babae ay nabitiwan niya ang hawak na papel. Nasuntok niya ang inosenteng printer. Sebastian ang Jan Marie were on the same flight to Phuket.
Nangyari na ang gusto niyang mangyari, sinukuan na siya ni Jan Marie. Natawa siya, hungkag ang pakiramdam.
Be careful what you wish for 'cause you might just get it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro