Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XIX

UMILAP ang mga mata niya nang makita ang namumutlang mukha ni Maxwell. Dapat makaramdam siya ng satisfaction ngayong napatunayan na niya sa lalaki na hindi siya nagtaksil dito. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya sa nakikitang shock ni Maxwell.

Her chest clenched painfully at the sorrow she saw in his eyes. Malamang sising sisi na ang lalaki ngayon. 'Yon lang, hindi niya makuhang maging masaya ngayong naipamukha niya kay Maxwell ang katotohanan.

"Eth...Eth!" Maxon extended his arms, palms opening and closing at Reth.

Napangiti siya. Hindi mabigkas ni Maxon ang letter 'R' sa pangalan ni Reth. Mabilis na lumapit sa kanila si Reth at kinuha sa kanya si Maxon. Hukagikhik ang bata nang pupugin ni Reth ng halik sa braso at leeg. Sina Sebastian at Maxwell ay nanatiling nakatayo.

"We have guests, champ. Meet Mr. Sebastian and Mr. Maxwell," sabi ni Reth saka iniharap ang bata sa dalawang lalaking nanonood sa kanila.

Para siyang sinisilihan sa pagkakaupo. Kahit hindi siya direktang nakatingin kay Maxwell ay aware naman siya sa lalaki. Nakalapit na si Basti kina Reth at Maxon pero si Maxwell ay parang na-glue na ang katawan sa kinasasandalan.

Si Reth na mismo ang naglapit ng bata kay Maxwell. Parehong tahimik sina Basti at Reth, hinihintay kung ano'ng gagawin ng lalaki. Pati ang bata ay nakakapagkatang tahimik lang na nakatingin kay Maxwell. She waited with bated breath, not entirely sure why she's doing that for.

Mayamaya ay umangat ang mga braso ni Maxwell. A smile broke from Maxon's face, imitating his father's arms in return. Pagkalipat ni Maxon kay Maxwell ay saka lang uli humagikgik ang bata na parang tuwang-tuwa.

Ramdam niya ang pagbara ng lalamunan. Ngayong hawak ni Maxwell ang anak nila ay parang nabura ang lahat ng resemblance ng bata sa kanya. Maxon's face looked like a mini-version of Maxwell's. The child's stubby fingers were exploring the man's face.

Pero agad ring binawi nito ang kamay nang mahawakan ang magaspang na pisngi ng lalaki. Napangiwi si Maxon, parang iiyak. Lumingon ito kay Reth, gustong lumipat.

Natawa si Reth. "He hates stubbles. I can never hold him unless I shaved."

Nilapitan ni Basti ang mag-ama. "Here," anito at kinuha ang kamay ni Maxon "I don't have it. See?"

Medyo nag-aalangan pa ang bata noong una pero agad ring nakumbinsi. Agad-agad na umunat ang mga braso ni Maxon kay Basti. Walang nagawa si Maxwell kundi ipasa sa lalaki ang bata.

"Ang istrikto naman ng batang 'to," tatawa-tawang komento ni Basti habang karga si Maxon. Mukha naman nito ngayon ang pinagkakaabalahan ng bata. Para bang sinisiguro nitong hindi siya napeke.

"Na-phobia 'yan kay Reth," sabi niya. "One time kasi umuwi galing biyahe, pinupog ng halik ang bata kahit hindi pa nagkakapag-ahit."

Kasabay noon ay ang pagdating ng delivery ng pagkain. Mabilis niyang inayos ang mga pagkain sa mesa at niyaya ang tatlo na kumain. Kinuha na niya si Maxon kay Basti. Ramdam niya ang mga mata ni Maxwell na nakasunod sa bawat galaw niya.

She brushed it off. Sigurado naman siyang si Maxon ang sinusundan nito ng tingin dahil siya ang may karga sa bata. Kaninang si Reth at Basti ang may hawak ay parang ganoon din naman si Maxwell.

"Aren't you gonna join us?" si Basti.

Umiling siya. "Tapos na ako. Sige lang, kain lang kayo don't mind me."

Dinala niya ang bata sa higaan nito. Ilang sandali pa ang lumipas at kinukusot na ni Maxon ang mga mata. She picked him up and rocked him in her arms, his small fist clutching her neckline. Ugali 'yon ni Maxon sa tuwing pinapatulog niya ang anak. She softly hummed a tune to put him to sleep. Mayamaya pa ay nakapikit na ang bata. Lumuwag na rin ang pagkakahawak nito sa damit niya.

"Tulog na?"

Si Maxwell ang nalingunan niya. Tapos na itong kumain. Sina Basti at Reth ay nasa bintana at may pinag-uusapang kung ano. Something kicked at her chest but she nodded.

"Napagod na siguro."

"Let me," agaw ni Maxwell nang tumayo siya para ihiga na nang maayos ang bata.

"O-Okay."

Maingat na inilipat niya sa mga braso ni Maxwell si Maxon. There's something in the way he holds Maxon. Parang babasaging kristal ang bata sa mga kamay ni Maxwell.

"Uhmm..."

"Yes?" aniya pero kay Maxon nakatingin.

"Can we talk?" His voice was so quiet.

Pagbibigyan ba niya? Hindi pa man nagsasalita si Maxwell ay alam niyang tungkol sa bata ang gusto nitong pag-usapan nila. Oo nga at wala siyang expectation mula sa lalaki pagdating sa anak nila pero kung kay Maxwell mismo manggagaling, ibang usapan na 'yon.

Malakas man ang pagtanggi ng lalaki noon sa responsibilidad, hindi na ito tungkol sa kanya ngayon. It's not about her feelings but her son's welfare.

Tumango siya. After all, this is all for Maxon. "Sige. Hindi ako uuwi sa bahay ngayon, dito ako matutulog. We might as well talk habang tulog pa ang bata. Tara sa rooftop, makakapag-usap tayo nang maayos doon."

"Thanks."

"No need. Kahit para akong lumulunok ng pako 'pag kaharap ka, kaya kong tiisin 'yon para kay Maxon."

Napayuko si Maxwell. "I know. Pero salamat pa rin."

Hindi siya kumibo. Tinawag niya si Reth na natigil sa pakikipag-usap kay Basti. "Can you watch Maxon for a bit? I'll have something to discuss with Mr. Quintanar."

"Sure. No problem."

**********

MAHANGIN sa rooftop ng ospital pero parang kinakapos pa rin siya ng hininga. Hindi na kailangan ng paternity test para patunayan kung sino ang ama ng bata. Ngiti lang ng bata, sapat na.

Para siyang pinagbagsakan ng buong Asian continent sa natuklasan. Hindi niya masisisi si Jan Marie kung bakit hindi na ito nagpumilit na patunayan sa kanya na sa kanya nga si Maxon. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa pinanggagawa niya dito noon?

Hindi na niya maibabalik si Jan Marie sa buhay niya. Pero aapela siya para maging bahagi ng buhay ng anak nila. Kung kailangan niyang magmakaawa at maging sunod-sunuran sa gusto ni Jan ay gagawin niya.

"I believe you want to talk about Maxon?" panimula ni Jan. Malayo ang tingin nito habang nakahawak sa safety railings na pumapalibot sa rooftop. Her curls were pinned down by a butterfly hairclip in blue.

"Y-Yes." Napalunok siya.

His throat felt like it was rubbed raw by sand paper. "First, let me say sorry sa lahat ng mga nagawa ko. I know my apology is too late but I'm really sorry. Sorry sa pagdududa ko, sa lahat ng mga paghihirap na dinanas n'yong mag-ina dahil sa pagtanggi kong akuin ang responsibilidad."

"Ipokrita naman ako kung sasabihin kong napatawad na kita. O nakalimutan ko na lahat ng mga ginawa mo." Nilingon siya ni Jan. "But those are just my feelings. I may hate you to the high heavens but it doesn't mean idadamay ko si Maxon. You're still his father after all."

"Y-You mean..."

"Yes, Maxwell. Nandito ka na rin lang at nalaman mo na ang totoo, hindi ko ipagkakait sa 'yo ang karapatan mo sa bata. Kilalanin mo man siya o hindi, I honestly don't mind at all. Kung ipapakilala mo ang sarili mo sa kanya, make sure you'll be a constant figure in his life. 'Wag mo siyang sasaktan."

Nakahinga siya nang maluwag. "Thank you."

"But he's not out of danger yet. Hindi pa natin alam kung compatible ba alin man sa inyo ni Sebastian."

Right. Pansamantalang nawala sa isip niya ang tungkol sa kondisyon ng bata. He felt a new lump on his throat with the thought. Tumikhim siya para mawala ang pagbabara ng lalamunan bago muling nagsalita.

"Hindi tayo titigil sa paghahanap ng donor para kay Maxon kung sakaling wala sa amin ni Sebastian ang compatible sa kanya. Magko-conduct tayo ng screening sa Pilipinas kung kinakailangan."

Tumango si Jan Marie, a ghost of a smile on her lips. "Thank you."

Napangiti na rin siya. "How's your mom?"

"Ayon, maayos na. She still undergoes rehab once a week."

He sighed. "Naikasal tayo at naghiwalay na wala siya. Galit ba siya sa akin?"

"Uhmm...wala siyang masyadong alam sa nangyari. Hindi namin ikinuwento in detail ni Ate. She was not herself when she woke up so we didn't think it would help her. Masyado kaming nag-focus sa pagpapagaling niya. I was on labor when she opened her eyes, you know. It wasn't until Maxon turned three months old when we finally told her I married you."

"Ano'ng reaction niya?"

"Wala. Tuwang-tuwa siya kay Maxon. Lalo na at may hawig ang bata kay Daddy saved for his eyes and smile na walang dudang sa 'yo niya nakuha." Jan looked at him. "The resemblance is too strong."

"Yes. Hindi ko na kailangan ng paternity test para patunayang anak ko nga s'ya."

"Pati ugali, kamo," nanunulis ang ngusong sabi ni Jan.

Umangat ang isang kilay niya. "Really?"

"Oo kaya. Pati mannerisms."

Hindi niya maipaliwanag ang tuwang bumalot sa kanya. Suddenly, he's dying to hear more about their son. "Like?"

"Pareho kayong mahilig sa prutas. Sa umaga, he literally can't eat anything but fruits. He likes sleeping on his side." Inirapan siya ni Jan. "He's impatient, too. Ayaw na ayaw niyang pinaghihintay. Grabe rin magsungit, diyos ko."

Natawa siya. "Mukhang sa 'yo niya namana ang pagiging masungit."

"Hindi kaya. Ikaw ang mas masungit sa ating dalawa, talo mo pa ang menopausal eh. He keeps scratching the back of his ears like you do 'pag nauubos na ang pasensya n'yo."

He was surprised. Sa iksi ng panahon ng pagsasama nila ni Jan, hindi niya naisip na nakabisado ng ng babae ang ugali niya. Ni hindi nga niya napansin noon na observant ang babae. Kahit si Yvonne na pinakamatagal niyang naging karelasyon ay hindi pa rin makuha-kuha ang timpla ng ugali niya.

"And he's allergic to fabric conditioners like you," dagdag ni Jan.

Napailing na lang siya. "Hindi ko alam na kabisadong-kabisado mo pala ako."

"Well, nakatulong ang file tungkol sa 'yo na ibinigay sa akin ng lolo mo."

"Right." He sighed. "Kasalanan ko kung hindi ko nasubaybayan si Maxon habang lumalaki siya. Kaya gusto kong bumawi ngayon. Can you tell me more about him? His first steps, his antics, everything."

Pinagbigyan siya ni Jan Marie. When she started talking, her voice melted everything around him. Dinala siya ng mga kuwento nito sa mga panahong pinagsisihan niyang hinayaan niyang mawala sa kanya.

**********

"CONGRATULATIONS, Miss Cordova. One of the volunteers tested compatible with Maxon."

Mabilis na nanlabo ang mga mata niya sa narinig. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa kaligayahan sa magandang ibinalita ng doktor ng anak. Ipinatawag siya ng doktor nang umagang 'yon. Ang Ate Rebecca niya ang iniwan niyang nagbabantay kay Maxon.

"Thank god!" bulalas niya.

"Yes. We will schedule the evaluation right away," nakangiting sabi ng doktor.

Noon niya naalalang itanong kung sino ang naging positive ang compatibility sa anak niya. "Who among the volunteers tested compatible, doc?"

"It's Mr. Maxwell Quintanar. We're quite lucky, Miss Cordova. Considering Mr. Quintanar is not your relative."

"Actually he's Maxon's biological father, doc."

Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ng doktor pero agad ring nakabawi. "I see. That's good. Then we're positive that everything will turn out fine."

Magaan ang loob na bumalik siya sa suite ng anak niya. Naabutan niya si Rebecca na pinapakain si Maxon pero panay ang iwas ng bata sa kutsara. Napangiti siya, mukhang may sumpong ang anak niya ngayong umaga.

"Ate, ako na."

"Mabuti pa nga. Tinotoyo na naman 'tong anak mo eh," komento ni Rebecca na may ngiti sa labi. Mahinang pinisil nito ang pisngi ni Maxon. "Manang-mana talaga sa ama."

For some reason, her sister's comment made her smile. Agad niyang pinigil ang sarili bago pa man siya malingunan ng kapatid. Sinubukan niyang subuan ang bata pero ayaw talaga nitong kumain. Itinabi na lang niya ang pagkain nito at nagbalat ng grapes. Gaya ng ama, ayaw ni Maxon na kumain ng grapes na may balat. Natawa silang pareho ng kapatid nang pumalakpak ang bata pagkasubo ng prutas.

"You little fruit monster," si Rebecca. Nilingon siya ng kapatid. "Ano'ng sabi ng doktor?"

"Compatible daw si Maxwell, Ate. Inaayos na rin ang schedule para sa evaluation bukas."

"Thank god! Good decision ang pag-uwi mo ng Pilipinas para pakiusapan si Maxwell. Kung hindi lang talaga kailangan, hindi kita papayagang magpakita pa sa lalaking 'yon."

"Ate..."

"I know, it's water under the bridge para sa 'yo. Pero hindi mo pa rin maiaalis sa akin ang mag-alala. Pagkatapos ng ginawa niya sa inyo ng pamangkin ko, sino ba naman ang matutuwa? Kaya nga kita pinasamahan kay Reth para ma-discouraged ang loko kung sakaling nagbabalak pang bilugin uli ang ulo mo."

"Wala na siyang dahilan para gawin 'yon, Ate."

"Hindi natin alam, Jan. Maxwell may have known that you love him. Puwede niyang gamitin 'yon to worm his way into your lives again. Okay na kayo, hindi n'yo na kailangan ng dagdag na sakit ng ulo. Reth is generous, sigurado akong hindi n'yo mararanasang maghirap."

She sighed. "'Yon na nga, Ate. Masyadong galante si Reth, hindi ko yata matatanggap. Kung tutuusin walang kaming karapatan sa yaman niya."

Umingos si Rebecca. "Tanggapin mo na lang, ano ka ba? Isa pa, kusa niyang ibinigay sa inyo lahat ng 'yon. Alam nating medyo sensitive si Reth, sasama ang loob noon 'pag tinanggihan mo."

"Kasi naman, baka isipin ng ibang tao na abuso na kami. His family and relatives might think I'm leeching off him."

"Hindi matapobre ang pamilya ni Reth. Kahit na may royal blood sila, pinalaki silang simple at humble ng mga magulang nila. Besides, sariling pera ni Reth 'yon. His inheritance is still intact. Baka nga hindi na rin niya magalaw. Sobra-sobra ang kinikita ni Reth para buhayin nang matiwasay kahit sampung pamilya."

Right. Ang daling kalimutan na anak ng isang Thai princess si Reth. Isang malayong pinsan ng kasalukuyang hari ng Thailand ang ina nito. Sa US lang nakabase dahil doon na nakapag-asawa at nagkapamilya. His father is an American-Italian who made it big in IT industry.

"Pero..."

"Hush. Nag-set up na si Reth ng thrust fund para kay Maxon. Makukuha niya 'yon when he turns twenty one. It's done."

Ano pa nga ba ang magagawa niya? Nailing na lang siya. Minsan pakiramdam niya ay para siyang batang walang alam kung ituring ng kapatid niya at ni Reth. She's thankful for their help but at the same time, it's tiring to be treated like a fragile porcelain doll. Noon nag-ingay ang cellphone niya. Pangalan ni Ret hang nagpa-flash sa screen.

"Hello, Reth?"

Hindi boses ni Reth ang narinig niya sa kabilang linya kundi kay Basti. "Jan, something happened. Kailangan naming bumalik ng Pilipinas. Quamtum Industries is in turmoil."

"What? But Maxwell tested compatible with Maxon. Hindi pa siya puwedeng umuwi hangga't hindi naooperahan ang anak ko."

"Here, talk to him."

Boses ni Maxwell ang pumalit kay Basti. "There has been a security breach in one of our system's main servers. It contains confidential data about our products na wala pa sa market. Kailangan ako doon pero hindi ko puwedeng iwan si Maxon."

Dinig niya ang paghihirap ng loob ni Maxwell. Higit sa perang inaakyat ng Quantum Industries, ilang henerasyon ng mga Quintanar ang nagpasa-pasa sa pamumuno para mapalago ang negosyong itinatag ng pamilya. It became the family's legacy. Pawis, dugo at tiyaga ang naging puhunan ng pamilya para maiangat ito sa kinalalalagyan nito ngayon.

"You decide what's best, Maxwell."

Matagal na natahimik si Maxwell. Ang paghinga lang nito ang nagbibigay sa kanya ng kasiguruhang hindi pa siya binabaan ng telepono ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang mas matimbang sa lalaki sa ngayon; ang anak o ang pinaghirapan ng buong angkan nito.

Hindi madali ang gagawing desisyon ng lalaki. Libo-libong empleyado ang umaasa sa Quantum Industries. Ang bigat ng responsibilidad para sa libo-libong buhay na umaasa sa Quantum ay nakaatang sa balikat ni Maxwell simula nang maging presidente ito ng kumpanya. Saksi siya kung gaano ka-dedicated si Maxwell sa role nito bilang leader.

Still, she's a mother. Umaasa siyang ang anak nila ang i-prioritized nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro