Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XIV

HE was shocked. Inasahan na niyang magdadahilan si Jan para makalusot sa panloloko nito. Pero hindi kasama doon ang pagsisiwalat nito ng nararamdaman. A small part of him wished it was real but the logical part of him denies it. Patong-patong na ang mga kasinungalingan, natatabunan na kung ano ang totoo o hindi.    

Siguradong isa na naman 'yon sa mga ploy ni Jan. Saksakan na siya ng tanga kung magpapadala pa siya doon. Inisip pa niyang pwedeng maging totoo ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Jan completely fooled him into believing that they could become real. Iniiwasan na niya si Yvonne, handa na rin siyang kalimutang ang kalokohang plano niyang turuan ng leksyon si Jan.

"Damn it!" 

Nagngingitngit pa rin siya nang tumunog ang cellphone. Boses ni Yvonne ang bumati sa kanya sa kabilang linya.

"Naniniwala ka na sa akin ngayon?"

Nahilot niya ang sentido. "Magkasama sila."

"See? I was right. May relasyon sila. Mabuti na lang talaga at hindi tayo agad umalis kagabi sa hotel. Minsan may maganda ring naidudulot ang katigasan ng ulo mo."

Pagkatapos ng dinner meeting niya kagabi ay natiyempuhan niya si Yvonne. Kinausap niya ang babae at tinapos ang lahat sa pagitan nila. Desidido na nga kasi siyang bigyan ng chance ang kung ano mang namamagitan sa kanila ni Jan Marie. So they went for a drink to mark the end of everything for them. Nag-iiyak man ang babae, maluwag nitong tinanggap ang desisyon niya.

Nalasing siya. Gusto siyang ihatid ng babae pero ayaw niya. Katwiran daw niya, baka magalit si Jan 'pag nalaman nitong magkasama sila. He passed out on his seat. Hinayaan na muna siya ni Yvonne hanggang sa kailangan nang magsara ng bar. Nagpatulong ang babae sa staff ng hotel na ihatid siya sa kotse. Doon nakita ni Yvonne si Jan Marie na kasama si Sebastian.

"She said I sent her a text message kaya siya nagpunta sa hotel. Susunduin daw ako."

"At naniwala ka naman? Lasing na lasing ka kagabi, Maxwell. Hindi mo na nga maidilat ang mga mata mo, magti-text pa kaya. Naiwan mo nga sa bar 'yong cellphone mo 'di ba? Alangan namang 'yong staff ng hotel ang nagtext para sa 'yo."

Hindi siya kumibo. Nang magising siya kanina sa condo ni Yvonne ay nagpanic siya. Alam niyang naghihintay si Jan sa kanya. Tatawag sana siya pero nawawala ang cellphone niya. Doon niya nalaman na nagsuka siya sa kotse kaya napilitan si Yvonne na idiretso siya sa condo nito imbes na sa bahay nila.

Umuwi kaagad siya para magbihis at magpaliwanag kay Jan. Pero hindi niya nadatnan ang babae sa bahay. Ginamit niya ang landline para mag-inquire sa hotel kung may nakita ba silang cellphone. After confirming, he went back to Sherington. Saktong kakakuha lang niya ng cellphone nang magring ito. Isinumbong ni Yvonne ang nakita nito nang nakaraang gabi.

Ayaw niyang maniwala noong una. Inisip niyang baka sinisiraan lang ni Yvonne si Jan dahil bitter ito sa paghihiwalay niya. Pero hindi makakapagsinungaling ang picture na ipinadala ni Yvonne. Lalo pa siyang nakumbinsi nang malamang naka-check in doon si Sebastian. And the rest is history.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin nang magising ako sa condo mo?" tanong niya.

"Hindi ko na nga sana sasabihin sa 'yo. Wala akong karapatang makialam sa inyo. But as your friend, I can't stomach the fact that your wife is having an affair. Malaking insulto din sa akin 'yon, Max. Nakipaghiwalay ka sa akin dahil sa babaeng 'yon? Mabuti sana kung deserving siya."

"Yvonne..."

"I know. Ano'ng balak mo ngayon?"

"Wala. Tuloy ang pagpapanggap hanggang sa ma-solidify ang leadership ko sa kompanya bilang presidente. Focus na ako sa trabaho, magpapakitang-gilas sa board. That way, hindi ko na kailangang magtiis ng isang taon kasama siya."

"Bakit ka pa magtitiis kung ayaw mo na? Do something."

"What do you mean?"

"Simple lang, make her leave on her own."

Bakit hindi? Kung kusang aalis si Jan, hindi masasabi ng board na pakana lang niya lahat. Ano nga ba ang pinakamabisang paraan para mapuno na ang isang babae?

"You're going to help me."

"Of course."

"Magkita tayo mamaya."

**********

TULUYANG nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Maxwell. Madalas itong inuumaga ng uwi pero hindi siya kumibo. Hindi na sila nag-uusap. At kung mangyari man ay pakitang-tao lang, gaya ng sa tuwing dumadalaw sa bahay nila ang Lolo o kaya ang Mommy nito.

She was suffering but she never told anyone about it. Kung kaya ni Maxwell na magpanggap, lalo na siya. They maintained the facade of a harmonious relationship without anyone knowing the real score except her friend, Anne. Hindi na sila nagtatabi sa pagtulog. Lumipat si Maxwell sa sofa kaya napilitan siyang ipaubaya sa lalaki ang buong kama. Tutal may kuwarto naman siya.

Malaya siyang umiyak sa kuwarto niya. Naging best friend niya ang concealers at make-up para itago ang pamamaga ng mga mata. Kung dati-rati'y si Maxwell ang nakikinabang sa mga niluluto niya, ang mga kasambahay at driver na nila ngayon ang kumakain. Kung ano-ano na lang ang idinahilan niya 'pag nagtatanong si Menchu.

Isang linggo bago mag-Pasko, excited siyang umuwi. Mataas ang nakuha niyang points sa Christmas Dinner themed practical exam nila. Meatloaf ang inihanda niya at nagustuhan 'yon ng mga judges. Tiyak na magugustuhan rin 'yon ni Maxwell.

Natigil siya nang maalalang hindi na nga pala sila nag-uusap ng lalaki. Tuloy ay bigla siyang nakaramdam ng pananamlay. Tinitigan niya ang meatloaf. Mga katulong sa bahay na naman ang makikinabang doon. She sighed. Hindi na bale, at least may nakaka-appreciate ng galing niya.

Pababa na sana siya sa ground floor nang makaramdam siya ng pagkahilo. Napakapit siya sa railing ng hagdan.

"Jan? Are you alright?" Nag-aalalang boses ni Anne ang narinig niya sa likuran.

"A-Anne."

"Namumutla ka, ah." Sinalat nito ang noo niya. "Hindi ka naman mainit. Teka sasamahan kita sa clinic." Kinuha nito sa kanya ang bitbit niya at inalalayan siya sa paglalakad.

Hindi na siya tumanggi. "T-Thanks."

Her knees were wobbly. Napakapit siya sa balikat ni Anne habang paisa-isa niyang binababa ang mga baitang ng hagdan. Kahit mabagal ay narating din nila ang ground floor. Medyo nabawasan ng kaunti ang nararamdaman niya kaya bumilis ng kaunti ang progress nila. Agad silang inestima ng nurse sa clinic pagdating nila doon. Mabuti at hindi pa nakakauwi ang doktor.

"Ano'ng nararamdaman mo, Miss Cordova?" tanong ng doktor habang pinupulsuhan siya.

"Nahihilo po ako, doc."

"Kailan nag-umpisa?"

"Lately lang po, pero hindi kasing lala gaya nito. Akala ko ay mawawala din gaya ng mga nauna."

"May kinain ka ba bago nangyari 'to?"

"Wala po, tinikman oo. May practical exam kasi kami kanina."

Tumango ang doktor. May isinulat ito sa record niya. "Arm please."

The doctor's pen scribbled like mad. Medyo na-bother siya kasi ang daming isinulat ng doktor sa record niya.

"Medyo anemic ka so I will prescribe some vitamins for you. Kailan ka ba huling dinatnan?"

She counted mentally. "Third week of September po. Irregular po kasi ang cycle ko. Umaabot ng tatlo hanggang limang buwan kung datnan ako minsan. May times din na twice a month."

"I see. Here."

"Thank you doc," nakangiting pasalamat niya, nasa reseta ang mga mata. Nang mabasa niya ang dulo ay parang may dumaang eraser sa mukha niya. "P-Pregnancy test?"

"Yes, Miss Cordova. Bukod sa anemic ka, it's highly possible na buntis ka. I advice you to take the test para makasiguro."

Marami pang sinabi ang doktor pero bingi na siya sa lahat ng 'yon. Ang paulit-ulit na tumatatak sa isipan niya ay ang posibilidad na buntis siya. Hindi man lang siya nagduda. Una, irregular ang period niya. Pangalawa, wala siyang senyales ng morning sickness. Wala rin siyang kahit na anong reaction sa mga amoy ng pagkain o pabango.

This can't be happening.

"Do you understand, Miss Cordova?"

She snapped in attention. "Y-Yes, doc."

"Good. May tanong ka pa ba?"

Parang biglang bumalik ang panginginig ng tuhod niya. "W-Wala na po. Maraming salamat, doc."

"Sige. 'Wag kang mahihiyang pumunta dito 'pag nakaramdam kang hindi maganda."

"O-Opo." Tulala siyang lumabas ng clinic.

"Hoy, ano'ng sabi ng doktor?" pukaw sa kanya ng kaibigan.

"H-Ha? A-Ano..."

"Ano?"

Agad na namasa ang mga mata niya. "B-Baka daw buntis ako."

"What?! Paanong nangyari 'yon?" agad nitong tinampal ang sariling noo. "Wait, ang bobo ng tanong ko. I mean...may nangyari sa inyo?"

Tumango siya, hilam sa luha ang mga mata. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng baba. Kakayanin ba niyang maging ina? God! She's emotionally unstable right now. Sarili nga niya hindi niya maasikaso nang mabuti. Paano pa kaya ang isang inosenteng bata? Natatakot siya wala pa man.

"Hey, 'wag kang umiyak. Pumunta tayo sa OB-Gyne para makasiguro."

Suminghot siya. "O-Okay. Pero pauwiin na muna natin si Kuya Martin, ayokong malaman niya kung saan tayo pupunta. Magta-taxi na lang ako pauwi mamaya."

"Ihahatid kita. Mamaya baka kung mapaano ka pa sa daan eh. Come on, let's fix your make up. Kinikindatan na ako ng mga dark circles mo."

**********

"CONGRATULATIONS, Miss Cordova. You're three months pregnant."

Tinalo pa niya ang pinasabugan ng atomic bomb sa tainga. Nakangiti ang mukha ni Dr. Maggie Santillan, ang OB na pinagdalhan sa kanya ni Anne. Hindi niya magawang gumanti ng ngiti. Ayaw sumunod ng facial muscles niyang nanigas na yata sa pagkabigla. Kahit ang kamay niyang hawak ng doktor ay walang lakas nang bitiwan ito ng babae.

"Sigurado ho kayo, Doc? Walang bump," si Anne.

"Hindi pa talaga halata 'yan dahil nasa first trimester pa lang. Posible rin na kahit umabot ng five months eh halos hindi visible ang bump dahil petite si Miss Cordova."

"I see."

"Dapat doble ingat ka sa first trimester ng pagbubuntis. Iwasan ang stress hanggat maaari. Dadagdagan ko 'tong vitamins na inireseta sa 'yo ng doktor na tumingin sa 'yo sa school clinic."

Hindi pa rin niya mahanap ang nawawalang boses kaya tumango na lang siya. Pagkatapos ng check up ay parang hilo pa rin na lumabas sila ni Anne sa clinic. Maingay sa labas dahil nasa isang mall ang klinika ni Dr. Santillan pero tumatagos lang sa tainga niya.

"Okay ka lang, girl?"

Nanlabo na naman ang paningin niya. "H-Hindi."

Nakakaunawang hinawakan siya ni Anne sa kamay. "Anong plano mo ngayon?"

"Hindi ko pa alam. I need to think. Sa ngayon, gulong-gulo ang isip ko."

"Sabihin mo agad kay Maxwell."

Umiling siya. "Ayaw nga niya akong tingnan, kausapin pa kaya."

"Kahit ayaw niyang makinig, kailangan mo pa ring sabihin sa kanya. Aba, dalawa kayong gumawa ng batang 'yan, alangang solohin mo ang responsibilidad?"

Tama si Anne. Kahit hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ni Maxwell, kailangan nitong malaman.

"I'll tell him when I get home," aniya.

"Mabuti naman. Tara na nga, bilhin na natin ang mga vitamins na nireseta sa 'yo para makauwi ka na."

Kumain muna sila pagkagaling sa botika. Kailangan na niyang mag-ingat ngayong may isang buhay na nakadepende sa kanya. While waiting for their order, she felt oddly calm. Malayong-malayo sa kaninang nanginginig at mangiyak-ngiyak na Jan Marie ang nararamdaman niya ngayon.

Hormones siguro niya 'yon. Kung iisipin ay madalas paiba-iba ang mood niya nitong nakaraang mga buwan. Inakala niyang dala lang ng sama ng loob niya kay Maxwell ang pagiging emotional niya.

Unconsciously, her hand went to her flat tummy. Sisikapin niyang maging masaya at 'wag mag-isip ng kung ano-ano. Hindi na para sa sarili niya kundi para sa bata. Nakakatakot ang future pero useless lang na pahirapan niya ang sarili sa hindi pa nangyayari. Ang kailangan niyang gawin ay isipin ang ngayon para sa buhay na pumipintig sa sinapupunan niya.

Pagdating ng order nilang pizza ni Anne ay agad siyang naglaway sa amoy. Natawa pa ang kaibigan nang kamayin na niya ang pizza. She didn't realize she's hungry until she smelled the food.

"Parang hindi kumain buong araw ah," natatawang puna ni Anne.

"Shut up. Naglalaway ako eh, bakit ba?"

"Wala ka bang particular food na ayaw o gusto?"

Napaisip siya habang ngumunguya. "Come to think of it, wala. Lamon lang ako nang lamon."

"Kung sabagay dalawa na kayong---" Biglang natigil si Anne. Her face was pale as she stared at the direction of the door.

"Anne? Okay ka lang?"

Hindi nakapagsalita ang kaibigan niya. Nakarinig siya ng pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinto. Kung may undo button lang sa buhay ay malamang pinindot na niya. Ngayon siya nagsisisi kung bakit pa siya lumingon. Magkasamang pumasok sa kainan sina Maxwell at Yvonne. Nakahawak sa braso ni Maxwell ang babae at masaya silang nagtatawanan.

Agad niyang binawi ang tingin. Pakiramdam niya ay bumara sa lalamunan niya ang pagkain. Nahihirapan siyang lumunok. Her eyes were filled with tears as she tried to take control of her breathing.

"J-Jan..."

"O-Okay lang ako, Anne." Tingin niya ay mas sarili niya ang kinukumbinsi niya sa mga salitang 'yon.

"Uwi na lang kaya tayo?"

Umiling siya. "T-Tapusin na lang natin ang pagkain. Let's pretend wala tayong nakita. I'm sure ganoon ang gagawin niya 'pag nalaman niyang nandito rin tayo."

"P-Pero---"

"Kaya ko 'to.'Wag kang masyadong mag-alala."

"But it might be harmful for the baby."

Again, she shook her head. "I won't crumble, Anne. I'll be okay."

They ate in silence. Panay ang tingin ni Anne sa mesa nina Maxwell at Yvonne pero siya ay hindi na uli lumingon. Nang maubos niya ang pagkain ay pilit siyang ngumiti kay Anne.

"Let's go?" yaya niya sa kaibigan.

"Tara. Don't look at them."

"I won't."

Wala sa loob na napakapit siya sa braso ni Anne nang iwan nila ang mesa nila. Her friend gave her hand a pat, consoling her. Kahit paano ay tumatag ang loob niya. Right, hindi pa katapusan ng mundo. May mga tao pang nagmamahal at sumusuporta sa kanya. Doon na lang siya mag-fo-focus imbes na magpaapekto kay Maxwell. Sa bawat hakbang niyang maghahatid sa kanya sa pinto ay 'yon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.

The moment they came past Maxwell's table, time stood still for Jan. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras; mula sa pag-angat ng mga mata ni Maxwell hanggang sa magsalubong ang mga tingin nila. She inwardly whimpered like a wounded dog when he looked surprised. Sumisigaw ang isang maliit na boses sa loob niya, nagdedemand ng explanation mula sa lalaki. 

Ang init ng balat ni Anne lang ang nagsilbing anchor niya sa kasalukuyan. Kung wala doon ang kaibigan, siguradong nawala na rin siya sa sarili. She might have slapped him and demanded answers from him. War freak on, 'ika nga. And worst, she might beg him to give them another chance. Nakikita na niya sa isipan niya na posibleng mangyari eh. 

But she endured. Mahigpit ang kapit niya sa maskarang isinuot; ang pang-araw araw na maskarang kinailangan niya para itago ang unti-unting pagkapulbos ng pira-pirasong puso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro