XIII
NAGING maayos ang pagsasama nila ni Maxwell pagkatapos ng gabing 'yon. Nakabalik na rin ang lalaki sa trabaho. Hindi na niya inalam kung nakikipagkita pa rin ito kay Yvonne pero pakiramdam niya ay hindi. Mas madalas silang magkasama ng lalaki. Gaya ng plano nito noon, hatid sundo siya nito sa eskuwela. Madalas na rin silang mag-usap ni Rebecca saang panig man ito ng mundo naroon.
Her sister resigned. Ayon dito ay nakahanap ito ng mas magandang trabaho. 'Yon lang madalas wala ito sa bansa dahil international ang operation ng bagong company nito. Sapat na sa kanya na maayos ang lagay ng kapatid niya kaya hindi na siya nag-usisa pa. Isa na lang talaga ang kulang para makumpleto ang kaligayahan niya; ang magising ang Mommy nila.
"Babe, hindi ako mag-di-dinner sa bahay mamaya. May kausap akong prospective investor sa Sherington Hotel."
"Sige. Ipagda-drive ka ba ni Kuya Martin?" tanong niya. Maaga siyang nakauwi ngayon dahil medyo hindi maganda ang pakiramdam niya. Hindi na siya dumaan sa opisina ni Maxwell dahil maghapon daw itong nasa labas para sa mga meeting.
"Hindi, ako na ang magda-drive. Nagpaalam siya kanina pagkahatid niya sa akin sa office, uuwi daw saglit sa Bulacan para sa birthday ng bunso niya. Bakit, kailangan mo siya?"
"No, naitanong ko lang. Paano bukas? Ikaw ang magda-drive sa akin sa school?"
"Papasok ka na ba bukas? Magpahinga ka na lang muna siguro, baka lumala pa 'yang dinaramdam mo. Unahan mo na ng gamot 'yan. Bukas ng gabi pa ang balik ni Martin, pina-advance ko na ang day-off para mas mahaba-haba ang oras niya sa pamilya."
"Okay. Pero ngayong nakabalik ka na sa trabaho, baka gusto mong magdagdag ng driver? May dalawang kotse pa sa garahe ang hindi nagagamit. Kapagod din para kay Kuya Martin, parang bola kung pagpasaha-pasahan natin," aniya.
"'Yon na nga rin ang iniisip ko. Baka madisgrasya pa 'yong tao. Lalo na ngayon madalas akong ginagabi, imbes na ipahinga niya napipilitan siyang maghintay kung kailan ako matatapos."
She smiled. Ito ba 'yong Maxwell na dati-rati ay walang pakialam sa iba? Kung singhalan at sungitan siya nito dati parang pag-aari nito ang buong mundo kung makaasta.
"Okay lang ba kung 'yong dati naming driver ang kunin natin? At least subok na 'yon."
"Whatever you want, babe."
"Thanks. Mag-iingat ka."
"Okay." Magaan ang loob niya nang matapos ang usapan nila. Sana lagi silang ganito, walang problema.
Inabala na lang niya ang sarili sa panonood ng cooking show sa tv pagkatapos ng hapunan. Wala na rin naman siyang assignments dahil puro practical applications na sila. Hindi sinasadyang napasulyap siya sa orasan. Mag-aalas onse na pero wala pa si Maxwell.
She dozed off. Nang muli siyang magmulat ng mga mata ay alas dos na ng madaling araw. Masakit ang lalamunan niya. Hindi pa umuuwi si Maxwell. Tiningnan niya ang cellphone pero walang text o tawag man lang ang lalaki. Sinubukan niyang tawagan si Maxwell pero ring lang ng ring ang cellphone nito.
Tumayo siya. Napakapit siya sa poste ng higaan nang bigla siyang mahilo. She shook her head to drive away the dizziness. Mayamaya ay umayos naman ang pakiramdam niya. Siguro dahil sa vertigo, bigla kasi siyang tumayo. Pagkapa niya sa sariling noo, medyo mainit siya. Hindi nga pala siya nakainom kanina ng gamot.
Papunta na sana siya sa banyo nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone. Agad niyang binalikan iyon sa kama at tiningnan kung sino ang nagtext. Bumaha ang relief sa dibdib niya nang mabasa ang pangalan ni Maxwell.
I'm still here. Can't drive home, I'm too drunk. Bukas na ako uuwi.
Naghilamos siya at mabilis na nagbihis. Susunduin niya si Maxwell sa hotel. Siguradong nag-check in ito para makapagpahinga kung gayong lasing na. Marunong naman siyang mag-drive.
Makalipas ang kalahating oras ay nasa Sherington Hotel na siya. Maayos niyang nai-park ang kotse at mabilis na isinara ang pinto. Saktong kalalabas lang niya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ni hindi man lang umambon bilang warning. Wala siyang dalang payong kaya napilitan siyang tumakbo.
Sa malas ay medyo malayo ang parking lot. She looked like a drowned rat when she finally arrived at the hotel entrance. Sandali lang siyang nababad sa ulan pero nakakaramdam na siya ng ginaw. Kung kanina ay sinat lang ang nararamdaman niya, sigurado siyang full blown lagnat na ngayon. Nawala sa isip niya ang balak na uminom ng gamot.
She gritted her teeth when cold air assaulted her as she stepped inside the lobby. Ganoon pa man ay diretso siya sa desk ng receptionist at nagtanong.
"Wala pong naka-check in sa ganyang pangalan, Ma'am."
"Ha? Sabi niya sa akin hindi siya makakauwi dahil lasing na siya. So I assumed na nag-check in siya dito."
"I'm sorry, Ma'am. Wala po talaga."
She sighed. Sumasakit na rin ang ulo niya. "Thank you."
Naupo siya sa isang upuan sa lobby. Parang umiikot ang paningin niya kaya ipinikit muna niya ang mga mata. Nagbabakasakali siyang mawala din 'yon. Ang hindi niya mapigilan ay ang panginginig ng baba. Giniginaw na siya. Hindi nakakatulong ang air con sa hotel sa sitwasyon.
"Jan? What are you doing here?"
Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Basti na nakatayo sa harapan niya. His sleeves were rolled up to his elbow, exposing his tanned arms. Magulo ang buhok nito, maluwag din ang pagkakabuhol ng neck tie ng lalaki.
"I-I c-came f-for M-Max...well."
"Are alright?" Hinawaka nito ang balikat niya. "Jesus, you're burning!"
"I-I'm o-okay. N-Need t-to f-find M-Maxwell..."
"No, you're not. Come on." Tinulungan siya nitong makatayo.
Naging sunod-sunuran siya kay Basti. Hindi na niya namalayan kung ano ang nangyayari. Naramdaman na lang niya na may nagtatanggal ng damit niya. She tried to fight whoever that is but she's too weak. Umiyak siya sa kawalang ng magawa. Iyon ang huli niyang natatandaan bago siya nawalan ng malay.
**********
SHE felt warm ang cozy. Mabango rin sa pang-amoy ang unan niya, lalo niyang isinubsob ang ulo doon. She thought she heard voices but she's too sleepy to care. Kung sino man 'yon ay wala siyang pakialam. Bahala na si Maxwell doon.
"Jan Marie! Where are you!"
"Let her rest!"
"Jan Marie, get up!"
Naalimpungatan siya nang may malalakas na kamay ang sapilitang nagbangon sa kanya. Hilo pa sa antok, hindi niya agad namukhaan kung sino. Sumisigaw ang lalaking may hawak sa kanya.
"M-Max?!"
"What are you doing in another man's bed?!"
Litong napatingin siya kay Maxwell at kay Basti na kalmadong nanonood sa kanila. Nakasandal ang lalaki sa bintana. Unti-unting pumasok sa isip ni Jan ang mga nangyari kagabi. Napatingin siya sa suot niya, hindi 'yon ang damit niya kagabi! Nanlalalaki ang mga matang napatingin siya kay Basti, paulit-ulit na umiiling. Kibit-balikat lang ang isinagot ng lalaki.
"Basti?"
"You came to me last night."
"You son of a bitch!" Sinugod ni Maxwell si Basti. Mabilis namang nakaiwas agad ang lalaki. Ilang beses pang tinangka ni Maxwell na suntukin si Basti pero puro pag-iwas ang ginagawa nito. Ni minsan ay hindi man lang tumama kahit isang suntok ni Maxwell.
Lalo lang itong nag-ulol sa galit. Sa huli, nagawa ni Basti na hulihin ang isang braso ni Maxwell. He pinned Maxwell's arm on his back habang nakapulupot ang isang braso nito sa leeg ni Maxwell.
"Listen, and listen well. Sinabi ko sa 'yong ayusin mo ang trato mo sa asawa mo. Pero hindi ka nakinig. Si Yvonne na naman ang inatupag mo imbes na umuwi ka nang maaga sa naghihintay mong asawa," madiing sabi ni Basti, na kay Jan ang nakatuon ang mga mata.
"Let me go!" singhal ni Maxwell.
"Tama na, please tama na!" sigaw niya.
Pero parang walang narinig ang dalawa. Nagawa ni Maxwell na makawala sa hawak ni Basti. He threw a punch at Basti's face and it landed on his cheek. Gumanti ng suntok si Basti, sapol sa sikmura si Maxwell. Sunod-sunod na nagpakawala si Basti ng mga suntok sa parehong bahagi ng katawan ni Maxwell hanggang sa bumagsak ang huli sa carpeted na sahig.
"I cleary warned you 'wag mo akong bibigyan ng pagkakataong agawin si Jan sa 'yo. Because when I do, hindi mo na siya mababawi."
Hangos siyang bumaba para daluhan ang namimilipit sa sakit na si Maxwell. Nang magsalubong ang mga mata nila ay nagulat siya. Puno ng galit ang mga tingin nito sa kanya.
"Stay away from me!" he hissed.
Para siyang sinikmuraan. Gulong-gulo ang isip niya, napatulala na lang siya sa lalaki. Unti-unti itong tumayo. Nang tangkain niyang alalayan ito ay tinabig ni Maxwell ang kamay niya. Muntikan na itong matumba dahil hindi steady ang mga tuhod. Eventually, he regained his balance. His eyes were shooting daggers at her.
"Ayoko nang makita ang pagmumukha mo. Magsama kayo ni Sebastian!" namumulang singhal ni Maxwell sa kanya.
Mabilis itong lumabas sa kuwarto. Hahabol pa sana siya dito pero bigla naman siyang inatake ng pagkahilo. Mabilis siyang nasalo ni Basti. Inalalayan siya nitong bumalik sa higaan.
"Basti, d-did we...did we..."
"No, walang nangyari. I like you but I don't take advantage of sick women. Nagdedeliryo ka sa taas ng lagnat mo kagabi kaya kita dinala dito sa suite ko."
"Then, who changed my clothes?"
"Nag-request ako ng female staff na tulungan kang magpalit."
Nakahinga siya ng maluwag sa nalaman. "Kanino 'tong suot ko?"
"Sa manager nitong hotel. She keeps extra pieces of clothing dahil madalas matulog 'yon dito. Don't worry, hindi pa nagagamit 'yan. Nasa closet nga pala 'yong damit mo, malinis na 'yon."
"Thank you. Kailangan ko nang umalis. Marami akong dapat ipaliwanag kay Maxwell."
"Ihahatid na kita. Pero kumain ka muna, umorder na ako ng breakfast mo."
"Hindi ko tatanggihan ang breakfast. But I'm sorry, hindi ko matatanggap ang alok mong ihatid ako. Ayaw kong ma-misinterpret ni Maxwell."
"Sige, ikaw ang bahala. Kumain ka na, uminom ka na rin ng gamot para gumaling ka."
"Thanks."
Mabilis niyang natapos ang almusal. Isinuot uli niya ang damit niya kagabi na ngayon tuyo na. Nang makalabas siya sa banyo ay natagpuan niyang naghihintay si Basti sa kanya. Tumayo ito nang makalapit siya.
"Samahan na kita sa baba."
"Bakit ka nga pala nandito? Wala ka bang bahay na uuwian?"
"Malayo ang bahay ko. May ka-meeting kasi ako dito mamaya, galing pa sila ng Japan. Since inumaga na ako sa office kahapon, I decided to check in para hindi ako maghabol sa oras."
"Ah."
"Ang ipinagtataka ko, bakit alam ni Maxwell na magkasama tayo?"
Napaisip din siya. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya masagot. "Ewan ko."
"Maalala ko nga pala, tama ba ang pagkakaintindi kong si Maxwell ang ipinunta mo dito kagabi? You were talking in your sleep about how dangerous it is to drive home drunk."
"Nagtext kasi siya kagabi na hindi na daw siya makakauwi dahil lasing na. I thought I might as well fetch him. Pero sabi sa reception wala naman daw naka-check in sa ganoong pangalan."
"Really? That's weird."
"Tell me about it."
**********
TAHIMIK ang bahay nang dumating siya. Ayon sa ibang katulong ay hindi pumasok si Maxwell sa trabaho. Day off ni Menchu kaya wala rin ang babae.
"Nasaan si Maxwell?" tanong niya kay Bebeth.
"Nasa kuwarto niyo Ma'am. Pag-uwi niya kaninang alas sais at hindi kayo nadatnan eh nag-aalala. Hindi naman kasi namin alam kung saan kayo nagpunta. Pagkatapos biglang umalis, nang bumalik 'ayon masama ang timpla. Basag ang sliding door sa terrace n'yo, kaso takot kaming pumasok ni Mae para linisin."
She sighed. "Ako na ang bahala, ipapatawag ko na lang kayo."
"Yes, Ma'am."
Nadatnan niya si Maxwell na nakaupo sa madalas nitong puwesto sa tuwing nagigising siya sa umaga. Panay ang buga nito ng usok sa hangin. Ito ang unang beses na nakita niyang naninigarilyo ang lalaki.
"And the unfaithful wife returns," patutsada nito na hindi siya nililingon.
Natigil siya sa paghakbang. "Ano'ng pinagsasabi mo?"
Nilingon siya ni Maxwell. "Bakit, hindi ba? You just came home from spending the night with your lover. Huling-huli ko nga kayo. Ang sarap ng tulog mo, pinagod ka ba niya?"
His words were like poison, spreading pain all over her chest. Siya pa talaga ang pinagbibintangan? Nanlabo ang mga mata ni Jan pero sinikap niyang pigilan ang mga luha. Crying won't fix things between them.
"Ikaw ang dapat kong tanungin kung saan ka nagpalipas ng gabi. Akala ko sa Sherington Hotel ka natulog dahil sabi mo hindi ka na makakauwi sa sobrang kalasingan. Ako namang si tanga, nagdrive pa papunta doon para sunduin ka."
"Wag kang gumawa ng kuwento, Jan Marie. Kung bumenta kay Lolo Maximo 'yan, ibahin mo 'ko." Patuyang tinitigan siya ni Maxwell. "Paano kita itetext samantalang hindi ko hawak ang cellphone ko? Naiwan ko sa hotel. Kanina ko lang nakuha nang balikan ko doon."
"But it doesn't change the fact that you lied to me about spending the night there!"
"Hindi ako doon natulog."
"Kung ganoon, saan?!"
"Wala ka na doon."
Naningkit ang mga mata niya. "Kay Yvonne ba?"
Hindi kumibo si Maxwell. Jan felt her chest constrict. So totoo pala ang sinabi ni Basti na si Yvonne na naman ang kasama ni Maxwell kagabi. Habang nagdedeliryo siya sa lagnat, nasa kandungan ng iba ang asawa niya. Matabang ang tawang pinakawalan niya.
"Ayon naman pala. So ano'ng ipinagpuputok ng butse mo diyan? Ang siste eh, ikaw lang ang puwedeng magloko, ganoon? Wow! Ang galing!"
"Dapat hinayaan ko na lang si Lolo na panatilihing unregistered ang kasal natin," sabi nito.
"Ay totoo. Nahiya naman ako sa 'yo, kung umarte ka feeling mo ikaw ang dehado. Nasaling lang ang ego mo, kung umasta ka akala mo kinawawa. Kung tutuusin ikaw itong hindi natigil sa kakalandi. May pa-honest honest ka pang nalalaman!"
"'Wag mo akong igaya sa 'yo!" singhal ni Maxwell.
"Nakakainsulto ba? Aba'y wala kang karapatang mag-inarte ng ganyan. Gawain mo 'yan, di ba? May karma sa mundo, siguro binalikan ka na ng mga kakaguhang pinanggagawa mo."
"At ikaw, kampante kang hindi?"
Hindi na niya napigilan ang pagkahulog ng mga luha. "No, in fact medyo matagal na rin akong binawian ng karma."
Maxwell scoffed. "Buti nga sa 'yo."
Pinahid niya ang mga luha. "Yeah. And you know what? Sana lang hindi ka balikan ng karma in the same way."
"Hinding-hindi mangyayari 'yon," confidfent na deklara ni Maxwell.
Malungkot siyang napangiti, may namumuong luha na naman sa mga mata.
"Swerte ka 'pag di nangyari. Because I don't think you can handle it. Ikaw ang karma ko, Max. Dahil malabong mahalin mo rin ako gaya ng nararamdaman ko sa 'yo. Ang sakit sakit mong mahalin. Nakakadurog. There is no way your heart can handle this pain kasi wala kang puso."
The blank look on Maxwell's face was too much for her. Bago pa siya tuluyang magkalat sa harapan nito, patakbo niyang tinungo ang connecting door sa kuwarto nila. Sa sandaling naisara niya ang pinto, kumawala ang pinipigilan niyang emosyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro