Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XII

LASANG abo ang pagkain sa dila ni Jan. Parang bulang naglaho ang kanina'y gutom na nararamdaman niya. Pagkatapos niyang makilala si Yvonne ay mabilis siyang hinatak ni Maxwell palayo. His lips were set in a thin line as they went up the rooftop. Ni minsan ay hindi na niya nakitang ngumiti si Maxwell. Malayong-malayo na ang mood nito sa kanina bago dumating si Yvonne.

Tuloy ay hindi mawala-wala ang kabang nasa dibdib ni Jan. Nasa kabilang mesa lang nakapuwesto sina Yvonne at Sebastion. Hinanap ng mga mata niya si Maximo. Nang makita niya ang matanda ay kulang na lang takbuhin niya ito para humingi ng saklolo.

Hindi lang niya magawa dahil mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kanya ni Maxwell. Napilitan lang itong bitiwan siya nang tawagin na ito sa stage para sa induction ceremony. Habang on-going ang program ay hindi naman siya mapakali sa kinauupuan.

Siguro sa magkahalong tensyon at kaba, naramdaman niyang naiihi siya. Nasa stage pa rin si Maxwell. She tried catching his attention para sana magpaalam pero hindi tumitingin sa gawi niya ang lalaki. She can't hold it any longer so she left.

Mabilis naman siyang natapos magbanyo. Palabas na siya sa women's room nang may biglang humarang sa kanya sa pinto. When she looked up, she saw Yvonne. Wala sa loob na napaatras siya hanggang sa makabalik na siya sa loob.

"We meet again," sabi ng babae.

"Y-Yes."

"I didn't know you're his wife noong una tayong magkita."

"Umm..."

"Alam mo ba kung sino ako sa buhay ni Maxwell?"

Gusto niyang sabihin oo pero sa hindi malamang dahilan ay iling ang naisagot niya kay Yvonne. Pumalatak ang babae, pinaikutan siya nito na parang nag-iinspeksyon ng furniture kung may defect na o wala. The woman has a strong presence. Hindi niya maiwasang ma-intimidate.

"Ako lang naman ang girlfriend niya bago mo siya inagaw sa akin."

Nag-angat siya ng tingin, sinalubong ang mga mata ng babae. "Hindi ko siya inagaw sa 'yo."

"You did! Ako dapat ang pakakasalan ni Maxwell, sumingit ka lang sa eksena!"

"Wala akong alam sa relasyon n'yo ni Maxwell gaya ng wala ka ring alam sa relasyon namin. Kung ano man ang nangyari sa inyong dalawa, labas na ako doon. It's not my fault I ended up as his wife! Gusto mo palang ikaw ang nasa posisyon ko ngayon, bakit hindi mo ginawan ng paraan noon?"

Yvonne crosses her arms. "D'yan ka nagkakamali. Wala akong alam sa inyo? Hah! I know everything. Sinabi sa akin ni Maxwell ang lahat!"

Totoong nagulat siya. Kung ganoon, may communication ang dalawa? Paanong nakalusot si Yvonne sa mahigpit na pagbabantay ni Maximo? Ang alam niya ay pinutol ng matanda ang kahit na anong uri ng posibleng communication ng dalawa. Naglagay pa nga ito ng mga taong magmamatyag sa kilos ni Yvonne pati na ni Maxwell.

"B-But...how could this be?"

"Masyado kayong kampante ng Lolo ni Maxwell na wala siyang naaalala na kahit ano tungkol sa akin. In fact, Maxwell's memories were not that bad gaya ng iniisip n'yo. Two weeks after the incident, buo na ang memories niya. He played you all. At alam mo kung bakit, hindi ba?"

Namutla siya. "The presidency."

"Matalino ka naman pala. When your sister came and demanded to take you with her, he decided to pretend na hindi siya galit sa panlolokong ginawa mo to make you stay. Siyempre kailangan ka pa niya eh. At 'yong kasal n'yo? Bilang na ang mga araw noon."

Ngayon siya naniniwalang totoo ngang si Maxwell ang nagsabi kay Yvonne. Tatlo lang silang magkaharap noon nang sabihin na Ate Rebecca niya na isasama na siya nito. At siya namang si tanga, pinili niya si Maxwell. Her lips quivered but she willed herself not to cry. Hindi niya bibigyan ng satisfaction si Yvonne.

"So what?" hamon niya sa babae. "Ano naman sa 'yo ngayon kung niloloko lang pala ako ni Maxwell?"

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Yvonne. Kapagkuwa'y natawa ito. "Seriously? Ganyan ka na ba talaga katanga? He fooled you! Eventually, he will discard you to be with me. Isang taon ka lang niyang pakikisamahan."

It is her turn to smirk. "Hindi mo sasabihin sa akin lahat ng 'yan kung hindi ka threathened, Yvonne. Bakit, nanlalamig na ba si Maxwell sa 'yo kaya napilitan kang isiwalat ang mga sikreto niya? Para ano, layuan ko siya? You wish! Hindi kita bibigyan ng pagkakataong makuha si Maxwell."

"Y-You!"

Lumipad ang palad nito pero agad niyang nasalo 'yon. Marami na siyang napanood na ganito sa mga drama kaya inaasahan na niya ang sampal na pinakawalan nito. Parang gusto niyang matawa sa mukha nito.

"Sabi mo, isang taon niya akong pakikisamahan. Akin siya sa loob ng isang taon. Kung hindi man niya ako gusto ngayon, one year is enough to make him fall for me. Maxwell is slowly warming up to me at hindi mo matanggap 'yon kaya heto ka ngayon, spilling the beans." Umiling siya. "Wrong move. 'Pag nalaman ni Maxwell 'to, tingin mo sa akin siya magagalit?"

Kumalat ang pamumula sa mukha ni Yvonne. Pinilit itong bawiin ang braso pero hindi niya pinayagan. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak.

"Ano ba! Let go!"

Pasalya niyang binitiwan ang braso nito, may kaunting tulak kaya napaatras ang babae. Mas matangkad ito sa kanya sa suot nitong four inches stilletto pero hindi siya papasindak. Tangkad at ganda lang ang lamang sa kanya ni Yvonne. Nasa kanya si Maxwell ngayon, she will play her cards right to make him fall for her.

"Just so you know, hindi ko basta isusuko si Maxwell. Akin siya, isaksak mo sa kukote mo 'yan! Sa susunod na lapitan mo pa ako at hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig mo, I'll make you shut that mouth for good." She marched out of the ladies' room fuming.

Wala na siya sa mood nang magbalik sa mesa nila. Nadatnan niya si Maxwell na nakaupo at hinihintay siya. Nang makita siya nitong papalapit ay agad itong tumayo para ipaghila siya ng upuan. Napasulyap siya sa lalaki. Bigla siyang nakaramdam ng pagkairita imbes na matuwa sa gesture nito.

How much of it is true and how much of it is just for show? Kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na nilalason lang ni Yvonne ang isipan niya, the damage has been done. Unti-unti na ngang kumakalat ang lasong 'yon.

"Where have you been?' tanong nito.

"Nag-CR lang," matipid niyang sagot.

Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang pagkunot ng noo ni Maxwell. "Did something happen back there?"

"Wala."

"Bakit ganyan ka?"

"Ano'ng ganito?"

"Yan," sabi nito sabay turo sa kilay niyang nagsasalubong, "nagsasabunutan ang kilay mo."

"Pagod lang siguro ako," palusot niya.

"Gusto mo na bang umuwi?"

Para makapagsolo kayo ni Yvonne? Dream on.

Umiling siya. "Hindi, okay lang ako. Isa pa, kailangan ka pa dito. Baka makahalata ang mga tao sa drama mong pag-aasawa, bawiin pa sa 'yo ang presidency," hindi niya mapigilang patutsada kahit nakangiti.

Bakas sa mukha ni Maxwell na nahihiwagaan ito sa ikinikilos niya. Pero sa halip na patulan siya ay hinawakan nito ang kamay niya.

"Hindi. Kung ganyang pagod ka na, uuwi na tayo. Tara."

Nakita niya ang pagbalik ni Yvonne sa mesa nito. Nakaisip siya ng ideya. Makaganti man lang sa inis na binigay sa kanya ng babae kanina.

"No," pigil niya sa braso nito. "Let's stay a little longer. Bakit hindi mo ako isayaw?" Ikiniling niya ang ulo sa direksyon ng dance floor. May anim ng magkakaparehang nagsasayaw. Kung tama ang pagkakatanda ni Jan ay mga miyembro ng board of directors ang mga 'yon at ang mga asawa ng mga ito.

Hindi na niya kinailangan pang ulitin ang sinabi. "Would you like to dance, Mrs. Quintanar?"

"I'd love to, Mr. Quintanar." Tinanggap niya ang nakalahad na kamay ng lalaki.

Hawak-kamay silang naglakad patungo sa dance floor. Ang ilang magkaparehang nadaanan nila ay tinapunan sila ng mga tango at ngiti, parang naaliw sa kanilang dalawa.

"Hindi ko pa pala nasasabi sa 'yo na hindi ako masyadong marunong magsayaw ng waltz. I fear for your toes," bulong niya kay Maxwell nang hapitin siya nito sa baywang.

"It's okay, I'll take the lead. Just follow me. It's easy."

Nadiskubre niyang magaling sumayaw ang asawa. His movements were fluid. Tangay na tangay siya sa momemtum nito. Nakalimutan niya ang mga tao sa paligid, pati ang sarili. Pakiramdam niya ay sila lang ni Maxwell ng mga sandaling 'yon. Hindi na niya namalayan na nagtapos na ang tugtog at silang dalawa na lang ang natitira sa dance floor.

"Thanks for the dance, wife."

Wala siyang sinabi. She just smiled at him, fingers playfully knotting at his nape. Napalunok siya, gusto niyang halikan si Maxwell. Hindi niya sigurado kung nabasa ba 'yon ni Maxwell sa mga mata niya. Next thing she knew, his head dipped low.

Nagtagpo ang mga labi nila. At the back of her mind, she thought she heard an applause. O baka naman pinaglalaruan lang siya ng sariling pandinig. Ah, hindi na niya alam. The world ceased to exist saved for Maxwell's lips on hers.

Nang maghiwalay sila ay doon nakaramdam ng pagkapahiya si Jan. Naisubsob niya ang ulo sa balikat ng binata, too embarassed to lift her chin. Tatawa-tawa namang kumaway lang si Maxwell sa mga nanunukso hanggang sa makabalik sila sa mesa. Pagtingin niya sa mesa nina Basti, wala na doon si Yvonne. Hindi niya napigilan ang isang smug na ngiti.

Were you watching, Yvonne? This is what I can do.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro