XI
RING ng cellphone ang gumising sa kanya. Nagulat pa siya nang maramdamang may mabigat na bagay ang nakapatong sa dibdib niya. When he saw the riot of curls, memories of the night came back to him. Napapikit siya. Hindi siya lasing kagabi kaya wala siyang excuse kung bakit humantong sila sa kama ni Jan.
Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap ng babae. Ingat na ingat siyang 'wag itong magising. When he finally extricated himself from her, he grabbed his phone. Si Yvonne. Parang biglang nangalay ang batok niya. Tumayo siya para isuot ang robe at pagkatapos ay lumabas sa terrace.
"Yvonne."
"It's today, isn't it? Gaano katagal mong kailangan pakisamahan ang babaeng 'yan?"
"Nag-usap na tayo, hindi ba? At least one year to make it more believable. Yes, ngayon ang araw na pagbobotohan ng board at share holders kung sino ang ipapalit nila kay Lolo."
"Masyadong matagal ang isang taon, Max. Hindi ko yata kayang maghintay. Gumaganti ka ba sa akin?"
Hindi siya nakakibo. In a way, tama si Yvonne. Nagrebelde ang kalooban niya nang malaman niyang paalis ito noong gabing dapat ay magpo-propose siya.
"It's not my fault things happened, Yvonne."
"I know. But can't we at least see each other gaya ng dati? I missed you."
"I..." Napalunok siya. "Uhm...same." Why can't he say he missed her too?
"We can be discreet, babe. Please, let's meet. Kung bakit kasi kailangan mo pang umuwi kagabi. Ikaw talaga ang sadya ko sa Paradise 2000. Kung hindi pa nabanggit sa akin ng isa kong acquaintance na nandoon ka hindi tayo magkikita. It has been two months, Max. Hindi enough ang phone calls."
"Alam mong nandoon si Jan. Sa susunod, ayokong nasa iisang lugar kayo. Ikaw ang umiwas, sisirain mo ang diskarte ko. Wala siyang alam tungkol sa 'yo but please don't push it," sabi niya.
Kinabahan siya kagabi nang makitang nasa bar si Yvonne at kay Jan pa talaga umorder ng maiinom. His heart jumped to his throat when they came face to face. Hindi pa niya hawak ang presidency, he can't afford to lose Jan yet.
"Isn't it enough that I made an effort to get in touch with you kahit pina-deactivate ni Lolo ang private line ko? It must mean something if I still have your number memorized despite my temporary amnesia."
Nawalan ng kibo si Yvonne. Mayamaya ay narinig niya ang sumusukong buntung-hininga ng babae sa kabilang linya.
"Alright. Pero hindi ba talaga tayo pwedeng magkita?"
"I'll call you when we can. Sa ngayon, let's lie low."
Tinapos na niya agad ang tawag baka magising si Jan. Hinatid niya kagabi si Yvonne kaya siya nahuli ng dating. He was frustrated with Yvonne's childish tantrums and with Sebastian hovering around his wife made matters worst. Tuloy nag-init ang ulo niya at nasapak ang lalaki. Hindi na niya naalalang kailangan niyang mag-ingat dahil hindi pa siya magaling.
It did not escape his knowledge that Sebastian was being careful where his punches landed. Lalo lang siyang nainis imbes na makaramdam ng pasasalamat. Pakiramdam niya, isa siyang bata na hinahayaang mag-vent out ng mga nakakatanda. At kung umasta naman itong si Jan ay parang close na sila agad ni Sebastian.
Maraming possiblity ang naisip niya. Karamihan ay ridiculous notion na ayaw niyang e-entertain pero kagabi ay kusang lumabas sa bibig niya. Wala siyang intensyong makipag-away kay Jan. Kahit siya ay nagulat, hindi niya nakilala ang Maxwell na labas-litid sa pagdedemand ng katotonan kagabi.
He sighed. What are you doing, Maxwell?
Bumalik na siya sa loob. Tumalsik na ang antok niya kaya wala nang pag-asang makakabalik pa siya sa pagtulog. Isa pa, kailangan na nilang pumunta mayamaya lang sa Quantum.
Jan is still sleeping, curled on her side. Napaupo siya sa upuang malapit sa kama at aliw na pinagmasdan ang babae. Mukha itong manika sa kulot na buhok. Mahahaba ang pilik-mata nito at maliit ang hindi-katangusang ilong. She's pretty pero kung itatabi niya ito kay Yvonne ay mas di hamak na maganda ang huli.
It's just that there's something about Jan. The room seems to glow when she's around. Parang hindi ito conscious sa hitsura, laging masaya. Refreshing para sa kagaya niyang lagi na lang aburido ang klase ng disposisyon ni Jan.
After a while, Jan stirred. Her eyelids fluttered hanggang sa unti-unti itong dumilat. She sat up and turned her bleary eyes on him. Sabog ang buhok nito, may kanya-kanyang direksyon.
"Good morning," bati niya.
Jan blinked. She's so adorable that he didn't know what over him. Natagpuan na lang niya ang sariling nakalapit na sa babae at siniil ito ng halik. Napapikit uli si Jan. May maliit na ngiting lumitaw sa mga labi nito nang lumayo siya.
"What are you thinking about that made you smile?" tanong niya.
Imbes na sumagot ay napunta sa paa niya ang mga mata ni Jan. Hindi nito mapigilang matawa nang makitang suot niya ang fluffy pink bunny slippers nito. Dahil mas malaki ang paa niya kumpara kay Jan, halos kalahati lang ang nasa loob ng tsinelas.
"What? They feel nice, I like it."
"Wala akong sinabi."
"I can read your face, woman," sabi niya saka mahinang dinutdot ang pisngi niya. "You're judging me."
"I'm not," tanggi ni Jan pero hindi mawala-wala ang tawa.
"Sorry about last night."
Agad na nawala ang ngiti ni Jan. Huli na nang maisip niyang iba ang paglakaintindi nito.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. I'm sorry for the things I said. I'm not sorry about what happened next," paglilinaw niya.
"Ah, okay. A-Akala ko disappointed ka kasi..."
"Kasi?"
"W-Wala akong...uhm. You know, I'm not like the women you used to date." She blushed.
Napangiti siya. "Kaya nga ikaw ang nandito ngayon kasi hindi ka katulad nila."
"Ay, kagaling mambola. Hindi naman basketball player."
"Ay, ang corny. Hindi naman mais," ganti niya saka dinamba si Jan.
Her shriek pierced the room. He had her pinned on the mattress with his body, grinning like an idiot. Lalo itong nagwala nang kilitiin niya ito.
"Stop! Hindi na ako makahinga!" saway ni Jan.
Tumigil naman agad siya. "Ligo ka na, kailangan nasa Quantum na tayo by ten."
"Ano'ng oras na ba?" tanong nito.
"Eight na."
"Alright. Help me up."
Ngumiti siya. She should have known better. Imbes na tulungan itong bumangon ay walang sabi-sabing binuhat niya nito at itinakbo sa banyo.
**********
THEY walked in hand in hand. Agad silang umagaw ng pansin ng mga tao sa Q Building sa Ortigas. Maxwell warned her what to expect. Pero iba pa rin talaga 'pag actual mo nang nararanasan. Tuloy ay hindi niya maawat ang mga kamay sa pamamawis.
"Don't mind the stares. Hindi lang nila mapigilan, maganda ka kasi," bulong ni Maxwell sa kanya habang naglalakad sila papunta sa elevator. Napaigik ito nang masiko niya nang wala sa oras.
Tarantadong 'to, mangingisay na 'ko sa kilig.
"Pwede ba Mr. Quintanar, mamaya ka na mambola?" nangingiting saway niya.
Lumipat ang kamay ni Maxwell sa baywang niya. Bumulong ito. "Hindi pambobola 'yon, Mrs. Quintanar. It's a fact."
Gumanti siya. "Kung ganoon, sulitin mo na. Bola pa more. May expiration 'tong kasal natin."
"Nah. Let's stay married."
Bigla siyang napalingon dito. "Seryoso ka?"
Tumango si Maxwell. "I think I like being married to you."
May umubo sa likuran nila kasabay ng pagbukas ng elevator. Sabay silang napalingon ni Maxwell. Ang nakangiting mukha ni Basti ang nalingunan nila. Automatic na napangiti si Jan. Nagsabay pa silang tatlo sa pagpasok.
"Good morning, Jan."
"Hi, Basti. Magandang umaga rin."
"Don't talk to my wife!" madiing singhal ni Maxwell sa mababang boses.
Pero parang walang narinig si Basti. Sa kanya ito nakatingin na parang hangin lang ang nagsalita. "How are you?"
"Okay naman."
"Sinabing---"
Naputol ang sasabihin ni Maxwell nang muling bumukas ang elevator at may sumakay. Napilitan silang tatlo na umatras sa likod para bigyang daan ang mga bagong pasok.
"Temper, Maxwell. Baka nakakalimutan mo kung nasaan ka," paalala ni Basti.
"And who told you na pwede kang sumabay sa amin?"
Nagpasya siyang awatin ang lalaki. Ginagap niya ang kamay ni Maxwell at mahinang hinila.
"Max..."
Walang nagawa si Maxwell kundi magbuga ng hininga. Mahigpit ang pagkakawahak nito sa baywang niya, aakalain mong takot matakasan. He kissed her hair and looked straight ahead. Palihim niyang sinulyapan si Basti. She mouthed a voiceless apology. Tango lang ang isinagot sa kanya ng lalaki.
Pagdating nila sa auditorium kung saan gaganapin ang election ay ipinakilala siya ni Maximo sa lahat. Nauna na sa kanila doon ang matanda pati ang ina ni Maxwell. Sa dami ng ipinakilala sa kanya ay hindi na matandaan ni Jan ang karamihan. Their names and their faces swam in her head.
Pagkatapos ng botohan ay sinimulan agad ang counting. For some reason, siya itong tensed samantalang si Maxwell ay kalmado lang sa upuan nito. Maya't maya ang pagpisil nito sa palad niya.
"Relax. Wala kang dapat ipag-alala," sabi nito habang nagaganap ang bilangan.
"Hindi ko maiwasan. Paano kung---"
"Shh." Pinigil ng hintuturo nito ang bibig niya. "Wala ka bang bilib sa asawa mo?"
"Hindi naman sa ganoon. Lamang na si Basti ng limang votes. Hindi ka ba kinakabahan?"
"Hangga't hindi pa natatapos, may pag-asa pa ako."
Napasulyap siya sa kinauupuan ni Basti. Seryoso ang mukha ng lalaki habang nakatuon ang pansin sa screen kung saan naka-flash ang number of votes. Sa huling tatlong minuto ay napako ang bilang ng boto ni Basti habang patuloy naman ang dagdag para kay Maxwell.
Nanalo si Maxwell ng siyam na boto laban kay Basti. May bago ng presidente ang Quantum Industries. Sa tuwa ay hindi napigil ni Jan na yakapin ang katabi sa gitna ng palakpakan at pagbati kay Maxwell. In response, he kissed her hard on the mouth.
Napilitan silang maghiwalay nang umugong ang tuksuhan sa paligid. Tatawa-tawang kumaway si Maxwell sa mga tao at tinanggap ang pagbati ng mga lumalapit.
"You did it, son!" Tuwang nayakap ni Carmen ang anak.
"Thanks, Mom. Sa inyo rin, Lolo. This wouldn't be possible kung hindi dahil sa suporta ninyo."
"Ang asawa mo dapat ang pasalamatan mo. Malaki ang nagawa ng pag-aasawa mo para mapanatag ang loob ng mga miyembro ng board," sabi ni Maximo.
Muli siyang niyakap ni Maxwell at hinalikan sa noo. "Of course. Thank you, Mrs. Quintanar."
"You're welcome."
"Maxwell! Congratulations, Mr. President." Si Basti ang lumapit. Tinapik nito si Maxwell sa balikat.
"Thanks." Nangasim ang mukha ni Maxwell.
"Sebastian, I hope walang samaan ng loob kahit ganito ang naging resulta. You're a vital part of Quantum Industries. Hindi mo man nakuha ang posisyon, you're automatically considered for the VP for Operations as soon as Mr. Sorilla retires next year," sabi ni Maximo.
"No hard feelings, sir. Sabi nga, kung hindi ukol ay hindi bubukol."
Natawa si Maximo. "Dyaskeng bata 'to."
"Thank you for being a good sport, Sebastian," si Carmen.
"I did my best, Madam. So I have no regrets."
"Hindi pa pala kita naipapakilala sa asawa ng apo ko. Sebastian, this is Jan Marie Cordova-Quintanar."
"No need, Sir. Jan and I are good friends."
Bakas ang sorpresa sa mukha ni Maximo. "Really? Mabuti kung ganoon."
"Good friends, my ass," Maxwell muttered under his breath.
Pinisil ni Jan ang kamay ng lalaki at saka umiling. Isang tabinging ngiti ang isinagot sa kanya ni Maxwell.
"Excuse me, sir." Isang staff ang lumapit sa kanila. "Handa na po ang rooftop para sa induction."
"Ah, yes. Thank you."
"What's this for, Lo?" takang tanong ni Maxwell.
"Induction program at celebration na rin pagkatapos. Kaya ko nga sinabing isama mo ang asawa mo. Kung hindi mo napapansin, lahat ng empleyado ay nandito kahit half-day lang dapat ang pasok tuwing Sabado," sabi ni Maximo.
"We're having a late lunch bago ang program," si Carmen.
"Don't tell me hindi mo alam? Akala ko pa naman alam mo dahil isinama mo si Jan," sabi ni Sebastian.
"Shut up."
"And here I thought 'pag nag-asawa ka na eh mawawala na ang kasungitan mo."
"Stop it, Maxwell. Walang ginagawa si Sebastian sa 'yo. Goodness! It has been years since that thing happened, hindi ka pa rin ba nakaka-get over?" saway ni Carmen.
Takang tiningala ni Jan si Maxwell. "Ano'ng nangyari dati?"
Tumaas ang kilay ni Sebastian. "Hindi pa ba naikukuwento sa 'yo ni Maxwell?"
"Hindi."
"Breathe a word and I'll pull your tongue out, Fersth," salubong ang kilay na banta ni Maxwell.
"Hear that, Jan? I love my tongue, so I'm not telling you." Biglang nag-ring ang cellphone ni Sebastian. He took his phone and smiled when he saw the caller ID. "Excuse me, susunduin ko lang ang date ko."
"Go ahead, iho," si Carmen.
"Mauna na kami ng Mommy mo, sumunod na kayo ha," sabi ni Maximo.
"We'll be there, 'Lo."
Nang makaalis ang dalawa ay hinatak ni Jan ang manggas ng katabi. "Ano 'yong issue n'yo ni Sebastian?"
"It's nothing."
"Maxwell..."
He sighed and raked his fingers on his hair. "We used to be close friends in college. Pareho na kaming nagtatrabaho dito sa Quantum nang sabay kaming magkagusto sa isang trainee. To make the long story short, Sebastian got the girl."
"Dahil lang doon?"
"It's not that simple, Jan. She was my first love. She was happy kaya nagparaya ako. Isa pa, kaibigan ko si Sebastian. Then he got Celine pregnant. Pinilit niya si Celine na ipalaglag ang bata. Pagkatapos noon ay iniwan niya rin."
Parang gusto niyang batukan ang sarili sa nararamdamang selos kay Celine. Wala na sa buhay ni Maxwell ang babae pero apektado pa rin ito.
Pinilit niya ang sariling magsalita. "What happened pagkatapos?"
"She died."
"I-I'm sorry."
Napatingala si Maxwell. "Ka-bad trip lang kasi. 'Yong taong pinahahalagahan mo ng sobra, ganoon na lang kung tratuhin ng iba. Kaya siguro hanggang ngayon hindi ko magawang patawarin si Sebastian."
May kung anong bumara sa lalamunan niya. Natatakot siyang magtanong pero kailangan niyang malaman. Hindi siya makakatulog kung hindi niya maririnig mismo kay Maxwell ang totoo.
"M-Mahal mo pa ba siya?"
Tinitigan siya ng lalaki. "Ayokong magsinungaling at sabihing hindi na."
Tumango si Jan. Her chest felt heavy, her eyelids hot. Pinilit niyang kontrolin ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagngiti. Patay na si Celine, hindi niya dapat pagselosan.
"Magiging okay ka rin."
"You think so?"
"Siyempre. Paano kang hindi magiging okay kung kasama mo 'ko?" she beamed.
At last, Maxwell smiled. Inakbayan siya nito at hinalikan sa gilid ng ulo. "Right."
"Ano, tara na? Medyo nagugutom na ako."
"You and your stomach. Kalakas mong kumain, no wonder sexy ka."
"Ay nako, 'yan ang pinaka-lame na pambobolang narinig ko sa 'yo!" Inirapan niya si Maxwell. "Nabulag ka na ba ng kagandahan ko at nakalimutan mo ang mga taba ko sa katawan?"
"You're not fat. You're curvy. I don't like anorexic women na parang hindi kumakain. I prefer your soft curves," taas-baba ang kilay nito habang hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Oh god! You're so good for my self-confidence." Sabay silang nagkatawanan.
"You're still here?" anang boses na natukoy niyang kay Sebastian.
Paglingon nila ni Maxwell ay pinanlamigan siya ng kamay. Nang mapatingin siya kay Maxwell ay halata ang pagkagulat nito. Yvonne looked like a goddess on Sebastian's arm. Nakasuot ng isang green dress ang babae. Ang maiksing buhok nito ay bahagyang tumatabon sa isang bahagi ng mukha nito. Her eyes were trained on the man on Jan's side.
"Hello, Maxwell. Congratulations," walang babalang kumalas si Yvonne kay Sebastian. Lumapit ito at hinalikan si Maxwell sa pisngi.
"Y-Yvonne, what are you doing here?"
Hindi pinansin ni Yvonne si Maxwell. Natuon na sa kanya ang mga mata nito. Ramdam niya ang tahimik na paghagod nito ng tingin sa kanya.
"And this is the wife, right?" sabi ng babae. Inilahad nito ang kamay sa kanya, "I'm Yvonne. Nice meeting you, Mrs. Quintanar."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro