VIII
"NAGTATALO na naman ba kayo?" Lumapit sa kanya si Max at inakbayan siya. "Welcome back, Becca. Mabuti naman at naisipan mong silipin kung buhay pa 'tong kapatid mo."
"Of course. Nandito ako para matigil na ang kalokohan ng kapatid ko. Thank you for taking care of my family but it ends here. Ibabalik ko sa inyo kung magkano man ang nagastos n'yo kay Mommy."
"Ate..." Sa lakas ng dagundong sa dibdib niya ay hindi na siya magtataka kung mayamaya lang ay tumalsik palabas ang puso niya.
Inirapan siya ng kapatid. "Shut up, Jan Marie."
"Hindi ko yata maintindihan ang pinagsasabi mo, Becca. Especially about the money."
"I'm sorry, Maxwell. Pero peke ang kasal n'yo ng kapatid ko, hindi kayo totoong mag-asawa. In fact, ni hindi mo nga siya girlfriend. She only did that to save our mother and this house."
Jan closed her eyes, her plan has failed. Laglag ang balikat na wala sa loob na napasandal siya kay Maxwell. Bahagya lang rumehistro sa utak niya ang mahinang pagpisil ng lalaki sa balikat niya.
"Paano mo naman nasabing hindi kami totoong mag-asawa? Wala ka doon nang ikasal kami ni Jan."
Napadilat siya sa narinig, hindi makapaniwalang hindi agad-agad kumagat si Maxwell sa sinabi ni Rebecca. Her sister on the other hand has a smug look on her face.
"She told me bago pa man kayo ikasal. Plano ng Lolo mo na 'wag ipa-register sa Civil Registrar ang kasal n'yo dahil nagpapanggap lang naman si Jan."
Napapalatak si Maxwell. Hinapit siya nito sa tagiliran sa pagkagulat niya. Parang balewala sa lalaki ang nalaman. At kung makahawak sa kanya, aakalain mong takot itong mawala siya.
"Rehistrado na. I made sure of that."
Ang Ate Rebecca naman niya ngayon ang nagulat. "I-Ibig bang sabihin nito, alam mong magkasabwat ang Lolo mo at si Jan?"
Tumango si Maxwell.
"K-Kailan pa?" tanong niya.
Maxwell smiled down at her. "Naalala mo noong binisita ako ni Lolo? May dala siyang documents tungkol sa trabaho na nangangailangan ng pirma ko. Hindi sinasadyang nasama sa mga papel na 'yon ang marriage contract natin nang ilabas niya sa satchel. Kaya 'yon, huli."
Nalilito siya sa nararamdaman. Hindi ba dapat nagsisisigaw na ito sa galit dahil naloko siya? At legal na ang kasal nila! Hindi 'yon kasama sa usapan nila ni Maximo pero bakit walang nababanggit sa kanya ang matanda?
"H-Hindi ka galit?" paniniyak niya.
"Nope. Pero mamaya na natin pag-usapan 'yan, gutom na ako eh." Tinapunan ng tingin ni Maxwell si Rebecca. "And whatever you say, we will remain married. Jan Marie is my wife now whether you like it or not."
Imbes na mapanatag ay naningkit ang mga mata ng kapatid niya. "Ano'ng binabalak mo sa kapatid ko, Maxwell? Hindi ako naniniwalang basta mo na lang palalampasin ang panlolokong ginawa ni Jan at ng Lolo mo unless you're hatching some plan."
"You wound me, Becca. True, I may not be in love with your sister but I like her. Naniniwala akong eventually ay matututunan ko siyang mahalin. Pera man ang dahilan kung bakit niya ako pinakasalan, I'll make sure na makikita niyang there is more to the man behind the name and reputation, enough to fall in love with me in return."
"Rubbish! Hindi siya ang tipo ng babaeng magugustuhan mo, Maxwell. So cut the crap. Let my sister go and let her live her life. She's too young to be caught up in this sham."
"Tell me, Becca, ano ba ang gusto ko sa babae? Mukhang alam na alam mo eh, i-remind mo nga sa akin baka nakalimutan ko lang," hamon ni Maxwell.
"Of course I know the type of women you usually go for! Sa haba ng mga pumipila sa 'yo, iisa lang ang uri nila. Sophisticated, strong and career-oriented women. Mga babaeng hindi takot na i-pursue ang gusto nila."
"Tsk. Sa description mo, isa ka na doon. Pero umubra ka ba sa akin, Becca? Sa dami n'yong pumipila---your word---hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit ni isa walang nagtagumpay na masilo ako?"
Natigilan si Rebecca. "Oh. Of course it must be because you're too picky."
"Wrong." Lalo siyang hinapit ni Maxwell. Hinalikan pa nito ang buhok niya. "Because this right here, is the woman of my dreams. Beautiful, strong at gagawin lahat para sa mga mahal niya. A woman who does not care about her looks but looks beatiful just the same because of her equally beautiful heart."
May nagsabog ng confetti, may nagtotorotot, may lumulutang na mga balloons, may fireworks. Those were the pictures flashing on her mind. Confirmed, she's falling in love with her fake husband. Oh, it's not fake anymore. Nakakapanginig ang realization, wala sa loob na nayakap niya ang sarili.
She felt like sinking in a quick sand. Falling in love with Maxwell means she's at a point of no return. Literal na mababago ang takbo ng buhay niya ngayong kilala na niya kung ano ang damdaming umusbong para sa lalaki. And this kind of feeling has a life of it's own, she can never dictate where it will lead her. Wala pa man ay natatakot na siya.
"M-Max, hindi ba gutom ka na? Ihahanda ko na ang dinner," pag-iiba niya sa usapan.
"Good, may maitutulong ba ako?"
"N-No." Tiningnan niya ang kapatid, "sasaluhan mo ba kami, Ate?"
"Hindi na. Kumain na ako. Pero kailangan pa rin kitang makausap bago ako umalis uli. Pagkatapos mong kumain ay puntahan mo ako sa pool side."
"Sige."
Pagkaalis ng kapatid niya ay hindi pa rin siya binibitiwan ni Max. "Okay ka lang?"
"Oo. Ikaw?"
"Gutom na," natatawang sagot nito.
Nahawa na rin siya. Medyo lumuwag ang pakiramdam ni Jan sa nakikitang pagtanggap ni Maxwell sa nalaman nito. Hindi niya inasahan 'yon, ang buong akala niya ay magagalit ito at palalayasin sila sa bahay. Parang totoo ang sinasabi ni Menchu, ibang Maxwell na ang kasama nila ngayon. Posible nga kaya?
Parang walang nangyari, masaya silang nagsalo sa hapunan. Panay ang biro sa kanya ni Maxwell kaya hindi niya maawat ang sarili sa pagtawa. She didn't know this side of Maxwell. Nadiskubre niyang masarap kausap ang lalaki. Mukhang interesadong interesado rin ito sa pinili niyang course, inudyukan pa siya nitong magkuwento tungkol sa nakakabaliw niyang araw sa eskuwela.
"'Pag magaling na 'ko, ako na ang magda-drive sa 'yo pagpasok ng school. Tapos susunduin kita sa uwian. Kung sakaling nakabalik na ako sa trabaho, idadaan kita sa school bago dumiretso sa office. Tapos ipapasundo kita sa uwian, sa office ka rin didiretso para sabay na tayong umuwi."
"Nakakapagod 'yang binabalak mo, mister. May driver naman, tatanggalan mo pa ng trabaho si Kuya Martin."
"Hindi ah, siya pa rin naman ang driver. 'Yon lang sina Menchu na ang ipag-da-drive niya 'pag mamamalengke o kaya grocery. O kahit magsimba, abusuhin na nila si Martin habang hindi pa natin kinakailangan."
"Alright. Ikaw ang bahala."
"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit magpapakahirap pa akong ipag-drive ka?"
Natigil si Jan sa pagsubo. "Oo nga, bakit nga ba?"
"Para mabakuran ka. Sigurado akong may umaaligid sa 'yo sa school. Kailangan kong ma-establish ang presence ko para makita nilang hindi ka na available." Sinundan 'yon ni Maxwell ng kindat.
She mentally screamed nang walang ano-ano'y may tadyak siyang naramdaman sa dibdib. Dios mio! Help! Napahigpit pa ang kapit niya sa kutsara. Wala siyang tiwala sa sariling mga kamay, parang nanghina kasi siya sa ginawa ni Maxwell. Nobody warned her that his wink is deadly. Awang-awa siya sa puso niyang bugbog na sa kaba.
Umiwas siya ng tingin. "W-Wala namang nanliligaw sa akin sa school."
"Therefore I conclude all the men in your school is blind. Pero mas okay 'yon, wala akong masasapak."
She had enough. Binitiwan niya ang hawak saka sumandal sa upuan. "You don't have to act as if you like me, tayo na lang dito."
Kumunot ang noo ni Maxwell. "What are you talking about?"
"Alam kong kaya mo lang sinabi 'yon kanina sa kapatid ko para hindi na siya manggulo. Tutal nagkabistuhan na, siguro dapat mong malaman na alam kong kailangan mo ako para sa presidency. Okay lang, willing naman akong tumulong para makuha mo 'yon. Just..." her voice faded.
"Just what?"
"J-Just stop with the act."
"What act? You're not making any sense, Jan Marie."
"'Wag kang magkunwaring gusto mo ako kahit alam nating hindi. Ours is a marriage of convenience, Max. And I'd like it if we're honest with each other, to be our true selves 'pag tayong dalawa lang."
"Sino'ng nagsabi sa 'yo na hindi kita gusto?"
"H-Ha?" nabiglang tanong niya.
"Gusto kita. O mas tamang sabihing nagugustuhan na kita. Kaya ko nga hiningi kay Lolo na ipa-register ang kasal natin. We started with a lie but eventually I wished for us to be real. Gusto kong ituloy ang nasimulan natin na malinaw sa ating dalawa ang mga bagay-bagay. Dahil malinaw sa akin na hindi ka mahirap mahalin."
"M-Max..."
"Give us a chance, you'll see that I am a better person than you thought I am."
Happiness bloomed in her chest. Tumango siya bilang sagot. Sinikap naman niyang pigilan ang pasaway niyang facial muscles pero natalo pa rin siya. Sh's grinning like an idiot inside and it is threatening to show.
Pero hindi pa yata tapos si Maxwell sa panggugulo sa damdamin niya. "Do you like me a little?"
"Ha?"
"Kako do you like me? It doesn't matter how much. Importante kahit paano ay gusto mo rin ako."
Her mouth felt dry with his question. "I-I...d-dont know."
Tumango si Maxwell. "Good enough. At least it's not a definite no, may chance pa akong baguhin 'yan. Sinisiguro ko sa 'yo, misis, gagawin ko lahat para magustuhan mo 'ko."
Wala ka pa ngang ginagawa, halos maglambitin na ang puso ko sa mga ngiti mo.
Umingos siya. "Kumain ka na lang."
**********
MATAPOS ang dinner nila ni Maxwell ay sinadya niya si Rebecca sa poolside. She was swimming laps back and forth kaya minabuti ni Jan na hintaying umahon si Rebcca. Something is bothering her sister. Madalas man silang magkabanggaan ng kapatid, kabisado niya pa rin ang ugali nito. After all, theirs is a love-hate relationship.
"Bukas ay aalis na naman ako. Dadaan muna ako kay Mommy. I heard inilipat n'yo s'ya ng room?" Rebecca dried herself and put on her robe. Umupo ito katapat ni Jan sa lounging chair.
"Oo. Mas komprtable ang room niya ngayon," sabi niya.
"Jan, can't you reconsider? Kaya ko nang tustusan ang pangangailann n'yo ni Mommy."
"I made a deal with them, Ate."
"Eh di bayaran natin sila sa lahat ng ginastos, problema ba 'yon? Get out of that marriage habang maaga pa. Baka pagsisihan mo lang eventually, Maxwell doesn't love you. Gusto mo ba talagang makulong sa isang loveless marriage?"
Napayuko siya. She couldn't tell her sister that it's not about the money anymore.
"Don't tell me...oh my god! How stupid can you get, Jan Marie? Masasaktan ka lang! Maxwell is a player of another level."
"I know. Pero ano'ng magagawa ko? I'm falling for him, Ate."
"Kaya nga dapat ngayon pa lang umiwas ka na! Bago pa magkaroon ng sanga 'yang tumutubo pa lang na feelings mo kay Maxwell. Please, Jan? I can take you with me if you want, pati si Mommy."
"Saan ka naman kumuha ng pera?" naisip niyang itanong. Nahihiwagaan siya sa kapatid.
Rebecca avoided her eyes. "Don't ask me because I can't tell you. Just know na hindi na tayo maghihirap."
Binundol ng kaba ang dibdib ni Jan. "Ate? What have you done?"
Rebecca smiled pero ramdam ni Jan na pilit 'yon. "Don't waste your time worrying about me. Ang problemahin mo, 'yang sarili mo. Ano? Bukas na bukas din isasama na kita."
"Ayoko."
"Times like this makes me wish you're not a legal adult yet. Para pwede pa kitang kaladkarin at sapilitang ilayo."
Natawa siya. "I'd like to see you try."
Her sister sighed. Madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung ipakita ni Rebecca ang concern nito sa kanya. Pero kahit sa sarili niya ay hindi niya maitatangging in her own way, Rebecca loves her.
"You can call me anytime kahit malayo ako. Hindi ko na sasabihin sa 'yo kung saan ako pupunta pero sisiguruhin kong mako-contact mo na ako kahit na ano'ng oras."
"Sige."
Nagulat siya nang yakapin siya ni Rebecca. Ganoon pa man, ginantihan niya ng yakap ang lapatid. Kahit walang namagitang salita sa kanilang dalawa, mas dinig ni Jan kung ano ang sinasabi ng ate niya sa pamamagitan ng mga yakap nito. They have each other no matter how many shits the world hurls at them.
**********
MAXWELL let the curtain drop. Pinapanood niya sa bintana ng kuwarto ang eksena ng magkapatid. Nailing siya, malamang nagluluto na naman ng kung anong plano ang dalawa ngayong aware na sila na hindi na siya clueless.
Parang gusto niyang pumalakpak kanina sa acting ng dalawa. They were like two oiled machines, synchronized perfectly with each other in their act. Hindi siya makakapayag na malamangan ng magkapatid na Cordova. May plano na siya, hindi naman siya basta-basta gagawa ng move na hindi pinag-iisipan.
Ilang araw na niyang pinag-iisipan kung paano mapapaamin si Jan sa deal nito sa Lolo niya without blowing his own plans. Ang pagdating ni Rebecca ang nagpadali sa lahat. Nang marinig niyang balak bayaran ni Rebecca lahat ng nagastos nila ay napasya siyang gumawa ng hakbang. He knew Rebecca wanted to save her sister from him but he's having none of that.
So he stepped in and pretended as if it's not a big deal. Kailangan niyang makasigurong hindi aalis si Jan. And what better way to hold on to a woman than playing with her feelings? Sa ospital pa lang ramdam na niyang nagkakainteres sa kanya ang asawa. Hindi siya kumibo dahil inisip niyang magagamit niya 'yon.
Bumalik siya sa binabasa niya at hinintay ang pagpasok ni Jan. When she came in, his smile is ready for her. Parang may kung ano'ng nawala sa babae. Kanina lang ay parang ang sigla nito nang magpaalam sa kanya. Ngayon ay para itong colored picture na kumupas ang kulay habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Ang bilis n'yo namang mag-usap," komento niya.
"She's leaving again."
"Really? Iiwan ka na naman niya?"
Nagkibit-balikat si Jan. "Sanay na 'ko."
Kumilos siya palapit kay Jan. Her hands were cold to the touch. "Is everything okay?"
Ilang sandali pa ang lumipas bago nag-angat ng tingin ang babae. Hindi niya napaghandaan ang nakitang anyo nito, nangingislap sa nagbabantang luha ang mga mata.
"Ano lang kasi...parang mag-isa ako. Sanay naman akong wala si ate, madalas siyang bigla-bigla na lang nawawala. Pero bakit ganoon? Parang ayoko siyang umalis?"
"Sino'ng nagsabing nag-iisa ka? Ano ba ko? Si Menchu? Saka 'yong kaibigan mong masungit at matalim kung makatingin?"
Jan smiled. "Si Anne."
"Oo. Noong ikasal tayo kulang na lang ipakulam niya ko eh. She's got that scary look in her eyes bordering on psychotic."
"Sobra ka naman! Mabait kaya 'yon!" Nahampas siya ni Jan sa dibdib, mahina lang naman.
"She knows, right? Kaya mukha siyang galit sa akin."
"Hindi siya galit sa 'yo, nag-aalala lang si Anne sa akin kaya ganoon," kontra ni Jan.
She's righ to worry about you.
"She has nothing to fear, though. I'll take care of you, wala siyang irereklamo."
"Thanks, Max."
"You're welcome, babe. Now come here and give me a kiss." Pinatulis niya ang nguso sa direksyon ni Jan.
"Max! How can you be shameless?" natatawang iwas nito.
He pouted like a disappointed child. "Para kiss lang, ang damot. Sige na, isa lang."
"Isa lang ha?" paniniguro ni Jan.
"Yes, misis. One smack is all I need."
Sa sandaling inilapit ni Jan ang mukha para bigyan siya ng halik ay mabilis niyang hinawakan sa batok ang babae. Her lips landed on his and he grabbed the opportunity. Mapusok niyang hinalikan si Jan na ikinagulat nito.
Behind half-closed lids, he saw her shock. Lalo pa niyang pinalalim ang halik, intensyong tunawin ang ano mang pagtanggi o protestang nabubuo sa isip ni Jan. He teased her with his tongue and gave her gentle bites on her lips. Hanggang sa unti-unting nauwi sa pagsuko ang kanina'y stiff na katawan nito.
Now you can't escape me, Jan Marie Cordova. You've fallen into my trap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro