Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

VII


SA ARAW na na-discharged si Max sa ospital ay nasa eskuwela si Jan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinokontak ng ate niya. She's worried but she tried pushing the thought at the back of her mind.

"Ma'am, diretso na po ba sa bahay?" tanong ng driver niya. At oo, may kotse na uli siya na naghahatid-sundo sa kanya sa eskuwela.

"Daan muna tayo sa grocery, Kuya Martin."

"Sige po."

Napasulyap siya sa daliri. Hindi niya suot ang wedding ring nila ni Maxwell. Sa pagmamadali kaninang umaga ay naiwan niya iyon sa vanity table niya. Hindi naman 'yon mawawala doon, si Menchu lang naman ang tao sa bahay. Pero sa paglabas ni Max, magdadadag ang matandang Quintanar ng lima pang kasambahay. Mamaya lang ay makikilala na niya ang mga 'yon.

Tinanggihan niya ang pagyayaya ni Anne na tumambay muna. Ewan ba niya pero guto na niyang umuwi. Kanina habang nakikinig siya ng lecture ay hindi niya mapigilan ang sariling gunawa ng meal plan para kay Max. Kaya siya dadaan sa grocery para makapamili ng ingredients, ipagluluto niya ang asawa.

Asawa. It feels strange to refer to Max that way. For some strange reason, she wanted to impress him with her cooking skills. Sigurado naman siyang hindi siya ang unang babaeng gagawa noon para kay Max.

Pagdating sa grocery malapit sa subdivision nila ay mag-isang pumasok si Jan. Pinaghintay ma lang niya ang driver sa kotse. Isa ito sa paborito niyang gawin, ang mag-grocery. Aliw na aliw siya sa pamimili ng kakailanganin. For her, it feels like a playground. Marami siyang naiisip na possible dishes habang tumitingin-tingin sa mga display.

Tuloy ay hindi niya napansin na mahahagip ng gulong ng cart niya ang paa ng isang lalaki. Nagulat na lang siya nang umaray ito.

"Naku! Sorry, hindi ko sinasadya! Pasensya na po kayo," tarantang hinging-paumanhin niya. Namimilipit pa ang lalaki sa sakit. Bakit hindi eh medyo puno na ang cart niya, natural mabigat 'yon.

"Damn! Nadurog yata ang daliri ko," bulalas ng lalaki sabay unat ng pagkakatayo. Napangiwi si Jan, malambot na loafers lang ang suot ng lalaki sa paa. Siguradong lamog ang daliri nito.

"Do you need to go to the hospital? Baka may nabali kang daliri," suhestiyon niya, sa paa pa rin ng lalaki nakatingin.

"No need. Magdedemanda ako."

Marahas na nag-angat ng tingin si Jan. Matangkad pala ang lalaki, steel gray ang kulay ng mga mata. Ang buhok nito ay deep brown.

"D-Demanda? Para 'yan lang?"

"Miss, hindi maliit na bagay sa akin 'to. Alam mo bang magalusan lang ako, nagwawala na ang ina ko?"

Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay. "Sa laki n'yang 'yan, Mama's boy pa rin?" bulong niya sa sarili.

"Ano kamo?"

"Wala. Ano'ng kailangan kong gawin para hindi ka magdemanda, bukod sa sagot ko ang gastusin sa ospital?"

"Tell me your name," mabilis na sagot ng lalaki.

"Ha?" Nabobo yata siyang bigla, hindi niya agad naintindihan.

"I'm Basti Fersth, and you?"

Anak ng leche flan! Is he hitting on her?

"Seryoso ka ba? Ang dami mo pang sinabi, makikipagkilala ka lang pala."

Ngumiti ang lalaki, typical boy-next-door charm in place. "Para-paraan lang, Miss."

"Jan Marie Cordova. Okay na? Marami pa akong gagawin." Tinulak ni Jan ang cart.

Sinabayan naman siya ni Basti. Noong una ay pilit niyang dine-deadma ang lalaki pero nang mapansin niyang hindi ito humihiwalay sa kanya ay napatigil ang dalaga.

"Sinusundan mo ba 'ko?" sita niya.

"Hindi ba halata?"

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Gusto ko. May masama?"

"Wag mo 'kong susundan, you're creeping me out!"

Basti raised his hands, palm out. "Hey, chill. Inaasar lang kita, ang cute mo kasi. Sige na, ituloy mo ang pag-go-grocery mo. Aalis na 'ko, see you around."

"I hope not." Saka siya tumalikod para lumayo.

**********

AGAD niyang ibinaba ang cellphone nang makita ang pagpasok ng kotse ni Jan sa garahe. Bago na ang private line na gamit niya ngayon as well as his personal e-mail. Kahit naghihimagsik ang kalooban niya sa ginawa ng Lolo Maximo niya ay hindi siya kumibo. Kailangan niyang panindigan ang pagkakaroon ng amnesia.

Lumayo siya sa bintana at bumalik sa pagkakaupo sa higaan. Gaya ng sinabi ni Jan, his room is huge. Nagustuhan niya rin ang mini-office niya. Lahat ng gamit sa bahay mula appliances hanggang sa furnitures ay bago. Noong huli niyang punta dito ay halos wala nang laman ang buong bahay.

Hindi niya alam kung anong klaseng pambibilog ng ulo ang ginawa ng magkapatid na Cordova sa Lolo at Mommy niya. It is likely that they exploited the friendship between his mother and Regina Cordova. He gritted his teeth.

Noon bumukas ang pinto ng kuwarto niya. He immediately schooled his features, small smile in place. Pumasok si Jan, suot pa rin ang uniform nito. Her smile looked exhausted. Her shoulder length curls were free from any restraints. Sa ayos nito ay parang kahawig nito si Merida, minus the freckles and fiery hair color.

"Hi!" bati nito sa kanya sabay halik sa pisngi niya, "nagustuhan mo ba ang room mo?"

"Hi babe, how's your day?" parang walang narinig na balik-tanong niya. He extended his hand at tinanggap naman 'yon ni Jan. Iginiya niya ang babae para maupo sa tabi niya na ginawa nito nang walang angal.

"Same old. We cooked. Amoy kusina pa nga ako," anito.

Suminghot siya. True enough, she smells like the combination of smoke and spices. Agad na kumulo ang tiyan niya na ikinatawa ni Jan.

"Nagpaparamdam na ang tiyan mo. 'Yaan mo, I'll cook something for you sa dinner. Maiwan na muna kita, magbibihis lang ako."

"Eh?" Napataas ang kilay niya. "You're cooking for me?"

"Yes. Why? It's part of my wifely duties. Ayaw mo?"

Totoong nasorpresa siya. Pero bago pa kung saan mapunta ang pag-ra-rationalize niya sa ipinakita ni Jan ay inunahan na agad niya ang sarili. Hindi totoo 'yon, palabas lang 'yon ng babae dahil nagpapanggap lang ito. It must be part of her scheme; to worm her way into his good graces and earn his trust. Siyempre, 'pag tiwalang-tiwala na siya kay Jan, unlimited na ang chances nitong lamangan siya.

"Siyempre gusto. Sige nga, misis. Impress me."

"Wait ka lang, mister. Teka, 'wag ka nang bumaba. Ipapa-set up ko kay Menchu ang mesa sa terrace. Dito na tayo mag-dinner, what do you think?"

"I like that." He kissed her hand. "Hmm...'wag mo akong masyadong i-spoil, baka hanap-hanapin ko."

"Uhm...I-I n-need to change."

Lihim siyang natawa sa naging reaksyon ng babae. "Sige. Magbabasa na lang muna ako. Gusto kong pagbalik ko sa trabaho eh hindi na ako mangapa."

"See you later."

Para sa hapunan ay naghanda si Jan ng stir fried chicken strips in canola oil with grated ginger. Brown rice ang ipinares niya doon, topped with yellow, green and red peppers. Hindi na siya gumawa ng kung anong fancy dessert, mas makakabuti kay Max ang prutas.

"I don't eat rice," sabi ni Max nang ihain niya ang pagkain.

"Brown rice naman 'to. Your body instantly tries to repair after the surgery. That extra activity needs additional calories and nutrients," katwiran niya. She reminded herself that she has to act as if she care.

"Are you fattening me up?"

"More like I'm providing you extra fuel for your recovery. Eat up, promise hindi ka tataba kahit six times a day kang kumain. Controlled naman 'tong meals mo, kasama na ang snacks."

Umiling si Max saka sumubo. "Don't tell me what to eat, woman."

"I am your wife, you will eat what I cook," kontra niya.

"This is good."

Jan beamed at the praise. May kung anong sayang hatid ang papuring 'yon ni Maxwell. "Thank you."

"Had I known you work magic in the kitchen, I should have married you earlier."

Umingos si Jan. For some reason, she's actually enjoying their banter. "Bolero. Kung di ko pa alam, sa dami ng babae mo kaya hindi mo ako napapansin."

"Did I? Then bakit naging tayo kung hindi kita pinapansin? Malay mo, paraan ko lang 'yon para magpapansin sa 'yo. You don't know what's going on my mind."

Tama, hindi nga niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Maxwell. One thing is sure though, she never existed in Maxwell's radar. Pero bakit ba niya iniisip 'yon? Palabas lang naman 'to. Lahat ng palabas, kailangang magtapos. 'Yon dapat ang tandaan niya. Her plans are all set, it's important that she stay on course.

"R-Right," nasabi na lang niya.

Pagkatapos nilang maghapunan ay sumaglit si Jan sa kuwarto niya para magpalit ng damit pantulog. Her naked face stared back at her in the mirror. Aaminin niyang kinakabahan siya. This is their first night na magkasama sa iisang kuwarto, sa iisang higaan. Kahit pa na alam niyang walang mangyayari dahil sa kondisyon ni Max, hindi niya pa rin mapigilan ang pagkabog ng dibdib.

Iniisip niya pa lang na makakatabi niya ang lalaki sa pagtulog ay parang gusto nang umurong ni Jan. Ni hindi pa nga siya nagkaka-boyfriend kahit umabot na siya sa edad na twenty three. Kahit sabihin pang junior high pa lang ay may nanligaw na sa kanya, wala siyang nagustuhan.

Her doll-like features made sure she's never short of admirers. May ilan na rin siyang napisil na prospect sa mga nanliligaw sa kanya noon. But when they saw her sister, na-divert ang atensyon ng mga ito sa kapatid niya. She remeber she resented her sister then.

Only when she got a little older, she realized her sister actually did her a favor. Dahil kung totoo ang mga lalaking 'yon sa nararamdaman sa kanya, hinding-hindi sila maaakit sa ate niya. In a way, iniligtas siya ng kapatid sa mga manloloko.

Speaking of her sister, hindi pa rin siya kinokontak ni Rebecca. Nagpadala na rin siya ng pangalawang e-mail sa kapatid noong nakaraang araw lang. Hanggang ngayon, wala pa ring sagot si Rebecca. Wala siyang magawa kundi umasang nasa maayos na kalagayan ang kapatid niya. Pero 'pag wala pa rin siyang nakuhang pagkatapos ng isang buwan, pupunta siya sa office nito.

Isang pajama set ang isinuot ni Jan. Maxwell said nothing when she entered their room and settled on the other side of the king sized bed. Bitbit niya ang laptop at ang paborito niyang hotdog pillow na kasing laki na niya.

"Are we sleeping with that beast?" tukoy ni Max sa unan niya.

"Yep, hindi ako nakakatulog na wala 'to." Tinapik-tapik ni Jan ang malaking unan.

"Don't tell me ilalagay mo 'yan sa gitna natin?"

Ngumisi siya. "Yes, mister. Importanteng hindi kita masagi habang natutulog ka. Baka mamaya sa ulo mo tumama ang kamay ko. Malikot pa naman akong matulog. Dahil suplado ka, magtiis ka. Ayaw mong matulog tayong hiwalay ang higaan eh."

"Ridiculous!" He eyed her pillow as if it's the most hateful thing in the world. "Humanda sa akin 'yang halimaw mong unan 'pag magaling na 'ko."

Tawa lang ang isinagot niya.

Days passed and they settled into a routine. Kadalasang nauunang magising si Maxwell palibhasa maghapon itong nagpapahinga sa bahay. Lagi itong matatagpuan ni Jan na nakaupo sa terasa at nagbabasa ng newspaper. A tall glass of fruit juice is always present as well a bowl of assorted fruits. Pagkatapos ay sasabayan siya nito sa breakfast doon din mismo.

Sa tuwing break niya sa eskuwela ay tini-check niya si Maxwell sa bahay. Si Menchu ang lagi niyang tinatawagan para kamustahin ang asawa. May number naman siya ni Maxwell pero ewan ba niya, nahihiya siyang tawagan ito.

Pag-uwi naman niya ay ipagluluto uli niya si Maxwell. Nag-iwan na rin siya ng meal plan ni Maxwell kay Menchu. Labis na ikinatuwa 'yon ng Mommy ng lalaki. Even Maximo was pleased nang minsang dumalaw ito sa bahay. Naibalita sa kanya ni Menchu na sinaluhan ng matanda ang apo sa tanghalian.

"Kung hindi pa nagka-amnesia 'tong si Sir Max hindi babait," sabi ni Menchu sa kanya pag-uwi niya ng hapong 'yon.

"Bakit mo nasabi?" tanong niya sabay kagat sa hawak na mansanas. Iniwan niya si Maxwell na nanonood ng TV sa entertainment room.

"Hindi ko makalimutan 'yong hari-hariang asta niya noong nagpunta siya dito noon para palayasin kayo ni Ma'am Becca. Ibang-iba na siya ngayon, Miss Jan. Magalang siya, tas marunong magpasalamat 'pag may inuutos. Kras na nga siya nina Mae at Bebeth."

Automatic na napataas ang kilay niya. "'Yong dalawa sa ipinadala ni Sir Maximo?"

Tumango si Menchu. "Oo. Halos magsabunutan ang dalawa sa pag-aagawan kung sino ang maglilinis sa kuwarto ninyo ni Sir Max. Kaya ang ginawa ko, silang dalawa na ang pinaglinis ko. Pero siyempre, hininitay kong makalipat si Sir sa entertainment room."

"Doon ba si Max madalas magbabad?"

"Opo. Pagkatapos niyang maglakad-lakad sa umaga pagkaalis mo. Ay, nga pala. Dumalaw na rin ang doktor niya. May iniwang reseta, nasa drawer ng table mo sa kwarto bandang kanan."

"Sige, tingnan ko mamaya."

"Nandito lang pala kayo."

Sabay silang napalingon. Nanlaki ang mga mata ni Jan. Nakasandal si Rebecca sa hamba ng pinto ng kusina.

"Ate!"

"G-Good evening, Ma'am Becca."

"Ipasok mo sa kuwarto ang mga luggage ko, Menchu. Iniwan ko sila sa foyer."

"Yes, Ma'am."

"Kamusta, kapatid? Mukhang hiyang ka sa buhay may-asawa ah," Rebecca said with a smirk.

"A-Ate. Nabasa mo na ang e-mail ko?"

"Kaya nga ako napasugod ng uwi. God! What have you been thinking, Jan Marie?"

"What have I been thinking?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kapatid, "I have to save Mom!"

"I told you to wait, damn it! Isang buwan lang, Jan! O baka naman interesado ka lang talaga kay Maxwell that's why you grabbed the opportunity? Ginawa mo lang na excuse si Mommy."

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang kapatid. Sariling interes pa daw niya ang dahilan niya kaya nagawa niyang pakasalan ang lalaking hindi niya mahal para sa pera?

"Wow! Ako pa talaga ang pag-iisipan mo ng ganyan, Ate?"

"Bakit, hindi ba? Nag-iwan ako ng promisory note sa 'yo. Hindi mo man lang ginamit?"

"Ipinaliwanag ko sa 'yo sa e-mail ko lahat, Ate! Lahat nakadetalye. Ultimo takot ko naisulat ko doon! Somehow, I was hoping for you to save me dahil ikaw ang nakakatanda. Gusto kong magtiwala sa mga sinabi mo pero ano ang magagawa ko? Hindi na makakapaghintay ang bayarin sa ospital! Kung hindi natin nagastos ang pera sa gulong pinasok mo, the money could have been enough!"

"So kasalanan ko na naman?!" tumaas na ang boses ni Rebecca.

"Oo! Kung hindi ka pumatol sa babaeng 'yon, hindi nabawasan ang pera natin! Hindi sana ako pumatol sa alok ng mga Quintanar. I basically sold myself just to keep this family afloat!"

Hindi na napigilan ni Jan ang mapahagulgol. Wala siyang balak isisi kahit kanino ang naging desisyon niya pero hindi niya napigilan ang sama ng loob.

"Don't talk like you're the only one who made sacrifices for this family! You have no idea kung ano ang nagawa ko para sa 'yo, para kay Mommy!" ganti ni Rebecca. "At hindi ako makakapayag na pagkatapos ng mga sakripisyong ginawa ko ay mapapariwara ka lang. God! Jan Marie! Hindi ko ipinainan ang sarili ko sa mga manliligaw mong sinungaling to let you end up like this!"

"A-Ate..."

Humugot ng malalim na hininga si Rebecca. "I may not be the best sister but I only want what's best for you. You don't know shit about the world, Jan." Lumungkot ang mga mata ng kapatid niya. Guni-guni lang ba niya o naluluha ang ate niya? "Stop this nonsense ngayon din. Kung hindi, ako mismo ang magsasabi kay Max ng totoo."

"What's happening here?"

"M-Max..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro