VI
HIS lips were both firm but gentle. Wala siyang karanasan sa ganoon kaya hindi niya alam ang gagawin. Basta lang siyang nakaupo doon, lips closed and toes curling. Para siyang tuod na paulit-ulit na tinatamaan ng kidlat.
Mayamaya ay tumigil si Maxwell. "Don't tell me I haven't kissed you before?"
Napalunok si Jan. Mabilis na gumana ang utak niya sa ihahaing palusot. "Y-You're my first boyfriend," sabi niya sa mababang boses, "t-that's my first kiss."
"Gaano na nga ba tayo ulit katagal?"
Hindi niya alam kung gaano katagal ang relasyon ni Max at ng mystery woman na inalok nito ng singsing. Bahala na!
"O-One year," kagat-labing sagot niya.
"Jesus!" bulalas ng binata, "natiis kong hindi ka halikan sa loob ng isang taon?"
"Y-You were patient with me, Max. Hindi ka gumagawa ng bagay na hindi ko gusto. I-I wasn't ready, sabi mo maghihintay ka. Well, you kissed me before b-but n-not in the same way." Her voice faded.
"What do you mean?"
"You gave me light kisses on the lips. B-But not like...like---"
"Like a man desires a woman."
Tumango siya. She was startled when he laughed. Nahampas pa ni Maxwell ang higaan, tawang-tawa ito. Nagtatakang tinitigan niya ang binata, pilit na binabalikan sa isip kung alin sa sinabi niya ang nakakatawa.
Naku, baka nagkakomplikasyon ang operasyon nito sa ulo.
"Okay ka lang?"
"S-Sorry. It's just that it's so funny!" paliwanag ng binata saka tumawa ulit. Para itong mauubusan ng hangin sa katatawa. Nagsimula nang mag-alala si Jan.
"Ano'ng funny doon? Sigurado kang okay ka lang? Tatawag na ba ako ng doktor?"
"No, don't bother," awat ni Maxwell sa kanya, may traces pa rin ng tawa ang boses. "Nakakatawa naman kasi talaga."
"Alin doon?"
Maxwell must have some switch somewhere. Biglang-bigla, nagbago ang expression sa mukha nito. Kung kanina ay tawang-tawa, ngayon ay nakaramdan si Jan ng maliliit na kilabot sa katawan sa paraan ng pagkakatitig ng binata sa kanya.
"I find it funny that I'm practically a saint for one year. How did I resist devouring you with that lips that seems to beg for a kiss?"
Jan was saved by the bell, or rather by the door opening. Dumating na ang Lolo at Mommy ni Maxwell. Tuwang ibinalita ng binata ang pagpayag niya sa proposal nito. Kung dati ay pasundot-sundot lang ang konsensya niya, ngayon ay lalong bumigat ang pakiramdam ni Jan. Lalo na nang tuwang-tuwa siyang yakapin ni Carmen at i-welcome sa pamilya.
She knew she's doing this for her mother. Pero habang tumatagal at nakikita niya kung ano'ng klase ng pagkatao mayroon si Maxwell, nagkakaroon na siya ng doubts. Kahit sabihin pang kasabwat niya ang pamilya mismo ng binata sa palabas niyang 'yon, maling-mali pa rin. If only he's still the arrogant asshole she once knew.
Pero matinik ang matandang Quintanar. Napansin yata nito ang dilemma niya. "Iha, puwede mo ba akong samahan sa cafeteria? Nagugutom ako, gusto kong kumain."
"S-Sige po." Bumitaw siya sa pagkakahawak ni Max. "Dito ka muna, samahan ko lang ang Lolo mo."
"Ano'ng lolo ko? Lolo mo na rin. Hindi magtatagal, magiging legal ka nang parte ng pamilya. Hindi ba, Mom?"
"Yes. Kailan n'yo ba gustong magpakasal?" tanong ni Carmen.
"Hindi pa ho namin---"
"Tomorrow. Can you make it possible, Mom?"
Nanlaki ang mga tama ni Jan sa narinig. "Wala tayong usapang ganoon!"
"Bakit pa patatagalin? To follow na lang ang church wedding. For now, makukuntento ako sa civil wedding."
"Pero---"
"Do you want to marry me or not?" Bakas sa boses ng binata ang pagkainis.
Nainis na rin siya. Hindi man lang siya nito hinayaang patapusin ang sinasabi. Hindi marunong makinig, gusto siya lagi ang pinakikinggan.
"Nang pumayag ako, it doesn't mean agad agad. Problema sa 'yo, pinapairal mo naman ang katigasan ng ulo mo."
Maxwell scoffed. "Ngayon alam ko na kung bakit ako nagbantang sa ibang babae ko iaalok ang singsing. I was never in your priority list!"
"Maxwell!" saway ni Carmen sa anak, "I taught you better than that!"
"With all due respect, Mom. Please, 'wag na kayong makialam. Kaya namimihasa si Jan, alam niyang kamping-kampi kayo sa kanya."
"Ang mabuti pa, pag-usapan n'yo uli 'to 'pag pareho na kayong kalmado. Halika na, iha. This old man needs sustenance," singit ni Maximo.
Walang salitang tinalikuran niya si Maxwell. Dinig pa ni Jan ang patuloy na sermon ng Mommy nito sa binata hanggang sa makalabas sila ng pinto ni Maximo.
"Ugh!" gigil na bulalas ng dalaga. Wala na ang guilt, ang nararamdaman niya ngayon ay hindi mapantayang inis. Kung hindi sila agad nakalabas ng kuwarto ni Maxwell, baka nasapok na niya ito.
"Pagpasensyahan mo na si Maxwell."
"Marami akong practice sa pagpapasensya dahil sa ate ko, Mr. Quintanar. Pero ewan ko ba, pagdating sa apo n'yo parang biglang tinamaan ng El Niño ang pasensya ko."
"Iyan ang downside ng go getter personality niya, hindi siya sanay na tinatanggihan. Lalo lang siyang nagpupursige na makuha ang gusto once he got rejected. That's why he's an excellent businessman."
"Marriage is not a business venture," aniya. But when she realized what she said, she inwardly cringed.
"'Wag kang mag-alala, we will do this according to our deal."
"P-Pero paano 'yong ano..."
"Alin?"
"'Yong...'yong w-wedding n-night." God! It's so awkward.
Natawa si Maximo, tinapik nito ang balikat niya. "Nothing ventured, nothing gained."
"At saka, paano kung biglang lumitaw ang totoong girlfriend ni Maxwell?" Isa pa 'yon sa inaalala ni Jan.
"Iha, leave it to me. Sa tingin mo ba, hindi ko naisip 'yan? Nagpaimbestiga na ako at alam ko na kung sino babaeng 'yon. Max and that woman has been dating for a year in secret. Sigurado akong it's her choice dahil hindi si Max ang tipo ng lalaking itatago ang relasyon."
"Sino ho ba siya?" hindi niya napigilang itanong.
"Yvonne Jacinto, a famous TV personality."
Oh my god! Diyosa pala ang girlfriend ni Maxwell. The woman was a former beauty queen turned host ng isang TV program na taon na ang binibilang.
"Magkakaproblema ho yata tayo."
"No. I made sure I cut all possible communication. Pina-deactivate ko ang private line ni Max, personal e-mails at kung ano-ano pa. Isa pa, nag-away sila ni Max bago umalis papuntang Sudan si Yvonne. Hindi na nakapagtataka kung ayaw na siyang kausapin ng apo ko. Kung magpupumilit siya, I'd be forced to take drastic actions."
The old man had all the bases covered. Suko na siya. "Alright. I'll marry him."
And my soul shall burn in hell.
**********
MAXWELL kept his eyes close as a baby-powder scent wafted into the room. Alam niyang si Jan ang pumasok, ito lang naman ang babaeng nagtataglay ng ganoong amoy. Wala pang isang linggo niyang kasama ang babae but her scent has already been committed into his memory. Dahan-dahan nitong hinila ang upuan sa tabi ng kama niya.
Ititigil na sana niya ang pag-arteng tulog pero naramdaman niya ang paghawi ni Jan ng buhok niya palayo sa mukha. Max stiffened, surprised by her action. Hindi niya tuloy alam kung ano ang mararamdaman. Ginagawa ba talaga ito ng dalaga 'pag tulog siya? To test his theory, gumalaw siya kunwari. Mabilis namang binawi ni Jan ang kamay.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Nagbubuklat ng magazine si Jan. When he woke up, marami siyang hindi matandaan. Pero hindi kasama si Jan sa mga nakalimutan niya. He remember the party, her work at Paradise 2000 and the kick she gave him. Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting bumabalik ang alaala niya. Hindi lang niya sinabi kahit kanino.
"Gising ka na pala."
Hindi siya kumibo, kumilos siya para maupo at mabilis naman siyang inalalayan ni Jan. "Where's Lolo?"
"Umuwi na, kasama ang Mommy mo. Hihintayin ko silang makabalik bago umuwi, may pasok pa ako bukas."
"I see."
Nakita niya ang pag-aalangan sa mukha ni Jan. Hinintay niyang magsalita ang dalaga.
"M-Max---"
"Kung tungkol na naman 'yan sa pagtanggi mo sa kasal, 'wag ka nang magsayang ng laway. 'Wag na nating pag-usapan."
"Makinig ka muna kasi," sabi ni Jan.
"I don't like your answer, so I don't want to hear it."
"Eh, 'di 'wag. Babawiin ko na lang 'yong sinabi ko sa Lolo mo na payag na 'ko."
"Kaya nga wag---what?"
Umingos si Jan. Isang irap ang ibinigay nito sa kanya saka binalikan ang magazine. "Hindi kasi marunong makinig."
"Ewan, hindi ko na uulitin. Bahala ka sa buhay mo!"
"Payag ka na?" paniniyak niya. Gusto niyang makasiguro, baka mali ang pagkakadinig niya.
"Oo, bingi!"
"Yes!" At last, the presidency is mine.
"Maka-yes 'to, kala mo nakakuha ng multi-billion business deal," komento ni Jan.
"Of course! I'm marrying the woman I love. 'Wag mong sabihing ikaw hindi ka masaya?"
His eyes didn't miss the way her smile wobbled. "Simpre masaya, ano na namang klaseng tanong 'yan?"
Yeah right.
"I love you," he said to add to her discomfort.
Muntik na siyang mapabunghalit ng tawa nang lalong tumabingi ang ngiti ni Jan. Hindi ito ang unang beses na hindi sumagot si Jan sa deklarasyon niya. In fact, she never did say I love you too, not even once.
"Uhm. T-Thanks."
"Nasabi mo na ba sa ate mo na magpapakasal na tayo?" tanong niya.
Umilap ang mga mata ni Jan. "Hindi ko ma-contact ang kapatid ko. Pero nag-email naman ako sa kanya. Mababasa n'ya 'yon 'pag nag-check siya ng personal mail."
Tumango siya. Pinigilan niya ang sariling mapa-ismid. Kung inaakala ni Jan na nabilog na nila ni Rebecca ang ulo niya, nagkakamali ito. Sandali lang nawala ang alaala niya kaya hindi niya nakakalimutang ganoon na lang kung maghabol sa kanya si Rebecca.
Desparada na ang magkapatid na Cordova, they lost everything. Hindi umubra ang pang-aakit ni Rebecca sa kanya kaya ang nakababatang kapatid naman nito ang ipinain. At bilib siya kay Jan, nagawa nitong kuntsabahin pati Lolo at Mommy niya. Kung paano 'yon nagawa ng babae ay hindi niya alam.
Nang ungkatin sa kanya ng Lolo niya ang tungkol sa singsing na nakita sa bulsa niya ay hindi na siya nakapagdahilan. Ipinagtapat niya ang tungkol sa girlfriend niya pero inamin niyang hindi niya matandaan ang pangalan at mukha. May ilang detalye lang sa relasyon nila ang nananatili sa alaala niya, kasama na doon ang pag-aaway nila bago nangyari ang insidente.
Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang sabihin ng Lolo niyang dadalaw ang fiancee niya. Ang alam niya kasi nasa ibang bansa ang babae, base sa tagpi-tagping alaalang na-retain sa utak niya. Nang tanungin niya ang matanda kung paano nito nakilala ang girlfriend niya ay sinabi nitong nagpa-imbestiga daw ito. And according to his grandfather, his girlfriend's name is Jan Marie Cordova.
Nagpasya siyang sakyan ang laro ng Lolo Maximo niya at ni Jan. And that's how he became engaged without popping the question. Sisiguruhin niyang siya ang mananalo sa pagtatapos ng larong ito. The board wants a family man, he will give them a family man. At si Jan? Tuturuan niya ng leksyon ang dalaga.
No one messes with Maxwell Quintanar and gets away with it.
**********
QUINTANAR money worked fast. 'Yong tipong kumurap lang siya, lahat naayos na. Eksaktong dalawang linggo nang maisugod sa ospital si Maxwell ay ikinasal sila. Walang magarbong preparasyon, tanging ang Lolo at Mommy ni Max ang nandoon sa side ng binata. Si Anne at Menchu naman ang tumayong witness sa side niya.
Anne squeezed her clammy hands when the ceremony was over. "Nandito lang ako, 'pag nagkaproblema ka 'wag kang mahihiyang lumapit sa akin," bulong ng kaibigan niya.
Naikuwento niya kay Anne ang papasukin niya. Noong una ay tutol ito pero wala na itong nagawa nang sabihin niyang hindi na siya pwedeng mag-back out. Inilipat na ang Mommy niya sa isang mas malaki at magandang suite sa ospital, siyempre dahil sa pera ng mga Quintanar. Now, her mother has her own two private nurses to take care of her twenty four seven.
"Thanks, Anne."
Mahigpit din ang yakap ni Menchu sa kanya. Higit kanino man, si Menchu ang unang nakaalam sa lahat. Gaya ni Anne, tumutol din ito. Salbahe daw si Maxwell, hindi pa rin nito nakakalimutan ang huling punta ng binata sa bahay nila para palayasin sila. And Menchu's opinion about Maxwell seems likely to stay kahit anong sabihin ni Jan.
"Naihanda n'yo na ho ba ang bahay, Lo?" tanong ni Max nang sa wakas ay nakapagsolo sila. Lumipat si Menchu sa suite ng Mommy niya para dalawin ito, si Anne naman ay may lakad pa.
"Oo, apo. Maayos na ang kuwarto mo."
"Kuwarto ko? Hindi ba dapat kuwarto namin ng asawa ko?"
"Hindi ka pa masyadong magaling, mas makabubuting mag-isa ka muna sa kuwarto para makapagpahinga ka nang maayos. Don't worry, you have the biggest room sa bahay, katabi lang ng kuwarto ko," sabi ni Jan.
Gusto ni Max na sa bahay nila tumuloy pagka-discharge sa ospital. Tutal ay initially nagbabalak na itong lumipat sa bahay nila, pinalabas na lang ni Maximo na kasama 'yon sa napagkasunduan nila bilang magkasintahan. Maximo even weaved a lie that Max saved the house for her nang malugi ang negosyo ng mga Cordova kaya nasa pangalan nito ang titulo.
Napasulyap si Jan kay Maximo, humihingi ng saklolo. Tumikhim ang matanda. "Your room has a connecting door with your wife's. So technically, iisa lang ang kuwarto n'yo. Besides, you're not allowed to engage in any strenuous activity hanggang wala pang green light ng mga doktor mo."
"The bed is big enough for two people. Kahit magpagulong-gulong si Jan doon ay sapat ang space para hindi ako maistorbo. So no, I don't like the set-up kahit sabihin pang temporary lang 'yon," sabi ni Max.
"But I need to have some space for myself. Your room is twice as big as the master's bedroom. I thought you'd like to have the extra space para maging mini-office mo. Ayaw mong may maingay 'pag nagtatrabaho ka and I watch a lot of cooking programs. Don't you think it's ideal?"
Natigilan si Max, halatang napaisip. Mayamaya ay tumango ito. "Alright, but let's discuss the sleeping arrangement later."
Para matapos na ay tumango si Jan. "Alright."
"Since that's settled, I'd better get going. May board meeting mamaya, kasama ko ang Mommy mo," sabi ni Maximo.
"Ano'ng agenda?"
"Why, the election for the presidency of course. We're deciding between you and Sebastian Fersth," diretsang sagot ng matanda. Hindi mabasa ni Jan ang mukha nito.
"Basti? The Marketing Director?"
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Jan ang paggalaw ng mga facial muscles ni Maxwell nang banggitin ang pangalan. May galit ba ang binata sa lalaking 'yon?
"Yes. Naaalala mo pala si Basti. You two has been the top performers for the past seven years. Malaki ang inilago ng Quantum Industries since you guys took the lead. Sabay kayong na-promote and the board has been keeping an eye on you both."
"I thought Max would automatically fill in the position once you step down. Siya ang nag-iisang tagapagmana, 'di ba?" Kunwari ay wala siyang alam sa kakaibang requirement na hinahanap ng board of directors. Kasama sa deal nila ng matanda na 'wag niyang sasabihin kay Maxwell ang tungkol doon.
"Technically, kami ng Mommy ni Maxwell ang may pinakamalaking percentage of shares. But at the same time, 'pag pinagsama mo ang shares ng board at ikumpara mo sa hawak namin, there is a possibility na matalo kami sa botohan. So it won't hurt if Max gives in to one of the board's...ah...what do you call this. Request."
"A stupid request I may add," singit ni Maxwell.
"Oo pero malaki ang magagawa noon para makuha mo ang posisyon. Anyway, now I am hopeful. You should thank your wife, Max."
Parang batang masunuring inabot ni Maxwell ang kamay niya. "Thanks, babe," sabi ni Maxwell, litaw ang maliit na biloy sa pagkakangiti.
Jan's knees wobbled. Uh-oh. You're in trouble, Jan Marie.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro