LULUGO-LUGONG lumabas si Jan. Dahil kalat ang isip, hindi niya napansin ang makakasalubong. Nagulat na lang siya nang hawakan siya ng kung sino sa magkabilang braso.
"Careful, iha. Baka sa susunod sa poste ka na bumangga."
"M-Mr. Quintanar. Sorry po, hindi ko kayo agad nakita."
"Mukha nga. Malalim ang iniisip mo eh." Napasulyap ang matanda sa pinanggalingan niyang pinto. "May problema ka ba sa bill ng Mommy mo?"
Tumango si Jan. "Lumolobo na ang gastusin ni Mommy dito sa ospital. Hindi ko na ho alam ang gagawin ko. Kamusta na ho si Maxwell?"
"Okay na siya, nagpapagaling na lang. Naglabas na rin ng bulletin ang mga pulis para mahuli ang kasambahay ni Maxwell at kasabwat nito sa nangyari. Thank God for CCTVs."
"That's good."
Saglit siyang tinitigan ng matanda. "May proposal ako sa 'yo, iha. Do you want to hear it?"
"S-Sige po." Sana lang ay hindi niya kailangang magbenta ng kaluluwa para sa prososal na 'yon.
"Sa cafeteria natin pag-usapan, kung okay lang sa 'yo."
Pumayag siya. Ikakain na rin niya ang problema. Si Maximo na rin ang nagbayad ng mga inorder niya, sandwhich lang naman at tomato juice. Hindi na nag-inarte ang dalaga, barya lang 'yon sa kayamanan ng mga Quintanar.
"Ano ho 'yong proposal n'yo?" tanong niya.
"Kumain ka na muna. It can wait."
Tumango siya. She was almost done when the old man dropped the bomb. Muntik na niyang maibuga ang nanguyang sandwhich sa mukha ni Maximo Quintanar. Ang siste, nagkamali pa yata ng landas ang sandwhich, bumara sa lalamunan niya. Mabilis namang inabot sa kanya ng matanda ang bote ng tubig.
"A-Ano ho?!" Sa pagkabigla ay parang nabingi siya. Tama ba ang dinig niya sa matanda? Gusto nitong magpanggap siyang fiancee ni Maxwell? Unbelievable. Akala niya sa pelikula lang nangyayari ang ganito.
"Okay ka lang, iha?"
"Wag ho kayong mag-jo-joke nang ganoon, Mr. Quintanar. Bukod sa hindi nakakatawa, mapapadali ang buhay ko. Kailangan pa ako ni Mommy," nanunubig ang mga matang saway niya sa matanda.
"But I'm not joking. Gusto kong magpanggangap kang fiancee ng apo ko. It's bad enough that the board doesn't approve of him dahil single siya, what more 'pag nalaman nilang may problema sa memory ni Max?"
May mga butas sa memory ng nag-iisang tagapagmana ng Quantum Industries nang magising. Hindi magugustuhan ng board of directors ang isang amnesiac na kandidato para maging presidente ng kompanya.
"Bakit kailangang fake fiancee pa? Paano kung ma-inlove sa akin ang apo n'yo?" pananakot niya.
"I don't see any problem with that. Kung magkagustuhan man kayo, para na ring natupad ang pangarap ni Lucia ko na maging parte ng pamilya si Regina sa pamamagitan mo. Malay natin, ikaw lang pala ang hinihintay ni Maxwell para gustuhin niyang magkapamilya."
"No. That won't happen, Mr. Quintanar. It's impossible," kontra niya.
Nagkibit-balikat ang matanda. "If you say so. Pero seriously, I'm offering you a once in a lifetime chance. 'Pag tinanggap mo ang alok ko, mawawala lahat ng alalahanin mo sa pera. Lahat ng kailangan mo, ibibigay ko. Think of your mother."
"P-Pero bakit fiancee? Maniwala naman kaya si Max? Sa pagkakatanda ko, lagi akong sinusungitan ng apo n'yo."
"Maxwell woke up with holes in his memory. Pero hindi kasama sa nakalimutan niya na may babae siyang inalok ng kasal. Nasorpresa ako, hindi ko alam 'yon dahil hindi ko alam na may itinatagong kasintahan pala ang apo ko. Ang good news, malabo sa alaala niya ang mukha ng babaeng 'yon. Hindi ako papayag na makasal sa kung sino lang ang apo ko."
"Sa tipo naman ni Max, hindi kukuha ng pipitsuging babae ang apo n'yo," sabi niya.
Umiling ang matanda. "Mali ang pagkakaintindi mo. It doesn't matter kung mahirap o mayaman ang babae. Ang importante, mahal niya ang apo ko at hindi ang pera ni Max. Sa mundong ginagalawan ni Max, finding someone who loves you for who you are is like finding a needle in a haystack. Gusto kong maranasan niya ang naranasan ko sa piling ni Lucia ko. I want him to find love."
"Mr. Quintanar, hindi ko mahal ang apo n'yo. At pera lang din ang hahabulin ko sa kanya kung sakali. Di ba, ganoong klase ng mga babae ang ayaw n'yong malapit kay Max?"
"Yes, you're right. Ang that what makes you a good choice, umpisa pa lang malinaw na ang intensyon mo. Isa pa, magpapanggap ka lang naman. I need someone close to him para hindi halatang inaalalayan mo siya. Kung sakaling yayain ka ni Max na magpakasal, 'wag kang mag-alala dahil sisiguruhin kong mapapawalang-bisa ang kasal n'yo. May tanong ka pa?"
"Gaano ho katagal ang pagpapanggap ko?"
"Hangga't kailangan."
Nakakatukso ang alok ng matanda. Sa isang kisapmata, mawawala lahat ng problema nila. Hindi lang 'yon, hindi na sila maghihirap. She doesn't have to give up her studies. Pero sa isang banda, kaya ba niyang pakisamahan si Maxwell? Hindi maganda ang impression na ibinigay nito sa kanya. Paano kung abutin ng fifty years bago bumalik ang memory nito?
Plus, Maxwell is a virile man. Paano kung? Hindi yata niya kaya, virgin pa siya! Pero parang tuksong umalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ni Maximo. Think of your mother.
Bahala na ang X-Men. Jan squeezed her thigh. "I accept."
**********
KINOKONTAK niya si Rebecca pero hindi ito sumasagot. Balak sana niyang sabihin sa kapatid ang gagawin para hindi ito magulat pag-uwi. O mas tamang sabihing gusto niyang magkuwento dito para kahit paano ay mabawasan ang dinadala sa dibdib. Kung bakit hindi kay Anne niya ikinukuwento ay hindi rin niya maipaliwanag. Somehow, Jan felt her sister would understand.
Humingi siya ng isang araw kay Maximo para paghandaan ang paghaharap nila ni Maxwell. Pinakiusapan niya ang matanda na magdahilan na lang sa binata kung bakit hindi pa siya nakakadalaw. Ang totoo ay naghahalo ang hiya niya sa ina ni Maxwell at kaba niya sa gagawin. But Maximo assured her that Carmen knows about the deal.
Pero imbes na mapanatag ay lalo lang siyang nakonsensya. Kaya heto siya ngayon, paulit-ulit ang ginagawang paghinga sa labas ng suite ng binata. Parang tumutugtog na banda sa fiesta ang kabog ng dibdib niya. With one final intake of breath, she twisted the door knob.
He was alone. Gising na ito at nakatanaw sa bintana. Hindi yata siya narinig ng binata dahil hindi man lang niya ito nakitaan ng sign na aware ito sa presence niya. Jan cleared her throat to grab his attention.
"H-Hi," alanganin ang ngiting bati niya sa binata.
Nangunot ang noo nito, parang kinikilala siya. "J-Jan Marie?"
Namilog ang mga mata niya. Hindi niya inasahang natatandaan siya ng binata. Paano na ngayon? Parang gusto niyang tumakbo palabas. Hindi na matutuloy ang deal nila ng matanda, kilala siya ni Maxwell!
"Babe? What took you so long?"
Laglag ang panga ni Jan sa narinig. Babe? Sandali siyang nalito. Inakala nitong siya ang fiancee nito? Wala sana siyang balak lumapit sa higaan nito pero akmang bababa ang binata sa higaan para makalapit sa kanya. Inunahan na niya agad.
"No! Stay there. Baka kung mapaano ka," pigil niya kay Maxwell.
Sa unang pagkakataon, ngumiti sa kanya si Maxwell. Jan was instantly blinded. Ganoon pala ang epekto ng ngiti nito. Kung sabagay hindi pa niya nararasan 'yon. For a moment, she lost herself. Kung hindi niya naramdaman ang kamay nito na inabot ang libreng kamay niya ay hindi siya matatauhan.
"Are those for me?" Tukoy ni Maxwell sa hawak niyang boquet ng rainbow roses.
Paborito raw ni Maxwell 'yon. Bago siya pumunta doon ay pinag-aralan niyang mabuti ang mga bagay tungkol sa binata. Siyempre, si Maximo ang nag-provide ng impormasyon. Lalabas namang weird na wala siyang kaalam-alam tungkol sa fiance niyang peke.
"Y-Yes. Teka, ililipat ko muna sa vase." Nagkandabaluktot na yata ang dila niya. Hindi naman siya bulol.
Pero hindi siya hinayaan ni Maxwell. Hinatak siya nito bago pa siya makatakas. Resulta, napasubsob siya sa katawan nito. Then his arms circled around her.
"I'm sorry. Natatandaan kong nag-away tayo before everything happened. I was just bluffing when I said sa iba ko iaalok ang singsing. Ikaw naman kasi, magpo-propose na ako bigla kang lalayas. 'Di ka man lang nagsabi," bulong ni Max sa tainga niya.
Jan found it hard to breathe. Hindi lang siya sigurado kung ano ang dahilan; ang sinabi ng binata o sa higpit ng yakap nito sa kanya. Ang alam niya, naipon sa dibdib niya ang mga nagkakarerang grupo ng rhinoceros sa tindi ng pagkabog nito.
"I-It's o-okay," she croaked.
Sa wakas, binitiwan siya ng binata. His eyes searched her face. Hindi makatingin ng diretso si Jan. Pakiramdam niya ay mababasa ni Maxwell ang totoo 'pag sinalubong niya ang mga mata nito.
"Saan ka nga ba ulit nagpunta? Hindi ko matandaan, eh. Ang alam ko lang you're leaving and it's important," tanong nito.
"A-Ah...B-Boracay. Tama, sa Boracay lang ako nagpunta." Ewan niya kung bakit 'yon ang unang pumasok sa utak niyang idahilan kay Maxwell.
"Boracay?" salubong ang kilay na tanong nito, "ano'ng ginawa mo doon?"
"P-Para sa OJT ko. I'm a Culinary Arts student, remember? One year na lang graduate na ako."
"Really? Now I understand why tinanggihan mo ang proposal ko. Nag-aaral ka pa pala. God!" tinampal nito ang sariling noo, "I was such an insonsiderate ass."
"Don't do that!" saway niya.
"What?" nakangiting tanong nito, parang aliw na aliw na hindi niya maintindihan.
"Kagagaling mo lang sa operasyon. Kailangan mong ingatan ang ulo mo. Hindi ka pa magaling."
Lalong lumapad ang ngiti ni Maxwell. Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Yes, Ma'am. Hindi na po mauulit."
There goes her heart again. Napapansin niya, masyado ito kung makapag-react sa tuwing ngumingiti si Maxwell. Pasimple niyang hinagod ang tapat ng puso. Baka sakaling kumalma naman kahit slight lang. Na-ra-rattle siya sa pinanggagawa nito eh.
At puwede ba, Maxwell Quintanar? Hinay hinay sa ngiti! Gusto niyang sabihin sa binata pero siyempre hindi niya magawa. Baka tumalon siya sa bintana sa kahihiyan 'pag nagkataon.
**********
MAX turned out to be a lot different from the man she knew. Sino'ng makakapagsabing capable din pala ng sweetness ang lalaki? Kahit ito ang nakaratay sa higaan, mas matindi pa 'to kung mag-alala sa kanya. Sa tuwing dinadalaw niya ang binata, ang laging tanong nito kung kamusta siya.
"How's your Mom?" minsan ay tanong nito sa kanya. Pinagbabalat niya ng grapes ang binata, ayaw kasi nitong kumain 'pag may balat.
"Okay naman, 'yon lang hindi pa rin nagigising."
Naikuwento niya kay Maxwell ang nangyari sa Mommy niya pero hindi lahat. Sinadya niyang i-omit ang tungkol sa Daddy niya at kasalukuyan nilang estado sa buhay. Baka magtaka si Maxwell kung bakit gayong bilang fiancee, hindi ito magkakait ng tulong sa pamilya niya.
Noong una ay nag-aalala siya na baka naaalala nito ang Ate Rebecca niya. Hindi malayong mangyari dahil kung siya nga naalala nito, si Rebecca pa na kulang na lang ipulupot nito ang sarili kay Maxwell. Mabuti na lang walang at kasamang nakalimutan ng binata ang ano mang tungkol kay Rebecca. Ang alam lang ni Max, kapatid niya ito.
"How are you?"
Natigil siya sa ginagawa. "Ang kulit. Sabing okay ako. Araw-araw mong tinatanong sa akin 'yan, ano ka ba."
"Oo nga, ganoon at ganoon lagi ang isinasagot mo. But tell me, are you really okay?"
Nanunuot ang mga titig ni Maxwell. All of a sudden, she felt the sting beneath her eyelids. Umahon mula pinakasulok ng puso niya ang itinatago niyang takot, lungkot at pag-aalala sa inang nakaratay sa ospital. Pati ang magkahalong frustration at pagmamahal niya sa kapatid ay kasamang lumitaw na parang aparisyon.
Napayuko si Jan, sinisikap na itago ang mukha sa binata. Hindi siya makapagsalita dahil may humaharang sa lalamunan niya. Pupusta siyang mauuwi siya sa piyok.
"'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Halika nga dito."
Umiling siya, pilit na pinaglalabanan ang nararamdaman.
"Pag hindi ka lumapit dito, tatayo ako," banta ni Max.
"Oo na!" padabog niyang itinabi ang mga ubas. Busangot ang mukhang lumapit siya sa higaan ng binata.
Hinila siya nito palapit nang mahagip ng kamay ni Maxwell ang braso niya. Then, he smoothed the crease between her eyebrows.
"Wag kang sisimangot, lalo kang gumaganda. Baka naman kaya ka simangot nang simangot, gusto mo nang pakasalan kita?"
Kung nalulunok ang dila, 'yon na ang tiyak nangyari sa kanya. Ganoon lang kadali, nakalimutan niya ang pamimigat ng dibdib kanina. Pumalit doon ang bagong klase ng pagkabog. 'Pag ganito kalapit si Maxwell sa kanya, pakiramdam ni Jan ay nag-declare ng permanent residency hindi lang kabayo kundi pati na dinosaur sa dibdib niya!
"W-Wag ka ngang magbiro nang ganyan," kulang sa igting na saway niya.
"Upo ka."
Walang angal siyang sumunod. Hindi pa rin bumibitaw si Maxwell sa kanya. Ngayon ay parang batang pinaglalaruan ng hinlalaki nito ang ibabaw ng palad niya. The invisible circles he drew made her gasp involuntarily. May maninipis na kuryente siyang nararamdamang tumutulay mula sa daliri nito papunta sa balat niya.
Ewan niya kung aware si Maxwell doon. Basta siya, aware na aware sa epekto nito. She wanted to snatch her hand away but it would look odd. Engaged sila, natural lang ang ganoong skinship.
Pero peke kayo. Ano man ang kilabot, kuryente, alon, ulan, bagyo o delubyong hatid ni Maxwell sa damdamin mo, hindi mo pwedeng i-entertain! Sa naisip ay bigla niyang binawi ang kamay. Huli na para bumawi dahil nagtatakang mukha ni Maxwell ang sumalubong sa kanya nang mag-angat siya ng tingin.
"It tickles," palusot niya.
"I see. Sorry, I forgot. Marami akong bagay na nakalimutan. Pasensya ka na ha?"
Napalunok si Jan nang sundutin siya ng konsensya. Siya itong nagsisinungaling eh. "O-Okay lang. Pasensya ka na rin, nabigla lang ako."
Siya na mismo ang kumuha sa kamay ng binata. Jan gritted her teeth when the familiar zing from touching him came back, and it seems likely to stay. Pilit siyang ngumiti kay Maxwell para pagtakpan ang pagkaasiwa.
"So, what's your answer?"
Huh? Nagtanong ba siya?
"Sa alin?"
A dimple appeared on his left cheek when he smiled. Jan blinked, pilit kinukumbinsi ang sarili sa hindi siya namamalikmata. Kailan pa nagkaroon ng dimple si Max?
"Sa tanong na will you marry me?"
She slipped on her seat, bagsak siya sa semento na una ang pang-upo. Pain bloomed on her bottom. 'Eto na ang kinatatakutan niya.
"Are you alright?" tanong ni Max nang makatayo siya. Parang gusto niyang singhalan ang binata at sabihing hindi siya okay.
"O-Okay lang."
"Umayos ka kasi ng upo. Dito ka, masyado kang malayo." Tinapik ni Maxwell ang space sa gilid ng kama nito.
"Um...o-okay."
"So, ano'ng sagot mo?" Expectant ang mukha nito.
"A-Ah, k-kasi ano...ahm...don't you think it's too soon?"
Hindi niya napaghandaan ang sumunod na ginawa ng binata. His forefinger brushed against her cheek. Ramdam ni Jan ang pag-akyat ng init sa mukha niya.
"Kung iniisip mong magiging hindrance ako sa mga gusto mo pang gawin, you're wrong. I'm marrying you because I feel that I wanted to do this for a long time. I know nag-aaral ka pa, hindi kita patitigilin. Kung gusto mong magtrabaho after graduation, so be it. Although there's no need for it because I can provide for you."
"M-Max..."
"Please say yes?" May halong pagmamakaawa ang boses ng binata. Lumamlam ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. And she found that look unbearably irresistible. Parang pinipiga ang dibdib niya sa nakikitang pagsusumamo nito.
"P-Pero kasi---" Ano ang idadahilan niya? Wala siyang maisip na plausible excuse! At kailan pa siya naging marshmallow sa lambot pagdating dito? Damn! Kaunti na lang bibigay na siya.
Just then, Max drove the final nail into her coffin. He cupped her nape, bringing their faces closer together. Nagdikit ang mga noo nila. Nanlaki ang mga mata ni Jan, hindi siya makapalag. Nang tingnan niya si Max ay nakapikit ito.
"Please?" bulong ng binata. Magaspang ang dating ng boses nito, may bahagyang garalgal na parang nagpipigil ng emosyon.
Literal na namlabot si Jan, wala siyang mahugot na lakas para tumanggi. Kaya nanulas sa bibig niya ang isang desisyong kakatwang hindi niya pinag-isipan pero isinisigaw ng naman ng isang bahagi ng pagkatao niya. Kasunod noon ay umalingawngaw sa isang sulok ng utak ni Jan ang pangako ni Maximo Quintanar.
"Yes."
Then Maxwell gave Jan her first ever kiss.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro