IX
NARANASAN ni Jan kung paano manligaw ang isang Maxwell Quintanar nang mga sumunod na araw. Kung effort rin lang ang pag-uusapan, wagi si Maxwell. Nandyang paggising niya sa umaga ay puno ng rose petals ang kama. Sa sahig naman ay may trail ng petals palabas ng kuwarto nila. Nang tuntunin niya kung saan 'yon natatapos, she was greeted by a sumptuous breakfast with Maxwell's beaming smile on the side.
Sa lunch ay magugulat na lang siya sa pagsulpot nito para yayain siyang kumain. Tinotoo nito ang sinabing mag-e-establish ito ng presence sa school niya. Kahit anong saway niya sa lalaki ay hindi ito nakikinig, sige pa rin. Hangga't maaari sana kasi ay ayaw ni Jan na naglalalabas si Maxwell ng bahay baka mapagod kahit na may driver naman.
"Totohanan na ba?" tanong sa kanya ni Anne nang ma-dismissed sila sa araw na 'yon. Dalawang buwan na silang kasal ni Maxwell at ilang araw na lang ang natitira at finals na nila.
"Hindi ko alam. Parang," nag-aalinlangang sagot niya.
"Nililigawan ka kamo? 'Yong kasal n'yo, naregister na?"
She nodded her head. "Agad-agad nang malaman niyang magkasabwat kami ng Lolo n'ya. Akala ko nga magagalit eh."
"So ano'ng balak n'yo for now?"
"'Eto, getting to know each other stage. Date, kuwentuhan, kulitan. Ganoon lang."
Anne bumped her shoulder against hers. Pilya ang pagkakangiti nito. "Hindi kayo nag-ano?"
Agad siyang namula. "Hindi no, walang ganoon"
"Oi eh bakit ka namumula kung walang nangyari? Bilib din naman ako sa asawa mo, matindi ang kontrol."
"Gentleman naman kasi siya," pagtatanggol niya kay Maxwell.
Which is true. Ni minsan ay hindi niya kinakitaan si Maxwell ng intensyong piitin siya sa mga bagay na ayaw niyang gawin. Even if they're kissing and things are getting intense, ito ang unang kakalas para pakalmahin ang sarili. Makukuntento ito sa simpleng yakap sa kanya hanggang sa makatulog sila.
"Gentleman my ass! Baka naman wala kang appeal sa kanya kaya hindi siya nadedemonyo kahit abot kamay ka lang niya sa kama? Naku, mahirap 'yan."
Bumangon ang natutulog niyang insecurity. Hindi lang isang beses niyang natanong sa sarili 'yon. Umabot pa nga siya sa puntong natatagalan siya sa harap ng salamin. Pilit kasi niyang hinahanap sa sarili ang diperensya kung bakit parang walang interes si Maxwell sa kanya. He's a healthy man, normal lang sa lalaki siguro ang makaramdam kahit kaunting pagnanasa. Pero sa kaso niya, mukhang immuned si Maxwell sa charms niya.
"Ano ba kasi ang suot mong pantulog?"
"Pajama," sagot niya.
Natampal ni Anne ang sariling noo. "Susme! Kaya naman pala eh! Paano papasukan ng malisya 'yong tao sa utak kung balot ka naman pala mula leeg hanggang talampakan? Naku, sinasabi ko sa 'yo Jan Marie, aabutin kayo ng silver fake wedding anniversary na virgin ka pa rin!"
Napalingon ang ilang estudyante sa kanila sa lakas ng boses ni Anne. "Bibig mo!"
Hininaan naman agad nito ang boses. "Kailangan mo nang mag-lingerie shopping. May alam akong boutique na 'yan ang specialty nila, ano samahan kita?"
"No! Ano ka ba, wala akong balak magpalit ng pantulog."
Sumimangot ang kaibigan niya. "Sige kung ayaw mo, ikaw ang bahala. Mas mapapadali sana kung lingerie ang ipalit mo sa pajama. Pero dahil matigas ang ulo mo at in denial ka pa na gusto mong i-seduce si Maxwell, let's make do."
"Who's seducing whom?"
"Ay kambing na may bangs!" bulalas ni Anne, hawak nito ang dibdib. Nalingunan nila si Maxwell na malapad ang pagkakangiti, may hawak na isang boquet ng tulips.
"Ang aga mo ah," puna ni Jan. Nilapitan siya ni Maxwell at binigyan ng magaang halik sa labi sa harap mismo ni Anne.
"Nainip ako sa bahay. Flowers for my beautiful wife."
"Thanks."
"So, sino'ng balak mong i-seduce, Anne?" tanong ni Maxwell habang nakahawak sa baywang ni Jan.
"Girl's talk, Maxwell."
"I see. Ano, tara na? Date tayo."
"Nakalimutan mo yatang Friday ngayon? May trabaho pa ako," paalala ni Jan.
Agad ang pagsimangot ng binata. "Kung bakit ba kasi kailangan mo pang magtrabaho doon. Kaya naman kitang buhayin."
"Pumirma ako sa employment contract, mister. Hindi ko pwedeng talikuran 'yon. Sure, kayang-kaya mong bayaran si Mrs. Yulo kapalit ng kontrata ko. Pero respeto na lang sa taong tumulong sa akin. Isa pa, six months lang naman 'yon."
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Tara na nga, ihahatid na kita."
Thirty minutes bago ang opening ay nasa club na sila. Pagkatapos niyang magbihis ay dumiretso na si Jan sa bar para tulungan si Stanley sa paghahanda. Siniguro niyang well-stocked ang lahat ng mga kailangan nila sa gabing 'yon. This particular Friday, may event sa Paradise 2000. Siguradong mas doble kaysa sa karaniwan ang dami ng customers nila.
May isa't kalahating oras na rin siyang nagtatrabaho nang maalala si Maxwell. Nakauwi na siguro 'yon. Saglit siyang nagpaalam kay Stanley para mag-CR.
"Sige, pakibilisan lang. Hindi na ako magkandaugaga dito."
"Sure."
Pagpasok na pagpasok niya sa banyo ay tinawagan niya si Maxwell. Tatlong ring lang nang sagutin 'yon ng lalaki.
"Nasaan ka? Ba't ang ingay?" takang tanong niya.
"Babe! 'Di pa ako nakakauwi. I'm still here, watching you work!" Pasigaw ang boses ni Maxwell.
"Ano? Saan ka ba banda?"
"VIP area! Sabay na tayong umuwi mamaya! I happen to meet some people I know."
Raised floor ang VIP area, sakop isang bahagi ng Paradise 2000 sa east side. Ibig sabihin, nasa kaliwa lang ng bar.
"Sige. 'Wag kang maglalasing."
"Yes, boss!"
Pagbalik niya sa bar ay hinanap niya si Maxwell sa VIP floor. Medyo madilim pero sapat na ang liwanag sa lugar para makita niya kung saan nakaupo ito. As if he felt her stare, he looked her way. He raised his glass to her and gave her a wink. Napangiti na lang si Jan at ipinagpatuloy ang trabaho.
Mayamaya pa ay may isang babaeng dumating at naupo sa stool sa tapat ni Jan. Nang mag-angat siya ng tingin ay muntik na siyang mapaatras sa pagkabigla. Automatic siyang napasulyap sa kinauupuan ni Maxwell. Mukhang hindi naman nito nakita ang babae.
"Margarita please," sabi ng babae saka ipinatong ang hawak na clutch sa bar.
"R-Right away, Ma'am."
Mabilis siyang lumapit kay Stanley at bumulong. "Favor naman, Stan. Ikaw na ang mag-serve ng margarita niya," sabi ni Jan sabay turo kay Yvonne.
"Uy, si Miss Yvonne. Ngayon ko lang siya ulit nakita ah. Regular kasi natin 'yan dito."
"G-Ganoon ba? Eh di mabuti. Kinakabahan kasi ako mukhang mataray," pagdadahilan niya. Ang totoo ay ayaw niyang kaharap ang babae, sinasapian siya ng kakaibang insecurity na may kahalong takot. Panay din ang sulyap niya kay Maxwell.
"Mataray nga 'yan, lalo na 'pag masama ang araw niya. Sige na ako na ang bahala, ikaw na dito."
"Salamat."
Pag-alis ni Stanley para lumipat sa kabila ay may dumating na namang customer. Kumunot ang noo ni Jan, pamilyar sa kanya ang mukha pero hindi niya matandaan kung saan niya nakita.
Ngumiti ang customer sa kanya. "Scotch on the rocks," sabi nito.
"Yes, sir."
Habang hinahanda niya ang order ng customer ay may pakiramdam siyang may nanonood sa kanya. Hindi siya nagkamali dahil paglingon niya ay nahuli niyang nakatitig sa kanya ang customer. He smiled at her na ginantihan niya ng alanganing ngiti. Medyo creepy ang vibe nito sa kanya.
"Here's your order, sir. Enjoy."
"Thanks."
Tumango lang siya at kunwari ay abala sa pagpupunas ng bar nang magsalita uli ang lalaki.
"Hindi mo ba ako natatandaan?"
"What?"
"We've met before."
Salubong ang kilay na tinitigan niya ang lalaki. Hindi pa rin nabubura ang ngiti nito sa mukha. Pero kahit anong isip niya ay hindi niya matandaan kung saan niya nakita ito.
"I'm sorry, hindi ko matandaan."
"We met at the grocery, you comitted attempted murder on my toes. I'm Basti."
Bumalik sa alaala niya ang lalaking aksidenteng nagulungan ng cart niya. "Ikaw pala 'yon. Naku, for the nth time, sorry."
"Wala 'yon. Akala ko nga kanina namalikmata lang ako. Kaya lumapit na ako dito para makasiguro. Dito ka pala nagtatrabaho?"
Hindi sinasadyang napasulyap si Jan sa VIP area. Nandoon pa rin si Maxwell at masayang nakikipag-usap sa mga kasama nito.
"A-Ah, oo."
"Araw-araw?" tanong nito.
"No."
"MWF? TTH? Weekends only?"
Ipinaglihi rin yata sa kakulitan 'to, saloob niya. "I'm sorry pero hindi ko pwedeng i-share sa 'yo ang work schedule ko. My husband won't like it," aniya sabay taas sa kamay para ipakita ang wedding ring niya.
Napatitig ito sa kamay niya. "Oh. Sorry."
"It's okay, as long as you know."
"Right," sabi ni Basti. "I think I'll go back to my friends. Nice meeting you again, Jan Marie."
"Have a good time, sir."
Ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Basti bago tuluyang tumalikod.
**********
HABANG lumalalim ang gabi ay parami nang parami ang mga tao. Sa sobrang abala ay nawala na sa isip ni Jan si Yvonne at ang maya't maya niyang pag-mo-monitor kay Maxwell sa VIP area. Her break came and went in a blink of an eye and then she's back at the bar again.
Alas tres na ng madaling araw nang magsara sila. Pakiramdam ni Jan ay ubos na ang lakas niya habang palabas ng locker room bitbit ang bag. Kanina pa niya tinatawagan si Maxwell pero hindi sumasagot ang lalaki.
Nasaan na kaya ang lalaking 'yon?
"Jan, may sundo ka ba?" tanong ni Stanley.
"Meron. Tinatawagan ko nga, baka nakatulog."
"Mabuti. Sasabay sa akin sina April at Jessica. Isasabay ka na sana namin tutal iisa lang ang way natin."
"Thank you sa offer. May sundo ako. Ingat kayo."
"Bye!"
Paglabas niya sa Paradise 2000 ay hindi niya nakita kahit anino ni Maxwell. Sinubukan niyang tawagan uli ang lalaki pero hindi nito sinasagot ang cellphone. Ang driver naman niya ay out of reach. Hindi niya alam kung pinauwi ba ni Maxwell si Martin o ano. Wala naman itong sinabi kanina. Nag-assume lang siya na hindi kasi nga nakita niyang umiinom si Maxwell.
"Susunduin ka ba niya?"
Gulat na napalingon si Jan. Hindi niya napansin si Basti na nakasandal sa isang poste ng Paradise 2000 at naninigarilyong mag-isa. Nagpalinga-linga si Jan sa paligid, iilan na lang ang mga tao doon dahil karamihan nakauwi na. Medyo nag-aalala siya pero agad ding napawi 'yon nang makita niya ang guard on duty sa parking lot at sa entrance mismo ng lugar.
"Hindi ka pa nakakauwi, sir?" ganting-tanong niya.
"Nagpapahinga lang. I want to have a clear head before driving home."
"Ah."
Umalis si Basti sa kinasasandalan at lumapit sa kanya. "Asan na ang sundo mo?"
"Parating na 'yon."
"Liar. Ano bang klaseng asawa mayroon ka at hinahayaan ka niyang magtrabaho sa ganitong lugar? I get it that Paradise 2000 is a decent place but still, madaling araw na ang uwi mo. Delikado para sa kagaya mong babae na nasa labas pa ng ganitong oras."
Hindi niya alam kung bakit imbes na mairita ay natawa siya sa sinabi ni Basti. Para itong amang nagsesermon sa anak.
"Una, ako ang may gusto na ituloy ang trabaho dito kahit kayang-kaya niya akong buhayin. Pangalawa, pumirma ako ng kontrata for six months. Hindi ko puwedeng iwanan ang employer ko nang ganoon na lang though my husband can afford to pay for my breach of contract. 'Wag kang judgemental, sir."
"Sorry. It's just that if I am your husband, hindi ako papayag na mahirapan ka."
"Unfortunately for you, she's my wife." Mula kung saan ay sumulpot si Maxwell. Inakbayan siya nito. "Stay away from my wife, Sebastian. Hindi ka ba talaga titigil?"
"M-Max..."
Gulat na napatingin si Basti sa kanya. "Y-You're Maxwell Quintanar's wife?"
"Yes. Magkakilala kayo?"
"He's the contender for the presidency, babe. So stay away from him. Hindi natin alam kung ano ang binabalak niya sa paglapit sa 'yo."
Naalala niya ang una nilang pagtatagpo ni Basti. Planado nga ba 'yon?
"No, hindi ko alam na asawa mo siya. It's only tonight that I learned you're married," tanggi ni Basti sa tanong na hindi niya naisaboses. He must have read her face.
"It's okay, I'm sure coincidence lang 'yong incident sa grocery." Hinawakan ni Jan ang braso ni Maxwell. "Let's go home, Max. Pagod na ako."
"Mabuti pa nga. And you, stay away from my wife or you'll regret it," banta nito kay Basti.
"Why, takot ka? Hindi ka confident? Kung sabagay, halata naman kasing pakulo mo lang ang pag-aasawa. The great Maxwell Quintanar finally succommed to the board's ridiculous requirements," patutsada ni Basti. "Don't lose your heart to him, Jan. We all know kung sino ang talagang nagmamay-ari sa kanya."
"Damn you!"
Susugurin na sana ni Maxwell si Basti pero mabilis na inagapan ni Jan ang lalaki.
"Stop it! Hindi ka pa magaling, makikipagbasagan ka na ng mukha? He's just taunting you!"
"Yeah, listen to her. You look pathetic. And you know why I hate you? Ang kapal ng mukha mong paghintayin ang asawa mo sa ganitong lugar habang kasama mo ang ibang babae." He spit on the pavement.
Naguguluhang napatingin si Jan kay Basti. "What do you mean?"
"Tell her, Maxwell. Tell her kung saan ka galing at sino ang kasama mo," hamon ni Basti.
"M-Max, what is he talking about?"
"Shut up, Sebastian! 'Wag kang makialam!"
"I don't give a rat's ass about you, Quintanar. But you're being unfair to your wife. Why don't you tell her the real score, huh?"
Jan screamed when Maxwell's fist came flashing towards Sebastian's jaw. Mabuti na lang nasalag ni Sebastian ang suntok nito. Gumanti ang lalaki ng suntok pero sa katawan ni Maxwell nito pinatama ang kamao. Tuloy ay hindi niya alam kung tama bang relief ang maramdaman niya habang nagsusuntukan ang dalawa.
Sebastian cleary has the upper hand. Ganoon pa man, ni minsan ay hindi ito nagpapatama ng suntok sa ano mang bahagi ng ulo ni Maxwell. Kung hindi sa balikat, sa katawan, dibdib o tagiliran nito pinapatamaan ang kalaban. Magkasing-tangkad ang dalawa pero halatang mas may karanasan si Sebastian sa basag-ulo.
Kung hindi pa dumating ang mga security guard ay hindi maaawat ang dalawa. Galit na galit si Maxwell samantalang kalmado naman si Sebastian. Bago pinagtulungang ihatid ng mga guard si Maxwell sa kotse nila ay nilapitan niya ang lalaki.
"Thank you."
"I should have pummeled his face," Basti muttered.
"I know. Pagpasensyahan mo na siya. Whatever rivalry you two has, please 'wag n'yo na akong isali. Lalo lang gumugulo eh."
"Whether you like it or not, you'll get drag into this Jan."
"Why?"
"Because married or not, I like you. Unsolicited advice, keep your eyes open. And remember 'pag pagod ka na, you can come to me. Kayang-kaya kitang ilayo sa kanya."
Hindi na siya nagulat sa deklarasyon ni Basti. Somehow, a conceited part of her sensed it.
"I don't think we'll come to that. But thanks for the offer though. I'd have to decline."
"Just the same, the offer is open." Iginalaw ni Basti ang panga, "damn! That hurts."
"Jan! Stay away from him, damn it!" Dinig niyang sigaw ni Maxwell habang pigil-pigil ng guards. Ayaw nitong pumasok sa kotse.
Napahugot ng hininga si Jan. "I have to go, my husband needs me."
"Yeah. Good night."
"You too."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro