Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IV

TRUE, her sister is a piece of work. Pero walang sino man ang may karapatang apihin ang kapatid niya. Ni isang butil ng bigas ay walang kontribusyon ang ibang tao para buhayin sila. Kahit inis siya sa ate niya, hindi magbabago ang katotohanang magkapatid sila.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," sabi ni Max, "I want you out of my property immediately."

"Max!" Napabangon si Rebecca. Malapad ang ngiti nitong tumayo at sinalubong ang lalaki. Parang wala itong narinig. "Hindi ka man lang tumawag, sana nakapaghanda kami."

Max sidestepped and avoided her sister. Saglit na nawala ang ngiti ni Rebecca pero agad ring nakabawi. "Uhm...we've been looking for a new place to stay. Pwede bang dito muna kami hangga't wala pa kaming nalilipatan?"

"No. Dito na ako titira, hindi ako komportableng may ibang tao sa pamamahay ko. I'll give you until tomorrow."

"B-But may bahay ka naman. Bakit dito?" hindi nakatiis na tanong ni Jan.

"Hindi ko obligasyong magpaliwanag."

"Baka pwedeng---"

"Good day, ladies." Iyon lang at tinalikuran na sila nito.

"Ugh! Ang sama talaga ng ugali!"

**********

KINAUMAGAHAN ay wala na ang Ate Rebecca niya nang magising si Jan. Iniwan nito sa vanity table niya ang isang sobre na naglalaman kulang-kulang kalahating milyon. Extensive ang collection ng Mommy nila, hindi na nakapagtataka kung ganoon kalaki ang napagbentahan. Duda niya pati ang Ming vase sa library ay kasama sa binenta ng ate niya.

Gaya ng dati, hatid-sundo siya ni Menchu sa eskuwela. Pagkatapos ng klase ay dumiretso sila sa ospital pagkatapos dumaan sa isang flower shop para bumili ng bulaklak para sa ina. Hindi pa man siya nagtatagal sa pagkakaupo nang dumating ang isang hospital staff, pinapatawag daw siya sa admin.

"Ikaw na muna dito Menchu ha," bilin niya sa kasama.

"Sige, Miss Jan. Ako'ng bahala kay Madam."

Sumunod siya sa staff sa opisina ng Admin. Pagdating niya doon ay inalok siyang maupo ng head. Bata pa pala ang head, tantiya ni Jan ay lagpas thirty years old lang ang lalaking nakaupo sa kabila ng swivel chair.

"I'm Juniel Fernandez, nice meeting you Miss Cordova."

Tinanggap ni Jan ang kamay nito. The man's grip is warm and strong. "Same here, Mr. Fernandez."

"Pasensya ka na kung biglaan. Tungkol ito sa hospital bill ni Mrs. Cordova," panimula ni Mr. Fernandez.

Napalunok si Jan. Hindi pa sila nakakapagbayad this week. As per hospital policy, dapat every week silang nagbabayad para kahit paano hindi lumobo ang bill nila. Kaso sa mahal ng mga gamot at aparatong nakakabit sa Mommy nila, umabot ng kulang kulang three hundred thousand ang gastos sa unang linggo ng ina sa ospital.

"Pasensya na ho, Mr. Fernandez. Na-delay lang ng kaunti, pero magbabayad naman ho kami."

"Bakit hindi natin ilipat sa ibang ospital si Mrs. Cordova? May sister hospital kaming malapit lang sa inyo, mas mura."

"P-Pero sir, kumpleto ang facilities ninyo dito. Alam n'yo ang kondisyon ni Mommy. Bukod sa comatose siya, mahina ang puso niya. Kaya nga ho dito namin siya dinala dahil nandito ang mga specialist sa kaso niya. I-I can't gamble on my Mom's life."

"I-It's just that..."

"Alam ko ho ang concern n'yo, naiintidihan ko rin po kayo. Pero sana naman maintindihan n'yo rin ako. Hindi ho kami tatakas sa bayarin namin dito. Gagawa ho ako ng paraan para ma-settle kundi man lahat at least kalahati ng bill namin. Bigyan n'yo lang ho ako ng panahon," pakiusap niya.

"Alright. Pero hanggang two weeks lang ang maibibigay ko, Miss Cordova. Magkakaroon ng meeting ang board by the end of two weeks, I can't buy you time anymore. Masisipa ako sa trabaho."

Sa tuwa ay nahawakan ni Jan ang kamay ni Mr. Fernandez na nakapatong sa mesa. Halatang nagulat ang lalaki pero agad ding nakabawi.

"Thank you, Mr. Fernandez! Maraming-maraming salamat po talaga."

"A-Ah eh, y-you're welcome."

Parang lumuwag ang dibdib ni Jan nang makalabas sa opisina. Pakiramdam niya ay gumaan ang bawat hakbang na ginagawa niya. Hindi man permanent solution pero importante para sa kanya ang panahon. Noon pumasok sa isip niya si Max. Ano kaya kung subukan niya ang ang suwerte niya ngayon? Dali-dali siyang bumalik sa kuwarto ng Mommy niya.

"Menchu, dito ka lang muna. May pupuntahan lang ako."

"Ha? Naku, sasamahan kita."

"Hindi na. Pupunta ako sa bahay ni Max. Susubukan ko kung puwede niya tayong bigyan ng mas mahabang palugit," tanggi niya.

"P-Pero..."

"Malapit lang naman dito ang bahay niya. Mag-ta-taxi na 'ko. Kung gusto mo, samahan mo ako hanggang sa taxi bay para makita mo ang plate number."

"Sige."

Hindi nagtagal ay nasa tapat na siya ng gate ng bahay ni Maxwell. Nasa iisang subdivision lang nakatira si Anne at Maxwell kaya inakala ng security guard sa gate na kay Anne siya didiretso. Pagkatapos niyang magbayad ay lumapit ang dalaga sa gate para mag-door bell.

Ang ipinagtaka ni Jan, walang sumasagot. Nakabukas naman lahat ng ilaw sa malaking bahay pero bakit parang walang tao? Sinubukan uli niya pero wala pa rin. Nanlulumong napasandal sila sa pedestrian entrance.

"Ay!" bulalas niya nang gumalaw ang kinasasandalan. Kung hindi siya agad nakakapit sa gilid ay bumagsak na siya sa semento.

Why is this open?

Cautiously, she pushed the door a little wider. Maingat niyang isinara 'yon nang tuluyang makapasok. Kita niya sa kinatatayuan ang front door, bahagyang nakaawang iyon. Weird. Wala namang lumabas para pagbuksan siya. Hindi ba siya narinig ng mga tao sa loob? Imposible namang walang katulong si Maxwell.

"Tao po? Hello?" Katahimikan ang sumalubong sa kanya kaya naglakas-loob na siyang ituloy ang pagpasok.

But the house was empty. Ginalugad na niya ang kusina, living room hanggang sa servant's quarters. Naikot na niya ang buong ground floor pati poolside pero wala talaga. Kaya nagpasya si Jan na umakyat sa second floor.

She knew she shouldn't do this pero hindi niya magawang basta na lang umalis. Nakaamoy na siya ng hindi maganda nang ma-confirm na walang tao alin man sa mga kuwarto ng bahay, kasama na ang master's bedroom. The moment she entered the blue room, nasiguro niyang kay Max 'yon. Kagaya ng may-ari, the room oozed a commanding aura.

Library na lang ang hindi pa niya napupuntahan. Kagaya ng Daddy niya, malamang doon nagkukuta si Max 'pag may trabahong bitbit sa bahay. Hindi na niya kailangang pumusta na ginawa na ring opisina 'yon ng lalaki.

Nasa pinakadulo ng hallway ang nag-iisang silid na hindi pa niya napapasok. So it's safe to assume na 'yon ang library o opisina ni Maxwell. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto.

"Max?" Nang walang sumagot ay tuluyan niyang binuksan 'yon. What she saw had her gasped in horror. "Oh my god!"

Nakahandusay sa sahig si Maxwell, nagsu-swimming sa sariling dugo. Umagos mula sa makintab na sahig papunta sa carpet ang dugo ng binata. Jan dropped on her knees beside him, hands trembling as she tried to fished her phone out of her pocket. Wala siyang alam sa first aid kaya mas makakabuting tumawag siya ng ambulansya.

"No, no, no!" Tarantang inalog niya ang cellphone na parang may magagawa 'yon para masolusyonan ang pagka-drain ng battery. Napasulyap siya sa binata pero lalo lang siyang nataranta. Maxwell's skin looked pasty.

Think, Jan Marie! Sinubukan niya ang landline. Walang dial tone. Sa frustration ay naibalibag niya 'yon. Binalikan niya uli si Max. Sa pagkakataong ito, pikit-mata niyang kinapa ang bulsa ng binata. She prayed his cellphone could help her out of her predicament.

Thank God! Nasa seventy percent pa ang battery ng cellphone ni Max. Problema naman niya ngayon ang screen lock nito, hindi niya alam ang pattern! Kagat-labing sinubukan niya ang kahit anong maisip pero wala talaga. Hindi sinasadyang napadako ang tingin niya sa pantalon nito, agaw pansin ang kumikinang na letrang "M" na buckle ng sinturon nito. That's it! Baka 'yon, gumana.

Halos takasan siya ng lakas sa naramdamang relief nang bumukas ang screen lock ni Max. Mabilis siyang nagdial ng emergency number at ilang sandali pa ay nakuha na ng response team ang mga detalye ng ini-report niya.

Sa ospital kung saan naka-confine ang Mommy ni Jan dinala si Maxwell. Agad itong inasikaso ng mga doktor. Dumating din ang ina ni Max kasama si Maximo pagkatapos niyang ipaalam ang nangyari sa binata.

"What happened?" tanong ni Maximo habang naghihintay sila sa labas ng emergency room.

"N-Naabutan ko po siyang duguan sa library. K-Kaya pala walang sumasagot kahit nag-do-doorbell ako," sabi niya.

"Bakit ka nasa bahay ng apo ko?"

"M-Makikiusap ho sana akong bigyan pa niya kami ng kaunting panahon, hindi pa ho kasi kami nakakahanap ng malilipatan."

"What? Pinapaalis niya kayo?"

"Opo."

Nailing si Maximo. "You can leave 'pag nakahanap na kayo ng malilipatan. Don't worry about Maxwell, ako'ng bahala sa kanya."

"T-Thank you po."

"No, thank you. Kung hindi ka dumating baka kung ano na ang nangyari kay Max."

Noon bumukas ang pinto ng emergency room. Lumabas ang doktor na nag-asikaso kay Maxwell.

"Doc, how's my son?"

"We found some bleeding. He needs to go in surgery immediately to drain some of the fluids bago pa mag-build up ang pressure at mag-cause ng additional damage."

Carmen burst into tears.

**********

LATANG-LATA ang pakiramdam ni Jan nang makauwi sila sa bahay. Pabagsak siyang naupo sa sofa, diretso naman sa kusina si Menchu. Pagbalik nito ay may dalang isang baso ng malamig na tubig at isang bungkos ng mga sobre.

"O, inumin mo na muna 'to. Dumating nga pala 'to kaninang umaga." Inabot ni Menchu sa kanya ang mga sobre.

Kinalas ni Jan ang pagkakatali. Habang paisa-isa niyang binabasa kung ano ang mga 'yon ay nararamdaman niya ang pagpitik ng sakit sa bandang sentido niya. Puro bayarin ang mga 'yon. Kuryente, tubig, subscriptions at kung anu ano pa.

"Okay ka lang, Miss Jan?" tanong ni Menchu, tumabi ito sa kanya ng upo.

"Okay pa naman, Menchu. Ikaw, okay ka lang?"

Tumango ang babae. "Kayo ang inaalala ko, hindi kayo sanay sa hirap."

Malungkot na ngumiti si Jan. "Masasanay din ako, Menchu. Isa pa, pasasaan ba at makakaraos din tayo. Sa ngayon, tiis muna."

Biglang nag-ring ang cellphone ni Jan. Nangunot ang noo niya dahil hindi pamilyar ang number na nasa caller ID. Ganoon pa man ay sinagot niya, baka importante.

"Hello, si Jan Marie Cordova ba 'to?" boses lalaki ang nasa kabilang linya. Dinig ng dalaga ang ingay sa backgournd pero hindi niya matukoy ang lugar.

"O-Opo. Sino po sila?"

"Ah, si PO3 Palma po 'to ng Manila Police District, Ma'am. Kakausapin daw kayo ng kapatid n'yong si Miss Rebecca."

Gumuhit ang lamig sa gulugod ng dalaga. Bakit nasa presinto ang ate n'ya? "S-Sige po."

"Hello, Jan? Sunduin mo ako dito, tawagan mo si Attorney."

"Ano'ng ginagwa mo d'yan, Ate?!"

"Mahabang kuwento. You still have the money, right? Kausapin mo si Attorney, ilabas kamo niya ako dito. There is no way I'm sleeping here tonight!"

"A-Ate, bawas na po 'yong pera. Ipinambayad ko sa bills ni Mommy."

"Okay lang. Kailangan ko lang bayaran 'yong piyansa."

"Sige. Hintayin mo kami d'yan."

Pagkatapos nilang mag-usap ay mabilis na tinawagan ni Jan ang abogado ng pamilya. Sabi nito ay magkita na lang sila sa presinto. Gaya ng dati, kabuntot niya si Menchu. Naabutan niyang kausap ng abogado ang isang pulis at isa pang abogado, katabi ang ate niyang magulong-magulo ang buhok.

"Ate! Bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Your sister is charged with assault. Nasa ospital ang nakaaway niya," sabi ng abogado.

"Assault, my ass! It was self-defense!" pagtatama ni Rebecca.

"My client suffered multiple injuries. Hindi mukhang self-defense 'yon. Anyway, magkakaalaman naman 'pag na-review na ang CCTV ng establishment. Gusto kong ipaalam sa inyo na hindi kami magdedemanda kung sasagutin n'yo ang bayarin sa ospital. And of course, hindi na tayo aabot sa korte. Pwede naman nating pag-usapan nang maayos."

"Sinasabi ko na nga ba! Peperahan lang kami ng babaeng 'yon! Kunwari siya ang biktima. My god!" bulalas ni Rebecca.

Hindi pinansin ni Jan ang kapatid. "Attorney, ibig bang sabihin papayag kayo sa iaang amicable settlement?"

"Yes. Ayaw din ng kliyente ko na umabot pa sa korte 'to. It is a waste of time sa part n'yo, sa totoo lang. Maraming witness ang client ko na ang kapatid mo ang nagpasimuno ng gulo."

"No! Hindi ako papayag!" tanggi ni Rebecca.

Helpless na napatingin kay Jan ang abogado nila. Tumango ito sa kanya. "Sige po, papayag kami sa settlement."

"Jan! Halika nga muna dito sandali." Inilayo siya ng kapatid, dinala siya sa sulok malapit sa bintana. "Bakit ka ba nangingialam? Peperahan lang tayo ng babaeng 'yon!"

"Kaysa naman mag-drag on pa sa korte. Saan tayo kukuha ng pambayad sa abogado?"

Nakita ni Jan ang pagdaan ng pag-aalinlangan sa mga mata ng kapatid. "At ano'ng gusto mong gawin ko, hayaan na lang ang babaeng 'yon na ubusin ang natitirang pera natin?"

Jan crossed her arms over her chest. 'Pag hindi niya ginawa 'yon, pakiramdam niya masasakal niya ang kapatid. "May pagpipilian ba tayo, Ate? Sige nga, tell me!"

Walang naisagot si Rebecca.

"Okay lang kahit hindi mo gampanan ang pagiging panganay. 'Wag mo na sanang dagdagan ang problema natin kasi nakakapagod na." She turned and left her sister.

**********

HINDI alam ng dalaga kung paanong hindi pa siya bumabagsak sa tindi ng mga naranasan niya nitong nakaraan. Puyat man ay nairaos niya ang exams sa eskuwela. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi na siya sinundo ni Menchu. 'Yon lang panay ang text sa kanya. Minsan daig pa niya ang nagkaroon ng pangalawang nanay sa katauhan ng babae.

Ipinaalam na rin niya kay Menchu na dadaan muna siya ng ospital bago umuwi. Nag-alok si Anne ng hatid at hindi na niya tinanggihan. Sayang din ang pamasahe sa taxi. Pagbaba niya sa ospital ay hindi muna siya tumuloy sa loob. Kailangan niyang i-check ang laman ng account niya kaya dumiretso si Jan sa ATM machine sa gilid mismo ng ospital.

Nanlumo siya nang makumpirma ang natitirang pera. Mahigit three hundred thousand na lang ang natitira. Sa susunod na linggo magbabayad na naman sila sa ospital. Hindi na yata aabot 'yon hanggang katapusan ng buwan. Ano'ng gagawin niya?

Mabigat ang mga paang tinungo niya ang kuwarto ng ina. Agad niyang napansin ang sariwang bulaklak sa bedside table nito. Dumaan siguro ang ate niya doon. Hindi na sila nagpang-abot ng kapatid nang magising siya, nagtext lang ito na papasok sa trabaho. Tinext niya ang kapatid. Mayamaya ay tumawag ito.

"Ikaw na muna ang bahala kay Mommy. Mawawala ako ng three months, may training kami sa Singapore. Mag-aadvance ako ng suweldo sa trabaho para may panggastos ka kahit paano. Check mo rin ang e-mail mo, nandoon ang detalye ng bago nating titirhan. Lumipat ka na agad, 'wag mo nang hintaying palayasin ka ni Maxwell," tuloy-tuloy na bilin ni Rebecca.

"P-pero Ate, paano ang bills ni Mommy sa ospital?"

"May iniwan akong promisory note sa mesa ko sa kwarto. Isang buwan lang ang kailangan natin, Jan. After a month magpapadala ako ng pera. Pasensya ka na kung sa 'yo ko inaasa lahat sa ngayon. I promise when I get back, hindi mo na sosolohin lahat. Please, hang on. 'Aight?"

"Ate..."

"Sige na, marami pa akong kailangang gawin. Mamayang alas onse na ang flight ko. Bye."

Marami pa siyang tanong pero nawala na ang kapatid. Litong tinitigan lang niya ang cellphone. Alam niyang walang magagawa ang promisory note ni Rebecca. Sagad na ang binigay sa kanyang palugit ni Mr. Fernandez. Siyempre, ayaw din naman niyang malagay sa alanganin 'yong tao, sila na nga ang binigyan ng pabor.

Kung ibabayad niya ang natitira niyang pera, malaki ang maibabawas sa bill ng Mommy niya. 'Yon baka pwede na niyang magamit ang promisory note na ginawa ng kapatid. Ang problema na lang niya, ang pang-araw-araw na gastusin. Pagkakasyahin na lang niya siguro ang suweldo sa Paradise 2000.

Nagpasya siyang lumabas ng kuwarto at pumunta sa Admin. Nagkausap sila ni Mr. Fernandez pero gaya ng inaasahan, ubos na ang suwerte niya.

"Pasensya ka na, Miss Cordova. Kahit mabayaran mo ang bill ninyo for this week, maniningil ulit kami para sa susunod na linggo."

"S-Sige po. Maraming salamat."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro