III
DUMAAN muna siya sa cashier at pikit-matang nagbayad ng tuition. Kung puwede lang ay mag-po-promisory note siya kaso iniisip niya baka hindi niya mabayaran 'pag nagpatong-patong na ang mga bayarin.
Hindi bale, tatapusin ko lang 'tong sem na 'to. Sayang kasi kung titigil siya, obligado pa rin siyang magbayad ng matrikula pumasok man siya o hindi. Midterms na rin naman, kaunti na lang ang titiisin niya.
Pagdating sa classroom ay wala ang Prof nila. Biglaang nagkaroon ng emergency kaya cancelled ang klase. Ibig sabihin ay may isang oras pa siya bago ang susunod na period. Agad na lumipat sa katabi niyang upuan si Anne.
"Kamusta ka naman?"
"Heto, humihinga pa. Kaya ko pa naman."
Naikuwento na niya sa kaibigan ang tungkol sa bahay at lupa nila. Nag-offer na nga ito na doon muna siya pansamantala sa bahay nito, okay lang daw kay Mrs. Yulo. Pero hindi niya tinanggap dahil sa kapatid niya. She doesn't want to cause trouble for the family with her family issues.
"Nakapagbayad ka na ng tuition? Next week na ang exams."
"Kanina lang, bago ako dumiretso dito dumaan ako sa cashier." Napatingin siya kay Anne. Ngayon lang niya isasaboses ang isang bagay na inaalala niya. "Hindi unlimited ang pera ko sa bangko. Eventually ay mauubos 'yon, lalo na at nasa ospital pa si Mommy. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya doon. It might take months, years even. Saan ako kukuha ng panggastos?"
"Ano'ng plano mo ngayon?" tanong ni Anne.
"Titigil ako next semester, kailangan ko ng trabaho para kahit paano may income ako. Hindi ako puwedeng umasa na lang sa ipon ko."
"Di ba may trabaho naman ang Ate mo?"
Jan sighed. "Hindi ko maaasahan si Ate sa bagay na 'yan."
"Pero siya ang panganay. She should be responsible for you and your mom."
"Mali nga yata ang birth order namin," nasabi na lang niya.
"Teka, gusto mo ng trabaho? Pwede tayong humingi ng tulong kay Mommy."
"Hindi ba nakakahiya?" nag-aalangang tanong niya. Naisip na rin niya 'yon, nahiya lang siyang banggitin kay Anne.
"Sus, ano ka ba. Matutuwa pa si Mommy 'no. Tinanggihan mo na nga 'yong offer namin na doon ka tumira sa bahay. Wait lang, ti-text ko si Mommy."
Mabilis na nagpalipat-lipat ang daliri ni Anne sa cellphone nito. Hindi nagtagal ay nag-reply si Mrs. Yulo.
"Pinapatanong ni Mommy kung gusto mong maging bar tender sa Paradise 2000. Magku-quit na raw kasi si Mella, na-approve na ang application sa Japan. You can work on Friday and Saturday nights only dahil 'yon ang pinaka-busy at kailangan ni Stanley ng kasama. Ano?"
"Sige. Pakisabi kay Tita Cess, maraming salamat."
"Done."
*****
IRITADONG binitiwan ni Max ang hawak na mga documents. Pakiramdam niya humigpit ang neck tie niya sa leeg. Kanina pa niya gustong umalis pero hindi niya puwedeng layasan ang abogado ng pamilya. Alas otso na pero nasa opisina pa siya. It's Friday night, for fuck's sake! Gusto niyang isigaw pero may ipinabago na naman daw ang Lolo Maximo niya sa last will and testament nito.
Ilang beses na bang ginawa 'yon ng Lolo niya? His grandfather is healthy as a bull despite his age. Pero kung magbago ng isip ang matanda ay daig pa ang babaeng hindi makapag-decide kung alin sa dalawang designer bags ang gustong kunin.
"I don't want this property, Attorney. Ano'ng gagawin ko d'yan? May bahay ako, prime estate pa ang kinatatayuan. Bakit pilit na ipinagsisiksikan sa akin ni Lolo 'yan?" reklamo ng binata.
"Well, kasama 'yan sa bagong kondisyon ng Lolo mo. Mapupunta sa charities ang mamanahin mo 'pag hindi mo tinanggap ang property. Hindi mo rin ito puwedeng ibenta, unless ang pagbebentahan mo ay ang naiwang pamilya ng dating may-ari. And the presidency? May napipisil na ibang kandidato ang Lolo mo para sa puwestong 'yon, unless pumayag ka sa isa pa niyang kondisyon."
Namali lang yata siya ng dinig. "You're kidding, right?"
Umiling ang abogado. "I'm afraid not. Bago mo rin akusahan na wala sa sariling katinuan ang Lolo mo, gusto niyang ipaalam sa iyo na nagpatingin siya sa doktor para masigurong he's of sound mind when he drafted these conditions. I have his doctor's certification na regular siyang nagpapa-check up."
Son of a bitch! What kind of game are you trying to have me play, old man?
Contrary to what people believed, not everything he has was handed to him in a silver plater. Pinaghirapan niya lahat para maabot ang kinalalagyan niya ngayon. He started from the bottom, 'ika nga. Simula pagkabata ay 'yon ang paboritong laro nila ng Lolo niya. The old man challenges him at hindi siya umuurong.
Kahit ngayong twenty seven na siya, hindi pa rin tumitigil ang Lolo niya sa mga laro nito. Balewala sa matanda na sa ilalim ng pamumuno niya, lalo pang umunlad ang Quintanar Industries. Para kay Maximo Quintanar, life is a constant barrage of challenges that one should take on. At hindi exception doon si Maxwell, sole heir or not.
May magagawa pa ba siya? Siyempre wala. Hawak pa rin ng Lolo niya ang Board of Directors, solid na solid ang suporta ng mga hinayupak. Umalma man siya, wala ring mangyayari. Sumusukong nahilot ni Max ang sentido.
He gritted his teeth. "What condition?"
"Doon ka titira sa bahay na 'yon."
"What?!"
"You heard me right, Max." Sinipat ng abogado ang suot na relo. "Bukas na bukas din ay lumipat ka na. Effective immediately ang sabi ng Lolo mo."
"B-But, have they been notified?"
"Ang dating may-ari? Yes. But according to my colleague, one week ang ibinigay na palugit sa kanila para makahanap ng malilipatan. So malamang may housemates ka for the mean time."
"Unbelievable!"
Natawa ang abogado. Nakikisimpatiyang tinapik siya nito sa balikat at nagligpit na ng mga gamit.
"Kung ako sa 'yo, kikilos na 'ko. Kilala mo ang Lolo mo, Max. Hindi 'yon marunong magbiro."
Mahal niya ang Lolo Maximo niya pero naiinis siya sa paggamit nito sa mamanahin niya para mapasunod siya sa gusto nito. Magiging housemates niya ang magkapatid na Cordova. Iniisip pa lang niya ang puwedeng gawin ni Rebecca ay parang matutuyuan na siya ng dugo. Saksakan ng kulit si Rebecca. Hindi na niya alam kung anong lenggwahe pa ba ang kailangan niyang gamitin para ipaintindi dito na hindi siya interesado.
Nang makaalis ang abogado ay binuksan niya ang drawer at inilabas ang isang kulay itim na kahita. Kahit hindi niya silipin ay kabisado na niya ang hitsura ng nilalaman noon. Bakit hindi eh siya ang pumili. It took him a week before he made up his mind. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa iniiwan sa kanya ng Lolo niya ang Presidency ay dahil sa marital status niya.
The board is a majority of people like his grandfather; old men who are hopelessly romantic. Sinuwerte lang sa mga napangasawa. Kaya ngayon ay siya naman ang hinahanapan ng mga ito. He doesn't need a woman to bring the company to new heights. Kaya niyang gawing mag-isa 'yon with his business acumen.
But his grandfather and the board thinks otherwise. Sabi ng Lolo niya, "It takes a family man to take on the challenge that comes with the position. Mas maiintindihan mo ako 'pag may pamilya ka na, may asawa't anak na binubuhay." Natural hindi siya naniniwala. Ano'ng kinalaman ng pagpapamilya sa negosyo? The two is a very different thing.
Pero kung ang pag-aasawa ang magiging daan para makuha niya ang gusto, gagawin niya. Yvonne would be ecstatic. Napangiti siyang mag-isa. Perfect si Yvonne bilang asawa, magkasundo sila sa lahat ng bagay. Pero kailangan muna niyang tawagan ang babae at imbitahan ito para sa isang dinner ngayong gabi.
Two rings before Yvonne answered his call. "Hi babe, napatawag ka?"
"Let's have dinner tonight."
"Uhm...I'm afraid hindi puwede."
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Ang alam ko wala ka nang schedule ngayon, I checked on your handler kaninang umaga."
"I'm leaving for Sudan. We're shooting a documentary for my show's anniversary next month."
"At ngayon mo lang sinasabi 'to sa akin?!" hindi niya napigilang magtaas ng boses.
Isa ito sa kinaiinisan niya kay Yvonne, biglang aalis nang hindi man lang nagpapaalam. He understands that being a TV personality is not easy kaya nagpapasensya siya. Pero sa loob ng isang taon nilang relasyon, mabibilang ang mga pagkakataong nagkasama sila nang matagal-tagal. Laging nag-aaway ang schedules nila. The fact that they're dating in secret is not helping either.
"Come on, Max. 'Wag ka nang mainis. Sandali lang naman ako, one week lang. I promise I'll spend more time with you pagbalik ko."
Punong-puno na siya sa mga pangako nitong hindi naman natutupad. His eyes narrowed at the velvet box on his hand. Lagi na lang niyang pinagbibigyan ang babae, kaya siguro namihasa na.
"Pag umalis ka, 'wag mo nang asahang sa 'yo ko iaalok ang singsing na hawak ko ngayon."
"B-Babe! I know you don't mean that kaya patatawarin kita. If you're planning to propose tonight, yes ang sagot ko. Isuot mo na lang sa akin ang singsing pagbalik ko, alright? I got to go, tatapusin ko pa ang pag-eempake. I love you!"
Sa inis ay naibalibag niya ang cellphone nang mawala si Yvonne sa kabilang linya. What a craptastic turn of events. I need a drink.
*****
"JAN, pwede ka nang mag-break," sabi ni Stanley, inagaw nito sa kanya ang nililinis niyang baso.
"Sige, kanina pa 'ko naiihi."
"Loko 'to, 'pag naiihi ka dapat nag-CR ka na. Sa susunod 'wag mong pipigilan, hindi worth ang sweldo mo dito 'pag nagkasakit ka," sermon ni Stanley.
She like the guy, pakiramdam ni Jan para siyang may kuya. Istrikto man ang lalaki sa trabaho, maayos ito kung makisama. Imbes na pagalitan siya 'pag nagkakamali siya, tinuturuan pa siya nito. Hindi niya inasahang mag-e-enjoy siya sa unang gabi niya sa Paradise 2000.
"Yes, boss."
Imbes na sa break room siya tumambay, mas pinili ni Jan na samahan si Stanley sa bar. Pero itinaboy siya ng lalaki palabas kung kaya pinili niyang maupo sa isa sa mga stool.
"Ano'ng gusto mo? Treat ko," tanong nito sa kanya pagkasampa niya sa stool.
"Hindi ko tatanggihan 'yan," aniya. "Piña colada please."
"Coming right up."
Pagdating ng order niya ay iniwan na siya ni Stanley para harapin ang ibang customer. Fifteen minutes lang ang break niya kaya dapat na niyang bilisan. Paalis na sana siya sa stool nang biglang may humarang sa kanya.
"Excuse me," sabi niya. Pero hindi umalis ang nakaharang. Doon na nag-angat si Jan ng tingin. Hindi niya kilala ang lalaki pero kung makangiti sa kanya akala mo close na close sila.
"Can I buy you a drink?" tanong nito.
She shook her head. "No, thank you."
"How about a dance, instead?"
Hindi ba makaintindi ito? Gusto niyang bulyawan ang lalaki pero nagpigil pa siya. "I don't dance. Look, you're blocking my way. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. My break time is over."
"Marlon!" Isang babae ang biglang sumulpot. Halos manlisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Jan. "He's taken, kung hindi mo pa alam."
"Harriet..."
"Who is she?" matalim ang mga matang tanong ng babae sa kasama.
"S-She approached me f-first."
What? "Hoy! Nanahimik ako dito, ikaw 'tong kusang lumapit!"
"You bitch!"
Napaatras si Jan sa nakikitang bangis sa mukha ng babae. Inunahan kaagad siya ng takot lalo na nang umangat ang kamay nito. Pero bago pa may mangyari ay may sumingit sa kanila.
"She's with me. 'Yang boyfriend mo ang rendahan mo at nang hindi pakalat-kalat kung saan."
"Max..." sambit niya nang malingunan ang nagsalita.
"You want me to kick you out, Harriet?" banta ni Max.
Namutla ang babae, hinila ang kasamang lalaki na parang tatakas. "M-Max...I-I didn't know. Pasensya na."
"Kay Jan ka mag-sorry, hindi sa akin." Walang kangiti-ngiting utos ng binata.
"S-Sorry," sabi ni Harriet.
"Now, get lost. Naaalibadbarad ako sa mga pagmumukha n'yo."
Nakahinga ng maluwag si Jan nang makaalis ang dalawa. Pagbaling niya sa binata para magpasalamat ay tuluyang nalulon ni Jan ang mga sasabihin nang bumanat uli si Max.
"At ikaw, bakit pakalat-kalat ka kung saan ako magpunta? Sinusundan mo ba ako?" akusa ng binata.
Bakit ba sa tuwing magpapasalamat siya ay ganito ang napapala niya? Tuloy ay hindi niya mapiglang pumatol.
"Wow! Petronas Tower ang level ng kakapalan ng mukha. Hindi ikaw ang sentro ng solar system para sa 'yo umikot ang mundo, 'no. Dito ako nagtatrabaho!"
"Then why are you not working?"
"May tinatawag na break time, asshole!"
"Break mo? May proper break room ang mga empleyado dito. Bakit nandito ka sa labas? Ah, so you're like your sister," parungit ni Max.
Kumunot ang noo niya. "What's that supposed to mean?"
Max smikred. "Your sister is a Grade-A gold digger. Hindi ba?"
She literally saw red. Without second thoughts, she kicked his shin as hard as she could.
*****
MALAPIT nang magtanghalian nang magising siya kinabukasan. Pagbaba ni Jan sa kusina ay napa-double take siya. Wala nang laman ang china cabinet ng Mommy nila.
"Menchu, bakit wala na ang mga collection ni Mommy?"
Malungkot na umiling si Menchu. "May dumating na tao kanina, mukhang Chinese. Kinausap ng ate mo. Pagkatapos hinakot na nila lahat. Binenta yata ng kapatid mo."
"Bakit hindi mo ako ginising?" Nanghihinang napaupo siya sa pinakamalapit na upuan. Regalo 'yon ng Daddy nila sa Mommy nila noong ikasal ang dalawa. Taon-taon ay iba't ibang china wares ang natatanggap ng Mommy nila dahil 'yon ang hilig nitong kolektahin.
"Paano kita gigisingin? Kinulong ako ng ate mo sa laundry room nang matunugan niyang nagbabalak akong gisingin ka. Pinakawalan lang niya ako nang umalis na ang mga tao."
Napapikit siya sa nararamdamang frustration. Ano ba ang gagawin niya sa kapatid? 'Pag nagising ang Mommy nila, baka atakihin ito sa puso 'pag nalaman ang ginawa ng ate niya.
"Nasaan si Ate?"
"Nasa pool."
Umuusok ang ilong na pinuntahan ni Jan ang kapatid. Naabutan niya itong nagpapaaraw, suot ang two piece red bikini at sunnies.
"Ate!"
"Yes?"
"Bakit mo ibinenta ang collection ni Mommy?!"
Pahinamad na bumangon si Rebecca. "Paabot nga n'yan," turo nito sa bote ng sunscreen na nakapatong sa mesang nasa likod ni Jan.
Padabog na dinampot iyon ng dalaga at inihagis sa kapatid. "Uulitin ko, bakit mo ibinenta ang china wares ni Mommy?"
"Kailangan natin ng pera, 'di ba? Isa pa, aanhin naman naman natin 'yon kung tirik na ang mga mata natin sa gutom?" Balewalang sagot ni Rebecca habang nag-a-apply ng lotion sa mga binti.
"Kailangan natin o kailangan mo? Ate naman! Wala ka ba talagang pakiramdam? Halos hubad na nga ang bahay natin, lahat naibenta na para ipambayad sa utang ni Daddy. Pero hindi mo dapat ginalaw ang collection ni Mommy! Sa kanya 'yon eh! Importante kay Mommy 'yon!"
Tumigil si Rebecca. "Buhay pa tayo, Jan Marie. Hindi kasalanan na gamitin natin ang lahat ng puwedeng magamit to survive! Kung nandito si Mommy ngayon, tingin mo hindi niya pakakawalan ang china collections niya para mabuhay tayo? Think! Mom would do the same thing."
"Kahit na!" Napapadyak na siya. "Dapat hinintay natin siya para siya ang magdesisyon sa bagay na 'yan."
Umiling ang kapatid niya, patuloy pa rin sa paglo-lotion. "Matalino ka pero hindi mo ginagamit ang utak mo. Mag-aral ka na lang, 'wag mo akong pakialaman sa diskarte ko. Ibibigay ko sa 'yo ang kalahati, itabi mo 'yon para may dagdag kang panggastos. Sapat na 'yon para tustusan ang pag-aaral mo hanggang maka-graduate ka. Ang gastusin sa ospital, gagawan ko na lang ng paraan. Naghahanap na rin ako ng malilipatan natin, magtiis ka muna."
Nagulat siya. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig galing Antartica. Ang akala niya ay walang pakiaman ang kapatid sa nangyayari sa kanila. She was wrong.
May kung ano'ng bumara sa lalamunan ni Jan. "Ate..."
Tapos nang mag-lotion si Rebecca. Nahiga uli ito. "Kung wala ka nang sasabihin, lumayas ka na sa harapan ko. You're blocking my sun."
"Miss Jan, may bisita po kayo," anunsyo ni Menchu.
Lumitaw sa likuran nito si Maxwell. Naka-beige shorts ito, brown loafers on his feet and untucked blue gingham button down shirt. Kung laid back ang attire ng binata, kabaliktaran ang mukha nito. Napasulyap si Jan sa binti ni Max pero wala siyang maramdamang pagsisisi nang makita ang nangingitim na pasa doon.
I would never apologise to anyone who demeans my sister.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro