Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

II

HER conciousness zoomed in and out. Bahagya lang niyang naririnig ang pag-iingay ng alarm clock. Pikit-matang inabot niya ang istorbong alarm clock at ini-off. Peace at last. Pero agad siyang nabulahaw ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Noong una ay babalewalain na sana niya hanggang sa marinig niya ang boses ng katulong nilang parang natataranta.

"Ma'am, gising! Ang Mommy n'yo!"

Napabalikwas si Jan ng bangon. Mabilis niyang isinuot ang robe na nakasampay sa isang upuan. Hindi na siya nag-abalang magtsinelas.

"Andyan na!"

Pagbukas niya ng pinto ay ang namumutlang mukha ni Menchu ang nabungaran niya. Mangiyak-ngiyak ang katulong nilang mas bata sa kanya ng dalawang taon. Agad ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Ito ang personnalnag-aasikaso sa Mommy niya.

"A-Ang Mommy n'yo ho, m-may tawag na natanggap pagkatapos h-hinimatay sa kitchen!"

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Patakbong siyang bumaba at dumiretso sa kusina. Naabutan niyang inaasikaso ng dalawa pa nilang katulong ang kanyang ina. Nakabukas ang malaking TV na ipinalagay ng Mommy niya doon para sa mga katulong. Nakahiga ito sa divan sa tabi ng bintana.

Mahilig magbabad ang ina niya sa kusina kasama ang mga kawaksi sa bahay, doon na rin ito kumakain paminsan-minsan gaya ngayon. Pakiramdam ni Jan ay sasabog ang dibdib niya sa kaba. Nakailang lunok muna siya bago nakapagsalita.

"Tumawag na ba kayo ng ambulansya?"

"Agad-agad, Ma'am. On the way na po sila," si Tessa ang sumagot, ang cook nila sa bahay. "Hindi po siya kasi siya nagigising ng smelling salts. Di naman kami marunong mag-CPR."

May sakit sa puso ang Mommy niya kaunting kibot, ospital agad. Kahit parang nanghihina na siya sa sobrang takot ay pinilit ni Jan na magpakahinahon.

"Si Ate?" tanong niya habang pumupuwesto para mag-CPR sa ina.

"Maagang umalis. Kailangan n'ya daw ng gamot sa hang-over niya," si Menchu.

Itinapat niya ang magkabilang palad sa dibdib ng ina at nagsimulang isagawa ang CPR. Pagkatapos ay tsinek niya ang paghinga nito. Wala pa rin. Inulit uli ni Jan ang ginagawa pero sa malas ay walang response ang Mommy niya.

Come on, Mom! Nag-uunahanan ang pawis at luha niya sa mukha. Hindi pa rin siya tumigil. Mayamaya ay naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa balikat niya.

"Ma'am, hintayin na lang ho natin ang ambulansya. P-Parating na ho 'yon."

"Hindi! Kailanganng i-CPR si Mommy. Baka kung mapaano siya!"

"Ma'am, baka lalong makasama sa kanya 'pag pinilit n'yo. Sige na po," si Menchu.

May point si Menchu. Hindi siya medical practitioner, CPR lang ang alam niya. Sumusukong napaupo si Jan sa divan, sa bandang paanan ng ina. Hilam sa luhang pinagmasdan niya ang maputlang mukha ng Mommy niya. She hated how helpless it made her feel.

"Ma'am, i-angat po natin ang paa ni Madam." Binigyan siya ng dalawang cushion ni Tessa.

Right. Her mother's feet should be above heart level. Walang kibong tinanggap niya ang cushion at ipinatong ang mga paa ng Mommy niya doon.

God! Bakit ang tagal ng ambulance?

Saktong napatingin siya sa TV nang mag-shift sa balita ang palabas.

"Flash report. Natagpuang patay sa kanyang opisina ang singkwenta y nueve anyos na negosyanteng si Manuel Cordova, may-ari ng Pleides Philippines. Para sa iba pang detalye, i-re-report ni Maurice David. Maurice?"

"Yes, Andrew. Nandito kami ngayon sa Jose Garcia Building sa Makati kung saan naroon ang head office ng Pleides Philippines, isang import and export company na itinatag noong nineteen sixty three ng yumaong mga magulang ni Manuel Cordova. Natagpuan ng kanyang sekretarya si Mr. Cordova na wala nang buhay sa kanyang opisina bandang alas diyes singko ng umaga kasunod ng declaration of bancruptcy ng kumpanya..."

Marami pang sinasabi ang reporter pero wala nang maintindihan ang dalaga. Jan literally felt her world came crashing down.

*****

HER mother fell into a coma. Nagkaroon ng aberya ang ambulansya kaya hindi agad nakarating. Sabi ng mga doktor ay kinapos ng oxygen ang utak ng Mommy niya kaya nagkaganoon. Ang kapatid niya ay nawalan ng kibo, kundi man tulala ay lasing sa alak. Pakiramdam ni Jan nag-iisa siya sa mundo. Mabuti na lang kahit paano ay hindi siya pinabayaan ng kaklase at kaibigan niyang si Anne.

She went through the notions, half-aware of what's happening. Habang nag-fi-fill up siya ng mga forms para sa burol ng ama ay wala siya sa sarili. Hindi naman niya maasahan ang ate niya. Si Anne ang naging katuwang niya sa lahat-lahat.

Bilang panganay, si Rebecca ang kailangang pumirma sa mga dokumentong kinakailangan. Her sister fared no better than her. Tingin ni Jan sa kapatid ay paramg robot; gumagalaw pero walang pakiramdam. Hindi na ito umaalis ng bahay. Rebecca was just there but not really there. Madalas naiinggit siya sa kapatid, gusto n'ya ring takasan lahat ng nangyayari.

Her mother is an orphan at nasa ibang bansa ang mga kapatid. Nagpadala naman ang mga ito ng tulong pinansyal nang mabalitaan ang nangyari sa pamilya nila. Ang natitirang kapatid naman ng Daddy niya ay sa Mindanao nakatira at bed ridden na. Nagpaabot na lang ng pakikiramay ang pamilya ng tiyuhin nila. Hindi rin naman niya mapipilit ang mga pinsan dahil medyo hirap din sa buhay. Sayang ang pamasahe.

Sa araw ng libing ng ama, sumaglit muna si Jan sa hospital room ng Mommy nila. Hirap na hirap ang kalooban niya habang pinagmamasdan ang inang wala pa ring malay. 'Pag hindi na tuluyang nagising ang ina, paano na sila?

Mommy, gumising na po kayo. I'm scared. Hindi ko po alam ang gagawin ko, I need you.

"Girl, tara na. Baka ma-late tayo," pukaw sa kanya ni Anne.

Tumango siya. Bago umalis ang dalaga ay hinalikan niya ang ina sa noo at inayos ang kumot nito.

"Alis na po ako, 'My. Daddy has suffered too much, it's time to let him go. Pero ikaw, 'wag muna ha? Nandito pa kami ni Ate. Kailangan ka pa namin."

Pinigl niya ang pag-iyak. As much as possible, ayaw niyang ipakita sa ina na nadudurog siya sa bawat dalaw niya dito. Her mother doesn't need to see her crumbling. At ipinangako niyang tatatagan niya ang kalooban hanggang sa pinakahuling lakas niya.

I'll be strong for all of us, Mom. But please, hurry.

*****

DALAWANG araw matapos ang libing ng ama ay dumating ang abogado ng Daddy nila. Hinarap nila ni Rebecca sa library si Atty. Vasquez. Somehow, Jan knew he brought bad news. Kaya hindi na siya nagulat nang marinig ang katotohanan mula dito. Ganoon pa man, hindi niya napaghandaan ang narinig sa abogado.

"Y-You mean, walang matitira sa amin?" malat ang boses na tanong ni Rebecca.

"I'm afraid so, Miss Cordova. Itong bahay at lupa lang ang natitira sa mga assets ng Daddy n'yo ang hindi kasama sa na-liquidate."

Nahilot ni Jan ang sentido. Wala siyang ideya na lubog na lubog na talaga ang kabubayan nila. Wala na silang maisalba alin man sa mga pag-aari ng ama.

"Ang pera ni Daddy sa bangko?" tanong niya.

Umiling si Atty. Vasquez. "Kasama na 'yon. Sa laki ng pagkakautang ng Daddy n'yo sa iba't ibang bangko at private individuals, wala nang natira. Kahit itong bahay at lupa, naisanla ni Mr. Cordova ang titulo two years ago."

Napadilat si Jan. "Saang bangko po?"

"Hindi bangko kundi kay Maximo Quintanar. Kaya hindi na-liquidate 'to dahil si Mr. Quintanar na ang legal na nagmamay-ari."

Daig pa ng dalaga ang pinasabugan ng bomba habang nasa ilalim ng tubig. Saan sila pupulutin ngayon?

"Anyway, 'yan lang ang ipinunta ko dito. Anumang araw mula ngayon, baka kontakin kayo ng mga Quintanar. I suggest maghanap na kayo ng malilipatan habang maaga pa. Good day, ladies."

Matagal nang nakaalis si Atty. Vasquez pero hindi pa sila tumitnag ng kapatid sa kinauupuan. Manhid ang pakiramdam ni Jan. Halohalo ang nasa utak niya, hindi niya alam kung ano ang uunahin. Idagdag pang malapit na rin pala ang midterm exams niya. Hindi pa siya nagbabayad ng matrikula.

"Magkano ang natitrang pera mo sa bangko?" Mayamaya ay narinig niyang tanong ni Rebecca.

"N-Nasa five hundred thousand lang, Ate. Bakit?"

"Ibigay mo sa akin ang kalahati. I need money to execute my plans kung ayaw mong pulutin tayo sa bangketa sa susunod na mga araw," matalim ang mga matang utos ni Rebecca.

"Are you crazy? Nasa ospital si Mommy, saan tayo kukuha ng panggastos kung gagalawin mo ang savings ko? Ikaw ang may trabaho, estuyante lang ako. Kung ako may limandaang libo, siguro naman ikaw higit pa doon ang naipon mo "

"Wala akong savings," pag-amin ni Rebecca.

"What?"

"I'm going to go all out in seducing Maxwell. Siya na lang ang pag-asa natin ngayon."

"Ate naman! Itigil mo na ang paghabol kay Max. Kung gusto ka niya, matagal mo na siyang nakuha. Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin sumusuko?" exasperrated na sambit niya.

"Kaya nga dapat mas pag-igihan ko pa, kaya bigyan mo ako ng pera. Kailangan kong makasama sa cruise na sasamahan ni Max sa susunod na linggo. 'Pag nakuha ko si Max, mawawala na parang bula ang problema natin sa pera." Nilapitan siya ni Rebecca at ginagap ang mga palad niya.

Kahit anong justify niya sa isipan sa mga pinagsasabi ng kapatid ay hindi niya magawang umoo. Walang kasiguruhan ang plano ng ate niya. Sa pagkakakilala niya kay Max, strict ito pagdating sa usaping pinansyal. Kaya nga nahahanay ito bilang isa sa pinakabata at magaling na negosyante ng bansa.

Jan shook her head. "I'm sorry, Ate. Hindi ko kayang isugal ang perang 'yon sa plano mo. Si Mommy ang priority ko."

Bumakas ang pagkairita sa mukha ni Rebecca. Pabigla nitong binitiwan ang mga kamay niya. "Wala ka talagang silbi! Bahala ka na nga sa buhay mo!"

Tuloy-tuloy na umalis ang kapatid niya. Parang nauga ang buong library sa lakas ng pagkakasara ni Rebecca sa pinto. Nanginginig ang babang pinigilan niya ang maiyak. Hindi ito ang panahon para sa luha. Saka na niya iindahin ang lahat 'pag naayos na niya ang problemang kinakaharap niya ngayon.

"Ma'am?"

Nalingunan niya si Menchu sa pinto, kasama nito sina Tessa at ang iba pa nilang kawaksi sa bahay. Anim lahat ang katulong nila, may isang hardinero at dalawang driver. Lahat ngayon ay nakapila sa labas ng library. Nawala sa isip niyang nagbilin siya kay Menchu na ipatawag lahat ng kasama nito.

"Pasok kayo." Isa-isang nagsipasok ang mga ito. Nang makumpleto ang lahat ay humugot ng hininga ang dalaga at diretsong tinitigan ang mga kaharap. "Tatapatin ko na kayo, hindi ko na kayo kayang pasuwelduhin lahat. Bukas na bukas din ay kailangan n'yo nang umalis at maghanap ng bagong amo."

"Pero Ma'am, biglang-bigla naman ho 'ata?" si Tessa. Maluha-luha ang babae kagaya ng mga kasamahan nito. Ang mga driver ay hardinero nila ay yukong-yuko ang ulo, marahil ay nagtatago ng emosyon.

"Pasensya na kayo. Kagagaling lang ni Attorney Vasquez dito. Apparently, hindi na kami ang may-ari ng bahay. Ano mang oras mula ngayon ay baka paalisin na kami ng bagong may-ari. Kaya ngayon pa lang ay maghanap na kayo ng mapapasukan. 'Wag kayong mag-alala, hanggang katapusan pa rin naman ang ibibigay kong sahod n'yo."

Tumayo siya at nilapitan ang executive table ng Daddy niya. Mula sa isang drawer ay inilabas niya ang mga sobreng naglalaman ng huling sahod ng mga kasama nila sa bahay. Pagkatapos ay isa-isa niyang binigay ang mga 'yon.

Ilang sandali pa ay isa-isa nang nagpaalam ang mga ito. Lahat ay niyakap siya at nagpaabot ng pakikiramay. Ang ilan ay nangako ng tulong kung sakaling kailanganin niya 'yon. Pigil ang luhang pinasalamatan ni Jan ang mga ito sa paglilingkod sa pamilya nila.

Si Menchu naman ay parang walang balak umalis. Wala na ang mga kasama nito ay nasa pinto pa rin ang babae, hawak sa tapat ng dibdib ang sobreng inabot niya kanina.

"Menchu? May nakalimutan kang sabihin?"

"M-Ma'am, pwede ho bang isama n'yo na lang ako sa lilipatan n'yo?"

"Ha? Pero hindi na kita kayang pasuwelduhin," sabi niya.

"Okay lang, Ma'am. Makakain lang ako ng tatlong beses sa isang araw, okay na sa akin 'yon. Isa pa, hindi kayo masyadong sanay sa gawaing bahay. 'Pag nakalabas ng ospital si Madam, kakailanganin n'yo ng mag-aalaga sa kanya. Nag-aaral pa po kayo. Malaki ho ang maitutulong ko sa inyo," pangungumbinsi ni Menchu.

May punto ang babae. Pero unfair kay Menchu dahil hindi ito susuweldo. "Pero Menchu---"

"Ang totoo ho kasi wala na akong uuwian sa probinsya. Alam n'yo namang patay na si Tatay, madrasta ko na lang ang natitira at nag-asawa na rin ho si Tita Ana. Hikahos din sa buhay ang mga kapatid ko."

"Ayaw mo bang maghanap ng ibang amo? Kung gusto mo, tutulungan kita. May mga kaibigan akong mababait at siguradong hindi ka aapihin sa pamamahay nila."

Actually si Anne ang iniiisip niya. Restauranteur ang Mommy nito at may catering business, sisiw lang kay Menchu ang trabaho kung sakali. Mabait din sa mga tauhan si Mrs. Yulo.

Umiling si Menchu. "May utang na loob ako sa mga magulang n'yo, Ma'am. Noong pinalayas ako ng huli kong amo dahil nakabasag ako ng mamahaling plato sa party, kinuha nila ako. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko alam kung saan ako pupulutin lalo na at hindi ako marunong magbasa at magsulat noon."

"Pero sigurado kang ayos lang sa 'yo na walang suweldo?"

"Siguradong-sigurado, Ma'am. Pumayag na po kayo, please?"

For the first time since tragedy strucked her family, she smiled. "Sige. Thank you, Menchu."

"Thank you din, Ma'am."

Hindi na umuwi ng bahay ang ate niya nang sumunod na araw. Sinubukan niyang tawagan ang kapatid pero naka-off ang cellphone nito. She hoped her sister is okay kahit pa na nagalit ito sa kanya. After all, ang kapatid ay kapatid kahit baliktarin man niya ang mundo.

Dahil wala na silang kotse, mapipilitan na siyang mag-commute sa araw-araw. Dahil hindi sanay mag-commute, sinamahan siya ni Menchu. Tinuruan din siya ng babae kung anong dapat niyang sakyan, saan dumadaan at saan siya dapat bumaba.

Hindi siya marunong makipagbalyahan sa sakayan at nahihiya siyang makisiksik. Iyon ang unang natutunan niya sa babae.

"Parang buhay ang pag-co-commute. Kung kinakailangan mong makipag-agawan, sumiksik, at kapalan ang mukha laban sa mga kapwa pasaherong balyahan ang laro sa paghahabol sa sasakyan, gawin mo. Kung hindi, maiiwan ka."

Nang marating nila ang school niya ay maraming bilin si Menchu. Pakiramdam ni Jan ay para siyang nasa kindergarten at first day niya. Halata sa mukha ng babae na alalang-alala ito sa kanya. Tuloy parang siya pa ang bata sa kanilang dalawa.

"Uuwi muna ako. Mamaya susunduin kita baka hindi mo pa kabisado ang pabalik. Alas sais kamo ang uwian mo? Isang oras bago ka lumabas, nandito na 'ko," sabi ni Menchu nang makarating sila sa school niya.

"Mag-ta-taxi na lang ako, Menchu." Ayaw niyang amining nanliliit siya. Kung ikukumpara kay Menchu, wala siyang alam sa buhay.

"Naku, hindi pwede Miss Jan." Napapayag nga niyang 'wag na siya nitong tawaging Ma'am pero Miss Jan naman ang ipinalit. Hindi raw kasi ito sanay na Jan lang ang itawag sa kanya. Ayaw naman nito sa suggestion niyang ate.

"Baka kung saan ka dalhin ng driver. Kailangan mong matuto mag-commute. Gastos lang ang taxi. Kailangan mong magtipid. Magbabayad ka pa ng tuition mo, malaki din ang ibabawas noon sa savings mo."

"Titigil na lang siguro ako sa susunod na sem. Maghahanap muna ako ng trabaho," aniya.

"Ikaw ang bahala. Basta ang isipin mo muna ngayon si Madam at magpaka-masteral ka sa pagko-commute. Papayagan lang kitang mag-isa 'pag ekspert ka na."

Natawa si Jan. Kahit nagluluksa pa siya ay nagagawa niyang tumawa dahil kay Menchu. "Opo. Sige na, maraming salamat sa paghatid."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro