I
NAPAPIKIT si Jan nang sumayad sa dila niya ang lasa combination ng grilled scallops at prosciutto. Wala rin siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga kasabay niya sa buffet table. Puno kasi ang plato niya ng iba't ibang Hors d'Oeuvres.
Bilang Culinary Arts student, isang opportunity sa kanya 'yon para mapalawak ang kaalaman. Kung hindi lang kaibigan ng Mommy niya ang manugang ni Maximo Quintanar na
si Carmen, nungka na makakaapak sila doon. May pera naman sila pero iba ang level ng mga Quintanar.
"Jan, hanapin mo nga ang Ate mo. Kailangan na nating umuwi, inatake ng migraine ang Daddy n'yo," bulong sa kanya ng inang si Regina.
"Pero 'My, hindi pa ako kumakain," katwiran niya.
"Sa bahay ka na lang kumain. Sige na."
Wala siyang nagawa kundi ang bitawan ang plato. Nanunulis ang ngusong sinuyod niya ng tingin ang paligid, umaasang makikita agad ang kapatid na si Rebecca. Pero sa malas ay hindi niya makita ang kapatid.
She decided to venture out in the garden. Hindi siya nagkamali ng desisyon dahil sa pinto pa lang ay kitang-kita na niya ang pulang gown ng kapatid. Masayang nakikipagkuwentuhan ang Ate Rebecca niya kay Maxwell Quintanar, ang nag-iisang tagapagmana ng Quantum Industries. Mabilis siyang lumapit sa dalawa.
Kinalabit niya si Rebecca. "Ate, let's go."
"Maaga pa, Jan." Parang langaw lang siyang itinaboy nito.
"Ate..."
Inis na nilingon siya ni Rebecca. "Ang kulit mo naman, mamaya na."
"Sabi ni Mommy uuwi na tayo. Masakit ang ulo ni Daddy."
"Sabay nga daw tayong lahat uuwi," pilit ni Jan, pigil ang sariling bulyawan ang kapatid.
"Eh, di mauna kayong umuwi. Kaya kong umuwing mag-isa."
Narinig niyang natawa si Max. "Nine thirty pa lang. Kung si Cinderella nga midnight ang curfew eh. Isa pa, you're an adult."
Aba't ginatungan pa ng kapreng 'to? Inirapan niya ang binata. Pakialam ba niya kung party nila 'to? Hindi niya na-a-appreciate ang ginawa nitong panggagatongsa kapatid niya.
"Hindi ka si Cinderella. 'Pag sinabi ni Mommy na uuwi na tayo, uuwi tayo!" Hinatak na niya sa braso ang kapatid.
"Ano ba?!" Tinagkang bawiin ng ate niya ang braso pero mahigpit ang pagkakahawak ni Jan.
"Rebecca!"
Sabay silang napalingon, papalapit ang Mommy nila.
"Good evening, Tita," bati ni Maxwell.
"Max, iho. Pasensya ka na, kailangan na naming umuwi. Nagpaalam na ako sa Mommy at Lolo mo. Sumakit kasi bigla ang ulo ni Manuel." Nag-isang linya ang kilay ng ina nila nang mapatingin sa ate niya. "Tara na, Rebecca."
"But Mom!"
"Sinabing---"
"Mukhang ayaw pa ni Becca na umuwi Tita, ihahatid ko na lang ho siya bago maghating gabi."
Parang Christmas lights na kumislap ang mga mata ng ate niya. Jan fought the urge to roll her eyes. Nang mapatingin siya sa Mommy nila ay binitiwan niya ang braso ng kapatid. Kung ayaw nitong umuw, puwes siya uuwi na. Hindi na siya interesado sa mga pagkain sa party.
"Say yes, Mom, please?" pakiusap ng ate niya.
"Sige. Pero maiiwan dito si Jan. Sabay kayong uuwi."
"Mom! Sasabay na ako sa inyo ni Daddy." Kulang na lang ay magpapapadyak siya ng paa sa damuhan.
Pasimple siyang binulungan ng ina. "I need you here to keep an eye on your sister. Hindi ko siya mapipilit na sumamang umuwi."
"Mommy naman eh, ano'ng gagawin ko dito?" napalakas ang boses niya.
"You can go on sampling the dishes, 'yon naman ang ginagawa mo kanina 'di ba?" singit ni Rebecca. Kung nakamamamatay ang tingin, nangisay na ito sa klase ng
tinging ibinigay niya.
"There." Tinapik siya ng ina sa pisngi. "I know I can count on you."
Sumusukong napatango na lang siya. Pag-alis ng ina ay hinarap niya ang kapatid.
"Don't do anything stupid while we're here," aniya.
Tinaasan siya ng kilay ni Rebecca. "Duh! As if kaya kitang talunin sa ganyan."
"Duh! I don't get myself wasted like you do. Para kang inidoro kung lumaklak ng champagne," hindi mapigilang ganti niya.
Wala siyang pakialam kung may audience silang dalawa. Objective na nga siguro ng kapatid niya ang ipahiya siya. Ewan ba niya kung bakit lagi silang nagsasalpukan ni Rebecca. Kung tutuusin dapat close sila dahil sila lang ang naging anak ng mga magulang nila. Something must have gone wrong with them while growing up.
"Oo, ikaw na ang perpekto. Ikaw na lahat. Ikaw ang matalino, mabait, responsableng anak, etc." Rebecca flipped her hair. "Kaya pwede ba? Lumayas ka na nga. Magkita na
lang tayo 'pag ready na akong umuwi."
Bago pa siya mabaliw sa asar ay tinalikuran niya ang dalawa, dinig pa niya ang tawanan ng mga ito. Pakiramdam niya siya ang pinagtatawanan nila. She shook her head.
Hindi siya dapat magpaapekto sa opinyon ng mga tao, kahit kapatid pa niya 'yon.
Dinala siya ng mga paa sa lanai ng mansyon sa kabilang bahagi. Hindi matao doon dahil karamihan kumakain pa sa ballroom. May mangilan-ngilan lang siyang nakikitang naninigarilyo at nagkukuwentuhan. She wanted a spot where she can be completely alone.
Kumuha siya ng isang flute ng champagne sa nagdaang waiter. Nag-offer pa ito sa kanya ng maipapares at hindi naman niya tinanggihan. Eventually, may hawak na siyang
isang platito ng Hors d'Oeuvres. May nakita siyang swing malapit sa man-made pond sa paghahanap ng mauupuan. Sakto walang tao. Nangangalahati na ang laman ng flute niya nang gulatin si Jan ng isang boses. Sa gulat ay muntik na siyang mabulunan.
"Hi, I think you need some company," the guy slurred.
Hindi niya kilala ang lalaki. Magulo ang buhok nito at nakalas na rin ang bow ng tuxedo nitong kulay itim. She smiled awkwardly and tried to be polite.
"N-No. Okay lang ako, in fact I came here to be alone. Masyadong maingay sa loob, it gives me a headache."
"Tsk. Lahat naman kayo ganyan ang sinasabi." Pabagsak na naupo sa kabilang swing ang lalaki. Kung hindi niya naagapan ang tali ay baka sumemplang na ito dahil halos wala nang kontrol ang lalaki sa kilos.
"Hindi lahat ng babae, kabaliktaran ng sinasabi ang ibig sabihin. Kaya maiwan na kita, it seems ikaw ang mas kailangang mapag-isa."
Hindi nagawang makaalis ni Jan dahil nahuli ng lalaki ang braso niya. "Hey, don't be rude. Hindi pa tayo tapos mag-usap." Just then, a song resonated from the ballroom. "How 'bout a dance?"
Naalarma na siya. Kahit anong gawin niyang piglas ay hindi siya makawala. Kahit lasing ay malakas pa rin ang lalaki. She tried looking around baka sakaling may pakalat-kalat na server pero sa malas ay wala siyang makita. Wala na rin ang mga taong kanina lang ay naninirilyo at nag-uusap sa lanai.
"P-Please, let me go."
"Sayaw muna tayo," pilit ng lasing. She gasped when her champagne spilled on her dress. Buti na lang itim ang kulay ng suot niya, hindi masyadong halata.
"The lady doesn't want to dance, Sigfrid. Let her go," a menacing voice came from the dark. Ilang sandali pa ay iniluwa ng kadiliman si Maxwell.
"Max, my boy!" Agad na binitiwan ni Sigfrid ang braso ni Jan. Lumapit ang lalaki kay Maxwell pero bigla itong natisod. Kung hindi naaagapan ni Maxwell ay kumain na ito ng mga damo.
Hmp! Buti nga sa 'yo.
"Marami ka nang nainom, ipahahatid na kita sa driver," sabi ni Maxwell, nakatutok ang mga mata kay Jan. Noon naman may dumating na isa pang lalaki. Kilala ito ni Jan, si Mr. Noel na butler ng mga Quintanar.
"Sir Max, hinaha---"
"Noel, pakihatid nga si Sigfrid sa sasakyan niya. He's had too much to drink."
"Yes, sir."
Pagkaalis ng dalawa ay nakahinga ng maluwag ang dalaga. Salamat na lang at dumating si Max. Paano na lang kung hindi? She shivered involutarily at the thought.
"Sala---"
"Sa susunod, 'wag kang basta mag-iimbita ng lalaking hindi mo lubos na kilala sa dilim. Hindi mo naman kayang i-handle," tuloy-tuloy na parungit ng binata.
"Hindi ko---"
"Yeah right. Ganyan naman kayong mga babae, you're all tease. Pero 'pag kumagat na ang lalaki sa laro n'yo, saka kayo magba-back out," he bit out.
Bago pa siya ulit makasagot ay mabilis na siyang tinalikuran ni Maxwell. Naiwan siyang nakanganga sa pagkabigla.
What was that?
Hindi niya alam kung ano ang nagtulak kay Maxwell para sabihin 'yon. How she wished she knew what's going on in that man's mind. Asar talo siya, nag-walk out kasi ang binata. Hindi man lang siya nakaganti.
Nagkukukot ang kaloobang naghanap siya ng banyo para magawan ng paraan ang damit niyang natapunan ng champagne. Ramdam ni Jan ang panlalagkit sa bandang dibdib. Hindi naman siya nahirapang maghanap dahil tinulungan siya ng isang katulong sa mansyon. Medyo guminhawa ang pakiramdam niya nang matapos.
Pabalik na siya sa ballroom nang madaanan ang isang kuwartong medyo nakaawang ang pinto. Lalagpas na sana si Jan pero nahagip ng tingin niya ang isang painting na nakasabit sa dingding sa loob. May nakatutok na spotlight kasi sa painting kaya natawag ang pansin niya. Her curiousity made her push the door open.
The painting was a picture of a woman bearing the weight of a big heart on her shoulders. Parang parody ng Titan na si Atlas kung saan pasan niya ang daigdig. Pero imbes na paghihirap ang nababakas sa mukha ng babae, nakangiti pa ito.
"Nabibigatan na nga nakangiti pa," wala sa sariling usal niya.
"It is called enduring love."
Nagulat si Jan kaya napalingon siya. Hindi niya napansin si Maximo Quintanar na nakaupo sa malaking wing back chair at nananabako. Nasa pinakasulok ng kuwarto nakapuwesto ang matanda, halos kadikit lang ng bintana.
"M-Mr. Quintanar. Pasensya na ho, I didn't mean to intrude."
Tumayo ang matanda. Maximo Quintanar doesn't look like seventy five.
"No, it's alright. Bakit wala ka sa party?"
Hindi sinasadyang napasimangot si Jan. "The only thing I'm interested in your party is the food, no offense meant. But they're shooting me looks as if I murdered my first born child when I tried sampling everything on the buffet table."
Sa pagkamangha ni Jan ay humalakhak ang matanda. "If my Lucila is still alive, magkakasundo kayo. I could almost imagine the conversations you could have."
"Mahilig din po siya sa pagkain?"
"More like she doesn't give a hoot kung ano man ang isipin sa kanya ng ibang tao. Ang importante sa kanya, masaya siya at wala siyang tinatapakan."
Bumalik ang tingin ni Jan sa painting. "Favorite po ba n'ya 'to?"
Tumango si Maximo. "Among the many she painted."
"Ang galing naman ng asawa n'yo. Pero bakit Enduring Love ang title?"
"Well, ginawa niya ito noong nag-uumpisa pa lang kaming bumuo ng pamilya. I was a fool then, I always make her cry. But because she loves me, endured everything with a smile."
"Pero kilala kayo bilang huwarang mag-asawa. Na-feature pa nga kayo sa magazine dati. Hindi ko lang matandaan ang content, bata pa po kasi ako noon."
"That's because nang mahimasmasan ako sa kagaguhan ko noon, ipinangako ko sa sarili ko na babawi ako sa kanya nang sampung beses," paliwanang ng matanda. Bakas pa rin ang pagmamahal nito sa asawa sa paraan ng pagkakatitg nito sa painting.
"I guess ang ganyang klase ng pagmamahalan ay masyado nang rare sa panahon ngayon."
Nilingon siya ni Maximo. "Ikaw, iha. Nagmahal ka na ba?"
"Wala pa akong panahon para d'yan. Marami pa po akong kailangang unahin."
"Love waits for no one. You don't chose love because it chooses you. May sa magnanakaw ang pag-ibig, dumarating kung kailan hindi mo inaasahan."
Umingos siya. "Bahala ho siya, basta 'wag siyang darating sa akin agad-agad. Hindi ko siya maaasikaso."
Muling natawa si Maximo. "You're Regina's daughter, right?"
"Opo."
"Katulad ka rin ng Mommy mo. Kaya nga gustong-gusto dati ni Lucia na nandirito si Regina sa bahay, nang matuto naman si Julio ng mga bagay-bagay sa buhay. Masyado kasing spoiled sa mga Lolo't Lola ang anak naming 'yon palibhasa nag-iisa."
"Akala ko si Madam Carmen ang kaibigan ni Mommy."
"Naging magkaibigan sila nang maging kasintahan ni Julio si Carmen. Noong una nga pinagselosan pa ni Carmen si Regina. Minsan nga naisip ko, paano kaya kung nagkagustuhan si Regina at Julio noon?" sabi ni Maximo.
"Wala ho kami ngayon."
"Kung sabagay."
"Siguro na-spoil n'yo rin nang sobra si Maxwell kaya may pagka-asshole." Huli na para pigilan niya ang sariling bibig. Pati siya ay nagulat sa nasabi. Napatakip si Jan sa bibig at mulagat ang mga matang ilang beses na umiling.
The old man sighed. "Kasalanan namin ng Mommy niya. Maaga kasing nabiyuda si Carmen kaya medyo nasobrahan ang pag-do-dote namin kay Max. Ako ang tumayong ama kay Maxwell nang mamatay ang anak kong si Julio."
"S-Sorry po, hindi ko sinasadya. K-Kasi naman 'yang apo n'yo---"
"Hindi mo kailangang magpaliwanag, iha. Hindi kita masisisi. Max can be too much sometimes. But he's not that bad. Hindi ko sinasabi ito dahil apo ko siya kundi alam kong he can be better with the right person."
*****
HINDI namalayan ni Jan ang paglipas ng oras. Kung hindi pa tumunog ang lumang grandfather clock sa kuwarto ay hindi niya mapapansing hating gabi na pala.
"Naku, si Ate Rebecca! bulalas niya saka tumayo. "Maiwan ko na po kayo, kailangan ko nang hanapin ang Ate ko para iuwi. Baka nawili na sa kakainom 'yon at lasing na."
Tumayo na rin si Maximo at iginiya siya sa pinto. "Parang ikaw pa ang ate ah."
"Namali ho yata ang birth order namin," natatawang komento ni Jan.
"I enjoyed chatting with you, iha."
"Nag-enjoy din po ako. Maraming salamat po."
Pagbalik ni Jan sa party ay tama ang naging hinala niya; lasing na ang kapatid na ngayon ay napapaligiran ng apat na lalaki. Wala sa mga ito si Maxwell. May isang lalaking sobrang lapit kay Rebecca, pahawak-hawak ito sa baywang ng kapatid niya. Kinutuban siya nang hindi maganda kaya mabilis siyang lumapit sa umpukan ng mga ito.
"Excuse me!" Nilakasan pa niya ang boses para marinig siya dahil maingay sa ballroom. Sabay na napalingon sa kanya ang mga lalaki. Pagkakita sa kanya ng kapatid ay lumapad ang ngiti nito.
"Oh, hi Jan! I'm wondering where you disappeared to. Wala akong kasama, these gentlemen were nice enough to keep me company." Namumungay na ang mga mata ni Rebecca.
"Where's Max?" tanong niya sabay hawak sa braso ng kapatid.
"I don't know. Hey, wait. I don't want to go home yet," angal ni Rebecca.
"Uuwi na tayo whether you like it or not!"
"I dont wanna," parang batang napalabi si Rebecca pero wala itong nagawa nang hatakin niya.
"You heard her, ayaw pa niyang umuwi. Ako na ang maghahatid sa kanya, umuwi ka na," singit ng isang lalaking matangkad.
Umarya ang inis niya. Sino ba 'tong mukhang cross breed ng kabayo't taong nangingialam? She didn't like the way he looks at her sister, mukha itong salbahe. Oo, siya na ang judgmental pero hindi niya puwedeng pabayaan ang kapatid niya.
"And who are you to tell me what to do? She's my sister, I am responsible for her so back off!" may diin ang pagkakasabi niya.
"She's an adult, hindi mo siya pwedeng diktahan," hirit pa nito.
"Oh yeah? Kung gusto mong maka-score, maghanap ka ng iba. 'Wag 'tong kapatid kong wala sa sariling katinuan! You're taking advantage of a drunk woman, you beast!" Tuloy-tuloy na ratsada niya.
Hindi napansin ni Jan na tumigil na ang tugtog kaya dinig na dinig sa ballroom ang mga pinagsasabi niya. Namumula sa pagkapahiya ang lalaki, ang tatlong kasama nito ay medyo dumistansya sa kanila.
"What's happening here?" boses ni Maxwell.
"M-Max," sambit ni Jan.
"She's accusing me of taking advantage of her sister," sumbong naman ng lalaki.
"O bakit, hindi ba? Bakit mo ako pipigilang iuwi ang kapatid ko? Ang sabihin mo, napurnada ang maitim mong balak kaya ganoon!"
"Aba't---"
"Stop it. Rebecca is off limits to you, Mike," bumaling si Maxwell sa dalaga, "a car is waiting for you at the front door."
"Thanks."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro