Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue


Epilogue

They say that unrequited love hurts the most. Not being loved back can pierce your heart with a thousand needles. It is the worst kind of love for others. Why would you fall if no one will catch you?

Pero mas masakit ang hindi magmahal. Mas masakit ang hindi masabing mahal mo ang isang tao. Mas masakit ang hindi maparamdam na minahal mo siya sa buhay na mayroon ka ngayon.

"Giniba na ang estatwa ah?"

A local woman blurted out while spreading bagoong on the mangoes she was selling. Napalingon naman ako rito upang makinig sa sinasabi n'ya.

"Malas daw kasi, parang imbis na marami ang magkatuluyan dahil sa kan'ya, mas marami pa pala ang nagb-break!"

"Kawawa naman, ang ganda pa naman ng pagkakatayo n'ya sa gitna ng dagat."

"Mas maganda na rin 'yon, may mga turista rin kasi na natatakot dahil sa laki ng estatwa. Saka, hindi na rin bumebenta ang kwento n'on sa mga kabataan. . ."

Because who would love a story about not being loved back? Tama naman siya. We are accustomed to like stories with people being with their other half.  Ang depinisyon natin ng happy ending ay kapag nagkatuluyan ang dalawang bida.

I sipped on my soft drink. Hinihintay ko ang isang pamilyar na lalaki na lumapit sa akin.

"Sorry, I was late." Ragh apologized upon reaching my spot. "W-wala pa rin akong balita sa kan'ya."

Napabuntonghininga naman ako. That's alright, he really disappeared without a trace. Kahit si Seraphina ay hindi ko na nakikita. Wala ni isang sulat na iniwan si Merculio para sa akin. My heart burned because I can still feel his warmth despite the breeze of the air from the nearby sea.

"I didn't know Merculio liked you. . ." aniya.

"Magpaparaya ka ba kung sakali?" tanong ko kay Ragh ngunit hindi na n'ya ito sinagot.

I was honest with him. The only thing that I could offer is friendship and nothing more. Tinanggap naman n'ya ito. I also heard from him that he's not talking to Amanda anymore. He was probably punishing himself for the apparent betrayal. Ang sabi ko naman sa kan'ya, I couldn't care less if he will pursue her.

"No'ng ma-discharge ka sa hospital, umalis na rin si Merculio sa Crystal Hotel. I tried to contact his parents but they wouldn't tell me his whereabouts. Kahit daw kasi sila ay hindi nila alam kung nasaan ito. He just went home for his stuff and disappeared. . ."

My eyes went misty. "It was probably because of me."

"Babalik din 'yon. . ."

"K-kailan?" sinisinok kong tanong. "I can wait for him. . . I will wait for him."

Alam ko na bawal ko siya mahalin pero kung hindi lang din naman si Merculio, hindi na lang din ako iibig. I want him to know that he already has my heart. I want him to at least know I feel the same way for him.

Napapikit naman ako nang mariin. Alam ko naman na maaaring mawala si Merculio dahil sa mga desisyon ko. Hindi ko naman alam kung paano hahagilapin si Seraphina upang itanong kung may paraan ba para matanggal ang nakapatong na bigat kay Merculio.

Because seeing the one you love loving someone else is torture. Ayoko na umabot sa gano'n si Merculio.

I can't stand the idea of him being pained because of my decisions. Not anymore. Hindi ko na siya hahayaan masaktan nang dahil sa akin.

It is true that I regret not seeing him in a romantic way before. Palagi ko kasing pinipilit sa sarili ko ang ugnayan namin noon ni Ragh. I thought that Merculio was only a bystander. Hindi ko naman inakala na hahantong kami sa ganito.

"Palagi kang bumabalik dito, 'no? Para lang sa kan'ya?"

Tumango naman ako. That's right, tuwing bakasyon o di kaya'y wala akong trabaho ay nandito ako sa kanila. Kapag nga nakaluwag na ako o di kaya may nahanap na online job ay baka sa malapit na ako tumira. P'wede rin naman na rito na ako magtrabaho pero sa ngayon ay wala pang bakanteng posisyon para sa akin, kailangan ko pang maghintay.

Sumimsim muli ako sa aking inumin. Pinanood ko kung paano yumuko si Ragh, he's probably living in guilt. Kaya siguro hindi naging masaya ang pamumuhay n'ya noon dahil sa sinisisi n'ya ang sarili n'ya sa pagkawala ko.

I smiled at him. "Please don't let me be the reason why you won't pursue Amanda. Tanggap ko naman na, Ragh. Please don't be guilty. . ."

"Cerenia. . ." Ragh shook his head. "Wala na kami ni Amanda. What we had were probably only fragments of the past."

I also realized that. Pareho lang naman kami ni Ragh kung tutuusin. Ang pinapanghawakan ko noon ay ang mga nakaraan na lang. I was too focus on the past that I wasn't able to anticipate the future.

"Uuwi na ako, Ragh. Mag-usap na lang tayo sa susunod." Unti-unti na akong tumayo at kinuha ang bag ko.

"Sandali, Cerenia. . ." Ragh also rose. "A-ayaw mo ba muna kumain? Mag-ikot kasama ako? Aalis ka na agad?"

Ngumiti lang ako. "Si Merculio lang ang pinunta ko rito, Ragh. Pasensya ka na."

It was better to honestly reject someone than feed them with false hopes. Hindi ko hahayaan na maramdaman ni Ragh ang pinadama n'ya sa akin noon. I would rather hurt him now than regret not doing it sooner, I don't want to prolong his pain.

Bago pa tuluyang lumubog ang araw ay nakarating na ako sa inuupahan kong maliit na bahay. Ilang linggo lang naman ako rito dahil dito ako magbabakasyon. It was near the sea, nalingon ako sa takipsilim at pinagmasdan ito. The wind blew my hair and it made me feel the freedom from the pain that I used to feel.

I was about to open the door of the house when I saw a letter in the mailbox. Inaalikabot na nga ang lalagyan kaya nagtataka ako kung sino ang p'wedeng maglagay ng sulat dito. As far as I know, malayo pa ang due date sa tubig at kuryente para sa bahay na ito.

I inwardly pulled my lips upon seeing the letter. It was written with a sign pen. Walang lukot at halatang kasusulat pa lamang. Nagtatahip-tahip ang dibdib ko sa kaba dahil hindi ko alam kung kanino ito galing.

I opened the letter and my eyes immediately watered, it produced the biggest tears in my whole life.

Alam na alam n'ya ang mga salitang nagpapagitaw ng mga luha sa aking mga mata. The exact words to make me feel numb. Napapikit ako at tinupi ang sulat.

Ayoko.

Hindi ko babasahin ito.

Umiling-iling ako.

Yet his words played in my mind like a recorded tape. My heart constricted as the tears finally stopped. Pinalis ko ito at lalong pinatatag ang sarili ko.

Huwag mo na ako hanapin, Cerenia.

I would still look for you, Merculio. If I can't find you. . .I will still love you for my next lifetimes.

𖠵 𖠳 fin𖠵 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro