Chapter 9
Chapter 9
It was a vivid memory that lasted for a hundred years. The torture of being not loved back has looped me into an endless trail of setbacks and constantly trying to tore apart what's real and what's not.
"Cerenia," Coleen nudged me during the discussion. Agad akong napalingon sa kan'ya.
"Tulala ka na naman," she said.
We're in the middle of the class. Pinagu-usapan namin ang mga lugar kung saan kami magkakaroon ng OJT dahil malapit na ang huling taon namin sa kolehiyo. Naglilista na sila ng mga kilalang dalampasigan sa Pilipinas habang ako naman ay naalala ang nangyari noon nang mabanggit nila ang dagat.
"Ah, sorry." I chuckled lightly. "May iniisip lang ako. Ano raw ba ang desisyon? May nagsabi na ba kay Ma'am ng mga suggestions?"
Coleen sighed. "Wala pa nga e. Sana lang talaga hindi tayo sa masyadong malayo o sa mga hindi malilinis na beach. Ewan ko ba, hindi naman ako mahilig sa isda pero nasa Marine Biology ako."
Napangiti naman ako. I took Marine Biology too, not because I was interested in the sea. I just felt close to it. There's a hidden affinity between the sea and me. When I was young, I just thought the sea was calling for my presence. Ang simoy ng maalat na hangin mula sa tubig nito ay tila ba dumidikit ang amoy sa aking ilong. The touch of the waves in my skin were nice and how I didn't even like eating sea foods even if my adoptive parents were fishers. May allergy ako rito, and it's even severe that sometimes I can't breathe.
"Bye, Cerenia!" Coleen bid when the alarm went off, hudyat na tapos na ang klase. "Ingat ka mamaya!"
Tumango naman ako sa kan'ya at inayos na ang gamit ko. I flinched when I saw the sky turning into a lighter color of blue from the window. Hindi ko alam kung bakit para bang may nagmamasid sa akin mula rito. I don't know if the daughters of the wind still watches over me. Hindi ko naman na sila nakikita.
I sighed and decided to dismiss the thought. Minabuti ko na lamang umuwi upang makapaghanda na ng pagkain ko para sa hapunan.
Once I got into my dorm, I cooked noodles and plopped on the sofa to watch a replay of my favorite tv series. I was slurping the noodles when Coleen texted me. Agad ko naman itong binasa.
Coleen:
Batangas daw! Malapit sa Crystal Hotel.
Cerenia:
0k
Coleen:
Pati ba naman sa text, ang tipid mo pa rin? Haha! Saka ano ba??? Ang baduy ng ok mo!
Cerenia:
Cge.
Hindi na n'ya ako nireplayan. I shrugged off and continued eating my noodles. Nasanay kasi ako na ganito kami mag-text ng mga magulang ko kaya naman hindi ko na binago pa. It's not like I like texting too. Si Coleen nga lang ang nasa contacts ko na hindi ko kamag-anak.
Hinilig ko ang aking ulo sa sofa. My head was spinning because of the constant questions that runs in my mind. Pinagtataka ko kung bakit nakakaalala pa rin ako. I was supposed to reset things, to forget it all, to make sure that I'll be able to live to the fullest.
How can I do that if I'm still anchored in my past?
Naghilamos ako bago matulog. I tried to drown my thoughts out. Kinabukasan ay dinalaw ako ni Coleen upang sabihin sa akin ang plano n'ya.
"Sa bakasyon mag-stay na tayo roon para kapag nag-OJT na tayo ay hindi na tayo mahihirapan pa." Coleen suggested, laying out a flyer on the table.
"May nga bakante pang maliliit na pabahay riyan! Let's stay for two months, para ma-familiarized tayo?"
Hindi ako nakasagot agad. It's not like that I don't want to. I just don't see the relevant to go there if we're not even sure about the place. Hindi rin naman ako kinakabahan sa OJT namin.
"Sige na, Cerenia? Ayaw mo ba 'yon? Malapit ka sa may dagat? Ikaw nga itong mahilig dito e."
"P'wede naman," I agreed. "I just don't think it's necessary."
"Bakasyon mo na rin 'yon, Cerenia. Saka, nasa dorm ka lang naman 'di ba? Wala ka rin namang trabaho rito na di mo p'wedeng iwan, sumama ka na lang."
I contemplated if I should listen to her. Tama naman siya na wala naman akong importanteng gagawin dito sa Maynila. I should at least let myself unwind even for a bit. Coleen was adventurous, malamang wala lang sa kan'ya ang dalawang buwan na pananatili roon. And if I'm not wrong, one of the major factors why she's in this course is because it's freeing. Masaya ang mag-aral tungkol sa kalikasan, lalo na sa tubig.
I sighed and gradually nodded. Napatili naman siya sa naging reaksyon ko. Sa sobrang tuwa n'ya ay tinulungan n'ya akong mag-ayos ng mga gamit ko na dadalhin para sa trip namin.
Batangas wasn't that far, kayang-kaya ng roadtrip. Fortunately, Coleen has her own car and she was willing to shoulder the fee. Mas na-enganyo ako dahil wala akong gagastusin sa pamasahe.
It was almost four hours before we arrived at our destination, hindi kasi nakadaan si Coleen sa tollway kaya naman mas naging mabagal ang usad ng traffic para sa amin. She sighed as she closed the door of her car. Sumunod akong lumabas sa kan'ya.
Nilanghap namin ang simoy ng hangin. The wind has saltiness in its scent. Humahalo ang amoy ng dagat aa paligid. Napalingon ako nang tangayin ng hangin ang iilang hibla ng aking buhok.
The decision was hasty but it was worth it upon seeing the gleaming sea against the blazing sun. I flinched upon seeing a familiar rock formation in the sides. Napalunok ako dahil biglaang bumalik sa akin ang una kong lapag sa lupa.
This wasn't the exact place but the environment reminds me of what lies in the past. Memories act like ghosts, despite being dead and buried, it can still haunt you.
And I hope I didn't remember. I would want to forget. Yet, here we are, I can vividly recall things like it happened yesterday.
"Maliit na parang apartment lang ang uupahan natin," Coleen said. Buhat-buhat namin ang mga maleta namin patungo roon. "P'wede na rin dahil halos five thousand a month lang, hati na lang tayo."
Ah, I nodded. Kaya siguro n'ya ako niyaya upang may kahati rin sa bayarin. I don't mind, I was never a city girl. Subalit nang bumalik paunti-unti ang mga alaala ko sa dagat, I wanted to live in the city in hopes that my thoughts can be diverted by the bustling nights in the urban.
Coleen opened the door of the small apartment. Isang palapag lamang ito at kung tutuusin ay tila ba isang kwarto lang ito. The spaces were all minimized, maliit lahat ngunit kumpleto naman. May espasyo para sa kwarto, kusina, sala at banyo. It was not bad for five thousand pesos.
"Magpapahinga na muna ako, ha?" paalam ni Coleen.
Tumango ako at pinanood siyang kumuha ng kumot mula sa tumpok ng mga gamit na dala-dala namin. She also had a portable fan, mukhang handa talaga siyang lumipat.
"Sige lang, maghahanap muna ako ng mga karinderya para sa pagkain natin." I answered back. "Kapag wala, titingnan ko kung ma-pi-pinned ba 'yong location natin dito sa Grab."
Kinuha ko ang wallet ko at lumabas na upang tumingin sa mga malalapit na bahay kubo. May mga galing sa pagpalaot kaya naman medyo natigilan ako dahil sa mga isdang dala nila. Bahagya akong napalunok dahil baka wala silang binibentang hindi galing sa dagat. Sana naman may ibang putahe sa mga makikita kong karinderya.
May sumitsit sa akin, mula ito sa isa sa mga barkong kararating pa lamang.
"Miss, bago ka lang ba dito?" tanong ng isa sa mga mangingisda. "Baka gusto mo ng tilapia? Masarap ito sa umaga! Mayroon din kaming bangus! Ipiprito mo lang at lalagyan ng asin ay masarap na!"
I shook at their enthusiastic marketing. "Allergic po ako, salamat na lang po."
Agad naman itong tumango at nagawa pa ring ngumiti. "Sayang naman, hija. O siya, mauuna na ako! Kung balak mo pala lumangoy, doon ka sa malapit sa hotel dahil mas malinis ang tubig doon."
"May alam po ba kayong karinderya?"
Binaba n'ya ang hawak n'yang mga balde at may tinurong direksyon. "Kaliwa ka lang sa dulo ng mga bahay kubo, may mga karinderya at tindahan doon. Malapit din iyon sa sikat na hotel dito kung gusto mo kumain doon."
I smiled. "Salamat po."
I was in a tight budget. Biglaan din kasi ito at nahihiya ako humingi kay nanay at tatay para rito. Mabuti na lang dahil may ipon ako galing sa mga part timer na trabaho ko sa Maynila.
May namataan akong karinderya na kitang-kita ko ang presyo. May pakbet, bistek, at halos puro mga isda na ang natirang putahe. Agad ko itong pinuntahan.
"Pa-order po," saad ko at tinuro ang pakbet. "Isa po nito at 'yong bistek po."
Agad namang napailing ang tindera. "Ay hala, nakuha na 'yan e. Ni-reserba na para sa iba."
"Wala na po bang iba? Bukod po sa mga ano. . ." I trailed off. Ayoko naman maka-offend. Wala namang mali sa isda, nagkataon lang na allergic ako rito at hindi ko nga nakikita ang sarili ko na kumakain nito.
"Ayaw mo ba sa isda?"
"Allergic po kasi ako," sagot ko. Agad naman itong naintindihan ng nagtitinda.
"Paborito pa naman ito ni—"
"Tiya! Okay na ba? Kakain na kami ni Merculio!" Halakhak ng nasa likod ko.
The blood on my face slowly drains. That voice. That name. Hindi ko alam bakit nagwawala ang puso ko. Kabado akong lumingon.
My eyes met his, the familiar chaos laying in those pairs of eyes made my heart shattered.
"Ragh, kakain ka na ba?" tanong ng tindera. "May sitwasyon kasi tayo rito."
"Ah? Bakit po?" Ragh asked. I was petrified in my position. I can't even lift a finger.
"Hindi kasi siya kumakain ng isda, kaso 'yong order mo na lang ang mayroon ako na walang isda e. . ."
"Oh," dumaplis ang tingin sa akin ni Ragh. "She can have mine. Sa kan'ya na lang po ang pagkain ko. Bibili na lang po kami ni Merculio sa 7/11 na malapit."
"No," I said. "Ako na lang 'yong bibili sa 7/11."
Ragh shook his head. "Hindi, okay lang talaga —"
"Okay na nga 'di ba? Sa 'yo na 'yang bistek at pakbet mo." I scowled which rendered him speechless. Agad naman akong nanigas at minabuti na lang na umalis na.
"Sandali!"
Same words. Same person. Different feelings. I won't fall for the same trick twice. Tao na ako, nasa lupa na ako. Hindi ko na kailangan si Ragh o ng pagmamahal ng iba.
Bukod sa nakakaalala ako, bakit sa panahon pa na ito nabuhay sila ulit? At bakit pare-pareho pa kami ng pangalan? Pinaparusahan ba talaga ako? Para sa kasalanang matagal ko na pinagsisisihan?
𖠵 キ 𖠳
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro