Chapter 6
Chapter 6
"Sirena," Ragh whispered in my ear. Sa mahinang tugtog ay sinasayaw n'ya ako. Ito ang huling araw na magkasama kami. He will eventually have to go towards the other kingdom for his duties as the prince of the Mainlands.
"Mas gusto pa kitang makasama ngayong gabi," malungkot n'yang saad n'ya. "Ilang araw rin ang itatagal ko sa kabilang kaharian."
I can't come with him. Gustuhin ko man ay hindi ko matatagalan ang maglakad mag-isa. I know that he has to do things in that place, ayoko maging pabigat.
"Hihintayin kita, Ragh." Nilabi ko sa kan'ya at agad siyang ngumiti. Alam ko naman na hindi n'ya narinig ang sinabi ko.
That night, Ragh wanted me to sleep on his bedroom. Natulog siya sa may upuan at ako naman sa kama n'ya. Subalit nang sumapit ang gabi ay minabuti kong tumabi sa kan'ya. I wanted to feel his warmth in the cold night. Niyakap ko siya sa gabing walang kasiguraduhan kung ano ang hatid ng umaga.
"Magi-ingat ka habang wala ako ha? Nandiyan si Merculio kaya naman naniniwala akong hindi ka n'ya pababayaan," nilagyan n'ya ako ng isang patak ng halik sa aking noo. My heart was beating for him in a rapid pace. Pakiramdam ko ay nilangoy ko ang magkabilang karagatan.
I tightly held on to his promise, only to realize it was already broken from the start.
Akala ko noon lahat ng mga sakripisyo ay natutugunan ng malaking pabuya. It never occurred to me that some sacrifices were already considered failures from the start. Kaya pala maraming tao ang takot sumugal dahil hindi naman palaging may balik. Hindi lahat ng sakripisyo ay para sa ikabubuti ng iyong sarili.
You sometimes bet everything and you'll be left with empty hands—yet you will be rewarded with a broken heart. That's a possibility. Subalit papakasalan ako ni Ragh.
Pero mahal n'ya ba ako?
Does he adore me as much as I adore him? Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pangungulila.
"Umalis si Ragh?" tanong ni Merculio sa mga katiwala na naiwan para samahan ako. A servant was brushing my hair. Tinatrato nila akong espesyal dahil kaibigan ako ni Ragh sa kanilang mga mata.
Hindi pa tuluyang nasasabi ni Ragh sa kan'yang magulang ang tungkol sa balak n'yang ako na lamang ang pakasalan at kahit naman ako ay hindi pa handa harapin ang mga magulang n'ya. They obviously didn't see me as a prospect for a bride. I was mute and I had nothing to offer.
Gumagapang ang kaba sa aking dibdib. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili ngunit patuloy pa rin ang pagkabog ng puso ko sa sobrang kaba.
I was nervous and afraid that his family won't like me. Bagama't prinsesa ako sa karagatan, hindi naman ako kilala rito sa lupa. I'm just a girl who was found naked in their land. Hindi pa nakatulong na wala akong kakayahan magsalita.
Tumango ang mga katiwala. Nalaglag ang puso ko dahil alam ko naman na matagal ang magiging paglalakbay n'ya dahil naghahanda rin siya para sa piyesta. Pinagdaop ko ang aking mga palad sa sobrang nerbyos.
Napalingon sa akin si Merculio. Ginulo n'ya ang aking buhok marahil napansin n'ya ang aking ekspresyon. "May pinuntahan lang, babalik din 'yon." He smiled, assuring me. Wala naman akong nagawa kundi kumapit sa kan'yang mga salita.
Ragh assured me that he will marry me. . .
I will become a human and I will stay beside him as long as I live. I willingly gave up almost three hundred years just for a finite but well-lived life with him. It will be worth it. It had to be.
Ilang araw ang lumipas, napanis na ang mga tinapay na hindi ko magawang makain dahil wala akong gana. Lumalabas na lamang ako upang maaliw. Mahirap man ang maglakad, mas mahirap ang mangulila dahil wala si Ragh sa palasyo. Pinapanood lang ako ng mga katiwala, Merculio would often check on me but he also have duties to fulfill.
Pinagdadampot ko ang mga sira-sirang shell na inaanod patungo sa dalampasigan. I would collect lost seashells in the shore just to look further in the waters. It was lovely to see that the sea would meet the land even once in a while.
Malapit naman na ang piyesta, malapit na umuwi si Ragh. Uuwi na siya sa akin. My heart thudded because of him. Napangiti naman ako dahil alam kong kaunting tiis na lamang.
I often loop myself in a daydream where Ragh exists. Iniisip ko na habang pauwi siya ay yayakapin n'ya ako o kaya'y kakargahin dahil nananabik din siya sa akin. I sounded too hopeful but I wanted it to be real too.
"Bumalik na ang Prinsipe!" maligayang anunsyo ng isa sa mga katiwala.
I stiffened. Tumatalbog ang puso ko nang marinig iyon. I could also hear the trumpets announcing the safe arrival of the ships.
Nanghihina akong lumabas ng aking kwarto. Every step I took, the bones of my feet were being twisted. The sharp invisible blades writhe my tendons.
"Sirena!" Merculio yelled as he saw me falling down, my own body failing to cope with the pain. Tinulungan n'ya akong makatayo.
I smiled at him.
"Gusto mo ba muna magpahinga?" tanong n'ya sa akin.
Umiling ako at tinuro ang hagdanan papunta sa unang palapag. When Ragh wasn't around, I practiced more and more to get used to walking. Tiniis ko ang bawat sakit dahil gusto kong maging tulad n'ya. I wanted to become a human. I wanted to spend more time with him.
Merculio's eyes softened. He gently held my hand as he guided me towards the main hall. Rinig na rinig ko ang tilian nila kung kaya't mas natuwa ako.
Sa bawat tapak ko sa malabubog na sahig ay mas lalo akong natutuwa dahil palapit na ako nang palapit sa kan'ya. Abot kamay ko na siyang muli. Nakita ko ang bulto ni Ragh kung kaya't lalong pumasok sa aking dibdib ang antisipasyon.
Natigilan lang ako nang may makita ako'ng babae sa harap n'ya. Mamula-mula ang balat, nagniningning na asul na mga mata, at ang buhok n'yang halos kapareho sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay biglaan akong nilunod sa pinakailalim na parte ng karagatan. Napupuno ng tubig ang aking katawan at unti-unti na ako'ng sasabog. I held my breath.
"Sirena," tawag ni Ragh sa akin na may ngiti sa kan'yang labi. "Gusto kong makilala mo ang nagligtas sa akin. Ang taong nais kong pakasalan. Ang taong mahalaga para sa akin."
The girl shyly waved her hand to dismiss the compliments. "Ragh. . ."
Napalunok ako. Siya 'yong babaeng nakakita kay Ragh noong dinala ko ito sa pangpang. Siya 'yong babaeng sumagip sa kan'ya sa lupa. Subalit ako ang nagligtas sa kan'ya sa karagatan. Parang pinipisil ang aking lalamunan dahil sa pagpipigil ko ng nararamdaman.
"Hindi mo na kailangan magsakripisyo, Sirena." maligayang sabi ni Ragh. "Nandito na ang tunay kong mahal. Malaya ka na."
Ayokong lumaya. I wanted to say that to him. Gusto ko umiyak ngunit wala ako'ng mga luha. During that moment, I wanted to curse the gods for not giving me the ability to cry. To anguish. To make me feel the pain and show it.
Subalit wala.
Ngumiti lang ako.
"Salamat, Sirena." Ragh said, affectionately. Yet it was knives in my heart. It was torture to hear it from him.
Sa araw na ikakasal si Ragh, ang kinabukasan no'n ay kamatayan ko.
Nilubog ko ang aking mga paa sa tubig, sobrang kalmado ng bawat hampas ng alon sa aking paa. Nakita ko si Adelaida na pinagmamasdan ako. Ngumiti ako sa kan'ya dahil wala naman ibang tao rito.
"Cerenia! Cerenia!" she chanted. "Kapatid ko! H-hindi mo na kailangan matakot. Hindi ka na ikakasal kay Theseus, ginawan na namin ng paraan. S-si Azaria na ang nagpakasal sa kan'ya. P'wede ka na bumalik."
Umiling ako.
Hindi na ako p'wedeng bumalik.
"Cerenia," nanghihinang ani Adelaida. "B-babalik ka naman 'di ba?"
I wanted to say 'yes' yet I didn't want to give her false hope. I shook my head.
"Gagawa k-kami ng paraan ha?" Adelaida smiled sadly. "Huwag kang susuko. . ."
I watched as she dived down the sea. Hindi ko na nasundan pa ang kan'yang naging biyahe patungo sa ibabang bahagi ng karagatan.
"Kumusta ka?" the princess asked me. Hindi ako nakasagot. I watched her gracefully walk towards me. She didn't feel any pain on her feet unlike how I staggered at each step.
She smiled. "Hindi ka nga pala nakakapagsalita."
"Sana hindi ka magalit kung kinuha ko lang ang dapat sa akin. Malapit na ang kasal namin ng prinsipe, sana makahanap ka na ng bago mong tirahan," she spat out. Kita ko ang inis na bumabahid sa kan'yang mukha.
Umiling ako sa kan'ya.
"Alam kong nagustuhan ka rin ni Ragh dahil magkamukha tayo o magkahawig ngunit para sa isang payapang buhay, sana ay iwan mo na siya sa akin," the princess said. "Hindi siya para sa isang babaeng walang pangalan, walang boses at hindi rin nila alam kung saan ka ba talaga galing."
When she told me that, my heart broke because I realized that even if I don't die, the prince isn't mine.
He will never be. I could only watch him from below, I shouldn't have tried to see what the surface offers.
Ngumiti lang ako sa kan'ya.
Sinusumpa ang kahinaan na hindi ko kayang umiyak. Hindi ko kayang ipakita na nasasaktan na ako.
As the sun rose, I watched the birds flee, the waters calmly embracing a new day. They prepared for the wedding, I prepared for my death.
𖠵 キ 𖠳
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro