Chapter 4
Chapter 4
I thought he was only beautiful from afar but seeing him upclose made me feel on fire. A burning passion ignites in me upon seeing him in flesh. It felt like I was longing for a celestial being and he's finally here. Nakabukas ang kan'yang suot at nagugulo ng hangin ang itim n'yang buhok. His eyes met mine and his lips pulled apart.
"Mahal na p-prinsipe. . ." halos sabay-sabay nilang bati.
Lahat sila ay napayuko at ang pumatong sa akin ay muntik pang mahulog sa tubig dahil sa mabilisang kilos nito upang makaharap si Ragh.
May mga sumunod na mga tao kay Ragh. Umiwas ng tingin sa akin si Ragh at kinausap ang katabi n'ya. Nakita ko ang pamumula ng tainga ng prinsipe habang pilit na umiiwas ng tingin sa akin.
"Sumama kayo sa amin, kayo ay dinadakip sa salang paglabag ng batas ng kaharian ukol sa mga krimen laban sa kababaihan," striktong pagmamando ng kausap ni Ragh. The men followed him with shame in their faces, nilagyan sila ng tali sa kanilang mga kamay. Ako naman ay patuloy lang na nakatingin kay Ragh.
Nagulat ako dahil naghubad si Ragh. I suddenly became alert. Napuno ng takot ang katawan ko dahil sa biglaan n'yang paghubad ng kan'yang suot? Ano ba ang tawag d'yan? Parang malaking salawal!
"Pakisuot muna ang damit ko para di ka lamigin. Pinakuha na kita ng damit kaya naman saglit mo lang ito kailangan suotin," ani Ragh at nakapikit habang unti-unting nilagay sa akin ang kan'yang damit.
Tumango naman ako at hindi mapigilan ang ngiti sa aking mga labi. Binigyan ako ng damit ni Ragh. Ang sarili n'yang damit ay suot-suot ko ngayon.
Pumipintig ang puso ko habang tinutulungan n'ya ako'ng tumayo.
"Ack!" impit kong sigaw nang maramdaman ang sakit ng matutulis na kutsilyo sa aking paa. Napakapit ako kay Ragh at agad naman n'ya ako'ng sinalo gamit ng kan'yang mga bisig.
"Ayos ka lang ba? Masakit ba ang mga binti mo?" nagaalalang tanong n'ya sa akin, ang mga mata'y dumapo sa aking mga binti.
Tumango ako. Walang salitang lumabas sa aking bibig. Nagkatitigan kami ni Ragh at sa unang pagkakataon ay naramdaman ko na rin na kilala na n'ya ako. His eyes were the most magnificent reflection I have ever seen. He instantly blushes and remove his eyes from me. Napangiti naman ako. I saw myself in his eyes. A little fire of hope ignites in my heart.
Sinubukan ko maglakad ngunit nadadapa ako. Paulit-ulit akong nadapa subalit paulit-ulit din ang pagtayo ko. Everytime my own feet dragged me down, I stood with a better understanding of the situation. It somehow made me confident that I can get used to this pain. Walang dugong tumatarak ngunit ang sakit ng bawat pagtapak ko sa lupa ay parang milyong maliliit na kutsilyo ang bumabaon dito.
"Ragh!" Sumipol ang isang lalaki nang maabutan kami. "Bakit ka nakahubad?! Lumangoy ka ba habang wala ako? Akala ko ba magkaibigan tayo!"
Dumapo ang tingin n'ya sa akin at unti-unting umawang ang kan'yang labi. Mabilis n'yang nilipat ang tingin kay Ragh at agad n'yang inangkla ang kan'yang kamay sa leeg nito. Hinigpitan n'ya ito dahil biglang umubo si Ragh. Para itong nasasamid.
"Yari ka! Akala ko ba magpapakasal ka muna? Bakit naghubaran na kayo rito?! Isusumbong kita sa hari! Hindi ka n'ya pinalaking nanghuhubad ng kapwa!"
"Umayos ka nga, Merculio!" naririnding inalis ni Ragh ang kamay ng kaibigan n'ya. "May muntik lang na mangyari sa kaniyang masama."
Kumunot ang noo ni Merculio. "Masama?"
Lumapit si Ragh upang bumulong dito at agad naman nanggagalaiting napalingon si Merculio sa mga bahay na malapit sa dagat.
Merculio nodded his head. "Buti na lang na naabutan mo siya rito."
Nagkibit ng balikat si Ragh at lumingon sa akin. "Hindi kailanman naging imbitasyon ang pagpapakita ng balat ng isang babae."
"Masasaktan ko talaga ang mga 'yon sakaling naabutan ko! Baka nga hindi lang 'yon ang abutan nila!"
Nagsalitan pa sila ng iilang salita sa isa't-isa bago tuluyang lumapit sa akin si Ragh. Nagulat ako dahil sa seryoso n'yang tingin. His eyes were dark as his hair. Yumuko ako dahil hindi ko mapigilan ang matulala sa kan'ya.
"P'wede ba kita kargahin?"
Umangat ang tingin ko sa kan'ya. Bahagya n'yang tinuro ang aking mga paa.
"Kanina ka pa nahihirapan maglakad. Kakargahin lang kita patungo sa palasyo," paliwanag n'ya sa akin. My feelings went deeper like a sunken ship in the waters.
Unti-unti ako'ng tumango.
Ragh smiled softly.
Ang masungit n'yang mga mata na naniningkit kanina ay nagpakita na rin ng isang ningning. He was brighter than the sun. More beautiful than the flowers I yearned to touch. He was the epitome of being safe.
I thought I was risking a lot for something uncertain—yet, I feel so safe with him. It felt like floating above the waves—surviving a storm and reaching the shorelines.
Hinawakan ni Ragh ang aking mga binti at likod. Pinulupot ko naman ang aking kamay sa kan'yang leeg. Patuloy lang sa paglalakad si Ragh habang kinakarga ako patungo sa palasyo nila. Hindi n'ya ako kinausap hanggang sa makarating kami sa isang kwarto. May mga sumunod na babae sa kan'ya. Terno ang kanilang mga suot.
"Pakibigyan siya ng damit at makakain," sabi ni Ragh at nilapag ako sa isang malambot na higaan. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kan'ya. Sinundan ng mga mata ko ang kan'yang likod habang siya ay papaalis.
His broad shoulders attest that he is strong just like how I imagined him to be. Strong, kind, and loving.
Napabuntonghininga ako.
"Ano'ng pangalan mo?" tanong sa akin ng babae na nililinis ang aking balat. "Ang kinis mo naman. Saan ka galing?"
I opened my mouth. Agad na nanglaki ang kan'yang mga mata nang makita ang aking bibig. Napatili siya at napaigtad palayo sa akin.
"Hala!"
The horror on their faces showed how disgusting it looks like. Agad akong nangliit at niyakap ko ang aking mga binti. It's okay, maganda pa rin naman ako.
"Hindi siya nakakapagsalita?"
"Kawawa naman."
"Ang ganda pa naman n'ya. Akala ko nga siya na 'yong hinahanap ng prinsipe. . ."
Ngumuso ako dahil alam ko naman na ako talaga 'yon. Hintayin n'yo lang! Mamahalin din ako ni Ragh kapag napagtantuan n'yang ako ang hinahanap n'yang nagligtas sa kan'ya.
Ilang araw ako'ng nagpahinga sa kwartong binigay nila sa akin. Hindi ako nakakaalis ng kama dahil nasasaktan ako sa tuwing naglalakad. Pinipilit kong aliwin ang sarili sa mga tanawin na nakikita ko sa labas ng bintana.
"Kumusta ka?"
Napapitlag ako nang may tumawag ng atensyon ko. Nilingon ko ito at nakita ang nakangiting kaibigan ni Ragh.
"Gusto mo bang lumabas? P'wede naman na yata. Pabalik na si Ragh kaya naman mas maganda rin kung sasalubungin mo siya."
Tumango lang ako sa kan'ya.
"Hindi ka nakapagsasalita, ano?" he asked to confirm. I once again nodded my head. "Merculio nga pala, anak ng isang namumuno ng isang dukado sa kaharian na ito."
Pinilig ko ang aking ulo. Dukado? Hindi ko alam ang ibig n'yang sabihin. Tumawa lang siya dahil sa naging reaksyon ko.
"Alam mo bang kinakabahan ang kaibigan ko? Akala n'ya kasi ay ikaw na 'yong hinahanap n'yang babae," kwento ni Merculio habang unti-unting papalapit sa akin.
Merculio sported a longer hair than Ragh. Pilyo rin ang kan'yang ngiti kumpara sa masungit na mga mata ni Ragh. Hindi ko alam kung paano sila naging magkaibigan.
"Subalit hindi ka raw nakakapagsalita. Narinig kasi ni Ragh na magsalita 'yong babae na 'yon kaya naman imposibleng maging ikaw 'yon."
My heart ached. Isa 'yon sa mga magkukumpirma sana na ako ang nagligtas kay Ragh ngunit wala na 'yon sa akin. Ang mukha ko na lamang ang mayroon ako at ang kagandahang asal. Tama! Hindi naman ibig sabihin nito ay talo na ako.
"Ano'ng pangalan mo?"
Umiling-iling ako.
"Kaya mo bang isulat?" malumanay n'yang tanong. Hindi ako nakasagot sa kan'ya. Kahit ang mga tumulong sa akin na babae ay tinanong ako tungkol doon ngunit hindi ko alam kung paano magsulat. Hindi ko alam paano sila sasagutin.
"Merculio," a cold voice called him. Agad kaming napalingon at nakita si Ragh na basa ang buhok. His features were more define by the sunlight. Mas malalim na ang kan'yang mga mata ngayong nakikita ko siya sa malapitan.
"Kumusta siya?"
Nagtaas ng kilay si Merculio. "Parang tanga, nand'yan na siya para tanungin mo. Bakit mo pa dinadaan sa akin?"
Nakita ko na bahagyang nahiya si Ragh dahil kinalabit n'ya ang kan'yang tainga.
"Kumusta ka?" kalmadong tanong 'nya ngunit nagtatahip ang puso ko sa sobrang saya.
"Ack!" I covered my mouth as I tried to shout his name. Baka makita n'ya ang kinakahiya kong bagay sa akin. I have no voice to tell him how much I yearn for his existence.
His lips formed a quick smile. "Mabuti naman at nakapagpahinga ka."
Maligalig ako'ng tumango.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Ragh. He bristled when Merculio laughed hysterically.
Siniko ni Merculio si Ragh sa tagiliran. "Gusto mo lang makasabay e."
"Kakain na kasi," aburidong sagot ni Ragh habang umiiwas ng tingin.
Napangiti naman ako. Tumango ako at sumunod sa kanila patungo sa tinatawag nilang kainan. Hawak-hawak ako ni Ragh sa kamay at inaalalayan ako.
"Bakit para kang lasing?" Ragh asked. "Kahit noon ay pagewang-gewang ka. Natingnan ka na ba ng doktor? Ang iyong mga paa?"
Hindi ako nakasagot. Tinitigan ko lang siya nang malungkot.
"Hindi bale," Ragh assured me. "Kakargahin na lang kita kapag nahihirapan ka na. Kung hindi lang abala sa 'yo. . ."
Napangiti naman ako.
Tinulungan ako ni Ragh na umupo sa tabi n'ya at hinintay namin ang pagkain na ihahain para sa amin. Pinagmamasdan ko ang mga tinatawag nilang plato, kubyertos at baso. Hindi ko alam paano sila gagamitin.
May nilapag sa aking harapan at nanglaki ang mga mata ko.
Isda.
Hala.
Isda nga talaga.
"Ack!" Napakapit ako kay Ragh nang makita ito. Agad naman humalakhak si Ragh dahil nakita ako'ng natakot.
"Bakit? Takot ka sa isda? Ano ba ang gusto mong kainin? Papapalitan na lang namin. . ."
Napatingin ako sa plato ni Ragh na may laman din na isda. Lalong nanglalaki ang mga mata ko. Totoo nga! Kinakain nila kami! I glared at Ragh and enclose his cheeks using my palms.
"B-bakit? Teka. . ." Ragh panicked but I didn't hesitate to bit him on his cheeks.
Para alam n'ya rin ang pakiramdam ng kinakain!
𖠵 キ 𖠳
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro