Chapter 3
cw: violence, sexual assault
Chapter 3
Napahilig ako sa malaking bato kung saan ako nagtatago upang makamasid kay Ragh. Nakikipaglaro siya ngayon ng bola kasama ang isa sa mga kaibigan n'ya. Dark hair. Charming smile. The way his eyes glistened whenever he won—my heart kept on pitter-pattering and I can't help it. I can never be immune to his beauty.
Nalungkot ako dahil nakita kong tinawag na siya ng kan'yang kaibigan upang umalis. Mamaya ay papalaot na sila patungo sa kabilang isla at hindi ko na siya masusundan dahil malayo iyon.
Sa tagal kong pinagmamasdan ang mga ginagawa n'ya sa buhay ay pakiramdam ko kasama ko na siya. Napangiti naman ako dahil kahit hindi ko piniling maging tao, masaya na ako dahil matagal ko pa siyang mapagmamasdan.
Kinukumbinsi ko na lamang ang aking sarili na mas masaya na ang ganito. Ang payapa. Ang ligtas. Ang malayo sa mundo n'ya. May mga desisyon tayo kung saan mas pinipili natin kung saan tayo komportable kahit hindi tayo masaya.
"Cerene!"
Napaigtad ako dahil sa biglaang pagsulyap sa akin ni Adelaida. May awa sa kan'yang kulay berdeng mga mata. Natigilan siya sa pakikipaglaro sa mga isda dahil pinuntahan n'ya ako.
"Ilang araw pa lamang mula nang payagan kang umangat mula sa karagatan ay nandito ka na naman."
Napabuntonghininga ako. "Hindi na nga ako lalapit sa kanila."
At para saan pa? Lalo lamang ako'ng lulubog sa kalungkutan dahil malayo ang agwat namin. Kahit lapitan ko pa siya, iba ang mundo n'ya sa mundo ko. Tinanggap ko na ito. At patuloy ko itong tatanggapin.
My breathing shallow as we went back to our kingdom. Masaya na ako na makita siya kahit sa malayo. I was blessed to be with him in the same lifetime.
"Hindi na kami makapaghintay na maging kasapi ka na namin, Theseus!" maligayang saad ng hari. Ang halakhak n'ya ay narinig hanggang sa dulo ng karagatan. He was beyond blissful knowing that Theseus and I will be wed as soon as he finished his latest conquest.
"Cerenia."
Ikiniling ko ang aking ulo sa tumawag sa akin. It was Azaria, her sharp eyes darted at me. Agad ako'ng umiling upang alam n'yang hindi ako payag dito.
Tumikhim si Azaria at unti-unting lumangoy patungo sa trono. "Ama, hindi po ba masyado pang bata si Cerenia? Kung ang kasal ay para lamang sa politikal na kapangyarihan, nandito kaming mas nakatatanda kay Cerenia upang maisakatuparan ang kagustuhan n'yo."
Umiling si Ama. "Pinili ni Theseus si Cerenia at naniniwala naman ako na aalagaan n'ya ang kapatid n'yo."
I doubt that. Hindi kami masyadong magkakilala ni Theseus bagama't magkababata kaming dalawa. Mas kakilala pa nga n'ya sina Adelaida at Azaria kumpara sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ako ang napili n'ya.
Yumuko lamang si Azaria at mahinang nilabi sa akin ang isang paumanhin. Umiling lang ako sa kan'ya at binigyan siya ng isang ngiti. I have accepted my fate. You did well, sister.
Paulit-ulit ang mga katagang iniwan sa akin ng mangkukulam. Para makuha ang kagustuhan natin, minsan ay kailangan natin magsakripisyo ngunit may mga sakripisyo na hindi sigurado ang kalalabasan.
"Theseus!" bulalas ko nang bigla n'ya ako'ng hilahin patungo sa isang liblib na parte ng karagatan.
Mahigpit ang kapit n'ya sa akin at iniinda ko na lamang ang sakit kahit unti-unting namumula ang aking kamay.
"Taksil ka!" asik n'ya sa akin. Pinaharap n'ya ako at nanggagalaiting sinampal.
My cheeks burned. The salt of the water only aggravated what I felt. Umangat ang tingin ko sa kan'ya.
"A-ano'ng ginawa ko sa 'yo?'" I asked calmly. Pilit na pinapakalma ang naghihisterikal na puso sa takot.
My father never hurted me. Ang mga kapatid ko rin ay kailanman hindi nagtaas ng kamay sa akin. Lalong-lalo na si Inay. Si Theseus lamang ang unang nanakit sa akin nang ganito. Halos malagutan na siya ng hininga sa sobrang pagkimkim ng kan'yang galit. Hinawakan n'ya nang marahan ang aking mukha. He enclosed the remaining distance between us.
"Hindi pa nga tayo kasal ay iniiputan mo na ako sa ulo! Bali-balita ang pagtaas mo ng dagat upang manilip sa isang tao!"
Hindi. Kumakabog ang puso ko sa kaba habang umiiling sa kan'ya. Hindi p'wedeng malaman nila ang tungkol kay Ragh! Sa oras na madiskubre nila si Ragh ay alam kong gaganti sila sa inosenteng tulad n'ya dahil hindi n'ya ako maaaring parusahan dahil isa pa ako'ng prinsesa.
"Wala siyang kinalaman dito. Hindi pa tayo kasal at hindi rin naman kita mahal, Theseus. Kung gusto mong magpakasal sa isang sirena na kaya kang mahalin—hindi ako 'yon. Pasensya ka na."
Kakalimutan ko na sana na lumipad ang palad n'ya sa aking pisngi ngunit napapitlag ako nang muli n'ya ako'ng hatakin at sinimulan halikan sa aking leeg.
"Theseus!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa akin. Patuloy lamang humahaplos ang kan'yang kamay sa aking katawan. Hindi ko alam kung paano siya patitigilin.
Hindi ko alam ang mararamdaman bukod sa lungkot at takot. Nangangamba na baka may gawin pa siyang mas marahas dito.
Pilit n'ya ako'ng hinalikan sa aking labi ngunit umiwas ako kung kaya't dumaplis lang ito sa gilid ng aking bibig.
"Akin ka lang Cerenia! Ikaw ang magiging reyna ng kaharian na ito at hindi ka p'wedeng mapunta sa iba! Itatak mo 'yan sa ulo mo!"
Nanginginig ako nang iwanan n'ya ako habang may mga bakas ng ginawa n'ya sa akin. Mga pulang marka na hindi maalis-alis kahit ano'ng kamot ko rito. Mabuti na lamang na hindi n'ya tinuluyan dahil siguro alam n'yang lalabag ito sa batas ng mga sirena. Parang hinahalukay ang kalamnan ko nang maisip kung sakaling may ginawa pa siyang mas malala rito.
Nanghihina ako habang tulala sa kawalan. Iniisip ko kung paano ko sasabihin na ang mapapangasawa ko ay muntik na ako'ng galawin nang walang pahintulot.
I swallowed a huge lump on my throat. Lumangoy ako patungo kay Inay at nagsimulang magsumbong.
"Cerene. . ." malungkot na saad ni Inay. Kumuha siya ng mga dahon upang pagtakpan ang mga namumulang bahagi ng katawan ko.
Diring-diri ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit humantong sa gano'n. Wala namang nangyari bukod sa mararahas na halik ngunit pakiramdam ko may kinuha siyang parte ko na kailanman ay hindi na n'ya mababalik.
"Sasabihin ko ito kay ama," I whispered. "Kakampihan n'ya ako. Alam kong matitigil ang kasal. Mapaparusahan si Theseus sa ginawa n'ya."
"Cerenia," tawag ni Inay. "Huwag ka na lang magsumbong."
"Inay!" protesta ko dahil sa sinabi n'ya.Napabuntonghininga naman siya.
"Masasaktan ka lang, Cerenia. Alam mong paborito ng ama mo si Theseus. Wala siyang anak na lalaki kung kaya't mahalaga sa kan'ya na hindi n'ya maging kaaway ang sundalong 'yon."
"Inay. . ."
"Cerenia, huwag mo na subukan. Ikaw lang ang masasaktan dahil mas pipiliin ng ama mo si Theseus. . ."
Hindi ako makapaniwala. Ako na nga ang sinaktan ngunit si Theseus pa ang kakampihan. Hindi ako nakinig kay Inay. Binalewala ko ang bilin n'ya sa akin. I went to the courtroom. Kitang-kita ko ang hari na maligayang nakikipag-usap kay Theseus. Ngumiti lang sa akin si Theseus na parang wala siyang ginawang mali.
I was trembling. Lumapit ako kay ama at nagsimulang magkwento.
"Ama, maaari ka po bang makausap?"
"Tungkol saan, Cerenia?"
"Si Theseus," I inhaled sharply before spitting the final blow. "Binastos po ako ni Theseus. Hinalikan n'ya ako nang walang permisyo ko."
I was waiting for his violent reaction. Hinihintay ko na suntukin n'ya si Theseus. Pinagdarasal ko na sana'y hindi na maging isa sa mga kandidato bilang susunod na hari si Theseus ngunit lumubog ang puso ko sa lungkot nang tumawa si ama.
Tinawanan ng hari ang nangyari sa akin.
Tinawanan ng ama ko ang pangbabastos sa akin.
"Ah? Hindi ba't ikakasal naman na kayo? Bakit ba kasi hindi mo pagbigyan si Theseus? Baka natukso mo lang. Ikaw naman, Cerenia. Ginagawa mong malaking bagay ang mga ganitong klaseng usapan. Nilalambing ka lang ni Theseus."
Sinundan ni Theseus ang halakhak ng hari. Sumilay ang isang ngisi sa kan'yang labi.
"Tama po, mahal na hari. Nilalambing ko lang po si Cerenia dahil masyado na siyang naaaliw sa mga tao."
Pinanawan ng kulay ang aking mukha. Hindi ko nagugustuhan kung saan n'ya tinuturo ang direksyon. Binabaliktad n'ya ako. Ramdam ko ang galit ni Theseus dahil sa pagsumbong ko sa ginawa n'ya dahil sa kan'yang tingin na halos kinakatay na ako sa sobrang talim.
Kumunot ang noo ng hari. "Cerenia? Hindi ba't pinagbawalan na kitang lumapit sa mga tao?"
"Hindi na po ako lumalapit."
"Sinungaling! Ang totoo po ay palagi n'ya pa ring binibisita ang prinsipe ng lupa. Hindi ba't dapat naga-aral na siya kung paano pagsisilbihan ang kan'yang mapapangasawa?"
Umakto ako'ng nasusuka at marahan na umiling. "Hindi na ako magpapakasal sa 'yo! Hindi bale maging daing ako kaysa maging asawa mo, Theseus! Papangarapin ko na lamang ang maging daing!"
Muling lumipad ang palad ni Theseus sa mukha ko. Napalingon ako kay ama at nagsusumamong tumingin sa kan'ya upang pagalitan at parusahan n'ya si Theseus. Nakita mismo ng kan'yang mga mata ang ginawa nito sa akin. Hindi ako sirena lamang, isa ako'ng prinsesa.
Umiwas ng tingin ang hari sa aking dako. Lalong naputol ang lubid ng pag-asa sa aking puso. My strength was deteriorating.
Tumikhim ang aking ama at umayos ng upo. "Tama lamang 'yan dahil naging bastos ang aking anak. Patawarin mo sana siya," puri n'ya kay Theseus.
Hindi ako makagalaw dahil sa naging sagot ni Ama. Wala ako'ng kakampi rito. Si ama ay prinoprotektahan si Theseus, si Inay ay tikom ang bibig at ang mga kapatid ko naman ay kontrolado ng aking ama.
Hinintay ko na sumapit ang gabi. Binisita ko ang mga kama ng aking mga kapatid upang maglaan ng mga bulaklak at mga paborito kong bagay sa kanilang mga tabi. Hinalikan ko sila sa kanilang mga noo.
"Magi-ingat kayo, ha?" bilin ko kahit mahimbing ang kanilang mga tulog.
Lumangoy ako'ng muli patungo sa pinakamalalim na parte ng karagatan. Hindi na ako takot sa mga lumubog na barko, mga matapang na pating, o kahit ang mga buto ng mga tao at sirenang nagkalat sa mga gilid-gilid ay hindi na ako nahindik.
"Bumalik ka," ani mangkukulam habang pinaglalaruan ang kan'yang kaldero. Ang usok nito ay nangangamoy at kumakalat sa loob ng kweba.
"Gawin mo ako'ng tao."
Hindi na ito para sa prinsipe lamang. Para na ito sa aking kalayaan. Para sa isang mortal na kaluluwa.
Ngumisi siya. "Sigurado ka na ba? Wala na itong balikan."
"Oo," agap ko.
"Huwag ka magalala. Bibigyan kita ng mga paa na kasing-ganda at kasing-kinis mo," she assured me.
Tinaas n'ya ang kan'yang hinlalakin. "Subalit, kapag gagamitin mo na ang pares ng iyong mga paa ay para kang naglalakad sa maliliit na matutulis na kutsilyo. Hindi magiging madali ang paglalakad sa iyo. At tulad nga ng una nating pagu-usap ay kukunin ko ang dila mo—hindi mo magagamit ang iyong boses."
Lumunok ako. "Kaya ko 'yon. Mababalik ba ang boses ko kapag minahal na ako ng prinsipe?"
Nagkibit-balikat ang mangkukulam. "Hindi. Walang babalik sa 'yo. Subalit kapag minahal ka ng prinsipe, hindi na mababawi sa 'yo ang pares ng mga paa at ang kaluluwang ibabahagi n'ya sa 'yo."
Ragh. Para ako'ng binunutan ng tinik sa dibdib. Alam kong masakit ang proseso pero makikita na rin kita. Mahahawakan na kita. Mamahalin na kita sa malapitan. Sobrang lapit na.
"Handa ka na ba?"
Tumango ako nang bahagya. Ngumiti naman siya.
"Ibuka mo na ang bibig mo," utos n'ya na ginawa ko naman. I gradually parted my mouth so she could pull my tongue out. Napapikit ako nang maramdaman ang tulis ng kutsilyo.
I screamed. I bristled. I shouted.
However no voice came out from me.
Tinahi ng mangkukulam ang natitirang parte ng dila ko. Tinago n'ya sa isang garapon ang aking dila. Sinimulan n'yang gawin ang mahika na kailangan kong inumin upang magkaroon ng paa. Hiniwa n'ya ang kan'yang dibdib upang tumagas ang dugo at hinalo n'ya ito sa iinumin ko.
"Inumin mo ito kapag nasa pangpang ka na. Huwag kapag ika'y nasa tubig pa dahil hindi ka makakahinga," bilin n'ya sa akin.
Tumango na lamang ako at kinuha sa kan'ya ang isang maliit na bote na may itim na likido sa loob nito.
Sinunod ko ang sinabi n'ya at pumunta sa mga malalaking bato kung nasaan ang prinsipe kadalasan. Unti-unti kong ininom ang laman ng bote.
An excruciating pain overflows in my body as the substance takes over. Parang binabali ang aking mga buto. Napahiga ako sa sobrang sakit at kahit sumisigaw ako ay puro impit lang ang maririnig. Unti-unting nawala ang maputlang asul kong buntot. Napalitan ito ng mga. . . paa.
"Sino 'yan?"
Napalingon ako sa nagsalita. Mga grupo ng mga tao na may mga hawak na lambat o 'yong mga panghuli ng isda. Nangingislap ang kanilang mga mata habang nakatingin sa aking katawan.
"Ang ganda mo naman, bakit ka nakahubad?" malaswa ang pagkakasabi n'ya dahil ngumisi siya habang tinitingnan ang buong katawan ko.
Hindi ko siya masagot.
"Ang suwerte natin! Maganda na! Hindi pa nakakapagsalita!"
Wala ako'ng masabi.
Lumapit sila sa akin habang unti-unti ako'ng binabalot ng kaba dahil alam ko ang pakiramdam na ito. Gaya ng ginawa ni Theseus. Bumabalik sa akin ang pambabastos n'ya. Napaatras ako at umiling-iling. Sinubukan kong sumigaw ngunit wala akong boses.
"Sumama ka sa amin, ganda. . ."
"Hindi ka namin sasaktan. . ."
Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa ko at bakit sobrang pasakit lamang ang alay ng mundo sa akin. Hinihiwa ang puso ko habang ang mga kamay nila ay hinahawakan ako. May pumatong sa akin at dinilaan pa ang gilid ng kan'yang bibig. Nanginginig ako sa takot ngunit hawak nila ako sa mga kamay ko.
Lalapat na ang labi ng isa sa mga tao nang matigilan sila.
"Ano sa tingin n'yo ang ginagawa n'yo sa aking kaharian?"
𖠵 キ 𖠳
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro