Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29


Chapter 29

Ang sabi ko sa sarili ko ay tatanggapin ko kung ano mang katotohanan ang lalabas sa bibig ni Ragh. Sa mismong oras na 'yon ay gusto ko na lang ulit maging bula. Gusto ko na lang mawala sa mismong puting kwarto.

My heart constricted as the tears fell on my cheeks. It stained my pale skin. I drew a deep breath.

"S-sorry, Cerenia. Dapat papanindigan kita. Ang sabi ko ay kahit bumalik si Amanda, ikaw ang mahal ko. Pero no'ng nakita kong naga-agaw buhay siya, doon ko napagtantuan na hindi ko siya kayang mawala. . ." Raghnall cried, his tears spilling on the hospital sheets.

"Pero kaya mo a-akong mawala, Ragh?" namamaos kong tanong. "Alam k-ko naman na baka hindi gano'n kalalim ang tingin mo sa nararamdaman ko para sa 'yo. P-pero parang ang babaw n-naman ng pagmamahal mo sa akin?"

"Sorry, Cerenia. . ."

"T-tinanong kita! Tinanong kita, Ragh!" I screamed at the top of my lungs, agitation seeping through my being. "Sabi k-ko kung hindi ka seryoso sa akin, h-huwag na lang. K-kasi hindi mo alam gaano kahalaga sa akin na mahal mo na a-ako ngayon. . ."

"Hindi ko sinasadya na masaktan ka, Cerenia. . ."

I smiled even if it pained me. "Nagawa mo na e. . .ano pa ba ang hindi sadya r-roon?"

"I knew that when we were together, I loved you with everything. Hindi ko inisip si Amanda noon. Hindi ko kailanman pinagkumpara kayong dalawa. I knew that you were different from her. . ."

"K-kasi alam mong di kita iiwan tulad ni Amanda. A-alam mong sa ating dalawa, ikaw ang may mas posibilidad na masaktan ako. Every time that I thought I hurt you, hindi mo alam ang delubyo n'on sa akin. Hindi mo alam kung paano ako mabaliw kakaisip kung paanong hindi ka masasaktan. . ." hagulhol ko.

My voice was strained already. Akmang hahawakan ako ni Ragh pero iwaksi ko ang kan'yang kamay. Nanaig sa akin ang sakit na dulot n'ya. Pareho kaming nawalan ng boses ngayong araw.

"Sorry. . ." saad ni Ragh.

Kahit ilang sorry pa ang lumabas sa bibig n'ya, hindi nito mapapawi ang sakit ng nakaraan at ang kasalukuyan. Humigpit ang kapit ko sa kumot na nakapatong sa akin ngayon.

"M-may pabor lang ako, R-ragh. . ." I turned to him. "Ito na ang huling beses na lalapit ka s-sa akin. Ito na ang huling beses na kakausapin mo ako. I-ito na ang huling beses na mamahalin kita. . ."

Lumamlam ang kan'yang mga mata, tumingkad ang lungkot dito. "Huwag naman ganito, Cerenia. K-kaya kong kalimutan si Amanda. I just want to be honest. . . Mahal kita, Cerenia."

"A-ano ba talaga?" hikbi ko. "Pagod na pagod na kasi ako. Gusto ko lang naman mabuhay nang matiwasay. Gusto ko lang naman ma-enjoy ang buhay na ito. Alam ko naman na sana hindi na lang kita minahal pero bakit mo ba ako pilit na ginugulo?!"

"Cerenia. . ." Ragh held my hand. "I'm sorry if I'm being indecisive, pero mahal kita ngayon. O-oo, mas mahal ko pa si Amanda —"

"S-shut up. . ." I told him. Tinakpan ko ang aking mga tainga at patuloy na rumaragasa ang mga luha sa aking pisngi.

How could I ever love someone as selfish as Ragh? Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kan'ya noon. I was willing to lose everything for someone like him who wouldn't hesitate to throw me out as soon as he found someone who can fit his narrative better.

It was my fault for building an ideal version of him. Hindi bale na palang malaglag na ito bilang isang unrequited love, mas katanggap-tanggap pa 'yon kumpara sa ginawang panakip butas. My heart was pounding because of the anger inside of my chest.

Hindi ako iniwan ni Ragh ngunit di na rin siya kumibo. Hinayaan n'yang bumigat ang tulikap ng mga mata ko at unti-unting sumuko sa antok. Pagkagising ko ay may naiwan na sulat mula sa kan'ya.

Hindi ko ito binasa.

Tinupi ko ito sa pinakamaliit na piraso at tinago sa aking pitaka.

Hahayaan ko na lang isipin na tapos na kami ni Ragh. Ang pagmamahalan na naudlot noon ay hindi na talaga mapapahaba. Siguro nga, may mga tao talagang para sa atin—pero hindi kailanman magiging atin.

Si Coleen ang nag-asikaso ng mga papeles sa hospital. I was discharged after a week, tumagal ako roon dahil naramdaman din ng mga doktor na hindi pa ako okay. I was physically okay but my emotions were already drained.

Habang nagliligpit na ako ng gamit ay nakita ko ang mga litrato na binigay sa akin ni Ragh noon. Our memories printed into photography only made my heart hurt. I exhaled before opening my phone. Puro text ito mula kay Ragh. Binilin ko kay Coleen na huwag siyang papasukin sa kwarto ko habang nagpapahinga ako. One visit was enough, more would only be detrimental for the both of us.

Cerenia:

Sorry.

Let's end this, Ragh.

I kept it short and concise. Umayos bigla ang pagtitipa ko ng mga salita. Umiiyak pa rin ako habang iniisip kung tama ba ang desisyon na pakawalan na siya. . .

Nasasaktan pa rin ako dahil kahit anong subok ko ay hindi pa rin pala kami p'wede. That even if I sacrificed a lot for the past, it didn't affect our present. It was still her. Siguro binulag ko lang din ang sarili ko noon na hindi sila nagmamahalan. I deluded myself that what we had was wrong timing— when it was the wrong love all this time.

Umismid si Coleen habang unti-unting lumapit sa akin. "Pabayaan mo na si Ragh, malugi sana ang Crystal Hotel!"

"Gaga ka!" I laughed. "Mawawalan ng trabaho si Merculio."

"Aysus, mas mayaman naman 'yon si Merculio. Ewan ko ba bakit diyan pa siya pumapasok sa hotel ng best friend n'ya. Magsama-sama silang mga pangit!"

Coleen squealed. "Hanapan na lang kita ng foreigner 'te! Huwag ka na umiyak kay Ragh!"

"Hindi na. . ." I smiled. "Magiging okay rin ako. Hindi ngayon, siguro? Pero dadating 'yong panahon na magiging masaya rin ako para sa kan'ya. Mahihirapan ako pero anong magagawa ko? Kung nasasaktan na namin ang isa't isa dahil sa mga desisyon namin? One of us has to let go, and I'll be that person."

Napabuntonghininga si Coleen at tinitigan ako nang matagal. Her lips were inwardly sealed. Para bang may gusto pa siyang sabihin pero pinipigilan na lang n'ya.

Sa paglabas namin ng hospital ay sumalubong si Merculio na magulo ang itsura. His hair was disheveled, nanglalaki ang mga mata n'ya, his long lashes only emphasized the surprise on his face.

"You broke up with Ragh?" mahinahon na tanong ni Merculio.

Umawang naman ang labi ko. Ang bilis naman kumalat ng balita? I haven't even read Raghnall's reply. Hindi na rin naman mahalaga 'yon dahil tapos naman na kami. Hindi na n'ya mababago ang desisyon ko.

"Yes," sagot ko.

"Bakit? May ginawa ba siya, Cerenia? Bakit mo siya binitawan?"

"It's between the both of us, Merculio. Don't worry, hindi naman kami nagkasakitan o ano. . ."

"Was there someone else?" mahinang saad n'ya.

Umiling ako. "We just didn't work out, that's all." I lied.

Raghnall didn't cheat but it was still betrayal. May mahal pa rin pala siya habang mahal n'ya ako. Hindi man n'ya ginawan ng aksyon 'yon, the mere fact that the idea still evolved in his mind means that he wasn't completely in love with me.

And I have to be okay with that.

"Nagpaparaya ka na naman ba?" his voice cracked. "Bakit ba ang hilig mo unahin ang iba kaysa sa sarili mo?"

"Hindi ako nagpaparaya—"

"This is your second life, Cerenia. Bakit kailangan mo isuko ang dahilan kung bakit ginusto mong maging tao n-noon?" Merculio clenched his jaw. "Cerene, hanggang kailan ka ba magiging martyr?"

Nanglaki ang mga mata ko.

How did he know about my second life?

"What second life?" tanong ko, may halong pangaakusa.

Merculio was cemented on the floor. Hindi siya makatingin sa akin. "Just. . .pursue Ragh. Hindi ba't 'yon naman ang pangarap mo? Hindi ba't siya naman ang gusto mo? Why are you making everything complicated, Cerenia?"

Tumingin ako sa bawat sulok ng lugar kung nasaan kami. In the corner of my eyes, I saw Seraphina again. Her eyes were glistening with amusement. Ngumisi siya sa akin na tila ba kinukumpirma na tama ang hinala ko tungkol kay Merculio. Bumalik sa akin ang lahat ng babala n'ya, hindi p'wedeng umibig ang isa sa mga nakakaalala. She never told me specifically who it was. . .because it was right under my nose. It was a person just beside me pushing me towards Raghnall.

My lips parted as the realization slowly made my stomach churned.

Everytime Merculio is here, nandito rin si Seraphina.

Hindi ako sinundan ni Seraphina sa Maynila dahil wala naman si Merculio roon.

I gulped. Hinawakan ko si Merculio sa kan'yang braso. I saw the shock on his face, pilit n'yang tinatanggal ang hawak ko.

"Alam mo?"

"Cerenia—"

"Alam mo kung sino ako. . ." nangingilid ang luha sa aking mga mata. "B-bakit. . . you're the reason why I can still remember the past. I was supposed to be reborn without any memories. . ."

"I d-didn't know, wala akong alam sa sinasabi mo," giit ni Merculio. Yet he can never lie, his eyes always tell the utmost truth.

"Did you trade your soul for me, Merculio? Para maging kami ni Ragh?"

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro