Chapter 28
Chapter 28
I didn't want to open my eyes even if there's a spark of light guiding me to consciousness. Nakaramdam ako ng pagtapik sa aking balikat kaya naman kahit ayoko ay nagising ako. Nakita ko si Coleen na humahagulgol sa gilid ko.
"Col. . ." I barely spoke but she immediately went near me. Nanginginig siya habang tutok na tutok sa akin.
"S-sorry! Huli ko agad nasagot ang tawag ni Merculio. Sorry kasi ngayon lang ako. Sorry kung —"
"It's okay," agap ko at hinawakan ang kamay n'yang nanginginig pa rin. "Buhay pa naman ako."
"Gaga ka! Ano ba kasing nakita mong kabibe para maglakad ka sa dagat?! At pumunta ka pa talaga sa pinakamalalim!" frustrated n'yang saad sa akin.
I don't know why I went to the sea. Gusto ko sisihin si Ragh at Amanda pero hindi naman sila ang nagtulak sa akin patungo roon. I went there myself and decided that it was probably the best way to drown the thoughts out. Para lang hindi na ako gambalain pa ng mga iniisip ko.
"Nasaan si Ragh?"
"Na kay. . ." Coleen nibbled on her lower lip. "Sorry, pero hindi ko kasi siya pinapapasok."
"Bakit?"
"He went to Amanda first, Cerene. Ayon sa kwento sa akin, ang babaeng 'yon ay sinubukan ka iligtas—pero tanga lang! Hindi pala marunong lumangoy!" nanggagalaiting saad ni Coleen.
I only smiled at her. Maybe Amanda isn't that bad after all. We just fell in love with the same person, kaya kami nandito sa sitwasyon na hindi rin naman namin ginusto.
"Gusto ko makausap si Ragh. . ."
"Cerenia naman. . ."
I smiled weakly at her. "Please? Let me speak with him? Alam ko naman ang ginagawa ko, Coleen."
"Sana gan'yan din ang inisip mo nung muntik ka na malunod! Cerenia naman! I know I rooted for the both of you, pero kung may tinatago ka na palang sakit—please, choose yourself."
Napabuntonghininga ako habang unti-unting umupo, tinulungan naman ako ni Coleen. "Pinipili ko nga ang sarili ko kaya nga gusto ko kausapin si Ragh. I want to talk to him. I want him to know that what I did was because of myself. Ayoko na sisihin ang sarili n'ya. . .gusto ko na rin tapusin ang namamagitan sa aming dalawa."
"Cerenia. . ."
Ngumiti muli ako. "Gusto ko lang talagang makawala na rito. Gusto ko na maka-alpas sa nakaraan ko. You probably won't understand. . ."
Masakit para sa akin na kahit sa panahon namin ngayon, hindi pa rin pala p'wede. He chose Amanda over me again. Nagmumukha lang akong isang malaking hadlang sa kanilang dalawa. An obstacle that shouldn't exist in the first place. Tulad noon, kalaban ko pa rin ang tadhana na ayaw sa ugnayan naming dalawa.
I am willing to let go.
Nararamdaman ko rin naman na para bang pinipilit ko lang mangyari ang naudlot noon. Pero baka kaya hindi 'yon natuloy noon dahil hindi naman pala talaga siya para sa akin.
I was chasing the wrong person.
I was chasing the wrong dream.
And the chase ends now.
Hindi naging sayang ang buhay ko ngayon dahil natuto na ako. Hindi kailanman magiging sayang ang mga pagkakataon kung sa huli ay natuto ka naman—kahit gaano ito kasakit. Maaaring ang mga bubog sa aking mga paa galing sa maliliit na kutsilyo ay narito pa, ramdam ko pa sa bawat tapak ko.
Pero matuto rin naman akong maglakbay na may iniindang sakit ngunit nagpapatuloy para kalaunan ay masasanay na rin sa bubog na nakaturok sa aking mga paa.
Walang nagawa si Coleen. Napabuntonghininga siya at unti-unting lumayo sa akin upang buksan ang pinto. She went outside and I leaned towards the bed, hiniga ang aking ulo at kinabisado ang mga sasabihin kay Ragh.
Hindi mo kailangan humingi ng patawad kung iba ang mahal mo.
Ang tunay na pagmamahal ay hindi humihingi ng kapalit. Sapagkat sa sandaling humingi ka ng kahit gaanong kaliit o kakarampot na pagmamahal pabalik—asahan mo na ang sakit. Hindi kasi gano'n ang pagmamahal. May mga pagmamahal na walang sukli, kaya nga dapat tayong maging maingat sa pagbibigay nito sa iba.
Bumukas ang pinto, lumingon ako rito at nakitang si Merculio pala. His stance wasn't in full strength, the way his shoulders were slumped makes me feel his loneliness. Ngumiti naman ako sa kan'ya.
"Hello—" I was cut off.
"Bakit mo 'yon ginawa?" walang pasubaling tanong ni Merculio, nangingilid ang mga luha.
My mouth opened yet no sound came from it. Hindi ko inakalang magiging ganito ang reaksyon ni Merculio. Mas malala pa ito kumpara kay Ragh na wala pa nga ngayon sa tabi ko.
Hindi ba't hindi n'ya ako pinapansin no'ng bumalik ako? We never even talk, kahit ilang dipa na lang ang layo namin noon. He was distant for some reason and I respected that.
"Merc—"
"Cerenia," he sobbed. Dali-dali n'ya akong nilapitan upang ikulong ang mga pisngi ko gamit ang kan'yang mga kamay. "Okay ka na ba? Ilan ako? Pogi pa rin ba ako sa paningin mo? Naalala mo pa rin ba ang magandang paguugali ko?"
I laughed. "Merculio! Parang ewan!"
He smiled, tinanggal ang butil ng luha na namumuo sa kan'yang mga mata. "I'm glad that you're still here. Sorry if I wasn't there. Sa hospital na kita naabutan. Sorry talaga, Cerenia. . ."
"Hindi mo naman ako obligasyon, Merculio. Mabuti na nga na binibisita mo ako rito."
Hindi siya agad nakapagsalita. Malalim ang iginawad n'yang tingin sa akin bago napabuntonghininga. He played with my small fingers, cracking them in the gentlest way possible. Para siguro may maramdaman ako kahit papaano. What happened to me really did make me feel numb.
"Nag-away ba kayo ni Ragh?"
"Hindi," Umiling ako. "Wala naman kaming dapat pag-awayin. Pero may dapat kaming tapusin."
"Cerene," Merculio's face sagged, almost making me feel that my decision will forever haunt me. "Mahal ka ni Ragh."
I smiled. "Hindi ko ramdam."
It's so easy to tell others that you love them, you cherish them, and you would do anything for them. Yet when the actions fall short of the expectations from the words, it makes me feel the false hopes lingering on my chest. Hindi bale masaktan sa katotohanan kesa umasa sa maling pagmamahal.
May kumatok sa pintuan at agad ko itong nilingon. I gulped, parang alam ko na kasi kung sino ito. Nararamdaman ko na agad kung kaninong boses ang maririnig ko.
"P'wede ba pumasok si Ragh?" tanong ni Merculio, he affirmed my hunch.
So it really is Ragh.
Tumango naman ako. I had to remind myself that whatever happens, I will be happy for him. Just like before. Hindi n'ya obligasyon na maging akin. Hindi rin naman ako nabuhay sa pangalawang pagkakataon para sa kan'ya.
Lumapit na si Merculio sa pintuan at binuksan ang pinto. Niluwa nito ang balisang si Ragh habang mugto ang mga mata.
He hasn't seen my situation yet. Kaya alam kong si Amanda ang iniiyakan n'ya noon. I should have known about it from the beginning.
Nginitian ko si Ragh. He slowly steps forward towards me. Si Merculio naman ay tumingin sa aming dalawa bago tuluyang lisanin ang kwarto.
"Kamusta?"
"Sorry," Ragh said. "I wanted to save you but Amanda was closer and she really didn't know how to swim. . ."
"Magkamukha kami ni Amanda 'no?" I said, out of context.
Napalingon naman siya at napalunok. Ramdam na ramdam ang bigat ng dala-dala sa kan'yang mukha. He was sweating bullets, binaling n'ya sa iba ang tingin.
"Medyo."
"Paano mo nakilala si Amanda?"
"Childhood friend," sagot n'ya.
"If that's the case, you knew her first before me?"
"Cerenia, sorry."
My lips trembled. Hindi ko pa nga sinasabi, tinatapos na n'ya agad. Tumingin ako sa mga kamay ko.
"Did you love me because I look a bit like Amanda?"
Hindi siya agad nakasagot.
In his deafening silence, I found the cruel truth.
"You didn't save her first because she needed you more, Ragh." I blurted out, eyes producing droplets of tears. Sumabay ang patak ng ulan sa aking pag-iyak. Nakikidalamhati ang langit. Ang mga ulap ay unti-unting humahalo sa kulay itim.
"You saved her because you can't lose her again. At ako? Mahal mo lang ako dahil ako 'yong nandoon. . ."
"That's not true, Cerenia. Minahal kita, I swear I was attracted to you! I loved you —"
"Please don't talk anymore because y-you kept on hurting me. . ." hikbi ko sa kan'ya.
Umasa lang pala talaga ako sa wala. I was too hopeful. I was too stupid to fall for the same trick. Pinalis ko ang mga luha ko.
"Do you still love Amanda? Naging kayo ba noon?"
"Cerenia. . ."
"The reason why some of the locals were friendly to me is because I look like someone they know?"
"Cerenia, hindi gano'n 'yon. Ibang tao ka kumpara kay Amanda. They love you for you. I didn't love you because you look like Amanda. Mahal kita Cerenia. . ."
He started to cry.
Ang daya-daya mo, Ragh.
Paano ako ngayon? Kung pati pala ikaw ay nasasaktan din sa nararamdaman mo?
I weakly asked. "Pero?"
At that moment, the way he lowered down his head made my heart crumpled like a thin paper. Umiling-iling siya sa akin.
"Mahal kita. . ." pag-u-ulit n'ya. "Pero mas mahal ko si Amanda, Cerenia. Sorry. . ."
𖠵 キ 𖠳
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro