Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25


Chapter 25

Raghnall never made me feel that I wasn't enough. Pero sa sandaling 'yon ay para akong nilamon ng mga agam-agam ko. My heart constricted because of the constant doubt rising in my chest. Tinitigan ko nang mabuti 'yong litrato at kinabisado ko bawat linya sa kan'yang mukha. It definitely had the same eyes, same nose, and even the jawline.

Cerene:

Sino yung kasama mo?

Ragh:

Cerene? Ikaw ba talaga 'yan?

Cerene:

The girl with the short hair.

Sino siya?

Ragh:

Oh. I'll tell you when I fetch you. Mahabang kwento kasi saka mas maganda kung sa personal.

I nodded as I tried my best to calm down. Nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa ng isasagot sa kan'ya. Even my legs were trembling because of how nervous I am right now.

Halatang balisa ako habang naghihintay kay Ragh. I kept looking in different directions just to divert my attention. Tumigil lang ito nang may humintong sasakyan sa harap ko. Someone got out of the car and immediately hugged me.

"I miss you," ani Ragh at binaon ang kan'yang ulo sa aking leeg.

I hugged him back and in a faith whisper, I tried to summarize what I'm currently feeling. "I love you, Ragh."

Umangat ang tingin n'ya sa akin at dumaan ang pagaalala sa kan'yang mga mata. He touched my head to check on me. "Are you okay? Akala ko kanina ay may kumuha na ng phone mo. Kaya mo naman pala maging formal typings e."

I hiccuped. "Sino 'yong babaing kasama mo?"

Kumunot ang noo ni Ragh. "The girl with the short hair? The one you asked for? Kanina?"

"Yes, please."

Ragh's lips formed a smile as his hands found their way to cupped my face. His nose touched mine and our forehead met in the middle. Unti-unting kumalma ang pagsinok ko.

I can't believe I'm crying again. Ilang buwan din akong hindi nagbuo ng kahit isang butil ng luha dahil sa kalungkutan. Ngayon naman ay tila bubuhos na naman ito na parang bagyo. May paparating na namang delubyo na hindi ko alam kung paano haharapin.

"I love you, Cerene." he assured me. "Nagseselos ka ba, Cerene ko? Is that it? Or are you just familiar with her? I want to know your thoughts, you know that there's nothing more lovely than your thoughts, Cerene."

"I'm s-sorry," Umiling-iling ako. I feel guilty all of the sudden. Pakiramdam ko ay mali ang nararamdamang selos dahil wala naman siyang pinapakitang mali.

"Her name is Amanda," Ragh answered as he continued to caress my hair. "She's just a friend. No'ng umalis kayo ni Coleen, sila ng mga kaibigan n'ya ang pumalit bilang mga tenant sa inupahan n'yo. Although, she's not there as a regular. Bumabalik din sila sa Manila dahil nandito naman talaga ang mga tahanan nila."

"Amanda," I nodded as if it didn't bother me. Hindi ko nakuha ang pangalan n'ya noon dahil prinsesa na ang tanging naalala kong tawag sa kan'ya. It was carved in my mind that the title suits her very well. Sa ganda n'ya noon, tumitiklop na agad ako.

I can remember her stare from before, I can also hear her sharp words and it was still vivid how her lips captured Raghnall's lips in our past lives. Para itong pelikula na kusang nagp-play sa isip ko.

Napapikit naman ako nang mariin. Why did she have to appear again? Hindi ba talaga para sa amin ang pagkakataon na ito? Am I just wasting my time when it comes to loving Ragh? Sana ba ay pinagpatuloy ko na lang ang paglayo sa kan'ya?

"Kilala mo ba siya?"

"Hindi," agap ko. Hindi ko rin talaga alam bakit kailangan kong isipin ang nakaraan n'ya. Hindi ba p'wedeng past is past na lang kami?

Can I just move on in this life with Raghnall? O baka ayaw talagang tadhana ang ideya na kaming dalawa ang para sa isa't isa.

Naramdaman ko ang dampi ng kan'yang labi sa aking balat. My shoulder blades relaxed as I watched his sweet gesture continuously calming my doubts.

"Ngayon lang kitang nakitang magselos," Ragh massaged my hand gently. "I'm sorry for making you feel that way."

"Hindi ka ba kinikilig?"

A few creases formed in his forehead. "Ha? Bakit naman ako kikiligin?"

I pouted. "Kasi nagseselos ako. . ."

I wasn't a prude or maybe I am. Pero kadalasan ay dagdag points sa ibang partners kapag nagseselos ang mahal nila. They tend to think that their lover is too in love with them, hence the unsolicited jealousy.

Umiling si Ragh hinalikan ang tuktok ng ilong ko. "Silly, of course not. I feel bad that I can't assure you that my feelings are all yours. That all of my love will reserve for Cerenia for as long as she lives. . ."

"Totoo ba?"

"Oo nga," Ngumuso naman si Raghnall saka pinisil-pisil ang mga pisngi ko. "I'm sorry if you felt that way. Gusto mo bang lumayo ako? Hindi naman kami sobrang close ni Amanda."

"No," I shook my head. "Wala naman kayong maling ginagawa. Ako lang talaga ang nagbibigay ng malisya."

That was the awful truth. My jealousy stems from my own consciousness. Hindi naman dahil sa may ginagawa silang kababalaghan na labag sa aking kalooban. They were just friends and I should know that limiting Raghnall to meet her only means that I'm threatened. Hindi ko dapat ito nararamdaman. I should be free from this miserable state.

"Ragh," I called in a mellow voice.

"Hmm?"

"I wanna stay with you. Kahit isang linggo lang."

Napamulagat siya. "Paano ang klase mo?"

Naliliyo na rin talaga ako sa mga nangyayari. Her face definitely still haunts me. Pakiramdam ko ay mali na nasa tabi ko ngayon si Raghnall.

A firm grip on my hand made my heart leap. Kitang-kita ko ang seryosong mga mata ni Ragh na hindi n'ya magawang alisin mula sa akin.

"Pipiliin kita. . ." Ragh's eyes softened as he went near me. Kinapa n'ya ang magkabilaang pisngi ko. "Sa lahat ng pagkakataon, Cerenia. I want you to know that there's no choice but only you."

I closed my eyes and anticipated his next move. This wasn't the first time but it felt like a thousand butterflies being freed inside my stomach.

His lips touched mine and every storm inside me calmed down. My eyes started to swell as I pushed my lips further into his just to capture the moment that I knew he was finally mine.

The blissful moment lasted until my doubts finally let me breath. Unti-unti akong napanatag na hindi mangyayari ang nangyari noon dahil mahal ako ni Ragh. Amanda wouldn't be like the princess before. Hindi ko man siya kilala, sigurado naman ako na iba na siya ngayon.

Malayo ang biyahe kaya naman nakatulog ako sa kotse ni Ragh. Naka-book din ako sa isa sa mga malalaking kwarto sa Crystal Hotel kahit giniit ko na balak ko manatili na lang sa isa sa mga maliliit na paupahan sa isla. Ragh definitely didn't agree. Nakayapos siya sa aking buong magdamag.

Kumakain kami ng dinner sa buffet area ng hotel nang makita ko si Merculio na may kausap na isang staff. I immediately beamed and nudged Raghnall on his shoulders.

"Si Merculio!"

"Yeah," Ragh acknowledged but he kept eating. "Dadaan naman 'yan dito pagkatapos ng trabaho n'ya."

"Pareho nga pala kayong HRM 'no?"

Tumango si Ragh at kumagat sa isang coated strawberry na galing sa kan'yang plato. Mukhang puro dessert na lang ang natira dahil patapos naman na rin kami.

"Na-miss ko siya," I confessed subtly. "Wala talaga siyang paramdam no'ng bumalik na ako sa Manila."

"He was probably just busy," Raghnall smiled and caressed my hair. "It's not your fault, Cerenia. Kahit sa akin ay naging malayo rin siya. He rarely even attends parties anymore."

Tumango na lamang ako. Nakita ko ang phone ni Ragh na umilaw at tumunog. As much as I didn't want to check who it was, my curious eyes betrayed me.

Amanda.

My lips twitched. It was unsightly because my heart is being colored in green once again. Tila para itong nilulubog sa kulay berdeng likido.

"Ah," Ragh briefly looked at his phone. Agad n'ya akong tiningnan upang humingi ng permiso.

I reluctantly nodded. Ayoko maging selosa dahil wala naman siyang binibigay na rason upang magselos ako.

He hooked his fingers on his pocket as he took the call and left me on the table. Ayokong isipin ni Ragh na kailangan kong marinig ang pinaguusapan nila kaya naman hinayaan ko na lang siyang umalis.

My shoulders slumped as I butchered the remaining food on my plate. Nawalan na ako ng gana kumain dahil sa biglaang pagtawag ni Amanda.

May umupo sa upuan ni Ragh at agad akong napalingon dito. My heart was palpitating upon seeing the same lifeless eyes. Ngumisi lang siya sa akin habang tinitingnan ako sa aking mga mata.

"Bumalik ka pa talaga rito?" Seraphina shrugged off. "Tulad noon, ang kulit mo talaga. Hindi ka pa rin nagbago. Sinusunod mo pa rin ang damdamin mo. Alila ka pa rin ng puso. . ."

"Alam mo bang babalik siya rito?" tanong ko nang mahimasmasan.

Ngumiti si Seraphina. "Lahat ng mga may kaluluwa, bumabalik naman talaga kapag may di pa sila natapos sa mga nauna nilang buhay. Ikaw lang ang tanging naiiba dahil hindi naman sa 'yo ang kaluluwa mo. . ."

Kumunot ang noo ko sa kan'ya. She leaned towards me and brushed my hair, hooking a single strand on the back of my ear.

"Isang munting paalala, hindi lang naman ikaw ang nakakaalala, Cerenia."

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro