Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22


Chapter 22

Sino ang mortal na tinutukoy n'ya? I was genuinely confused as I walked towards the hotel lobby. My shoulders slumped as I processed what she just said.

May nakuha nga akong sagot, hindi ko naman napakinabangan. Wala rin, bumalik lang ako sa zero kung gano'n. Hindi ko pa nga naproproseso ang sinabi ni Seraphina nang lapitan ako ng isang pamilyar na babae.

"Cerenia!" hinihingal n'yang saad. Halatang nagaalala. Agad ko naman siyang dinaluhan.

"Bakit?"

"Saan ka galing?! Nagalala ako sa 'yo! Sana sinabihan mo man lang ako! Akala ko pa naman ay kasama ka ni Ragh!"

"Hindi siya pumunta." I cleared it out for her. "Kaya imposibleng magkasama kami. At nagpahangin lang naman ako. Huwag ka masyado magalala sa akin."

Her eyebrows knotted. "Okay lang ba kayo?"

Ngumiti ako. "Okay lang. Tulad lang ng dati."

Ang dati kung saan ayoko muling makasalamuha si Ragh. Dapat matagal ko nang kinalimutan ang ugnayan namin. I should have lived my life without their connections. I was foolish for wanting to be with him. . .even sacrificing my past memories. Kahit pala sa kasalukuyan ay tanga pa rin ako pagdating sa kan'ya.

I sighed. "Malapit na rin naman matapos ito. Ilang linggo na lang ay aalis na rin tayo."

"You don't plan on staying?" aniya habang sinusundan ang hakbang ko pabalik sa hotel.

"No."

"Akala ko ay okay na kayo . . ." she drawled.

Napatigil ako sa paglalakad at unti-unting lumingon sa kan'ya. I tried to smile it off even if it quickly wears off. The heavy feeling inside my chest can't be repressed.

"Akala ko rin."

Raghnall was the saccharine dream that I always crave for. The sugary dosage to the bitterness of my life. Pero hindi baleng lunukin ko na lamang ang pait ng mundo kaysa paulit-ulit akong nasasaktan nang ganito.

Raghnall:

Can we talk?

I'm sorry.

I'll make it up to you.

It's been a week ever since I cut off our connections. Surprisingly, even Coleen doesn't force the idea on me anymore. Minsan ay tinitingnan n'ya lang ako na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi n'ya masabi-sabi.

I closed my phone and looked towards the sun. Papalubog na ito at tila ba nagpapahiwatig ng isang katapusan. Maybe my feelings for him are finally fading too. It's finally setting our ending. Maybe I was only attracted to the idea that we can happen in this lifetime.

"Ano bang gusto mong gawin ni Ragh? Paiyakin ba natin?" biro ni Merculio habang nasa lilim kami ng mga coconut trees.

The barbeque's unique smell was hitting my nostrils. Madalas ay amoy usok lang naman ito pero sumasama ang langhap ng matamis na kasangkapan sa amoy nito. I ordered five sticks because I can't cook for Coleen and I was already hungry too. Nagkataon lang na bumibili rin pala si Merculio.

"Kahit hindi na. It was his choice not to tell me beforehand. And if it was an accident, sana sinabi man lang n'ya sa akin. Tingnan mo nga? He's not even making an effort to talk to me personally."

Aanuhin ko ang mga text messages n'ya? I don't even use my phone that much. Madalas nga akong asarin dahil sa makalumang paraan kong mag-text at sa tingin n'ya ay madadaan ako roon? Pero kahit naman mag-sorry siya ay wala namang magbabago. We're still not going to be together because of what Seraphina said.

Si Ragh lang naman ang mortal na nalalapit sa akin. It is even a coincidence that the moment I thought I could finally love him back was the exact time that Seraphina decided to show herself. At ang nakakabahala ay palagi pa rin akong pinagmamatyagan ni Seraphina, she just choose to hide herself. It's scary because I can't do anything about it.

"Di na kailangan. Wala na akong pakialam sa kan'ya," giit ko.

Nagdagdag ng apat na stick ng isaw si Merculio. Hindi pa luto ang order ko kaya naman nagdagdag din ako dahil natatakam na rin talaga ako sa pangilang paglagay ng sauce ng ginang na nagiihaw sa kan'yang paninda. Kaya naman pala ito pinipilahan! The aroma of the skewers were too good to be ignored. Muntik na ako mag-settle sa convenience store buti na lang ay nakita ko ang usok mula rito.

Merculio chuckled. "I was kidding. Pero pakiramdam ko ay medyo naluluha na 'yon ngayon. It's not like he wanted it to happen. Believe me, he was even more excited than you. Crush na crush ka no'n e."

"Mawawala rin ang crush n'ya sa akin. Sabihin na nating infatuation lang ang naramdaman niya. It will fade and it will be gone."

"Don't you think it will grow?"

I shrugged off. "I doubt. Hindi ko nga alam kung bakit n'ya ako nagustuhan."

"Maganda ka, Cerenia." sabi ni Merculio.

My neck craned to his direction. Hindi ko inaasahan na marinig 'yon mula sa kan'ya. I glanced at Merculio to check his face. Maybe he's grinning or somehow he looks funny.

But he was serious.

He was so serious that it made the insides of my stomach knotted.

Pinilit ko na lamang ang matawa. I waved my hand to dismiss his thoughts and because I was naturally shy when it comes to accepting compliments, it was easy for me to dodge his intense gaze.

"Mas marami namang maganda na bagay kay Ragh. At kung dahil lang sa maganda ako kaya n'ya ako nagustuhan, edi paano kung di na ako maganda? Edi hindi na n'ya ako gusto? It seems superficial to me," sabi ko at napalunok. "Makakahanap pa siya ng iba."

My looks were not even above average. Ang mga mata ko lamang na tila bughaw ang kapansin-pansin sa akin. It was gleaming even in the dark. It was like the moon's shadow casting on the waters of the sea. Gano'n ang epekto ng mga mata ko ngunit para sa akin ay mayroon pang mas maganda sa aking mukha. Even Coleen is prettier than me. Kaya hindi na n'ya ako mauuto sa mga sinasabi n'ya.

"Hmm, that's true. There will be prettier girls or even more beautiful girls than you. . .but you made him feel different, Cerenia." Ngumiti si Merculio sa akin. "And sometimes, different is better than beautiful."

"Wala si Ragh pero may tigapagtanggol siya. Magkano ba bayad para maging isang Ragh solid supporter?" pangbubuska ko sa kan'ya.

"Free accommodation sa hotel, pm to know more." Ngumisi si Merculio matapos sabihin 'yon.

Hindi ko napigilan ang matawa. Naputol lang ang litanya naming dalawa nang tawagin ako ng ginang upang kuhanin na ang order namin.

"Ako na," Merculio insisted. "Medyo mausok doon."

"Sanay naman ako sa usok. Mas malimit sa Maynila ang gan'yan. . ." I shot back.

Hindi naman sa paninirang puri pero sa dami ng mga sasakyan sa Maynila ay mas makapal ang nalalanghap kong usok. Pero unti-unti naman itong nababawasan habang nagkakaroon ng kamalayan ang mga tao pagdating sa epekto ng usok sa kapaligiran natin.

"Kahit na, ako na kukuha. Di ko naman babawasan 'yong sa 'yo!"

Natawa ako. "Aba subukan mo!"

Hindi ko namalayan na pinapanood ko na lamang siya habang bumabagtas patungo sa ihawan. Kinuha n'ya ang supot mula sa ginang at bahagyang natawa dahil sa isang komento mula rito. I didn't hear it but the lady was peering over my direction, making me feel that it involved me somehow.

"Ano raw sabi?" usisa ko kay Merculio pagkabalik n'ya sa tabi ko.

Saglit na natigilan si Merculio habang nilalabas ang stick mula sa supot. He bit on the barbeque stick before smiling widely.

"Ganda mo raw."

Umiling-iling naman ako sa kan'ya ngunit napangiti. I really wonder what the both of them talked about. Iba kasi ang kinang sa mga mata ng ginang.

Dinala ko ang barbeque na binili ko para kay Coleen pero natigilan ako nang makita si Ragh sa harap ng tinitirhan namin. This wasn't the first time that I saw him but my stomach fluttered. The caged butterflies are at it again.

"Hey," Coleen greeted me. "May kinuha lang si Ragh sa akin. He isn't here to. . .you know?"

Hindi siya nandito upang mangulit. I nodded because I got the message. Ang sama lang siguro dahil parang ang dating kay Ragh ay nakukulitan ako sa kan'ya.

Well, that was partly true. Pero hindi naman ibig sabihin n'on ay masamang tao na siya. I just didn't like the feeling that he gives me.

"Alis na ako, Coleen." paalam ni Ragh at hindi man lang ako tiningnan. Dahan-dahan siyang humakbang papalayo.

Sinundan ko na lamang siya ng tingin. That's right, pretend that you don't know me. Make it easier for the both of us. Para pareho tayong maka-alpas papalayo sa sakit. Gustong-gusto ko na rin makalimot, Ragh. At hindi ko kakayanin na masaktan muli dahil sa iyo.

It was unfortunate that I could fall for him in a second but move on from him for years.

Hindi ko alam kung bakit mabigat sa dibdib na si Ragh naman ngayon ang hindi pumapansin sa akin. I thought it would be for the better but something inside me is rebelling. Minsan ay napapatingin ako sa Crystal Hotel at naaalala ang ilang sandali na magkasundo kami.

"Miss mo na 'no?" biro ni Coleen habang tinutulungan ako magluto ng pancit canton. Binuksan n'ya ang kalan at kinuha ang kawali na may lamang tubig.

I shook my head. "No, of course not. Masaya nga ako na hindi na n'ya ako pinapansin."

"Forgive and forget na kasi, di naman sinadya no'ng tao. Saka di mo pa nga alam 'yong rason kung bakit di ka napuntahan e. Alam mo bang every weekend na 'yon nagpa-party sa hotel nila para kung sakaling pumayag ka ulit ay may party kayong pupuntahan?"

I swallowed hard before putting the soy sauce on the plate. Napapikit naman ako dahil sa kahibangan ko. Great! Nauna ang sauce sa mismong noodles. Gano'n na lamang ang epekto ng sinabi n'ya sa akin. I became too soft and too absent minded.

"Alam mo ba 'yong dahilan?"

"Yep." She nodded.

"Ano raw?"

"Hm? Bakit ko naman sa 'yo sasabihin? Know it for yourself." Coleen jutted her lips out and immediately ran her finger over her lips. "My lips are sealed."

"Fine! Kay Merculio ko tatanungin."

"I doubt that Merculio will snitch, alamin mo na lang mismo kay Ragh. Willing naman 'yon magsabi e. At saka hindi naman sa minamadali kita, girl ha. Kaso malapit na tayo bumalik sa real life? Babalik na tayo sa Maynila, huy! Sa OJT pa tayo makakabalik dito!"

She was right. Pero iniisip ko kung kakausapin ko ulit si Ragh ay muling mabubuo ang pag-asa sa aming dalawa. The fire that I desperately try to put out will be lit again. At baka lalong mas umalab pa ito. The more I try to bury our feelings, the more it flourishes. Nakakainis man pero wala akong magawa dahil hindi ko naman palaging kontrolado ang nararamdaman namin. I can't even control my feelings, how can I control his feelings for me?

"You can ask him yourself, you know? At kung sakaling hindi reasonable sa 'yo ang rason n'ya, edi saka mo na siya iwan o huwag pansinin."

I bit my lower lip because she had a point. Hindi ko nga talaga pinakinggan si Ragh. Alam ko naman kasi na maiintindihan ko ang rason n'ya kahit gaano pa ito kababaw. I was too enthralled by his heavenly presence that I can't possibly say no to his excuses. Kaya nga minabuti ko na lamang maging bingi sa rason n'ya.

"Okay naman na kami sa ganito. Hindi na n'ya kailangan pang sabihin kung "

Tama na siguro ang pagpapantasya sa isang masayang hantungan. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Pero tingnan mo nga naman kung sino ang tangang sumama kay Coleen sa isang bonfire party malapit sa Crystal Hotel.

"Feels like deja vu," I sighed upon fixing my white sleeveless top. Sinuot ko ang isang manipis na tela upang maging balabal.

"Gusto mo rin talagang makausap ulit 'no?" Coleen teased. "Di mo rin matiis."

"For your information, gusto ko lang sulitin ang mga party rito dahil hindi naman ako nagpa-party sa Maynila."

That was half the truth. Puro nga ako paga-aral doon pero hindi naman talaga ako mahilig mag-party kaya wala talaga akong sinusulit. I probably also wanted some closure before departing completely. Baka nga hindi na rin ako rito mag-OJT para maiwasan si Ragh.

All the things I did just to forget you. Napapikit ako bago magpakawala ng isang buntonghininga. Paano ka ba maaalis sa sistema ko, Ragh?

Pumunta na muli kami sa bonfire party. Ang mga nagsasayawan sa gitna ng buhangin ay nagkukumpulan malapit sa malalaking bonfire. Natatawa ako dahil inaasar ako ni Coleen na mukha raw silang mga iniihaw. Loka-loka talaga ang isang ito!

"Hey, there's Ragh. . ." dinuro ni Coleen ang isang direksyon.

Agad ko itong nilingon at nakitang wala namang tao. Nangunot ang noo ko at pabirong hinampas si Coleen sa kan'yang braso.

"What? Si Ragh nga lang talaga ang pinunta mo rito! You can't even deny it!" Halakhak n'ya sa akin. And that's true, kahit si Coleen ay alam na hindi naman talaga ang party ang pinunta ko rito.

I roamed my sight to find Raghnall. Hindi ko siya mahagilap at ang nakita ko ay si Seraphina na tulad noon ay nanglilisik ang mga mata. My heart hammered against my chest upon seeing her looking at me once again. Hindi ito ang unang beses na tiningnan n'ya ako na para bang napakalaki ng kasalanan ko sa kan'ya.

"Cerenia," may tumapik sa balikat ko. I craned my neck in his direction. Si Merculio lang pala na may ngiti sa kan'yang labi.

"Pumunta ka pala rito, akala ko natakot ka na sa mga ganito e."

"Nasaan si Coleen?" I asked. Kanina ay nasa tabi ko lamang siya ah. She's nowhere to be found!

Merculio shrugged off. "Ikaw lang ang nakita ko rito e. Baka may nakausap o may sinamahan lang. Bakit? May pupuntahan ba dapat kayo?"

"Wala naman. . ."

"Nandito ka ba para kay Ragh?" direktang tanong n'ya. It caught me off guard because of his serious expression. Kunot kasi ang noo n'ya at mukhang tinatansya ang aking magiging sagot.

"Hindi. . . Ko alam."

"Nasa likod lang siya ng bahay kubo na 'yon." Merculio pointed towards the modernized nipa hut. Napalingon ako rito ay nakita ko ang isang anino.

Ragh is there. Napalunok naman ako dahil para kaming nasa isang karera na hindi matapos-tapos. After I hear his reason, will I embrace him once again? Kahit sinasabihan na ako ni Seraphina na huwag? Kasi delikado? Kasi bawal?

I huffed and took a step forward towards Raghnall's direction. Bahala na nga! Tatanggapin ko na lang ang magiging desisyon ko kapag narinig ko na ang paliwanag n'ya. Hinihiling ko lang sana na hindi ako masyadong maging marupok dito.

My hand was hastily yanked away from Raghnall's direction. Kumakabog ang dibdib ko nang maramdaman ang isang kamay malapit sa aking pulso.

"Cerenia," Merculio asked in a low voice. "Sigurado ka na ba sa kan'ya?"

"H-huh?" agap ko. I was dazed for a bit. Seryoso ang tinig n'ya at halos malusaw ako ng kan'yang titig.

"Si Ragh ba talaga ang gusto mo? Mahal mo na ba siya?" tanong ni Merculio. May nahihimigan ako sa boses n'ya na parang ayaw kong alamin kung ano.

Because if I acknowledge it. . .everything will be more complicated than it is. My heart was gradually speeding its heartbeat. I wet my lips as I stared back at Merculio, trying to convince myself that everything he's saying is pure bluff.

"Please tell me. . ." Merculio breathed out. "Para alam ko kung saan ang lugar ko. Para alam ko kung hanggang saan lang ako. Para alam kong. . . Hindi na talaga. . .p'wedeng. . .tayo."

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro