Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21


Chapter 21

"Huwag na," sabi ko saka umiling. Unti-unting pinatatag ang sarili. I straightened my back and gave a small smile at Merculio.

"Sayang naman 'yong ganda mo ngayon."

"So, pangit ako kahapon? Gano'n ba?" I jeered.

Tumawa naman si Merculio at pinasadahan ng kan'yang kamay ang kan'yang buhok. "Hindi ah. Pero mas maganda ka ngayon. Sayang dahil hindi nakita ni Ragh."

"Hindi n'ya gustong makita." I corrected him. "'Yon ang totoo. He didn't want to come."

It was just like before. He promised to marry me. He promised me vows that weren't even possible. Umasa naman ako. At patuloy akong umaasa sa wala.

"Tara na?" anyaya ni Merculio.

Umangat ang tingin ko sa kan'ya. I wanted to refuse him once again but an idea finally came into me.

Sa paraan lang na ito titigil si Ragh. Sa paraan na ito ay lulubayan na n'ya ako at titigil na ako na muling magkagusto sa kan'ya. My heart will be at peace and he will find another girl to bother too.

"Sure." Ngiti ko.

Tinanggap ko ang kamay ni Merculio at giniya n'ya ako patungo sa loob ng event room. Medyo nanibago pa nga ako dahil mukha siyang birthday party at napadaan lang ako. Most of the people were close to each other and they probably know each other too.

"You okay?" Merculio whispered through my ears.

Napalingon ako sa kan'ya at sinuklian ito ng isang tipid na ngiti. "Yeah, medyo nagulat lang ako sa dami ng tao."

"May party ang Crystal Hotel dahil nandito ang parents ni Ragh. Ang mga nandito naman ay mga staff o di kaya mga kilala ng mga Lastimosa na nakatira sa malapit sa dalampasigan," paliwanag ni Merculio.

Sinuyod ko gamit ng aking patingin ang buong lugar. May pakiramdam ako na hindi ko matanggal. There is something that is bothering me. Parang may nakatingin sa akin ngunit di ko naman alam kung bakit o sino naman ito.

A mellow sound slowly enwrapped everyone to dance with their partners. Napalingon naman ako sa stage at nakitang oras na pala para sa isang sayaw. I bitterly smiled because Ragh could have been my dance partner. Pero tulad noon, hindi na naman ito natuloy.

I could always blame Ragh for giving mixed signals but I can't also erase the fact that I somehow always cling to that tiny speck of hope. Ako rin naman ang puno't dulo na dahilan kung bakit ako nasasaktan.

Merculio snake his hands on my waist. Pinaharap n'ya ako sa kan'ya at binigyan n'ya ako ng isang ngiti. Inayos n'ya ang nagulo kong buhok.

"You don't have to do this, you know. . ." mahinang sabi ko. Unti-unting napayuko upang tingnan ang kan'yang mga paa.

I'm not a good dancer but when I was still a mermaid, I watched how humans interact with their feet. I watched them sway with the wind and use their feet to dance.

I actually can't dance because I can remember the tiny blades of knives going through my feet as I try to walk. It would be horrifying to even try even a single step.

"It's not like I have to," Merculio confirmed. "Pero gusto ko, Cerenia."

Natigilan ako roon. Matagal akong nakatitig kay Merculio at hindi rin n'ya tinanggal ang kan'yang tingin sa akin.

"Bakit mo ako tinutulungan, Merculio? You don't have to. Hindi naman ako galit. At kung galit man ako, hindi 'yon dahil sa iyo."

"I know. Tulad nga ng sinabi ko noon, I just want to. . ." ulit ni Merculio.

"I don't get you. . ." Ngumuso ako.

Our steps were getting slower. Sinusundan ang ritmo at himig ng kantang pinapatugtog. Merculio was gently guiding me through the dance, he probably knows that I'm struggling.

"You always look alone. . .kahit may kasama ka naman," puna n'ya sa akin.

"I always feel alone, Merculio."

Because I know that this isn't where I'm supposed to be. The land was supposed to be a far fetched dream. Pero sinubukan ko ito ungkatin at kunin. All of the sacrifices felt futile because I knew in my heart—it was better to be under the ocean. It was better to not dream at all. Hindi ko na lang sana sinubukan pa.

"You are not alone, Cerenia." Merculio smiled gently. "Nandito kami para sa iyo. Ragh wouldn't like to see you lonely too."

But he's the reason why I feel so alone. Is that possible? To be both the source of your happiness and sadness? Because Raghnall can do both for me. Siya ang tanging nagpapasaya sa akin ngunit siya rin ang kalungkutan ko.

Humigpit ang kapit sa akin ni Merculio. My hands were on his shoulders so I felt him suddenly becoming tense. Hinayaan ko lang siyang isayaw ako sa kantang lalong nagpapalalim ng gabi.

"I hope you could trust Ragh. . ." bulong ni Merculio sa akin.

"Hindi man lang n'ya sinabi na hindi n'ya ako sisiputin. It's hard for me to trust someone who's unreliable."

Napabuntonghininga na lang siya. He probably couldn't refute anymore.

It's not like I didn't try my best to trust him. I already did what I could do. I trusted him too much and what happened? It was all futile. Wala rin akong napala. Can't I pick myself this time? Hindi ba p'wedeng unahin ko naman ang tingin kong tama? To avoid him and live a peaceful life?

My eyes widened upon seeing a familiar face. Hindi ko alam kung bakit parang ako lang ang nakakakita sa kan'ya. Seraphina was glowing in her white satin dress, her eyes following my movement. Nakaangat ang kan'yang ulo na para bang dismayado siya at naiirita.

"Seraphina. . ." I unconsciously uttered her name.

Her eyes glowered because of what my mouth said. Pakiramdam ko ay narinig n'ya ito kahit ilang dipa ang layo namin sa isa't isa. Umakyat ang pangamba sa puso ko. Natigilan kami sa pagsasayaw dahil hindi tinanggal ni Seraphina ang tingin n'ya sa akin.

She even glared at me.

Hindi ko maintindihan kung bakit tila ba nagagalit siya sa akin, maybe she knows? Kung bakit nakakaalala pa ako? Natigilan tuloy ako at nagtaka si Merculio.

"Bakit? You alright?"

"Kailangan ko siyang lapitan," I said. Bumalik ang tingin ko kay Seraphina na unti-unting sumasama sa kumpol ng mga tao. She's probably trying to blend in the crowd so I couldn't spot her.

"Sorry," I said. Binawi ko ang mga kamay ko na nakapatong sa braso ni Merculio. "May kailangan akong kausapin."

"Magi-ingat ka."

Tumango lang ako at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. Alright, I gathered the remaining strength that I have and pursued the path that Seraphina took. Nakipagsiksikan pa ako sa mga tao upang mahanap siya. I could only see traces of her but I didn't lose hope.

I keep on following her trail. Until I bumped into someone. Pawisan ito ngunit ang mahalimuyak n'yang amoy ang bumungad sa akin.

"Cerenia. . ." hinihingal na sabi ni Ragh. Hinahabol n'ya ang kan'yang hininga.

"Magusap tayo. . ." pakiusap n'ya.

Umiling ako. "Mamaya na, Ragh. May hinahabol ako."

It was partly true. Ang totoo n'yan ay ayoko sanang magalit pero nang makitang nakaayos siya ng polo at pantalon na itim sabay hinihingal na tila ba tumakbo, pakiramdam ko ay pinuntahan lang n'ya ako dahil kailangan at hindi dahil gusto n'ya. It was as if he was only obliged to. Ayoko naman nang gano'n.

I don't want to force myself in his life. Hindi naman n'ya kailangan pagbayaran ang nagawa n'ya noon. He was free to live his life the way he wanted to. Ang suwerte nga n'ya na hindi n'ya ako naaalala.

"Please, Cerenia. Just give me a chance. K-kahit ilang minuto lang. I'll explain. . ." his eyes were begging, kitang-kita ko ang pagsusumamo rito.

"I'm sorry. Bukas na lang," I replied coldly. "May mas importante rin sa iyo, Ragh."

I wish I didn't have to see the hurt in his eyes. Umaasa kasi ako sa tuwing nakikitang kahit pala paano ay naaapektuhan siya sa akin. That I had the power over him too—as much as how omnipotent his effect was on me.

"Sorry." Ragh sighed. "Sorry, Cerenia. . ."

My heart softened but I have priorities right now. Hindi na rin naman mababago ng sorry n'ya ang nararamdaman ko sa kan'ya ngayon.

Unti-unting umalis sa harap ko si Ragh at hinayaan akong habulin si Seraphina na malapit na sa bulwagan ng hotel. I rushed towards her even if she was not aware of my presence.

Huminto siya sa paglalakad kaya naman unti-unting tumigil din ang mga hakbang ko. I halted and waited for her to look back at me.

"Hindi ka dapat nakakaalala," Seraphina uttered and looked directly at my eyes. "Isa siguro ito sa mga sumpa dahil pinagbigyan ko ang kahilingan ng isang mortal."

"Sera. . ." I gulped.

Alam n'yang nakakaalala ako. She could help me remove my memories. She could finally solve my dilemma.

"Hindi ka p'wedeng umibig sa mortal na 'yon. Sa oras na tumibok ang puso mo para sa kan'ya, 'yon din ang oras na titigilan ang pagtibok ng puso n'ya." makahulugang saad ni Seraphina.

"Seraphina, a-anong ibig mong sabihin?" I asked. Napansin ko na bahagyang napalingon sa akin ang mga tao.

Seraphina glared at me. "Mabuhay ka nang hindi umiibig sa mortal na 'yon. Hayaan mo siyang mabuhay nang hindi mo iniibig upang makuha n'yang muli ang nawawala n'yang kaluluwa. Hayaan mong mabawi n'ya ang kinuha mo, Cerenia."

Unti-unting naglaho na parang pinipirasong papel ang kan'yang katawan. The odd thing is—mukhang ako lang ang nakakakita sa kan'ya. Some people were looking at me like I was talking to the air. Namutla naman ako sa huling narinig na pahayag kay Seraphina.

Akala ko masasagot n'ya ang mga tanong ko sa buhay. Subalit mas nadagdagan lang ang mga ito. Sinong mortal? Anong hindi ko p'wedeng mahalin? At bakit siya mamamatay? Endless questions with no trails of answers.

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro