Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20


Chapter 20

Seraphina was vivid to me. She was the most beautiful guardian that we had. Her eyes are azure, she was the fairest among us and she doesn't look like a mortal. Sa likod ng mala-anghel na mukha ay ang ugali n'yang strikta. She was always following the protocol and she's assigned to punish the daughters of the air whenever they show themselves to their former friends, family or lovers.

At dahil doon, binigyan siya ng kapangyarihan na kumuha ng mga alaala o magbura ng mga memorya.

Pinagtagpi-tagpi ko ang mga naaalala kong impormasyon. Kung gano'n ay maaaring may kinalaman siya kung bakit nakakaalala pa ako. Maybe she can help me erase my memories! At kapag nangyari 'yon. . . I'll still get hurt. Alam ko naman na kung di lang ako nakakaalala, I would love Ragh without hesitation.

"Ragh," I said. "Kapag ba nagka-amnesia ako magkakagusto ka pa rin sa akin?"

"Ha?" Ragh looked at me with a puzzled expression.

"What if bukas di na ako nakakaalala, crush mo pa rin ba ako?" seryosong tanong ko sa kan'ya.

"Okay ka lang ba?" Ragh asked, napalunok siya bigla. "May lagnat ka ba o talagang tinatanong mo ako ng gan'yan? Kikiligin na ba ako, Cerenia? Ito ba ang version natin ng 'mahal mo pa rin ba ako kahit ipis ako'?"

I laughed. "Seryoso nga ako, kapag nakalimutan ba kita, crush mo pa rin ba ako?"

"Sino bang nagsabi na crush kita?" Ngumuso si Ragh.

Dinapuan naman ako ng hiya. Nga naman, wala naman siyang nabanggit na crush n'ya ako. Pero ilang beses na n'ya pinadama na gusto n'ya ako. Maybe I should have chosen my words properly.

"I love you, Cerenia."

Nagtahip ang puso ko sa biglaang bigkas n'ya ng mga katagang 'yon. Nilingon ko si Ragh na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ako nagpatinag sa kan'ya. I looked at him with sincerity as I dwell into his words.

"I know that you doubt my feelings, it's okay. Even if it will take years for you to return it or even acknowledge it, I will wait. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal," sabi n'ya. Nahihimigan ko ang panginginig ng boses.

Nasa balkonahe kami ngayon ng kwarto namin dito sa Crystal Hotel. Tulog si Coleen at wala naman si Merculio. It was only the both of us and the sun slowly departing from the sky. Pakiramdam ko pati ang puso ko ay kasabay nitong lumubog.

"I will think about it." Napalunok ako. "Ang totoo n'yan ay naniniwala naman ako sa 'yo pero. . ."

"Pero?"

"I hope you'll take care of my heart," I told him. Sumilay ang isang malungkot na ngiti sa aking labi. "I just want to say that."

I hope you will take care of it now that I might risk it again. Sabi nila tanga raw ang mga umiibig na palaging sumusugal kahit dehado na ngunit mas maituturing na katangahan ang hindi sumugal kapag ikaw ay umiibig. And if this fails me, then I have to accept it again. Nadapa na ako noon, pero natuto lang akong bumangon. Natuto lang ako na mas pahalagahan kung ano ang kaya kong gawin para sa pag-ibig.

"May party sa hotel mamayang gabi," Ragh smiled. "Can we go together?"

Napasinghap ako. "Yes. Sure, sasama ako."

Hindi ko alam kung bakit para bang may tinik na nalusaw sa aking dibdib. I can finally breathe now that I'm not avoiding him anymore. Hahanapin ko si Seraphina at kakausapin kung bakit naging ganito ang sitwasyon ko. The fact that I can still see her might mean something. Baka ito na ang lumutas sa matagal na bumabagabag sa akin.

I gasped when Ragh started jumping and dancing. Natigilan lang siya nang mapansin ako. Bigla siyang namula at umiling-iling. Napakamot pa siya sa kan'yang batok dahil yata sa kahihiyan.

"Sorry, medyo natuwa lang ako." He chuckled. "Hindi na ba tayo enemies? Lovers to lovers na tayo?"

Napangiti ako dahil doon. "Ang dami mong alam."

Susubukan ko na muling buksan ang puso ko para sa pag-ibig. At kahit parang mahirap dahil sa mga alaala ko noon, piliin ko na lamang gumawa ng mga bagong alaala kasama siya upang matabunan ang nakaraan.

Pagkaalis ni Ragh ay kinuwento ko ang lahat kay Coleen. She made it obvious that she was happy for me. Tumalon-talon pa siya sa kama kahit kakagising lang n'ya.

"Sabi ko na nga ba rurupok ka rin e!" tili ni Coleen. "So anong base?"

"Wala pa!" I blushed.

"Ay wala pa? So may balak ka nga?!" Halakhak n'ya sa akin.

Umiling-iling naman ako sa kan'ya. Before finally letting myself be free from all the doubts that I have, kailangan ko munang ayusin ang pinakaproblema ko. Kailangan ko makausap si Seraphina. I have to find her. Pero hindi ko alam kung paano.

"I have an extra dress with me, medyo revealing nga lang." Coleen said.Binato n'ya sa kama ang isang damit. It was a dark violet dress with a slit on it. Umaabot ang slit nito hanggang sa hita.

My eyes widened a fraction. Hindi ako sigurado kung kaya ng katawang lupa ko ang damit na gan'yan. Pero bukod sa swimwear at mga t-shirt ay wala na talaga akong dala. May silbi rin pala ang maleta na dala ni Coleen.

"Aayusan kita, minsan ka lang lumandi kaya dapat ay todo mo na." Coleen said. "Maligo ka muna roon! Dalian mo rin ha!"

Hirap na hirap siya sa pagtulak sa akin patungo sa banyo. Natawa na lang ako sa kan'ya habang pilit na nilalabanan ang kan'yang pagtulak. It was freeing to finally admit that I have blossoming feelings towards Ragh. Pakiramdam ko talaga ay nabawasan ang dala kong sama ng loob kung bakit ako nakakaalala.

Naligo na ako at sa buong buhay ko ay ngayon lang ako na-conscious sa balat ko. I scrubbed it thoroughly because of the lingering thoughts. Hindi naman pangit ang balat ko pero pakiramdam ko ay kailangan ko pa maging mas makinis.

"Done ka na?" salubong sa akin ni Coleen habang pinupunasan ko ang buhok ko gamit ng tuwalya.

I nodded. "Kahit pahiram lang ng damit, Coleen. Hindi rin naman siguro ako magtatagal sa party na 'yon."

"Ay! Hindi ako papayag na kahit ano lang 'no! Dapat ang look mo tonight ay 'yong iuuwi ka ni Ragh sa sobrang ganda mo."

"Coleen!"

Tinawanan lang n'ya ako. She pulled me towards the mirror. Nakita ko roon ang mga make up n'ya at iilang mga alahas. Una n'yang pinatuyo ang buhok ko gamit ng blower. Nilagyan n'ya rin ako ng make up upang di naman daw ako pupunta roon na maputla.

"Part your lips," utos ni Coleen habang nilalagyan n'ya ako ng lip gloss. I did what she told me and immediately helped on spreading it on my lips.

"There," sabi n'ya at binalik ang lid sa kan'yang lip gloss. "You're really beautiful, Cerene."

Tumingin ako nang matagal sa salamin. I never thought I was beautiful. Compared to my sisters before, I may be the brightest but I certainly wasn't the best looking. Ako na mismo ang nagsuot ng mga hikaw at muling bumuntonghininga bago tumayo sa pagkakaupo.

"Thank you, Coleen."

"Buka mo nang mabuti," Coleen gave a thumbs up.

Nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Ano raw?

"The sleeves of your dress! Ibuka mo nang mabuti, okay?" She chortled. Inayos n'ya ang sleeves ng damit ko. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil sa kan'ya.

Nagulat yata siya nang bigla ko siyang niyakap. I'm grateful that she existed. Hindi ko nagawa ito sa mga kapatid ko noon. I wasn't able to tell them how grateful I am for their help and sacrifices. Hindi ko namalayan ang mga luha kong unti-unting tumulo sa kan'yang balikat.

"Grabe 'te, magkikita pa naman tayo."

"Salamat talaga, Coleen."

Her eyes softened. Dahan-dahan n'yang binalik ang yakap ko sa kan'ya. Hinaplos n'ya ang aking buhok. "Galingan mo ha. First time mo lumandi. Huwag mo ako ipahiya."

We both laughed. It reverberated through the room.

The party was at 8pm. Dumating ako sa hallway sa gano'ng oras din. Kinabahan pa nga ako dahil sa dami ng tao. It was apparently a formal party unlike the usual beach ones. Hinanap ng mga mata ko kung nasaan si Ragh. I was hoping that he'll be here earlier than me.

I watched the clock, ticking as the time went by. Naghintay ako sa hallway dahil nahihiya akong pumasok na wala si Ragh. Ang kabado kong puso kanina ay unti-unting kumalma.

He won't come.

Lumamlam ang mga mata ko habang kinukubli ang nararamdamang sakit. I bit my lower lip as I pushed my dress down.

Stupid dress. Stupid makeup. Stupid Cerenia thinking she stood a chance against fate and time. Namumuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.

Why did I expect too much? Ano ba ang mayroon sakaling pumunta siya ngayon sa party? Maybe because I thought I could finally say the exact words to him. My answer to his confession.

"Cerenia. . ." a familiar voice called.

"It's already nine, Ragh. Tapos na yata ang party." I smiled bitterly.

"I'm not Ragh."

Umangat ang ulo upang tingnan kung sino ito. Merculio in his coat was peering over me with a concerned look.

"May emergency lang si Ragh at medyo matatagalan pa siya bago bumalik. . ."

"He ditched me."

"No," Merculio shook his head. "Ragh would never do that."

"He already did!" I snapped. "S-sabi ko na nga ba, hindi talaga p'wede. What was I thinking?! Giving him a chance? Giving this stupid love a chance to wreck me again?! Pagod na pagod na akong masaktan! I want to breathe too! I want to just live a peaceful life!" I angrily growled.

"Cerenia—"

"What?! Are you going to defend him again?" hinihingal kong tanong. I was so caught up. I wanted to throw a tantrum but I couldn't. It wasn't rational. Mali dahil kung tutuusin wala namang pananagutan si Ragh.

"Tayo na lang?" tanong ni Merculio sa seryosong tinig. His eyes were sincere as to how pure the water from the ocean is.

"A-ano?"

Napabuntonghininga siya at kinapa ang aking kamay. He looked at me directly in my eyes and faintly kissed my hand.

"Kung di ka kaya isayaw ni Ragh. Ako na lang ang magsasayaw sa 'yo."

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro