Chapter 2
Chapter 2
The sea wasn't particularly a bad place to live in. My sisters were kind despite our differences, my father is a wise sea king, and my grandmother has always been lenient to me. Ang mga kauri ko ay marunong din naman magpakita ng respeto sa akin. The colossal corals and shells were our home.
Subalit naghahangad ako ng mas magandang lugar na titirhan. The land has everything and yet they don't see the beauty of it. Wala ako'ng nakikitang tao na hinahalikan ang lupang tinatapakan n'ya. Wala rin ako'ng nakikitang nagpapasalamat sa mga ibon, at wala ako'ng nakikitang binibigyan ng kahalagahan ang kalikasan nila.
We don't see the beauty of something when we have it; we can only see the beauty of what we have lost or what we don't have because our gazes are not in our own hands. Parating nasa iba ang tingin natin. Parating hindi sa ating mga sarili. The irony of giving love to others but never to yourself.
"Inay," I softly called her. Katabi n'ya ngayon ang aking ama na may kausap na isang lalaki. We're in the courtroom, isang malaking espasyo kung saan nananatili ang mga dugong maharlika sa ilalim ng dagat.
The courtroom was the grandest place in the sea. It is furnished with the treasures found in sunken ships and was blessed by our patron deity. Kaya naman isang biyaya ang araw-araw kong pagpunta rito.
It was a soldier, a merman, who was bowing to my father. Unti-unting tumaas ang tingin n'ya sa akin. Ah, if it isn't Theseus! The most loved soldier of my father. Ang tinitingala ng lahat pagdating sa pakikipaglaban at sa kagwapuhan. He has golden hair and his eyes were as blue as mine. Isa rin talaga siya sa mga makikisig na kilala ko sa karagatan.
"Cerenia," bati n'ya sa akin at binigyan ako ng isang maliit na ngiti. I returned his smile because it was the polite thing to do.
"Nakabalik ka na pala," saad ko. Ang huling balita ko ay naging bantay sila sa silangang bahagi ng karagatan dahil nandoon ang mga gumagamit ng mga pasabog o dinamita para makahuli ng mga isda.
"Sandali lang ang pagbabalik ko, Cerenia." Theseus replied, still bowing his head to me. Hindi na bago sa akin na hindi n'ya ako tinatawag na prinsesa dahil halos kababata ko siya.
"Nandito si Theseus dahil hinihingi n'ya ang kamay mo, Cerenia." anunsyo ni ama na may malawak na ngiti sa labi. Nalaglag ang puso ko sa kan'yang isiniwalat.
"A-ano?"
"Bilang parangal dahil muli nila tayong niligtas sa kapahamakan ay binibigyan ko siya ng basbas na maging asawa mo, Cerenia." Ngumiti ang hari sa akin. Hindi ko naman ito masuklian at namutla ako.
Tanging ang hari at Theseus lamang ang mukhang masaya sa sinabing balita. Nanginginig ako sa galit dahil wala ako'ng alam sa paratang nilang ikakasal na ako. Hindi p'wede! Ayokong matali sa dagat.
"Bakit ako? Bata pa ako! Ayoko pa!" pagmamaktol ko. Rumihistro ang gulat sa kanilang mga mukha. Alam ko naman na nasa hustong gulang na ako para magkaroon ng isang kabiyak. Napakagat ako ng aking labi dahil sa inis. Hindi nila ako tinanong ukol dito!
"Handa naman po ako'ng maghintay, mahal na hari," ani Theseus na bumaling pa ng tingin sa akin.
Bahagyang dumaan ang poot sa kan'yang mga mata. Marahil ito ang unang beses na nakatanggap siya ng pagtanggi. He is the best candidate for the throne after all. Hindi naman kasi pumapayag ang mga nasa dagat na babaeng sirena ang mamahala sa kanila.
"Hindi rin maaari! May iniibig na ako!" giit ko sa aking ama. Lalong nanglaki ang mga mata ng hari dahil sa sinabi ko. Napatayo siya mula sa kan'yang inuupuan at tiningnan ako nang masama.
"Sino Cerenia? Sino ang nangahas na lumapit sa 'yo nang hindi dumadaan sa akin? Hindi ka isang sirena lamang! Isa kang prinsesa! Kaya sino ang nangahas na banggain ang patakaran ng ating kaharian?!" His voice thundered across the courtroom. Ang ilan sa mga naninilbihan sa amin ay napayuko dahil sa galit ni ama.
"Hindi rin siya sirena! Isa siyang tao!"
"Cerene!" aniya, nagkukumahog sa paglapit sa akin ang aking Inay na nakaimprinta ang takot sa mukha. Hinawakan n'ya ako sa aking braso.
"Tao? Cerenia, nagkakagusto ka sa isang tao?" ulit ni Ama na tila ba hindi siya makapaniwala.
"Nagmamahalan kami!" I foolishly said just to halt their plans. Ayokong maging asawa si Theseus at gusto ko rin maranasan ang lupa! I want what they have that we can't see here in the sea. Ayaw ba nila no'n?! May magiging participant na galing mula sa karagatan at hindi na puro tao lang ang mananalo sa mga paligsahan nila!
Nagtaas-baba ang dibdib ni ama sa galit. "Kataksilan! Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa isip mo dahil sa pananatili mo sa itaas ng tubig! Magmula ngayong araw na ito ay pinagbabawalan na kitang tumaas pang muli! Mananatili ka na palaging nakalubog sa tubig upang hindi ka pinapasukan ng mga ideyang hindi makatotohanan!"
Ang pagmamando n'ya na 'yon ay naglahad ng matinding galit. Hinawakan ako ng mga sundalo sa aking mga braso at kahit ilang beses man ako'ng lumaban pabalik sa kanila ay naitapon pa rin nila ako sa aking kwarto. Bumagsak ako sa aking kama. Lumingon ako sa may pintuan nang may maaninag na presensya.
"Inay!" tawag ko nang pumasok siya sa aking kwarto. "Kausapin n'yo po si ama! Hindi makatarungan ang gusto n'yang mangyari!"
"Cerene, totoo naman ang sinabi ng iyong ama. Hindi naman kasi talaga maaari. Ang isang tao ay para sa isang tao. Ang isang sirena ay para sa isang sirena. Hindi mo mapipilit ang gusto mo." Napabuntonghininga siya matapos ako'ng lapitan. Pinaglaruan ko ang aking mahabang buhok, inikot-ikot gamit ng aking daliri ang iilang hibla nito. Pilit na kinukubli ang nararamdaman na galit.
"Wala ba talagang paraan?"
"Cerenia. . ."
"Inay, sige na. Ano naman ang magagawa ko kung malalaman ko sakaling may paraan nga ba? Gusto ko lang naman malaman," pagsusumamo ko sa kan'ya.
Matagal nanatili ang tingin sa akin ni Inay bago siya nagpakawala ng isang malalim na hininga. "Hindi nga p'wede ang isang tao sa isang sirena. Wala kang kaluluwa, Cerene. Samantalang ang nagugustuhan mo ay mayroon."
"Paano po ba ako magkakaroon ng kaluluwa? Kahit 'yon na lamang po. Kahit ang makatapak lang sa lupa, Inay." Pakiusap ko sa kan'ya, hinilig ko pa ang aking ulo sa kan'yang buntot. Ito ay gawain ko tuwing nag-ku-kwento siya ukol sa mga tao.
"Ang tanging paraan lang para magkaroon ng isang kaluluwa ang isang sirena ay kung may umiibig sa 'yo na tao," ani Inay na mukhang dismayado dahil paulit-ulit siyang umiling.
Hinawakan n'ya ang aking mga kamay at tinitigan ako nang diretso sa aking mga mata.
"Dapat iniibig ka ng isang tao na kahit malabag n'ya ang mga kagustuhan ng kan'yang mga magulang ay hindi ka n'ya iiwanan. Mahal ka n'yang tunay na handa ka n'yang iharap sa altar. At sa oras na halikan ka n'ya at sabihin n'ya ang katagang minamahal ka n'ya sa harap ng kanilang Diyos—ang kaluluwa n'ya ay mahahati sa iyo dahil nagi-isang dibdiban na kayong dalawa."
Naantig ang aking puso sa pahayag ni Inay. Kapag inibig ako ng isang tao ay maaari ako'ng magkaroon ng kaluluwa. Maari kong mahaplos ang mga hayop sa lupa, maramdaman ang simoy ng hangin galing sa mga damo, at mahawakan ang prinsipe sa kan'yang mga kamay.
The night came in a blur. Pinilit ko ang sarili kong magising kung kailan tulog na ang lahat. Lumingon ako sa katabi ko na si Inay na mahimbing ang tulog. I slowly removed myself from the bed and swam through the water in order to get to my destination.
Ang lugar kung nasaan ang mangkukulam ng karagatan. It was the place that people dreaded the most. Hindi ito nasisinagan ng araw, madalas nandito ang mga bangkay ng mga taong hindi na kailanman nakabalik sa lupa at ang mga pating na lubos na kinatatakutan ng lahat dahil hindi sila pumipili ng kakainin.
Pumasok ako sa isang masikip at madilim na puwang kung saan may mga patay na isdang nakasabit sa mga batong nakapaligid dito. Ang masangsang na amoy ng dugo ay humahalo rin sa kulay ng tubig na unti-unting nagiging itim.
"Kanina pa kita hinihintay. . ."
Napalingon ako sa dako kung saan nagmula ang boses. Isang balingkinitang babaeng walang buntot, walang paa ngunit may mga galamay ang sumalubong sa akin. May mga ahas siya sa kan'yang dibdib na kanina pa nakatingin sa akin nang masama.
"Bakit? Bakit mo ako hinihintay?"
"Hmm, sabihin na natin na madaldal ang aking mga alaga at nakita ka nilang nagnanakaw ng salawal ng isang taong lalaki. Isang prinsipe, hindi ba?" Hagikgik ng mangkukulam habang hinahalo ang kan'yang malaking kaldero. Umaapoy ito ng kulay asul. My heart hammered against my chest because of her.
"Alam ko kung bakit ka nandito. Gamay ko na ang takbo ng mga utak n'yo. Hindi ito ang unang bese at sigurado ako'ng hindi rin ito ang huli kung saan hinangad ng isang sirena ang mga pares ng mga paa." She hissed like a snake. Unti-unti siyang lumapit sa akin at pinalibutan ako. Agad ako'ng nangalisag dahil sa biglaan n'yang paglapit ng kan'yang mukha.
"Alam mo ba ang kagustuhan mo?"
"Gusto kong maging tao at magkaroon ng kaluluwa," matapang kong saad.
"Kailangan mong—"
"Kailangan kong paibigin siya. Alam ko 'yon! At magagawa ko 'yon!" agap ko sa kan'ya. Nanatili sa akin ang kan'yang mga mata, tila ba mangha sa aking mga pahayag.
Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking mukha. Ang kan'yang kulubot na balat ay naramdaman ko dahil dito. Taliwas ito sa batang mukha n'ya. Halos magkasing-edad lang ang aming itsura. Kulay itim ang kan'yang labi at ang kan'yang kutis ay halos maging puti na. Hindi man siya pangit tulad ng pagpinta sa kan'ya ng mga batang sirena, tunay ngang nakakatakot siya.
"Para sa isang prinsipe na hindi ka naman kilala? Para sa isang buhay na hindi ka sanay? Para sa pag-ibig na walang kasiguraduhan? Handa mong ibigay ang iyong buhay?"
"Kaya ko," tugon ko sa kan'ya. Lalong lumawak ang kan'yang ngiti.
"May mga sitwasyon kung saan upang makuha natin ang hinahangad natin ay kailangan natin ng sakripisyo."
"Kaya ko mag-sakripisyo," determinadong saad ko.
"Kung gano'n ay ngumanganga ka," utos niya at kumuha ng isang patalim. Isang basag na salamin kung saan nakikita ko ang aming repleksyon.
"Bilang kabayaran sa mga pares ng paa, kailangan ko ang iyong dila."
"Ano?" my voice went ragged. Bigla ako'ng nilamig sa kan'yang binulgar sa akin. Ako ang nagmamay-ari ng pinakamagandang boses sa karagatan. At kapag binigay ko ang dila ko. . .
Humalakhak siya sa akin. Pinaglaruan n'ya ang patalim na kan'yang hawak habang pinapalibutan ako. "Ano? Uurong ka ba? Ito palang ang simula. Tandaan mo na sa oras na mabigyan ka na ng mga paa, hindi ka na babalik bilang sirena."
"Bakit kailangan ang dila ko? Paano ko masasabi sa kan'ya? Paano n'ya ako maiintindihan?" tanong ko habang iniisip ang mga posibleng mangyari. Litong-lito sa pagkumpirma ng aking sitwasyon. "A-ayoko rin masaktan. . ."
The sharp blade was scaring me. Kitang-kita ko na sa oras na lumapat iyon sa aking balat ay tiyak na masusugatan ako. Patuloy naman ang pagngiti ng mga ahas na alaga ng mangkukulam sa akin. Paurong ako nang paurong. Tama ba itong desisyon ko?
"Hindi ba lahat ng mga umiibig ay nasasaktan?" The sea witched asked in return. "Kailangan ko ang boses mo bilang kabayaran. Hindi rin ito ang pinakamalalang p'wedeng mangyari sa 'yo, mahal na prinsesa."
Napalunok ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Hindi magiging pang-habangbuhay ang iyong mga paa. Kapag hindi nagawang umamin sa 'yo ng prinsipe na iyong minamahal, unti-unti kang manghihina dahil sa kapangyarihan ng mahika na gagamitin ko. Sa oras naman na magmahal ng iba ang iyong prinsipe, mamamatay ka. Mabibiyak ang iyong puso. Babalik ka sa karagatan hindi bilang sirena ngunit magiging bula ka. At walang makakaalala sa 'yo."
I bit my lower lip. Umiling-iling ako sa kan'ya.
"Patawad," saad ko at yumuko tila ba nahihiyang pumunta ako rito. Sinayang ko lang ang oras naming dalawa. Ngumisi lang sa akin ang mangkukulam at tinuro ang lagusan palabas ng kan'yang lugar.
Patawad, Ragh. Naduduwag ako.
𖠵 キ 𖠳
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro