Chapter 18
Chapter 18
Pareho kaming hindi mapakali ni Ragh dahil wala kaming makitang bantay sa labas. I didn't bring any phones with me. Nakatitig ako ngayon sa pabalik-balik na si Ragh habang pilit kumukuha ng signal.
"Malapit na ako ma-deadbatt," he uttered. I could see his frustration materializing on his face.
"Wala ba talagang signal?"
Lumapit na ako sa kan'ya para matulungan siya. I was already freezing despite being covered by a towel. Lumingon siya sa akin at napalunok. Agad naman namuo ang isang kunot sa aking noo.
"Uh, yeah. . ." sagot n'ya. "Pero sinusubukan ko naman tumawag sa reception. Sana lang ay may sumagot. Kapag wala, baka bukas na tayo makalabas dito."
"I don't mind spending the night here," I told him. Ayoko isipin n'ya na sobrang agrabyado na ako. The least that I could do is make him feel comfortable.
Tumango naman siya at sinubukan muling tumawag. Naka-ilang tawag na siya sa reception ngunit wala talagang sumasagot.
"Sorry."
"Okay nga lang."
Dead silence. Pareho kaming hindi makatingin sa isa't-isa. Alam ko naman kung bakit kami tahimik ngayon at aamin ako na kasalanan ko kung bakit hindi siya mapakali ngayon. I did make him feel that I don't like him.
"Can we have a truce?" he asked.
Napalingon ako sa kan'ya.
"Ha? Truce?" ulit ko.
"Kahit ngayong gabi lang, p'wede bang pansinin mo ako? Kausapin? Huwag ka magalala, bukas na bukas ay kakalimutan kong kinausap mo ako." Ngumiti siya sa akin.
My heart shivered because of his words. Ramdam ko ang lamig at dalamhati rito. My eyes travelled to examine his face. The way he didn't even flinch when he said that made me feel awful. Pakiramdam ko ay masyado ko na siyang kinakawawa. I only want my feelings to be safe. And I really have to avoid falling for him if I want to secure my heart.
"Ragh, hindi ako galit sa 'yo." I cleared out. "I just don't like being involved with you."
"Why? May nagawa ba ako?" malamyos n'yang tanong. His jet black hair was trickling a few droplets of water from the pool. Kahit pala siya ay hindi pa tuluyang natutuyo.
"Wala naman," sagot ko saka umiling. I know it feels unfair that I associate him with his past self. Subalit sa tuwing nakikita ko ang mukha n'ya ay naaalala ko na pinakasalan n'ya ang prinsesa kahit pa una siyang nangako sa akin.
Mas masakit ang pakiramdam ng pinalitan kumpara sa hindi pinili. The moment his delicate fingers touched her skin was the moment the scorching sun turned me into bubbles.
"P'wede ba tayong magbati muna?"
I sighed. "Yes. Wala naman talagang away na nangyari sa ating dalawa, Ragh. You don't have to feel guilty. Sorry rin kung hindi kita masyado pinapansin. Ang totoo n'yan ay nahihiya kasi ako sa 'yo. . ."
"Bakit ka nahihiya? Crush mo ba ako?" Umawang ang labi n'ya, may pilyong ningning sa mga mata.
I scoffed at his reaction. "Alam mo? Isipin mo na lang na may kasalanan ka dahil mas okay pa yata 'yon kesa iniisip mo na gusto kita."
"Sus, takot ka lang malaman ko na may lihim ka na pagnanasa sa akin." He pouted. I looked at him and couldn't help myself but to blush. Ang cute lang.
"Kapal," I shook my head.
Ragh chuckled. Kitang-kita ko kung paano bumababa ang mga patak ng tubig sa kan'yang katawan. I gulped and took off my towel to give it to him. He tilted his head towards my direction. Agad din siyang namula.
"M-mas kailangan mo yata 'yan, Cerene." he said, blushing.
Napatingin ako sa katawan ko at naalalang two piece nga rin pala ang aking suot. I wasn't shy when I was swimming but right now, I was rendered speechless. Binawi ko ang tuwalya at muling sinuot ito.
"Kukuha lang ako ng towel. . ." paalam ni Ragh sa akin. Wala naman akong nagawa kundi tumango. Pinapanood ko na lang na gumalaw ang tubig dahil sa isang lubid na nagsisilbing palatandaan kung gaano na ito kalalim.
Ragh went away for a minute and went back with a few towels with him. Inabutan n'ya ako at bahagyang dinuro ang comfort room ng mga babae.
"May hair dryer doon kung sakaling gusto mo magpatuyo agad."
"Thank you."
Agad akong tumayo at dumiretso roon. I want a few moments without his presence. Napapikit ako nang makarating sa comfort room ng mga babae. Hinanap ko kung may tuyong robe roon at nasaktuhan naman na mayroon. Agad akong nagpalit upang hindi rin lamigin. Ginamit ko rin ang hair dryer upang matuyo ang ulo at ang katawan ko kahit papaano. Paglabas ko ay kitang-kita ko ang isang balisang Ragh na mukhang lugmok dahil nakatitig siya sa phone n'ya.
"Deadbatt na ako," saad n'ya na tila ba pahiwatig kung bakit gano'n ang itsura n'ya ngayon.
"Hahanapin naman siguro ako ni Coleen," saad ko.
"Coleen's in the bar, at sinabi ko rin na sasamahan kita kaya. . ."
Oh. Bumusangot ang mukha ko. Kung gano'n pala ay baka hindi ako hanapin ni Coleen dahil alam kong itatanong n'ya kung kasama ba ni Merculio si Ragh. Pagtatagpiin n'ya lang ang mga kwento at mapagtatantuan n'yang magkasama kami. She wouldn't do anything to disturb us.
Napabuntonghininga na lamang ako.
"Bukas na yata tayo makakalabas."
"Okay lang sa 'yo? May mga salbabida naman diyan."
Kumunot ang noo ko. "Anong gagawin ko sa mga salbabida?"
"Unan?" Ragh grimaced.
Natawa naman ako sa kan'ya. "Hindi ko sigurado kung makakatulog pa ako. Hihintayin ko na lang sigurong magka-araw at mamaya na matutulog kapag nakalabas na tayo."
Hindi rin ako kumportable ngayon. Despite being dry and all, I was still in a robe and Ragh's half naked with a towel. The thought makes me feel embarrassed for some reason.
"Ah," he chuckled and peered upwards, looking at the silhouette of the moon. "Kukunin na ako ng mga sirena."
Napapilig ako ng ulo. "Ano?"
"No'ng bata ako, madalas panakot sa akin na kukunin daw ako ng mga sirena kapag ginabi na ako ng uwi. I'm not from here but our rest house is near so I always get scolded for spending too much time from the ocean," kwento ni Ragh habang ngumingiti.
Sirena. Kumakabog ang dibdib ko ngayon. As if destiny keeps on interlocking ourselves with the past.
"Takot ka ba sa mga sirena?"
"For some reason, hindi. . ." agap n'ya. "I always wanted to see one."
A smile formed in my lips. "Bakit naman? Intrigued about what they look like?"
"Di naman. Gusto ko lang sana itanong paano sila bumubuo ng baby," seryosong saad n'ya.
Umawang naman ang labi ko at biglang namula na tila ba isang kamatis. Ilang beses pa akong napakurap dahil sa biglaang pahayag n'ya ng gano'n. Ano bang malay ko 'di ba!
He shivered. Agad naman akong naalarma. The temperature of the room is turning down. Marahil dahil sa pagpatay ng mga ilaw at dahil sa kulob ito. Kahit ang mga tuwalya namin ngayon ay malamig na rin.
Should I. . .hug him?
No! Agad akong umiling. Bakit naman pumasok sa isip ko 'yon? Naloloka ka na ba, Cerene? I wanted to slap myself to focus on what's needed.
We need heat. P'wede naman namin gamitin ang hair dryer sa mga comfort room kaso baka magkasakit naman kami kapag init at lamig ang pinagsasama namin. We need a natural cause of warmth.
"Are you c-cold?" tanong ko kahit halata naman na pareho na kaming nanginginig.
"Medyo lang," sagot n'ya at nagawa pa akong ngitian. "Bakit papainitin mo ba ako?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Agad naman siyang napalunok.
"Sabi ko nga, joke lang. Ikaw naman di ka mabiro."
"P'wede rin naman p-para di tayo mamatay sa lamig," I replied.
His eyes glistened but also he immediately shook his head. "Huy! Bawal. Di pa ako p'wede mamatay 'no. P'wede ang initan pero wala namang patayan, Cerene!"
"Di kita pinapatay!" asik ko sa kan'ya. "I'm just saying, I could hug you to give off some heat. . ."
Natigilan si Ragh sa sinabi ko. Kita ko ang pamumula ng kan'yang mukha, umabot pa nga ito hanggang sa kan'yang leeg.
"Actually, hindi ko pa rin gusto mamamatay kaya p'wede mo akong yakapin. Di pa ako p'wede mamatay dahil. . ." he trailed off.
"Dahil?"
"Hindi pa ako pwede mamamatay di ko pa alam paano manganak ang isang sirena," seryosong saad n'ya na nagpaawang ng mga labi ko.
Hindi ko alam kung bakit natigalgal ako sa sinabi n'ya. Hindi pa nakabawas na sobrang seryoso n'yang sinabi 'yon.
I swallowed hard. "Uh, bakit mo naman gusto malaman? They're just myths, don't you think?" I convinced him.
Ang totoo n'yan ay alam ko kung paano. Pero noon pa 'yon, I don't even know how some mermaids give birth. Baka magkakaibang version kami.
"Wala, curious lang ako. Di ko nga alam paano sila magloving-loving e."
"Loving?"
"Sex po."
"Bastos!" I hissed.
Ragh only laughed. "E hindi mo gets 'yong first term kaya diniretso ko na. Hindi rin kasi ako sanay magpaligoy-ligoy? Life is too short to not say the things you want to say, Cerene."
Hindi ko alam kung patama ba 'yon sa akin ngunit hindi agad ako nakasagot. I do want to tell him about our past. I want him to know how broken I was when he was marrying someone else even if it means it will be my death. Subalit alam ko naman na baka isipin n'ya na gumagawa lang ako ng kwento.
"Nangingitlog yata sila. . ." I answered his question.
Agad naman siyang napalingon sa akin. His trembling lips stopped from moving. Agad n'yang binasa ang ibabang labi n'ya. "Totoo ba? Like? May pinagbasehan ba?"
"Instincts ko lang," I shrugged off. I knew it, sa ganitong tanong pa nga lang ay halatang hindi na agad siya naniniwala.
"P'wede ba 'yon na instincts lang?" he interjected. "Edi p'wede pa lang instincts ko lang na gusto kita."
Agad ko siyang nilingon at nakita ko na bahagya siyang natigilan. He swiftly diverted his eyes somewhere else. Nakakalimutan n'ya yatang naka-truce lang kaming dalawa ngayong araw.
Hindi ko talaga magawang mag-open up tungkol sa pagiging isang sirena noon. He wouldn't believe me. No one will, actually.
I sighed to myself.
Paano pa kaya kapag tungkol na sa mga reincarnations at iba pa? He would find it ridiculous for sure.
"Pero seryoso nga? Nangingitlog talaga? I couldn't imagine. I mean. . . Saan lumalabas? Bumubuka ba ang buntot?"
"Watch some documentaries about fishes. Parang gano'n lang, Ragh. Hindi ko naman p'wedeng i-demonstrate sa 'yo dahil hindi ko naman naranasan manganak. . ." I said, annoyed.
Nanglaki lang ang mga mata ko dahil napagtantuan ko na hindi naman talaga p'wedeng ipakita sa kan'ya dahil tao na rin ako ngayon.
Ragh frowned deeply and brushed his hair using his fingers. "Pota, paano 'yon? Paanong mangingitlog? saan lalabas 'yon? dinagdagan mo lang tanong sa isip ko e."
I laughed. "Bakit ba kasi natin 'to prinoproblema? P'wede naman natin hindi isipin."
"Paano ko hindi iisipin, e iniisip ko na?" sabat ni Ragh.
Umiling-iling na lang ako at medyo humagikhik. His fascination about mermaids makes me want to think that there's an affinity between the both of us. Pero ayoko rin naman umasa dahil wala naman akong mapapala roon.
"Have you read the little mermaid?"
"The original one?" tanong n'ya.
I briefly nodded. "Yes."
Ngumuso siya at bahagyang tumango. "Oo, kaso hindi happy ending e."
"You think it wasn't a happy ending? Dahil ba hindi sila nagkatuluyan? O dahil may iba ka pang rason?"
"I heard it was someone's unrequited love story but it impacted a lot of people, don't you think?"
"A lot of people changed the ending, Ragh. How could the impact be retained if we keep on retelling a different story? We should retell it the way it was. . ."
"But some stories don't really end, Cerene." seryosong saad ni Ragh. "Some stories with sad endings are meant to be retold with the hope that it might be better to end it that way."
"Bakit? Ikaw ba? Would you change the ending if you were given the chance?"
Umiling siya sa akin at may isang maliit na ngiti sumulpot sa kan'yang labi.
"We all have our own perspective when it comes to the definition of a happy ending; because how we define happiness will always be different to how people see it."
"Do you think the mermaid was happy?" tanong n'ya sa akin. I was taken back but I gradually formed my answer for his question.
"She was," I smiled, tears slowly streaming down my face. "For all she ever wanted was to experience the land, to be with the prince and most importantly to see him happy."
The little mermaid was a tragedy with a happy ending.
Akala ko ay hindi na ako makakatulog pero hindi ko inakalang dadapuan pa rin ako ng antok. The calm night made me forget about all of my worries. Nakahilig ako kay Ragh habang ang ulo n'ya ay nakapatong sa ulo ko.
I felt warmth in his mere touch. Napansin ko na balot na balot ako kumpara kay Ragh.
There were flashes. Pupungas-pungas ako nang idilat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin sina Merculio at Coleen na busy kumuha ng pictures naming dalawa ni Ragh.
"'Yan, na-Dispatch kayo." Merculio chuckled, still taking pictures of us.
"Gagi ka, Merculio. Nakalimutan mo na silang dalawa." Coleen said, busy rin sa pagkuha ng litrato.
Agad kong tinakpan ang mga mukha namin at sinamaan sila ng tingin. Itong dalawa na ito! Imbis na tulungan kami ay ganito pa ang ginawa.
Umaabot sa amin ang sinag ng araw kaya naman nagising na rin si Ragh. He rubbed his eyes and glanced at me.
"Morning." Ngiti ni Ragh. Napangiti rin agad ako sa kan'ya.
We decided to finally rest outside the pool area. Agad din kaming dinaluhan ng mga staff na halos namumutla na dahil siguro sa hiya sa pangyayari.
"Sorry po talaga, Sir. Wala rin po kasi ang guard na incharge sa roaming dahil naka-day off po."
The manager even bowed for a bit. Agad namang umiling si Ragh at nginitian ang mga staff.
"It's okay. Wala naman masamang nangyari. At saka, di n'yo naman kasalanan." Ragh dismissed.
I was curious why they were very polite with Ragh. Hindi ba't staff lang din naman ito? Not that they should be rude to him just because he's one of them. Pero kung itrato nila ito ay para bang si Ragh ang nagpapasahod sa kanila.
"Sorry po talaga, Sir." The manager said. Tumingin ito sa akin at agad na naglahad ng isang flyer. "Sorry for the inconvenience, Ma'am. To accommodate you and for us to redeem ourselves, please choose any services that we could do for you, free of charge po."
Umiling naman ako. "Hala, okay na po! Kasalanan din naman namin dahil anong oras na kami umahon. Okay lang talaga!"
Ako nga ang nahihiya dahil kahit malapit na mag-closing ang indoor pool ay pumunta pa rin kami.
I glanced at Ragh and I was shocked to see him acting shy when Merculio smirked at him.
"Ah, hindi bale lamigin 'no? Basta makasama siya?" Merculio teased. "Kahit alam mo kung nasaan ang fire exit ng indoor pool, hindi mo man lang ginamit?"
Nanglaki ang mga mata ko. All along, may fire exit dito? Tiningnan ko nang maigi si Raghnall. He was acting flustered. Si Coleen at Merculio naman ay may kinukubling mapangasar na mga ngisi.
I was stunned. He really wanted to spend the night with me?
𖠵 キ 𖠳
Thoughts corner! Express your thoughts in this section for this chapter. ♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro