Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16


Chapter 16

He was attracted to me. The prince from my tragedy was attracted to me. Raghnall Lastimosa from this lifetime confessed his attraction to me. Para akong kinakapos sa hininga habang inuulit ang nangyari sa aking isang isipan. It was like a defected tape inside my mind that kept on playing the same scene all over again.

Tulala lang ako sa kisame habang inaalala ang nangyari kagabi. After he said that, he was flustered. It made me feel that he genuinely wanted to say what he felt. Ganito rin ba si Ragh noon? Was he like this to the princess too?

"So. . ." Coleen went towards me. Malawak ang kan'yang ngisi. "What happened? Bakit ka umuwi? Akala ko pa naman ay sa kan'ya ka na magpapalipas ng gabi."

Umiling ako. "Asa. Pinanood lang namin na ilawan ang sirena. The statue was huge though. I wonder what it looks like in the daylight."

Hindi maalis sa isipan ko ang itsura ng sirena. She wasn't the most beautiful statue, she looked eccentric with her long tail and wavy hair. Her breasts were only covered with her hair. A small flower was added to her charm. Hindi ko naaninag ang mukha n'ya dahil hindi ito nakatapat sa pwesto namin kagabi.

"C'Mon! Nandoon ka para lumandi, hindi lang para tingnan kung ano ang itsura ng sirenang estatwa na 'yon."

"On the contrary, I was really there to admire the statue. Hindi dahil gusto ko si Ragh."

She groaned. "Hanggang ngayon mo ba ipipilit na hindi mo rin siya gusto?"

"Ikaw lang naman ang nakakaisip n'yan e. I'm sure that I don't feel anything about him."

Napalunok naman ako dahil sa totoo lang ay hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko. It was like seeing the forbidden fruit, you know it's bad but the temptation. . .marahan akong umiling. I could resist it. Mali na gustuhin ko ang isang bagay na nagpahamak sa akin noon. Hindi na ako nadala.

"He's a nice guy, you know. . ." Coleen said. "Oo, medyo maharot siya ayon sa mga kakilala n'ya pero kagabi ay halos wala siyang pinapansin na babae. He even looked like he was looking for someone else. At kilala ko naman kung sino 'yon."

"You're assuming things." Umiling-iling ako sa kan'ya, pinamulahan ng pisngi. What she wants to discreetly say makes me feel shy all of the sudden. Kung totoo man na hinihintay ako ni Ragh. . .delikado na talaga ang pakiramdam ko sa kan'ya.

It brings hope—and sometimes hope can make you feel both the euphoria and the melancholy of being there but still not quite on the right path. Pakiramdam mo ay nasa tamang landas ka na hanggang sa makaradating ka sa dulo at matagpuang dead end pala. The irony that hope can be soothing and scary at the same time.

I proceeded with my idea trying to study about corals. Nakakalungkot lang dahil habang lumilipas ang mga taon ay paunti sila nang paunti. Most of them are dying because of humans; nature is being sacrificed for our well beings. May mga organisasyon naman na tumutulong sa kalikasan natin ngunit mahirap na ibalik ang ganda ng ating kalikasan. It's sad that we can only appreciate things when they're slowly fading away. And I sincerely hope that humans could see its beauty before our own nature will only bring us nostalgia in the future. Nakakalungkot isipin na ang ganda ng ating kapaligiran ay magiging kwento na lamang ng nakaraan.

"Hey."

Napalingon ako rito at nakita si Merculio na pinagmamasdan ako habang nagsusulat sa aking notebook. Hindi ko man nakikita ang mga corals dahil nasa tago silang parte ng karagatan, pinag-a-aralan ko naman ang nasa paligid nito. I was genuinely curious if there's a possibility that mermaids still exist. Alam ko naman na baka hindi na o baka nga ang totoo ay kuwento lang talaga kami. I was just whisk away to the real world. I was just lucky to live again.

"Kamusta 'yong sa estatwa?" Merculio smiled, showing off his dimple. Bumagay ito sa katamtamang kulay n'ya. He was just wearing a floral polo shirt, subalit ang lakas ng dating n'ya.

"It was beautiful. Sayang lang dahil wala kaming picture ni Ragh."

"Ha? Gusto mo magpa-picture kay Ragh?"

Marahan akong umiling. "No! Ang ibig kong sabihin ay sa estatwa. I wasn't able to take pictures."

"Sayang nga. Pero sa totoo lang, hindi talaga ako nagagandahan doon. Ang lungkot-lungkot n'ya kasi titigan," Merculio confessed. Tumabi siya sa akin na halos nakaupo na sa buhangin dahil sa pagtingin ko sa dagat.

"I wasn't able to see its face."

"But you felt it right? The loneliness that she couldn't have the love of her life. . ."

Bumalik ang tingin ko sa tubig at unti-unti ay sinahod ito upang paglaruan. I grab a fistfull of wet sand on my hand. Pinakawalan ko rin ito at pinanood ang paganod ng tubig dito.

My chest felt heavy because the truth is, I was more scared of the possibility that if I love Ragh in this life—I might be heartbroken again. Hindi ako takot magmahal muli. Wala namang talagang takot na magmahal. Subalit takot silang masaktan dahil sa pagmamahal. At tulad nila, duwag din akong sumubok muli.

"Alam mo ba bakit hindi ako sumama kagabi?" tanong ni Merculio.

"Sabi mo busy ka," saad ko.

Natawa naman siya. "That was partly true. May shift pa ako sa bar kagabi at hindi ko naman sila p'wedeng iwan na lang. Pero ang totoo n'yan ay hindi kasi ako p'wedeng sumama."

"Ano? Sino naman ang nagsabi na bawal?"

"According to the urban legend of the statue, ang mga nagiibigan na pumupunta roon ay magi-isa ang dibdib. It was the blessing of the mermaid's tears. It was her greatest sacrifice. She believes that no one should experience unrequited love."

Bahagyang nanglaki naman ang mga mata ko. Natutop ang aking labi at pinanood ko ang unti-unting paglingon ni Merculio sa akin.

A faint smile appeared on his lips. "Hindi kadalasang nagsasabi ng nararamdaman si Ragh. Malamang ay narinig mo na rin ang balita na malandi siya—hindi ko naman 'yon itatanggi. Yet, I want you to trust him. . . Even for a bit. This is the first time that I saw my friend very whipped over someone. Partida, hindi ka pa n'ya lubusang kilala."

"He probably just sees me as challenging," I shrugged off. "Kawawa naman ako kung seryoso ako tapos siya ay hindi pala 'di ba?"

"Takot ka ba magmahal?"

My head whipped in his direction. "No. Takot akong masaktan."

He smiled. "Edi takot ka nga magmahal. Walang nagmamahal na hindi nasasaktan."

"Mali ka roon. Ang pagmamahal ay hindi talaga masakit. Ang masakit ay ang hindi ka mahalin pabalik," sabi ko sa kan'ya. "We often associate love with pain because we want to form an illusion that maybe we get hurt because love is painful. . .when it's not. Love is amazing only if it's the right love for us. . ."

"Wow, ang deep mo naman," manghang sabi ni Merculio. "Ayoko na, talo na agad ako." Natawa pa siya.

He offered his hand to me. Tinanggap ko naman ito upang makatayo.

"Maybe Ragh is the right love for you," Merculio said. "You won't know unless you'll give it a try."

Umiling naman ako. I've been there and where did it lead me? I'm grateful that I obtained a soul but I am always lacking. Pakiramdam ko ay may kulang sa akin. Palagi akong takot sa aking nararamdaman dahil baka bumalik ako sa dating sitwasyon na naranasan ko.

"Kain muna tayo? My treat," anyaya ni Merculio.

Tumingin ako sa aking phone. Coleen is probably asleep or she's having the time of her life on the beach. Hindi kami pareho ng pinunta rito kaya naman naiintindihan ko. Pakiramdam ko nga ay naging excuse lang n'ya ang tungkol sa OJT. Maybe she really wanted to unwind, madalas kasi siyang wala sa apartment namin. That or maybe I was really more comfortable inside our apartment. Nevertheless, kung saan siya masaya ay okay lang naman talaga sa akin.

Pumunta kami sa bar ni Merculio. Hindi ko inaasahan na makita roon si Ragh. Hindi ko rin alam kung bakit parang kinurot ang puso ko nang makitang may kausap siyang babae. He was acting like his usual self.

Napalunok naman ako. Ang sabi ko ay wala naman akong pakialam kung ano ang magiging papel n'ya sa buhay ko ngayon. Subalit sa ilang minutong pakikipagusap pa lang n'ya sa iba ay nanghihina na ako.

"Anong gusto mo, Cerenia?" tanong ni Merculio kahit napansin n'ya yata ang pagiging tulala ko.

I gulped. "Ikaw."

Agad na nagunot ang noo ni Merculio. "Ano?"

"Ikaw nga," giit ko. "Kung ano ang gusto mo. 'Yon na lang din ang sa akin."

"Cerenia!" Ragh called me. May munting ngiti sa labi. Iniwan n'ya ang kausap n'yang babae upang lapitan kami.

And it sucks that I felt relieved. Hindi ko alam kung sa kakaunting pagpansin lang n'ya sa akin ay lumalabas ang mga paru-paru na pilit kong kinukubli sa aking tiyan.

"Kakain kayo nang sabay? Sama ako," Ragh pursed his lips. Ang itim na itim n'yang buhok ay hinawakan n'ya upang guluhin. "Hindi man lang kayo nagyaya."

"Hindi p'wede," tanggi ko.

Bahagyang namilog ang mga mata ni Ragh. "Bakit?"

"Nasa date kami." I said, out of nowhere. "Kaya hindi ka p'wede sumabay."

Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Ragh tilted his head at me and for the first time—I saw a familiar expression on his face. A look of pain and distraught. The familiar feeling that I had for a long time. The emotion I felt when he told me that he's with the princess.

Gusto ko sanang bawiin ngunit kahit naman mabawi ang mga salita—hindi napapawi ang sakit nito.

"Okay," Ragh swallowed hard. Despite the mist on his eyes, nagawa n'yang ngumiti. "Kain kayo nang mabuti. M-masarap 'yong desserts nila, Cerenia. Pakisabi na lang na ako 'yong magbabayad."

Pinanood ko lang na lumuwas papalayo sa amin si Ragh. He probably went somewhere to think it through. Hindi ko alam kung bakit siya nasaktan. Hindi naman siya seryoso sa akin.

"Bakit mo 'yon sinabi?" tanong ni Merculio sa akin. "You should have just rejected his offer."

"I couldn't say that, it would be harsh."

"Mas harsh na sinabi mong ka-date mo ako habang siya ay iniiwasan mo."

"He probably doesn't feel anything bad. Hindi naman siya seryoso sa akin."

Merculio frowned at my statement. Napa-buntonghininga siya sa akin. "Kadalasan diyan nagkakamali ang tao. We like to dictate how a person should feel not knowing that every one of us has a different set of emotions. Hindi tayo pare-pareho sa aspekto kung paano natin mararamdaman ang isang bagay, Cerenia."

"Merculio. . .sorry."

"Hindi naman ako ang nasaktan mo, Cerenia. You probably don't know yet but sometimes small actions can hurt big time. It's like throwing a pebble in the water, a small course of action but a huge difference."

Merculio patted me on my head. "Mag-sorry ka roon. Huwag mong hahayaan na magkaroon kayo ng sama ng loob sa isa't-isa, maikli lang ang buhay. Mas maganda na magmahalan na lang tayo." He laughed.

Matapos akong iwan ni Merculio para kuhanin ang order n'ya para sa amin ay napalingon ako sa pintuan kung saan lumabas si Ragh. My heart clenched but what can I do? Kung hindi siya ang masasaktan, ako na naman ang ilulubog sa sakit. One of us would have to feel pain for a while—and I have already felt pain ever since I remember our past lives. Hayaan n'ya na muna akong huminga.

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro