Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13


Chapter 13

"Bolero," I huffed at him. Tinatago ang isang munting ngiti. He was only smiling at me.

Bakit ba kasi gwapo pa rin siya hanggang ngayon? Sana man lang hindi n'ya naging kamukha ang prinsipe noon. Baka hindi pa ganito ang epekto n'ya sa akin.

Ragh held my hand as we slowly dance to the beat of the music. Nagmimistulang kulay kahel na ang buong paligid dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa amin. It was glistening, giving fireflies effect on our surrounding.

"Bakit mo ako niyaya sumayaw?" tanong ko sa kan'ya.

"You just look like someone who needs a dance," ani Ragh habang hawak-hawak ako sa aking baywang. "You're so stiff. Uptight. Palagi ka pang galit sa akin."

"Deserve mo naman," I mumbled and he leaned for me to repeat but I shook my head.

"Cute mo naman kapag nagagalit ka." Halakhak ni Ragh. "Alam mo ba? Kung alam ko lang na magagalit ka sa akin dahil sa ulam, ako na mismo ang nagluto para sa 'yo."

Nangunot ang noo ko sa kan'ya at marahan na napailing. Hindi ako sobrang babaw para magalit lang sa ulam! I just wanted to avoid him but here I am—holding his hand and letting him sway me for the night.

I have always wanted to dance with him. Subalit dahil sa kondisyon ko noon ay hindi ako pinahintulutan ng mundo. My feet were constantly in pain.

"You can lean towards me, you know. . ."

"Bakit ko naman 'yon gagawin?"

He snorted. "I don't know? For the magical effect? Para naman kiligin din ako?"

I forcefully closed my mouth to not let a single giggle out. Ragh was playful. Nanatili ang titig ko sa kan'ya habang diretso rin ang kan'yang tingin sa akin. I bit the insides of my cheek. Hindi ako p'wedeng ngumiti ngayon.

"Seryoso ka ba sa akin?" tanong ko. His hands gradually stiffened, mukhang hindi n'ya inaasahan ang naging tanong ko.

"Okay lang kahit hindi mo sagutin," I smiled at him. Natutop ang labi n'ya. I caught him off guard because my question was too serious. Alam ko naman na para sa kan'ya ay isa lamang akong weird na babae. He finds me challenging and he only wants to give it a try.

"I like dancing," paglilihis ko ng usapan. "Noon ay hindi ako biniyayaan ng kakayahan matutong sumayaw nang hindi nasasaktan. . .kaya naman pumayag ako. I want to dance with you too."

I remember how badly I wanted to dance without getting hurt. The last dance that I even had was during his wedding with the princess. Ang sayaw na 'yon ay nakatatak sa akin dahil hindi sumasakit ang mga paa ko dahil sa mga maliliit na bubog bagkus mas naramdaman ko pa ang unti-unting pagbasag sa aking puso nang halikan n'ya ang prinsesa.

"I can't answer you yet." Ragh said. "About being serious or not. Pero ang hirap kasi ipaliwanag 'yong ginagawa mo sa akin. . ."

Kumunot ang noo ko sa kan'ya. "Ginagawa ko sa 'yo?" bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi n'ya. What does he mean?

"I care for you. . ." Ragh breathlessly said. "And I don't even know why. The first time you went to the sea to save me because you thought I drowned—it felt like it was deja vu."

Bahagyang natigilan ako. A spark of hope ignited in my heart. Patuloy lang kami sa pagsasayaw sa hele ng gabi at patuloy ko rin iniisip kung may pagasa ba talaga na nararamdaman din n'ya ang ugnayan naming dalawa.

Matapos ang sayaw ay hindi pa natapos ang paguusap namin. My cheeks were burning red because one of my dreams were fulfilled. Noon ay pangarap ko rin talagang maging kasama si Ragh sa pagsayaw. My heart clenched because I remember him dancing with the princess during their wedding night.

We also ate dinner together and I was able to get to know him more and in a deep manner.

"Hospitality student ka?" I asked, to divert our attention.

"Yeah," Ragh nodded his head. Pinutol n'ya sa gitna ang kan'yang garlic bread. "I'm actually having my OJT in the Crystal Hotel. Ikaw ba? I'm sure you're not from the same university."

"Hindi nga. I'm a marine biology student, pero sa susunod na semester ay baka sa lugar na ito ako mag-OJT. "

"That's great!" bahagyang natigilan si Ragh. "I mean, maganda ang lugar na ito para sa mga marine biology na students," dagdag n'ya. He sounded gibberish but I dismissed the thought.

I look at the food when it was delivered to us by the bartender. I salivated over it because none of them had seafood in it. Kumakain naman ako pero hindi lang talaga lamang dagat. I grew accustomed to the human world except for that part.

"Thanks for the food," sabi ko at kinain na ang mga nakahain na pagkain. I don't know but the gesture that he didn't include any seafood brought warmth in my heart.

After we ate, niyaya ko na siyang umuwi dahil baka magalala sa akin si Coleen. I know that she wants me to explore however she's also concern with me.

"See you tomorrow," Ragh said with a smile.

My heart skip a bit. Matagal ko siyang tinitigan bago tuluyang umalis nang kumakabog ang dibdib. Sinalubong ako ni Coleen na nagaalala ang bungad.

"Te? Ang sabi ko ay magikot-ikot ka! Hindi mamigay ng perlas kung kani-kanino!" Coleen hollered, infuriated. Ngunit agad naman itong nawala nang sumilip siya sa bintana upang tingnan kung sino ang naghatid sa akin.

Her mouth went agape upon seeing who was outside. Agad na nanglaki ang mga mata. Nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa akin at sa labas.

"Wow," aniya at biglang tumawa. "Ang galing mo naman! First time mo lumandi pero ang gwapo agad!"

My cheeks burned because of what she said. Agad naman akong umiling upang ipakita sa kan'ya na hindi gano'n 'yon. I wasn't flirting with Ragh; he was flirting with me. Mayabang man ako pakinggan ngunit gano'n naman talaga ang nangyayari.

"Good job!" Niyakap ako ni Coleen na tuwang-tuwa. "Mukhang magkakajowa ka na!"

I dismissed her thoughts. Pinabayaan ko na lamang ang iniisip n'ya tungkol sa aming dalawa ni Ragh. I just don't think she should dwell on it too much.

Kinabukasan ay nagulat ako dahil may tinapay sa lamesa. There was a knowing smile on my friend's face. Kagat-kagat n'ya ang isang pandesal habang tinataasan ako ng kilay.

"Saan ka nakahanap ng bakery?" tanong ko sa kan'ya at kumuha rin ng isang pandesal. There was coffee on the table too and it made me smile.

"Nagtatanong ka pa, alam mo naman na pareho tayong dayo lang naman dito." Coleen chuckled. "Mukhang mayaman pa ang nabingwit mo ah."

I shook my head. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumapasok sa isip ni Ragh ngayon. Kung totoo ba na interesado talaga siya sa akin o di kaya'y may naaalala rin siya tulad ko.

In my heart, it hopes for the latter. Hindi ko mapigilan ang ma-disappoint sa sarili. Really? Cerenia? Lahat na lang ng pahayag mo ay palagi kang nilalaglag.

"Kakausapin ko siya mamaya," sabi ko kay Coleen. "Hindi p'wedeng bigla-bigla na lang siyang may dinadala rito. I don't want others to be concerned about it."

"Girl? Ngayon ka lang ba niligawan? Okay lang! Ano ka ba? Hayaan mo lang siyang bigyan ka ng kung anu-ano."

"Hindi siya nangliligaw, okay?" I sighed. Kumagat sa isang pandesal habang ngumunguso. I was getting uncomfortable because it seems like Ragh was a big deal. Hindi dapat at hindi nga dapat siya maging parte ng buhay ko ngayon.

I was fine without him. I can be okay without his existence. It was the better option. Napapikit ako habang umiinom ng kape. I can't stomach the things that I've said.

I can't deny that his existence meant the whole universe to me.

I can't always run away from what I feel.

We are not always honest to others but it's sad that we can't even be honest to ourselves.

"Girl! Sinasabi ko na sa 'yo na jackpot ka na. A summer fling! Kung hindi siya ang 'the one', you could always just have fun," katwiran sa akin ni Coleen. Binalik n'ya ako sa reyalidad kung saan walang naaalala si Ragh tungkol sa nakaraan.

I breathed out. "Hindi gano'n si Ragh sa akin. He's probably just bored and I'm a new face here. 'Yon lamang 'yon."

"Really?" Coleen's eyebrow arched up. "So, okay lang sa 'yo kung ako ang lalandi sa Ragh na 'yon?"

Nabuga ko bigla ang kape na iniinom ko. Coleen smirked at me which made me feel a pang on my chest. Hindi ko alam kung bakit nasabi n'ya 'yon. Coleen has a lot of boys and she likes to collect them too. I don't have any problem with that.

Pero huwag sana si Ragh. Hindi ko alam kung bakit tila ba napraning ako sa naging pahayag n'ya. Hindi ko rin masabi sa kan'ya ang tungkol sa aming dalawa.

What we had was something that people won't believe in. A reincarnation of a fairy tale? Kahit sino ay baka tawanan lang ako. Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag kung paanong nagkaroon ako ng memorya ng isang sirena.

I was the little mermaid. I was just a story for others. The tragedy for some, a retold fairy tale with a happy ending to most. A love story for an unrequited love.

"What?" Coleen leaned on the chair, a smug look plastered on her face. "Ayaw mo na? So, seryoso ka nga sa kan'ya? Wala naman sa akin kung lalandi ka, Cerenia. I told you, I support you! All you have to do is admit it! Gusto mo nga rin."

"Ayoko nga—"

"Stop lying to yourself!" Coleen growled. Halatang naiinis na sa akin. "Kung ayaw mo sa kan'ya, lalandiin ko na lang. Sayang din naman kung papalampasin ang isang tulad n'ya."

"Coleen, marami pang iba." I gulped, nilapag ko ang tasa na hawak ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay tinutusok ng karayom ang aking puso.

I know she sees him as a challenge too. Pareho sila ni Ragh na naghahanap lang ng challenge. Alam ko rin na kayang-kaya n'yang mapa-ibig si Ragh. Coleen was pretty with her almond eyes, high bridge notes and huge lips. She was also game when it comes to flings.

"Ayaw mo naman sa kan'ya, hindi ba? Wala namang mawawala sa iyo kung sakali." Coleen shrugged off. "Sayang naman siya kung ayaw mo."

"I'm not sure yet," I confirmed her initial thought.

"Edi lalandiin ko pa rin."

"Coleen!" di makapaniwalang tili ko.

"Titingnan ko lang kung seryoso sa 'yo. Kung hindi siya kakagat sa akin, edi maswerte ka sa kan'ya. Subalit kapag lumandi siya pabalik—girl! Lumayo ka na! Isa siyang walking danger zone."

Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Kung mayroon man na danger zone rito ay ito ang kagustuhan n'yang landiin si Raagh dahil may gusto s'yang patunayan sa akin.

"So, Cerenia?" a smirk slowly formed in her seductive lips. "Akin na ba si Ragh? Tutal ay ayaw mo naman?"

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro