Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 9

💐

Kanina pa hindi mapakali si Yoon habang nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan ni Inno. Sinundo na kasi ni River si Arika habang si Synn naman eh gusto na rin umuwi dahil baka raw gabihin sa daan. Now they were headed straight home at hindi niya alam kung pano kakausapin ang lalaki after agreeing to her friends' dare.

Oo kinakabahan siya. Hindi niya kasi alam kung ano ba dapat ang gagawin niya sa ganitong sitwasyon.

Paano ba kasi lumandi? Oo very vocal siyang tao when it came to her crushes pero siya yung tipo ng tao na 'all talk'. Na kapag dumaan na 'yung crush niya eh bigla na lang mananahimik o 'di kaya eh titikom ang bibig.

"Bakit ang tahimik mo?" bigla nitong tanong habang nagda-drive. "Is there something bothering you?"

Napatingin siya sa lalaki. He was occasionally looking at her with worried eyes. Hindi pa man din siya magaling mag-sinungaling.

"Pagod lang." Half-true. "Medyo nakakaubos ng energy ang kasiglahan ni Arika eh."

"Oo nga 'no?" segunda nito. "No wonder mukhang drained na drained lagi si River. Between the hospital shifts and his girl na mukhang pinaglihi sa energy drink, pa'no kaya nakakaya ng pinsan kong 'yon na magising ng maaga?"

"That's if they even sleep at all," hindi niya napigilang sambitin. "Doon na ata tumitira si River sa condo ni Aki eh. Kaya ikaw, wag mo na muna uunahan 'yung dalawa. Babalatan ka 'non ng buhay."

"Well, it all depends on you," confident nitong turan. Agad naman siyang napabaling dito. "Kung gusto mo na ikasal ngayong taon, wala silang magagawa."

Tumingin naman ito sa kanya. Walang bahid ng panloloko ang itsura nito. He looked dead serious.

Bwiset! Bwiset talaga! Bakit sobrang pa-fall nitong si Inno?

Well, two can play that game.

"Gago." Buti na lang talaga at medyo madilim kaya't hindi nito makikita ang pamumula ng kanyang mukha. "Magpropose ka munang leche ka."

Til nagulat ito sa kanyang sinagot kaya't naihinto nito ang sasakyan sa tabi. Well, kung papatulan niya naman kasi talaga 'yung panlalandi nito, kailangan niya magsimula somewhere, right?

"O, ba't mo hininto?" patay malisya niyang tanong. Naguguluhang napabaling naman sa kanya ang lalaki. "What? May dumi ba sa mukha ko, Inosencio?"

"Ano yung sinabi mo?" tanong nito sa kanya. "Pakiulit nga."

Isang bandehadang self-control ang kinailangan niyang ipunin para lang hindi gumulong-gulong sa kakatawa dahil sa hindi maipintang itsura ng kasama.

"'Yoko nga," sagot niya sabay pinagkrus ang braso. "'Di ko kasalanan kung bingi ka."

Sa totoo lang, sobrang lakas na ng tibok ng kanyang puso sa pinaggagawa. Peste kasing mga kaibigan niyang 'yan. May 'prove them worng' pang nalalaman.

"Eunice Arabella!"

"Ano?" kunwari ay iritang hiyaw niya. "Gago ka. Alam ko buong pangalan ko kaya hindi mo kailangang isigaw!"

"Ulitin mo sinabi mo kundi hahalikan talaga kita dito," banta nito. Napalunok siya sabay tingin sa mga labi nito.

Inno always had the most kissable lips. At mahigit apat na taon na rin naman ang nakalipas noong dumampi ang kanyang mga labi dito. Ano kaya ang feeling mahalikan ng isang Inosencio Montecillo—

Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla ay inilapit ng lalaki ang mukha nito sa kanyang mukha. Gahibla lang ang nasa pagitan nila ngayon kaya't nagwawala nanaman ang kanyang puso.

Buti na lang at may recliner ang upuan. Pulling the small lever, she managed to lean away from Inno.

"Psh," aniyo bago bumalik sa kinauupuan kanina. "Lakas ng loob magsalita duwag naman pala. Panindigan mo ang mga salita mo, Arabella. Dahil ako, kayang-kaya kita pakasalan ngayon sa kahit saan pang simbahan. River and Arika be damned."

Para maitago ang kaba na may kasamang kilig, inirapan niya ang lalaki at ibinalik sa dati ang upuan.

"Punyeta ka talaga."

"Alam mo, I find your excessive cursing cute," deklara nito. "But not everyone is as understanding. Hindi magandang ehemplo sa kabataan."

"I don't curse that much," depensa niya. "Sa mga taong nambu-bwisit lang ako na-mura."

"Still, hindi pa rin okay," giit nito. "Pa'no na lang kapag nagkaanak tayo? I know they'll be cute and adorable but I don't want them to be a potty mouth like their mom. Kapag narinig sila ni Tita Saturn panigurado eh palo agad makukuha nila."

Tangina. Anak? Sila? Bigla siyang nahilo sa mga pinagsasabi nito. She sighed. Kaya niya ba talaga 'to sabayan sa kalandian?

"Gutom ka na ba?" tanong niya na lang dito.

"Uy. Banat ba 'yan? Teka. Dahan-dahan lang ha? Ire-record ko para pwede ko ulit-ulitin."

"Hindi 'yan banat. Tinatanong kita kung gutom ka na kasi kung anu-ano nanaman 'yang lumalabas sa bibig mo," asik niya dito.

"Sayang. Akala ko pa naman gumagana na pagpapa-cute ko sa'yo," nakangising sambit nito. "Pumayag ka na pakasal eh."

That made her blush a bit. Well, kanina pa siya kinikilig pero siyempre di dapat siya pahalata. Baka lumaki nanaman ulo ng demonyo.

"H-Hoy! Wala akong sinasabing pumapayag ako!"

"But you asked for the proposal," dahilan nito. "Hindi ba kasalan na ang kasunod 'non?"

"Ewan ko sa'yo. Bwisit."

Oo, kinikilig siya sa mga simpleng hirit nito. Inaamin din niyang paonti-onti ay nahuhulog nanaman siya sa lalaki. Pero mali ba 'yung matakot ka na baka hindi nanaman siya nito saluhin? Na baka pabayaan ka nitong lumagapak sa lupa?

Inno's not the relationship type. Nasisiguro niyo 'yon. She never even saw him in a stable relationship before. Baka nga mas matatag pa ang relasyon nito sa trabaho compared sa mga babae eh. So may pinanghuhugutan naman ang takot niya, tama?

Why don't you try, then?

Papatunayan niyang tama lang na natatakot siya. Kailangan niyang kontrolin ang nararamdaman upang hindi siya tuluyang mahulog. She'll play this game to prove that he's not the Perfect Guy everyone says he is.

"May pupuntahan tayo," bigla nitong deklara bago muling pinaandar ang sasakyan. "I think it's about time we have that date, don't we?"

💐

When Inno said date, she expected it to be in a fancy restaurant knowing how he is. Hindi niya lubos akalain na sa grocery siya dadalhin nito.

"Um... Inno?" pukaw niya sa lalaki na busy sa pagpili ng karne. "Bakit tayo andito?"

"Para bumili ng dinner," diretsong sagot nito. "Mas tipid if we cook instead of eating out. Maaga pa naman kaya I think it's okay."

"Ah. Okay."

"Miss Beautiful, dalawang kilo nga po nito," anito sabay turo sa pork cutlets. Maya-maya ay bumaling ito sa kanya. "Why? Gutom ka na ba? Would you like to eat out instead?"

Agad siyang umiling. "Hoy wala akong sinasabi. Wag kang ano 'jan."

"Buti naman," anito sabay hila sa kanya papalapit. His arms were snaked around her waist kaya hindi siya agad nakaalma. "Mas gagana kasi yung gayuma ko kapag lutong bahay."

Ang leche eh kumindat pa bago siya pinakawalan at pinagpatuloy ang pamamalengke. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ano ba 'yan. Bakit ang galing netong manlandi? Punyeta.

"Ang sweet naman po ng boyfriend mo, ma'am," ani bigla ni ateng nagbabantay sa mga karne. "Sana po lahat ng lalaki tulad niya. Gwapo na, super sweet pa! Bihira lang po 'yung mga ganyan na mageeffort paglutuan kayo."

Alanganing napangiti lamang siya dito bago sumunod kay Inno na mukhang nakalayo na. Pero dahil nga sa sobrang litaw nitong presensya, agad niyang nahanap ang lalaki na kasalukuyang nakaluhod sa harap ng isang umiiyak na bata.

"Do you remember what color your mom was wearing?" rinig niyang tanong nito. His voice was very calm and sweet.

Umiling ang bata sabay kusot ng mga mata. Pinigilan iyon ni Inno sabay palis ng mga luha ng bata gamit ng mga daliri nito.

"Stop crying, okay? We'll find you mom..."

Para bang may kung anong kumurot sa kanyang dibdib sa senaryong nakikita.

"Punta muna tayo doon sa magandang babae, okay?" anito sabay turo sa Customer's Service desk sa di kalatuan. "Papatulong tayo hanapin ang mommy mo, okay?"

Tumayo si Inno at kinarga ang bata. Surprisingly, it fit him well. Parang ang swerte ng kung sino magiging nanay ng mga anak nito. On the back of her mind, she hoped it would be her.

Agad siyang napailing.

Ano nanaman 'yang pinagiisip mo, Yoon?! Huwag ka ngang marupok diyan. Nakakaloka ka! May papatunayan ka pa sa mga kaibigan mo.

Biglang nagtama ang mga mata nila ni Inno. Ngumiti ito.

"Teka lang Arabella, ha? Tulungan muna na'tin 'tong bata. Kawawa naman," paalam nito. "Pero kung di natin mahanap magulang neto, atin na lang. Ang cute saka medyo hawig mo naman. Pareho kayong malusog ang pisngi."

Punyeta. Binabawi na pala niya. Bastos talaga ng bibig ng hayop.

💐

Medyo ginabi na sila ng uwi dahil natagalan pa bago nahanap ang mga magulang nung bata. Apparently ay tumakas pala ito sa isang playing area kaya't hindi agad napansin ng mga magulang na nawawala ang anak nito.

Nagutom ito habang naglalaro kaya magisang hinanap ang grocery thinking na doon nga pumunta ang magulang. Mukhang iyon kasi ang nadinig nito bago siya iniwan sa playhouse.

"Ang talino nung bata 'no?" ani Inno habang hinahainan nito ang nilutong pagkain. Bariety ang niluto nito from meat to veggies. Dalawa lang ba silang kakain o inimbita pa ba nito buong Montecillo? "Imagine, nagawa niyang makapunta doon sa grocery sa ground floor ng mag-isa. Most kids would be terrified of escalators."

"Yeah, but the real question here is paano siya nakapuslit doon sa playhouse. Closely monitored naman ata nung mga bantay yung pinto," saad niya.

Totoo naman kasi. Kung hindi sa kapabayaan nung nagbabantay, hindi naman makakaabot ang bata sa ground floor. Imagine, the kid was just around three years old. Paano ito nakalusot sa bantay nitong almost ten times ang tanda dito?

"Kung ako yung nanay nung bata eh irereklamo ko 'yung nagbabantay," dugtong niya.

"One is to five ang ratio nung playhouse," katwiran nito. "You can't just loosely blame it doon sa nagbabantay. Isang tao nga lang laban sa isang toddler eh mahirap na. What more five. Dapat yung management ang umayos 'non since mali naman talaga 'yung ginagawa nila. Mapipigilan sana ang ga'nong pangyayari kung in the first place ay tama ang bilang ng empleyado nila. Or kung may problema sila sa budget, inayos na lang sana nila yung pinto—one that's tall enough para hindi maabot ng isang three-year old."

Napatingin lamang siya dito at medyo humanga sa lawak ng kaalaman nito when it comes to management. But seeing how much La Monte is soaring the conglomerate market nowadays, magtataka pa ba siya?

Hindi niya napigilan ang pagdako ng paningin sa detalye ng mukha nito. Perfectly chiseled jaw. Perfectly pointed nose. Perfectly symmetrical eyebrows. And those perfectly luscious lips. She always found Inno attractive. Wala namang kumekwestyon 'non. But lately—particularly right now, iba eh. It was as if Inno was ten times more delectable.

"Stop staring at me like that, Arabella," ani ng lalaki sabay ngisi ng nakakaloko. "Baka hindi ako makapagpigil at iba ang lamutakin ko."

Napataas ang isa niyang kilay dito. Is it weird that she's not even fazed by his statement? And take note, she was still staring at his lips. How she wanted him to do exactly what he's saying. Gusto niyang halikan ito.

And she did. Dahil magkarap sila sa may kitchen island ay tumingkayad siya't inapot ang mukha nito bago ito kinintalan ng halik. It was more of a peck. Try lang ga'non.

"Puro ka salita," panunuya niya sabay ngisi after kissing him. Kung saang sulok ng universe nanaman siya kumuha ng lakas ng loob, wala siyang ideya. "Puro ka lang banta pero di mo naman magawa. Buti pa 'ko—"

If there was something she should have learned for the past four years na nakilala niya si Inno, it's that hindi dapat ito tsina-challenge. Pero ewan niya ba. Parang may kung sinong dumedemonyo nanaman sa utak niya at na hi-hypnotize siya para asarin ito lalo. Provoke him into doing something she's been anticipating for years.

Without a word at tumayo ito mula sa kinauupuan at dumiretso sa tabi niya. Wala na ring naging lugar ang pagkagulat o kaba sa kanya dahil agad siya nitong sinunggaban ng halik.

It wasn't just a peck tulad ng ginawa niya kanina. It was different. Bulto-bultong kuryente ang bigla na lang dumaloy sa buo niyang katawan pagkalapat na pagkalapat ng mga labi nito sa kanya. He was even coaxing her to open her mouth so he could further deepen the kiss.

Bakit ganito? Kakaiba ang pakiramdam niya habang hinahalikan ni Inno. Parang may kung anong humahalukay sa kanyang tiyan sa bawat galaw ng eksperto nitong labi. Iyong isang kamay pa nito eh hapit siya sa baywang habang ang kaliwa naman ay nasa may ulnan niya.

Hindi siya makagalaw pero hindi siya nagrereklamo. Wala naman kasi talaga siyang balak kumawala.

There was something in Inno's kiss. Nakaka... nakaka-addict. Kaya nang humiwalay ito sa kanya'y halos habulin niya pa ito. Wala siyang pake kung kinapos siya ng hininga.

Isang malapad na ngisi ang gumuhit sa bibig ni Inno.

"Sino ngayon ang puro salita—"

Pinaikot niya ang mga braso sa may leeg nito't pinatahimik ang lalaki gamit ng kanyang mga labi.

"Less talk, more kissing, Montecillo."

💐

shoutout kina mamsh Yoonworks at SYNNICALS sa pagtulong sa'kin dito sa plot ni Inno at Yoon. 😘💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro