Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 8

💐

"Girl. Bakit parang wala ka nanamang tulog? Ang laki-laki na ng eyebags mo o," puna ni Arika. They were at a local restaurant at naisipang magkita since they kinda miss each other. Papunta na rin si Synn na nalate lang dahil galing pa ito ng Bulacan.

Dalawang araw na ang nakalilipas since Yoon and Inno were staying in Jarvis' place. Okay naman ang lahat maliban sa ang demonyong si Inosencio eh parang inaakit siya lagi.

For example, kapag dumarating ito galing sa trabaho eh parang walanitong kasama sa bahay kung maghubad ng polo. Lakas pa ng loob kasi kinakamusta pa siya nito habang tinatanggal ang pagkakabutones ng suot bago pumasok ng CR to freshen up. Hindi naman sa pangit ang katawan nito but that's the problem. Sobrang ganda ng hubog ng katawan nito at ang balikat? Jusmio! Pwede higaan sa sobrang lapad. Tapos may abs pa ang walanghiya. Sinong hindi maaakit niyan? Idagdag pa na dati na siyang marupok para dito?

Ay may isa pa pala. Pagkatapos maligo. Parang sinasadya nitong maglakad-lakad nang nakatapis lamang ng tuwalya! Imagine her shock whenever she steps out of the room at ang partially hubad nitong katawan ang bumabalandra sa kanya bawat umaga.

"OMG. Don't tell me pinupuyat ka ni Inno 'no?!"

"Gaga, hindi!"

Sobrang lakas nang naging tawa nito habang pinapapak ang nachos na inorder nila.

"So bakit ka puyat?" tanong nito. "Don't tell me affected ka pa din 'don sa ex mong ka-federasyon?"

"Ewan ko sa'yo," tanggi niya. "Himala ata at hindi mo kasama si River. Sawa ka na agad?"

"Excuse me, hinding-hindi ko pagsasawaan si River," sagot agad nito. "Have you seen him? Walang tapon, girl. Ugali, itsura, kayawan, walang sayang. He's like perfection! Ang galing pa sa—"

"Hoy Arika 'yang bibig mo talaga!" saway niya agad sa kaibigan. Wala nanamng filter 'tong babaeng 'to.

"What? Makapagreact ka naman kala mo virgin pa—" Kumunot agad ang noo nito nang pasimple siyang umiwas ng tingi. "Tangina. 'Di nga? Virgin ka pa, Eunice?!"

Agad niyang inirapan ang kaibigan.

"Lakasan mo pa, Arika. Hindi ata narinig 'don sa kabilang table," sarkastiko niyang saad bago kinurot ang babae.

"Two years naging kayo ni Wes tapos hindi ka niya ginalaw... tangina girl! You should've known na bakla 'yang boyfriend mo," anito na natatawa pa.

"Malay ko ba kung talagang nirerespeto lang ako nung tao," pagdadahilan niya. "Marami kaya ang mga couples na naghihintay muna ng kasal bago umano..."

"Girl, 21st century na ngayon. Wala na kayo sa medieval times para maniwala 'jan," prangkang saad nito. "I mean, come on. Uso na ngayon 'yung free trial. Requirement na 'yon sa isang masaya at fruitful na pagsasama."

"Hindi ko naman kasi nafeel yung urge to do the deed," pagdadahilan niya. "Parang walang sense, you know?"

"Walang sense? Jusko gorl. If you're really in love with someone, you should always feel that strong urge to pull him in one secluded corner and rip his shirt off. Lamoyon?" paliwanag nito. "Kung walang sexual tension between couples, platonic love lang 'yan. Friendship, ga'non."

"Kung makapag-ano 'to. Wes and I make-out... occasionally," aniya. "Basta. 'Yon. Di ko naman kasalanan kung hindi ko nahalata na hindi pala pechay gusto niya. Talong pala."

"Make-out? Ano kayo, high school?" Arika folded her arms. "Yoon, minahal mo ba talaga si Wes? Hindi naman sa pag-aano eh 'no pero, may time ba na minanyak mo sa isip mo yung ex mong 'yon?"

Nagisip siya. Right. Hindi man lang sumagi sa isipan niya na maging intimate sa kasintahan.

"Basehan na ba ngayon ng pagmamahal ang pagmamanyak ng boyfriend?" pamimilosopo niya.

"Girl, wag kang ano. You know what I mean," anito. "If you're madly in love with your boyfriend, you wouldn't be able to keep your hands off him. Oras oras, minu-minuto, gugustuhin mong makasama siya at halayin. That's attraction. That's romantic love."

"Kapokpokan kamo."

"Yup. Still love. Pokpok ka para sa taong mahal mo," kibit-balikat nitong saad. "You'll know once na mahanap mo na talaga yung taong makakagising sa inner pokpok mo."

"Baliw ka talagang babae ka," usal niya sabay lagok ng inumin. Tumawa lamang ito ng malakas. "Teka nga. Asan na ba si Solyn? Kanina pa nagtext 'yon ng malapit ah."

"Baka natraffic lang," anito. "Layo din kaya ng dinadayo 'non."

"Sabagay—"

"Yoon! Aki!"

Sabay silang napabaling ng kaibigan sa pinanggalingan ng tinig. It was Synn.

"Sorry. Namali ako ng sinakyan kanina," hingi nito ng paumanhin habang bumebeso sa kanila. "It was a good thing malapit lang sa area si Inno kaya nakapasundo ako."

Nangunot agad ang kanyang noo. Si Inno?

"Inno? As in Inno Montecillo?" Naunahan siya ni Arika magreact. "Hinatid ka ni Inno papunta dito?"

"Oo, bakit?" tanong nito nang makaupo sa tabi ng kaibigan. "We're friends."

"I didn't know you two were friends," puna nito. She had no idea either. Tinotolerate siguro, oo.

"He's actually a great company," kibit-balikat nitong sambit. "Straightforward saka walang kiyeme. Di mo iisipin na big boss kapag kasama mo."

"I thought you hated men?" tanong niya naman.

"I don't hate men," pagtatama nito. "Just indifferent. Saka iba si Inno eh. Prangka. He says it as it is and surprisingly gives great advice."

Hindi siya agad nakpagreact. Ga'non pala ka-close si Synn at Inno. Akala niya dati ay tinotolerate lang ito ng babae.

"Nakakapanibago ha," ani Arika. "Synn approves of a guy. And admits she's friends with him. Baka iba na 'yan, Solyn ha."

"Magkaibigan lang, may iba na agad?" depensa nito. "We're just friends. Tsaka may babae na si Inno."

"Babae? May girlfriend na siya?" nagtatakang tanong ni Arika. Maging siya'y napakunot ng noo.

Sinasabi na nga ba. Ang landi-landi talaga ng Inosencio'ng 'yan—

"Ewan," sagot naman agad ni Synn sabay baling sa kanya. "Yoon, sinagot mo na ba si Inno?"

Nagulat siya. Putangina, ano?

"What? Anong sagot? Hindi naman siya nanliligaw eh!" tanggi niya agad.

"So kung manliligaw ako sa'yo, sasagutin mo 'ko?"

"Put—Inno!" hiyaw niya nang biglang sumulpot sa may likuran niya ang demonyo. "Ano ba?! May balak ka bang patayin ako?"

"Huwag muna. Di mo pa nga ako sinasagot eh," nakangising sagot nito sabay upo sa tabi niya. "Hey Aki. San pinsan 'kong zombie?"

"May zombie ba na pogi?" nakabusangot nitong asik.

"Wala naman akong sinabing hindi ah," depensa nito. "Usually kasi parang pangalawang anino mo na 'yon. Lakas naman ng gayuma niyong magkakaibigan. Tingnan mo 'ko. Di ako makalayo dito kay Arabella."

"Hoy hindi kita ginayuma!" singhal niya sa lalaki. "Gago 'to."

"Oo kaya. Ginayuma ako niyang mga mata mo. Lumala pa 'nung ngumiti ka," walang preno nitong saad making her cough. "Wala na. Finish na."

"Bwiset ka talaga!" Hinampas niya ang lalaki sa braso na ikinatawa lang nito. He even rested his arm on the backrest of her chair. Ramdam nanaman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi.

Punyeta talaga 'tong lalaking 'to! Hindi ba 'to marunong kumutsara ng mga salita? Jusmio! Parang gusto nanaman kumawa ng puso niya sa tadyang niya.

"At talagang sa harap pa namin niyo naisipang maglandian," asik ni Synn. "Sana pala nag-Grab na lang ako. O di kaya Angkas."

"Hindi safe," katwiran agad ni Inno. "And besides, susunduin ko na rin diretso 'tong si Arabella. Sabay na kami uuwi."

"So it's true. Sa iisang bubong na pala talaga kayo nakatira," kumpirma ng babae. Ngumisi pa ito na para bang may binabalak itong masama. "So... meron ba akong pupuwedeng magamit na material for my next novel? Yung medyo may impact ha. Hindi yung nonstop niyong pagtatalo because I already used that sa previous best-seller ko."

Naginit nanaman bigla ang kanyang mukha nang maalala ang nangyari days ago. Pesteng towel kasi.

"Impact? Pwede siguro yung sa banyo—"

Nanlaki ang kanyang mata at agad na tinakpan ang bibig ng kanyang katabi. Bwiset!

"What? Banyo? Anong nangyari sa banyo?"

Tila sobrang curious ni Synn habang nakayingin sa kanila. Maging si Arika ay nailapag ang iniinom at napa-lean in din sa kanila.

"W-Wala!" bulalas niya agad. "Na... Na-slide lang ako—tama! Na-slide ako kasi... kasi yung sabon. Oo yung sabon. He-he. Tapos ano... naabutan ako ni Inno na sahig—"

"Nang hubad?!" bulalas ni Arika. Ramdam niya sa kamay ang pagguhit ng ngisi sa bibig ni Inno.

"No! Ano... Naka... Nakabihis na 'ko 'non!" pagtanggi niya sabay diin ng pagkakapatong ng kamay sa bibig ng lalaki.

Ang putangina eh hinalikan pa palad niya sabay kindat.

Tinapunan niya agad ito ng masamang tingin.

"Ay 'yon lang?" frustrated na sambit ni Synn. "Panget. Walang impact. Buti sana kung natanggal yung towel tapos nakita nung bidang lalaki. That would be epic."

Napabitiw siya sa lalaki nang bigla itong napabulalas ng tawa. He was laughing out so loud to the extent that he's already turning red. Napa-irap na lang siya't pinagkrus ang mga braso.

"What's wrong with him?" tanong bigla ni Arika.

"Kasi—" Hindi nito natuloy ang sasabihin dahil bigla niya ito sinubuan ng cake. A spoonful.

"Wala. Gutom lang 'to. Wag niyo na lang pansinin," aniya sabay tapik ng medyo marahas sa balikat nito.

"Aray naman, Arabella," anas nito. "Alam ko mahilig ka sa rough pero pakigaanan naman ng kamay. Konti na lang eh hihiwalay na ata 'tong balikat ko sa katawan—"

Naputol ang daing ng lalaki nang biglang tumunog ang telepono not. Pagkakita sa screen ay agad bitong in-excuse ang sarili't sinagot ang tawag.

Sumunod lamang ang tingin niya sa papalayong pigura ng lalaki sabay hinga ng maluwag. Pested Inosencio talaga. Ang bastos ng bibig. Kung anu-anong pinagsasabi sa mga kaibigan niya—

Nagulantang siya nang ang naniningkit na mga mata ni Synn at Arika ang sumalubong sa kanya. She knew that look. Ga'non na ga'non din ang ginawa ng dalawa kay Naia nung pinaamin nila ito about kay Jarvis two years ago.

Tangina mo talaga, Inosencio!

Patay malisya na lamang siya bago nginitian ang mga ito. But both were looking at her like she committed a crime or something.

"May something," ani Synn. "I have no idea what but there's definitely 'something'."

"Naaamoy ko yung sexual tension, Mamsh," ani naman ni Aki. "Sobrang lakas."

"That something is nothing," kontra niya. "At sarili mo lang 'yang naaamoy mo. Kung anu-ano nanaman 'yang tumatakbo sa mga madudumi niyong isip. I understand Arika dahil puro kabastusan naman talaga laman niyang isip mo pero ikaw Solyn ha. Lumayo-layo ka 'ke Inosencio at nababahiran na ng kamanyakan 'yang utak mo."

"Kamanyakan ba talaga ang dahilan kaya pinapalayo mo 'ko o nagseselos ka?" Ngumisi pa ng sobrang lapad ang kaibigan niya. "Just admit it, Yoon. Type mo din si Inno. Tigilan mo na 'yang pagpapabebe mo."

"Oo nga. Halatang-halata ka mamsh," segunda naman ni Aki. "Kilig na kilig ka sa mga banat ni Inno o."

"Naka-drugs ba kayong dalawa?" asik niya. "That's Inno Montecillo. Numero unong pokpok sa Pilipinas. Lahat ata basta naka-palda eh nilalandi. Umeechos lang 'yan kasi hindi gumagana saakin ang pagpapa-pogi niya. Kapag pinatulan ko siya, for sure magdi-disappear din agad 'yan."

"Pa'no kung hindi?" balik naman ni Arika. "What if si Inno naman pala talaga 'yung hinahabol-habol mong 'Perfect Guy'?"

"That's impossible," tanggi niya agad. "Hindi siya ang Perfect Guy ko. Allergic nga ako sa mga gago."

"Pero lahat ng naging jowa mo na sabi mo dating Perfect Guy ang ending eh gago pala," Arika rebutted. "Kung pinapatos mo na kasi 'tong si Inno, alam mo nang Gago kaya di ka na madidisappoint. Malay mo pa nga eh ma-bigla ka pa 'coz he might prove you wrong. Stop chasing the Perfect Guy who ends up hurting and instead try someone who's Not-so Perfect pero iingatan at mamahalin ka."

"Iingatan? Mamahalin? I doubt that," giit niya. "Babaero si Inno. Kapag nakahanap 'yan ng ibang babaeng mas machachallenge siya eh iiwan niya lang din ako. Malulugi lang ako in the end."

"Really?" taas-kilay na sambit ni Solyn. Sabay silang napatingin ni Arika sa babaw na kino-konti-konti ang cake sa table. "Well then. Kung totoo yang sinasabi mo, why not try it? Patulan mo si Inno."

Nangunot ang noo niya dito. Ano raw? Patulan niya si Inno?

"Why not prove your statement by flirting back." Ngumisi ito. "It's like hitting two birds with one stone. Napatunayan mo na saamin ni Arika na hindi siya okay, magagawa mo pa siyang palayuin sa'yo."

Napatingin siya kay Arika. Unti-unting nalilusaw ang lito sa mukha nito at napapalitan ng ngisi.

Shit. Bawiin niya kaya 'yung sinabi niya? Kaso kapag nalaman ng dalawa ang karupukan niya sa demonyong si Inno, baka lalo lamang siya asarin ng dalawa.

Gagawin niya ba?

"Ano, game?"

Putangina. Dalawa lang naman ang pwede niya kahinatnan kapag ginawa niya 'tong pinagsasabi ng kaibigan.

Una, magiging masaya siya sa pilig ni Inno dahil pwedeng maglandian sila and possibly end up together. Okay 'yon but unlikely seeing Inno's track record when it comes to women.

Pangalawa, malilugi siya. Maiiwan siyang luhaan at mag-isa. Posible ding maging wasak depende sa kung ga'no kalalim ang magiging landian nila. But at least she can prove to her friends na tama siya. Bragging rights, ika nga.

Wala! Putangina. Sige na! Bahala na si Batman!

Bumaling siyang muli kay Synn.

"Game."

💐

hala ka Arabella. 😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro