Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B2] Episode 7

💐

"Are you sure about this, Naia? Pumayag ba talaga si Jarvis na dito muna ako mag-stay sa pad niya pansamantala?" paniniguro ni Yoon sa kaibigan. She's currently walking towards Jarvis' bachelor's pad where she'll be staying for the next three months.

Apparently, kinausap ni Naia ang asawa nito to let me stay in his pad dahil nga wala pa siyang matutuluyan. The unit she bought is still being finished.

"Yes, Yoon. Ano ka ba? Hindi ka naman others. Saka, Vis' parents and Tita Saturn insisted na dito muna kami sa mansyon after our honeymoon," paliwanag nito. "May spare key sa second pot next to the door. Sorry I couldn't show you the place myself at pinadala ko na lang kila Yvo yung susi. Biglaan kasi 'tong pag-alis naming ni Vis."

"Honeymoon?" tanong niya habang umaakyat ng hagdan.

"Yup. Sa Isla del Fuego," sagot naman nito. She could really sense the happiness and excitement in the tone of her voice.

"Isla del Fuego?" tanong niya. Alam niyang mayaman sina Naia pero owning an island? Jusmio! Posible pala 'yon?

"Um... property siya ni Mama na ipinamana sa'min ni Third," paliwanag nito. "Isang maliit na rest house lang ang nan'don saka konting mga residenteng nangangalaga sa isla."

"Sana all may sariling isla," aniya sabay tawa. "Dapat pala pikutin ko kapatid mo para magka-isla din ako."

"Kung magiging sister-in-law man tayo, I assure you it won't be through Third." Napa-irap siya. Sigurado niyang napakalapad nanaman ng ngisi ng kanyang kaibigan.

"Pagbibigyan kita ngayon kasi malambot ang kamang tutulugan ko ngayong gabi," biro niya dito. "Kailangan ko bang palitan yung bedsheet, Naia? Bak kung anong kasalanan ang pinaggagawa niyo dito niyang asawa mo."

"Two years ago, oo," diretsong sagot nito. "But ever since we got back together, mas matakot ka sa guest room dito sa mansyon."

Biglang nag-replay ang sinabi sa kanya ni Dos nung nakaraan about Inno being traumatized with the guest room.

"Ang haharot!" bulalas niya na ikinatawa nilang pareho. "But seriously, salamat talaga dito, Naia. Pasabi na lang din kay Jarvis. And don't worry, I'll take good care of his apartment."

"Makakarating," anito. "Basta if there's any problem, just send me a chat, okay?"

"Yes, mom," sagot niya sabay tawa.

Then she realized, magiging nanay na pala talaga ang kaibigan niya. Ang bilis lang talaga ng oras. Parang kailan lang eh kababalik pa lang ng kaibigan niya mula Amerika. Now she's already married to the man she loves and expecting a child.

"Mag-iingat kayo 'don ha. Ingatan mo inaanak ko. Lie low muna sa kaharutan."

"Excuse me, pwede kami magharutan. May 'go' signal na si doc," natatawang sagot nito. "But of course, magiingat kamk. Andito rin si Vis kaya for sure eh alagang-alaga kami. Konti na nga lang eh buhatin ako para di daw mapagod eh."

"Parang timang talaga 'yang asawa mo," asik niya. "Ang OA."

"True. But it adds to his charm." Ramdam niyang napakalapad nanaman ng ngisi nito. "I can't believe I'm married!"

Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti.

"I'm really happy for you, Naia. Really."

"Thanks, Yoon. Salamat talaga sa lahat. I'll see you in a few weeks. Enjoy!" anito bago tuluyang maputol ang linya. Napailing na lamang siya.

Enjoy? Enjoy what? Baka 'enjoy the place' or something. Ang weird talaga ng mga buntis.

Naigala niya ang tingin sa apartment. Wow. Malaki iyon at parang bahay na talaga ang itsura. It had that certain masculinity every bachelor's pad has pero napaka-homey nito sa pakiramdam. Maybe that's why Naia loved staying over at this place two years ago.

Aside from the common household appliances, napakaraming nagkalat na mga libro sa lugar. Medyo maalikabok na rin dahil sabi nga ni Naia, hindi na daw dito gaanong nags-stay si Jarvis for the past two years dahil sa nangyari sa kanila.

So she decided to tidy up a bit before settling in. Inayos niya rin ang ibang mga nagkalat na mga gamit at pinalitan ang mga kurtina, bedsheets at mga pillowcases. The she proceeded to place her items where they should be.

Dahil sa maghapong paglilinis, ramdam niya na ang panlalagkit kaya't naisipan niyang maligo. Namapaang siya nang makita ang tub sa banyo.

It was a freakin' hot tub. Jacuzzi. How rich are these people? Daig niya pa ang nag-stay sa isang five-star hotel.

Dipping into the bubbling water finally gave her the relaxation she badly needed. Halos tatlong araw na ang nakalilipas mula ng kasalang Naia at Jarvis pero ramdam niya pa rin ang impact 'non sa negosyo niya. They were flooded with multiple love calls from possible clients dahil nagustuhan daw ng mga ito ang ambiance at feel nung kasal. Parang fairytale daw at feel na feel mo yung pagmamahalan nung kinakasal.

She can't take credit for that though. The ambiance of the wedding was all because of how much Naia and Jarvis loved each other. Yung ramdam mo talaga yung pagmamahalan ng dalawa because they went through a lot.

Also, nakabalandra ata sa lahat ng newspaper ang kasalang Uychengco at Montecillo with her tagged the the wedding organizer.

But aside from the wedding itself, may isa pang pangyayari na nakakapagpa-stress talaga sa kanya ng grabe. That freakin' garter game kept replaying on her mind like it was the only memory she ever had.

Tandang-tanda niya pa rin kung paano bulto-bultong kuryente ang kanyang naramdaman habang hinihila nito ang garter paakyat sa kanyang hita. How her breath hitched every time he pauses and his lips teasingly graze her sensitized skin.  Not to mention how he claimed "victory" by kissing her thigh in a very... very seductive manner.

Punyeta. Ang manyak talaga ng putangina.

Buti na lang talaga at mukhang wala naming nakahalata ng ginawa nito. Pulang-pula siya after pero normal naman siguro iyon since what happened was really embarrassing. Idag-dag pang nagvivideo ang kambal na sina Box at Seven na akala ata eh mga vlogger sila.

"Pwedeng mag-viral 'to, Ate Yoon," naalalaniyang pagdadahilan ni Seven.

"Malaki ang kita sa YouTube nowadays," ani naman ni Box. "Bibigyan na lang namin kayo ng TF."

Mag-asawang batok ang binigay niya sa dalawa at binantaang ibabaon sila sa lupa kapag hindi nila dinelete yung video—which they did, thank God.

Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang biglang narinig ang pagbukas ng pinto.

What was that?

Dinig na dinig niya ang mga yabag sa labas at pagkalukos ng kung ano. Shit.

May magnanakaw!

Agad siyang nakaramdam ng kaba so she quickly grabbed a towel a securely wrapped it around her body. Humanap din siya ng isang bagay na pupuwedeng gamitin as her protection. Yung plunger.

Isinandal niya ang likuran sa tabi ng pintuan upang pakiramdaman ang magnanakaw. Lalong lumalakas ang mga yabag papalapit sa kanyang kinaroroonan. Dahil 'don ay humigpit ang pagkakahawak niya sa plunger at hinanda ang sariling umatake in case buksan nito ang pintuan.

Siguro nga may balat talaga siya sa pwet. Malas na nga siya sa lovelife at walang tirahan, pati ba naman ngayon eh nanakawan pa yung tinutuluyan niya? Malay niya din ba kung baka patayin din siya ng hoodlum na 'to after nakawan si Jarvis.

Usually ay hindi siya naniniwala sa salitang malas pero dahil sa mga nangyayari sa kanya eh parang gusto niya nang maniwala.

As the door opened, she gathered all her strength and swung the plunger towards the burglar.

"What the—Arabella?!"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mahimigan ang tinig ng lalaki.

"Inno?!" bulalas niya.

As if things couldn't get any worse, ang papansin niyang twalya eh bigla na lang nahulog sa sahig.

"Gandang pa-welcome ah."

Napasigaw siya.

💐

"Explain yourself."

Nakapamaywang si Yoon habang nakatingin sa demonyong si Inosencio. He was grinning from ear to ear habang nakatitig sa kanyang dibdib. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad niyang pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

Hindi niya alam kung saang sulok ng apartment magtatago after what just happened. Inno saw her butt naked. Bwiset naman kasing lalaki basta basta na lang pumapasok ng bahay!

"Inno!"

"Hmm?" sagot nito while his eyes are still glued on to her—

"Will you stop looking at my boobs?!" bulyaw niya dito. Natabunan ng inis ang kaba at hiya na kanina pa nararamdaman.

Agad naman itong tumalima at naibaling ang tingin sa kanya. "Sorry. Hindi kasi mawala sa isip ko—"

"Stop it," babala niya dito. "Tutusukin ko talaga 'yang mga maga mo kapag di ka tumigil diyan!"

"You can't really blame me, Arabella," diretso nitong sambit. "I mean. Wow."

She rolled her eyes before throwing daggering stares at him. "Ha-ha. Now explain to me kung bakit andito ka?"

"Pinapaayos ko yung mansyon kaya dito muna ako pinatuloy ni Jarvis," simpleng sagot nito.

"Wala ka bang sarili mong pad?" curious niyang tanong dito. "Ang yaman yaman mo tapos wala kang sariling bachelor's pad. San mo dinadala mga babae mo?"

"One, it's a waste of money," saad nito. "Malaki ang espasyo sa mansyon so I don't really need a place of my own. Two, ako ang pumupunta sa lugar ng mga babae ko. I can't risk them knowing my address. Baka kulitin pa nila ako."

"Ay iba din."

"Why the sudden interest sa mga babae ko, Arabella?" nakakalokong tanong nito. "Wag ka magalala. Matagal nang panahon yun. Yung time na kayo pa nung ungas mong ex. Ikaw na lang babae ko ngayon kaya wag ka na magselos. I'm all yours—"

"Feeling ka!" Hindi na siya nakapagpigil at binato ito ng isang unan. Nasa sala sila at madaling makahanap ng ipambabato sa demonyong nasa harapan niya. "Hindi ba pwedeng dahil pokpok ka lang kaya ko natanong? Bwisit 'to."

Tumawa lang ito. Para bang ang cause of joy lang nito sa buhay ay ang buwisitin siya.

"Nasabi ko na kung bakit ako nandito. Now it's your turn. Bakit ka nasa pad ng kapatid ko?" tanong nito. "Not that I don't want you here pero, hindi ba may condo ka?"

"Naia told me I could stay here habang hinihintay kong maayos yung binili kong condo," paliwanag niya. "She even gave me the keys to this place."

"Ah. I see."

Nangunot ang noo niya. "I see? 'Yan lang masasabi mo?"

"Bakit? Anong reaksyon ba ang gusto mong gawin ko?"

"Hindi ka ba nagtataka?" tanong niya dito. "I mean, if Jarvis knew you'd be staying here, bakit niya ako pinayagang mag-stay dito?"

"Maybe because he wanted to help his handsome brother to at least land third base?"

Sinamaan niya agad ito ng tingin.

"I honestly have no idea," anito. "Why don't you call them? Sila lang ang makakasagot niyang mga tanong mo dahil as you can see, I'm just as shocked as you are."

"Fine."

Napa-irap siya bago tumipa sa kanyang telepono.

"Speakerphone mo para marinig ko," utos nito. "Baka nililibak niyo na 'ko wala akong idea. Mabuti na 'yung sigurado."

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Talagang naniniwala na siya sa malas. Personification na siya ngayon ng kamalasan—

"Yoon?" ani Naia sa kabilang linya. Batid sa tinig nito na mukhang bagong gising lamang ito. "What's up?"

"Um... Girl, sorry kung inistorbo kita pero Inno's here," diretsong sambit niya.

"Inno?" ulit nito. "As in, Inno my brother-in-law?"

"Yup," kumpirma niya. "That one."

"Anong ginagawa niya diyan?" nagtatakang tanong nito. "Is he stalking you again?"

"Wow ha, Naia. I feel so loved," ani Inno.

"Inno? Wait. Am I on speakerphone?" asik nito. "Inno, anong ginagawa mo diyan?"

"Why don't you ask you husband?" sagot nito. "Siya nag-offer sakin ng pad niya when I called earlier."

"What—Javier Vitus!!"

They both heard a faint "Yes, baby?" in the background.

"Why is Inno in your place? An'don si Yoon. Diba sinabi ko sayo this morning?"

"Oh shoot I forgot."

The voices on the other line grew a faint at mukhang nagtatalo ang dalawa. Nagkatinginan na lang silang dalawa ni Inno bago muling bumaling sa aparato. Bigla namang tumunog ang telepono ng lalaki.

"Si Jarvis," anito bago pumasok sa banyo.

"Yoon," si Naia iyon. "I'm so sorry. Naguulyanin na ata asawa ko. He forgot that you were staying there. Don't worry, he'll fix this. Or else sa labas siya matutulog for the rest of this honeymoon."

"Okay lang, Naia. I can just go back yo the shop. Kompurtable naman ako 'don."

"Kompurtable? Eh mukhang di naman 'yung maliit na kwarto mo 'don," katwiran nito. "Pwede naman kasi kayong dalawa magstay diyan. I mean, ilang days lang naman mags-stay si Inno kaya wala namang problema. Ang alam ko eh may foam bed naman diyan na pwede niya gamitin. Or kung feeling mo ay hindi ka safe with him, let him sleep on the couch at i-lock mo yung pinto."

"I can't stay here, Naia," aniya. "Si Inno yung kapatid. Nakakahiya naman na paalisin ko siya dito. Ako na lang ang aalis—"

"You're staying here," ani bigla ni Inno na mukhang nakausap na ang kapatid. "Makikitulog na lang muna ako kay Yvo. Or with one of the twins for the night and just stay at a hotel for the rest of the week."

"Pero Inno—"

"No buts," anito sabay dampot ng isang duffle bag sa sahig. "I'm not letting you sleep sa shop mo. And why didn't you tell me before na wala ka na palang tinutuluyan?"

"Why would I?" asik niya. "Hindi mo naman ako kargo, Inno."

"Kasi concerned ako sa'yo," sagot nito. "At kargo kita dahil gusto kita. Nagaalala ako sa'yo."

Putangina. Nabingi ata siya.

"A-Ano?"

"Don't pretend like you didn't hear me, Arabella," seryosong saad nito. "Stop trying to brush off my feelings for you."

Hindi siya nakasagot. Putangina. Feelings daw? Ano 'yon? Shuta. Shuta!

"Mag-lock ka ng pinto, okay?" anito as he made his way towards the door. "Kukunin ko na rin 'tong spare key para wala nang makapasok dito. Mahirap na baka may i-flash ka nanamang iba. Ako lang dapat makakita 'non—"

"Stay."

Nagulat ito. Maging siya eh nagulat din sa biglang nasabi. She cleared her throat.

"A-Ano. Pwede naman tayo mag-share dito sa pad," paliwanag niya. "Pero dito ka sa labas matutulog."

"Are you sure? I can always get a hotel."

"Sabi mo nga, it's a waste of money," aniya. "And ilang araw lang naman, right?"

Tumango ito.

"So I guess it's settled?" Nagulantang sila pareho nang magsalita si Naia sa kabilang linya. She was still on speakerphone at napalakas ata ang tinig nito. Parang excited. "Inno will stay and you two will live there together for the mean time. Mabuti na rin yan para safe ka, Yoon."

Napatingin siya kay Inno na nakatingin pala sa kanya. Kumabog nanaman biglanang kanyang dibdib.

It won't be a big deal, right?

💐

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro