[B2] Episode 6
💐
"We would like to thank everyone for coming to our wedding."
Nasa may entablado na si Jarvis habang hawak ang kamay ng asawang si Naia. Yoon just watched with the audience as the newly weds deliver their speech.
"I know some of you were shocked to see me getting married and not my brother," patuloy nito. "Hindi ko na po idedetalye and lahat pero ang bottomline po ay mahal namin ni Naia ang isa't-isa and we hope that you all would understand. Kasalang Uychengco-Montecillo pa rin ito kaya wala namang problema, hindi po ba?"
Nagkatawanan ang lahat sa tinuran ng lalaki. Pero may punto naman kasi ito. The deal was adjoining for the Uychengco heir and Montecillo heir to be wed. At Montecillo heir din naman talaga si Jarvis kaya technically, tuloy pa rin ang business deal.
And yup, those two finally ended up together. Natapos na din ang walang katapusang kapabebehan. Kaya nga kung may lilitaw mang puting buhok sa kanyang ulo ay paniguradong kasama na ang dalawa sa source 'non. The rest ay dahil sa pesteng si Inosencio Raziel Montecillo.
The whole switcheroo idea was his. Pinagod pa siya nito maglakad kung saan saan para lang mapalitan ang mga papeles na kilangan sa kasalang Jarvis at Naia. Well joke's on them. Kinasal na pala ang dalawa days ago. So wala ding silbi yung pinaggagawa nila.
"We do hope all of you would enjoy the evening with us," ani naman ni Naia nang ito ang makahawak ng mikropono. "Jarvis, me and..."
Ngumiti muna ang dalawa sa isa't-isa bago humakbang si Jarvis papalapit sa asawa nito bago lumuhod ad idinikit ang tenga sa tiyan nito. Samu't-saring reaksyon ang pumainlang sa venue na sinabayan naman ng tugtug sa background. Jarvis' mom, Mrs. Stefania Montecillo was crying—happy crying, habang ang Ginoong Miguel Montecillo ay napa-thumbs up sa anak. The rest of the Montecillos cheered kasama ng mga Uychengco—maliban sa ama ni Naia na mukhang wala namang pakealam sa mga nagaganap.
Sinabi sa kanila ni Naia ang tungkol sa pagdadalang-tao nito during their final fitting. Hindi kasi nagkasya ang gown nito and they all wondered why. Then she let it slip na natural lang daw iyon dahil sa baby bump niya. Lahat sil eh gulat na gulat because... paano?! Hindi nila lubos maisip kung pano naka-isa si Jarvis sa babae when they were in that pretty complicated situation.
Pero curiosity aside, masayang masaya siya para sa kaibigan. Kitang-kita sa itsura nito ang tuwa and she was literally glowing. Totoo talaga 'yung sinasabi nilang "pregnancy glow".
Sana all may glow. Sana all, masaya.
Currently homeless pa din siya. Dahil nga nakapangalan kay Wes ang condo nila, wala na siyang right doon. Dapat pala ay hindi niya na lang hinayaang sa lalaki lang naipangalan ang property para kahit papano ay may habol pa din siya doon. Malaking pera na rin kasi ang nailagay niya sa tirahan nila for almost two years.
She could always opt to rent an apartment. Pero yun nga, dead investment iyon kaya kailangan niyang makapaghanap ng condo uli. Para at least yung binabayad niya sa lugar eh hindi masayang at sa kanya pa rin mapupunta after. May nakausap naman na siyang agent puro kailangan niya pa maghintay ng tatlong buwan bago makalipat.
So she'll be staying in her shop for the next three months.
The pagkatapos ng mga tradisyong ginagawa sa kasalan tulad ng cutting of cake, releasing of doves at kung anu-ano pa, dinner was served. Naging mapayapa naman ang pagkain niya pero ang buwisit na si Inosencio eh walang tigil sa pagtitig sa kanya.
Kalma lang, Eunice. Kalma lang...
Paano ba siya kakalma eh ang lagkit lagkit ng tingin sa kanya ng lalaki? Feeling niya nga ay any minute eh matutunaw siya. Nakakairita naman kasi. Bakit ang gwapo nito ngayon? Not that he wasn't good looking before but... ibang level talaga yung pagpapakita nito ng noo. Tapos kung makapag-ngisi pa while staring... Jusmio Marimar!
"That's it. I can't take this eye fucking anymore!" inis na turan ni Synn bago tumayo. Agad siyang napabaling sa kaibigan sabay pigil dito.
"San ka pupunta?" tanong niya agad dito.
"'Don sa malayo. Malayo sa mga malalanding mata niyo ni Inno," asik nito. "Nandadamay pa kayo ng sibilyan. Jusko."
"H-Ha?"
"Oh come on, Yoon. Bulag na lang ang hindi makakahalata niyang pagtititigan niyo ni Inno," anito. "Di mo nga napansin na tayong dalawa na lang naiwan dito sa table."
"Huh?" Napatingin siya sa paligid. Oo nga. Wala na yung mga bridesmaid sa table at lumipat na nga sa kung saan.
"Aalis na 'ko bago pa 'ko maging third wheel," dagdag pa nito while brushing her hand off. "As much as I enjoy being single, I hate being the third wheel. Especially sa mga kaibigan kong pabebe. O, ayan na pala siya—"
Nanlaki agad mga mata niya nang makitang papalapit na nga ang demonyo. He was grinning. And looking absolutely gorgeous.
"What? Wait—"
"Ingatan mo 'to, Inno. Even if we're friends, kaya pa rin kitang patayin kapag sinaktan mo si Yoon," babala ni Synn.
"Mas may chance pa nga na ako ang saktan ng kaibigan mo eh," sagot naman agad nito. Then he turned towards her. "But it would be an honor to get my heart broken by her."
Natulala na lang siya sa pinagsasabi nito habang si Synn naman ay lumapad ang ngiti. Namalayan na lamang niya na nakaalis na ang babae nang pinalitan na ito ni Inno sa kanyang tabi—his arm resting on the back of her seat habang nakadekwatro.
"Chill ka lang, Arabella. Masyado ka nanaman atang kinikilig diyan," anito habang nakangisi. "Hindi pa 'ko naeeffort niyan, ha."
"F-Feeling ka!" bulalas niya nang matauhan. "Hindi ako kinikilig. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo. Kadiri ka."
Lies. Lies. Lies.
"Talaga? Bakit namumula ka?" pangaasar pa nito.
"Mestiza ako. Natural sa'kin ang rosy cheeks," pagdadahilan niya.
"Masama ang nagsisinungaling, bata."
"Hindi nga kasi, anuba?!" bulalas niya. Ramdam na ramdam niya na kasi ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
Bakit ganito siya? Bakit ganito siya karipok?
"Cute mo talaga kapag naiinis," anito sabay pisil sa kanyang pisngi. "Stop being cute. Dadami nanaman ang kaagaw ko. Not that I can't handle them but, I want you for myself."
Inabot nito ang kamay niya't hinalikan ito. Natigil siya at naitikom ang bibig. Shit. Kinikilig talaga siya. Puta kasi ang landi!
"Ewan ko sa'yo," sambit niya sabay marahas na binawi ang kamay. Tumingin din siya sa ibang direksyon para iiwas ang tingin dito.
Pasimpleng humawak siya sa kanyang dibdib at pilit na pinapakalma ang pusong konti na lang eh kakawala na mula sa tadyang niya. Nagsisimula nanaman kasi ito. Parang tulad nanaman four years ago ay puro mabubulaklak na salita ang binibitiwan nito. The only difference now is that, mukhang hindi na siya immune dito.
Impit siyang napatili nang bigla na lamang nitong hinila ang kanyang upuan papalapit. Kinulong din siya nito in between his arms—one resting behind the backrest of his seat and the other propped on the edge of the round table. Napakalapit na tuloy ng katawan nito sa kanya and he was leaning even closer.
"W-What the hell, Inno?!" She whisper-shouted. "Anong trip nanaman 'to?!"
Sa halip na sumagot ay ngumisi lang ito at tinitigan siya.
Shit. Shit talaga.
"Ara—"
"May we call on all the single ladies and single gents out there for the ceremonial throwing of the bouquet and garter..."
She groaned. Kung dati ay naeexcite siya sumalo ng mga bouquet sa kasal, kabaliktaran na ngayon. Bakit kailangan pa ng ga'non? As if naman totoong sumusunod talaga yung makakakuha.
But to escape Inno, agad siyang tumayo at dali-daling sinamahan ang kapwa mga bridesmaid sa gitna ng bulwagan. Kasama doon ang mga napilitang sina Uno, Kendall, Georgina, Synn at ang pinaka-game na si Arika.
"Nakasulat na pangalan ko sa bouquet na 'yon kaya wag na kayo umasa," biro pa nito.
"Bakit ba kasi hindi na lang ibigay yung bouquet sa'yo?" asik ni Solyn sabay busangot. "Mag-e-effort pa talaga kami tumayo dito."
"Para kunwari may thrill daw," paliwanag nito. "Pero nagkausap na kami ni Naia. Naka-aim yung bulaklak sa'kin. Sasaluhin ko na lang kaya wag na kayong makiki-agaw."
"But this isn't legit naman, ate," ani Kendall. "I mean, even if I get the bouquet, I'm not gonna make pakasal to anyone kasi I don't have a boyfriend pa."
"Kahon—ehem. Kahon," kunwari ay nauubong saad ni Uno na dumadaan-daan lang.
"Kahon? What do you mean ba, Uno? Are you gonna make salo the bouquet with a box? But Ate Arika said she's gonna make salo the flowers," naguguluhang tanong ng babae.
Hay naku itong si Kendall. Ang inosente!
"Kahit makuha ko 'yang bulaklak kung wala naman akong boyfriend eh hindi ko naman 'yan mapapakinabangan," ani naman ni George. Pareho sila ng iniisip. "That flower is all yours, Arika. Siguruhin mo lang na si River ang makakakuha nung garter para maganda ang performance mamaya."
Natawa siya nang biglang ngumisi ang pilyang kaibigan. Mukhang may binabalak nanaman itong gawin na kabaliwan sa kasintahan.
Habang nagchi-chismisan sila ay pinapaliwanag naman ng emcee ang mechanics sa mga kalalakihan. Iba sa kanila. Instead of throwing the garter ay bubunot ang mga ito sa isang fish bowl na puno ng colored na bola. The person to get the favorite color of the bride ang magiging groom-to-be.
Hindi daw muna ipapakita ang mga nabunot ng lalaki para may thrill.
"Okay ladies, get ready!" hiyaw ng emcee. Pumwesto na rin si Naia sa gitna ng stage hawak ang isang maliit na bouquet. Game face on agad si Arika kaya hindi niya napigilang matawa. "One... Two..."
Naia threw the bouquet. To make room for Arika ay humakbang siya palikod. Pero mukhang napalakas ata ng tapon ang buntis kaya umabot iyon sa kanya na nasa may bandang likuran.
Yup. Siya ang nakasalo nung bulaklak.
"Alright, Miss Yoon!" ani ng emcee. Tinulak naman siya ng mga babae paakyat sa stage. "So Miss Naia, what's your favorite color?"
The boys were all lined up with the colored ball in their hands.
"Pink."
Pink? Eh hindi naman pink ang favorite color ni Naia—ay putangina.
Guess who was hold the freaking pink ball.
"Looks like I'll be able to have that lap dance after all," ani Inno as he stepped forward with that devilish smirk he always had plastered on.
Oh shit.
💐
"Thank you talaga, Yoon! Thank you!" bungad sa kanya ni Naia right after the wedding reception. "Everything's perfect!"
Nakaalis na majority ng mga guests at naiwan silang mga bridesmaids at ang mga Montecillo. It was the "afterparty" for the entourage and friends.
"Ano ka ba, Naia. It's my job," aniya sa kaibigan at sinalubong ito ng yakap. "I'm glad you enjoyed your night."
"Mukhang hindi lang naman ako yung nag-enjoy," naka-ngising saad nito sabay taas baba ng kilay. Inirapan niya ito.
Sa totoo lang ay hindi pa humuhupa ang nararamdaman niya mula kanina. The garter thing. Irregular pa din ang tibok ng puso niya and she could still feel Inno's warm breath on her leg.
Ang buwisit na Jarvis kasi. Bakit bibig pa ang ginamit sa pagtanggal ng garter kay Naia eh pwede namang kamay. They had to mimic the whole thing in reverse! Tapos ang manyak na si Inosencio ay may ginawang kalandian sa hita niya. She had to pretend na parang wala lang when he fucking left a kiss on her thigh!
"Ewan ko sa'yo," bulyaw niya dito. "Hindi naman pink ang favorite color mo."
"Yeah but, they don't know that." Ngumisi pa ang buntis nang nakakaloko.
"Danaia!"
"What? Masaya naman ah. You and Inno look so cute together," gatong pa nito making her roll her eyes. "Saka hindi naman ibig sabihin na kayo yung ikakasal with each other eh. Pwede namang si Inno lang yung ikakasal na sunod. Or kayo ni Wes. Bakit pala wala siya? Busy ba?"
Bigla siyang napasimangot. Pesteng barbie na 'yon.
"We broke up," aniya na ikinasinghap ng kaibigan. "A few days ago. Bakla pala ang gago and he's been cheating on me."
"Bakla?" Nalilitong ulit nito. Then the girl's eyes grew wide. "OMG! So that's why parang inis siya sa'kin nung pinakilala mo and very friendly kay Inno."
"Kaya pala hindi siya nagselos kay Inno kahit nilalandi na ako ng kumag sa harapan niya," sambit niya. "At 'yon na rin siguro ang dahilan kung bakit ang lakas lakas ng loob ni Inosencio."
"So asan na siya ngayon? Did you kick him out?" tanong nito. "As far as I can remember, sabi mo eh you two ate living together?"
"Well, I was kicked out," sagot niya. "Sa kanya nakapangalan yung condo. I found a place pero it won't be ready for another 3 months."
"Eh di san ka ngayon nags-stay? Are you renting a place?"
Umiling siya. "Sa shop lang ako nags-stay. May maliit na kwarto 'don so it's fine. Ayoko na kasi gumatos dahil medyo mahal yung condo."
"Oh no! Hindi pwede 'yan," anito. "If only I still had my place. Kaso na kay Uno na eh. And Third's staying at Uno's former unit."
"Okay lang, Naia. Ano ba 'to," asik niya. "Komportable naman yung kwarto ko 'don sa shop. Convenient din kasi it's my place of work."
"I saw your shop and hindi 'yon kompurtable, Yoon," nakabusangot nitong sambit. Then bigl itong huminto like she was thinking or something.
"Naia?"
"I think I know where you can stay, Yoon," anito as her face suddenly lit up. "Leave it up to me. And bago ka tumanggi, do know na bawal humindi sa buntis."
Pilit na lang siyang ngumiti bago tumango.
Why does it feel like something big is about to happen?
💐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro