[B2] Episode 4
💐
"Ano? Naaalala mo na 'yung kalandian mo?"
Hindi inalis ni Yoon ang tingin kay Inno na mukhang gulat na gulat sa kanyang pasabog. Wala eh. Siya pa ang babaliktarin nito so might as well just tell him everything.
"It's not what it looks like—" Inno was about to touch her arm pero agad siyang umiwas dito.
"Ang weird lang talaga 'no? Nagkrus ang landas natin dahil sa panggagago nung ex kong si Fred," aniya sabay tawa ng pagak. "Tapos ikaw—who was starting to have feelings with before eh ginawa 'din 'yon saakin. Ano ba 'yan, may magnet ako para sa mga gago? Nakakaloka."
"Arabella, will you please let me explain—"
"What for?" supalpal niya agad dito. "Apat na taon na ang nakakalipas, Inno. It's all in the past. Okay na ako. Okay ka na rin. And we're friends. So you don't have to explain yourself dahil tanggap ko na yung pagiging malandi mo—"
"Nakita mo bang magkadikit yung mga labi namin, Arabella?" putol nito sa lintaya niya. "Did you actually see me kissing her?"
Natigilan siya bigla. All she saw was him leaning to that girl. Hindi niya nga nakitang magkadikit ang mga labi nung dalawa pero obvious naman kasi sa posisyon ng dalawa na naghahalikan sila. Tsaka hindi naman siya masokista para tumayo lang doon tapos panooring naghahalikan yung taong gusto niya saka babaeng tipo nito.
"Hindi pero obvious naman sa posisyon niyo!" giit niya. "Hawak mo pa nga mukha niya eh. And you hugged her before that. Kitang-kita ko!"
Inno let out a heavy sigh before combing his hair back. Then he folded his arms in front of her.
"Mali ang nakita mo," anito. "I wasn't kissing her. Oo inaamin kong malandi ako pero sa mga babaeng trip ko lang. I don't fool around with family."
Ano daw? Family?
"What?"
"Oo. Family. Yung babaeng nakita mo eh si Cole 'yon. Pinsan ko sa side ni mama," paliwanag nito. "We saw each other sa may café dahil sa UDSA din siya nagaaral. I hugged her because matagal na kaming hindi nagkikita. And akala mo lang naghahalikan kami pero tinulungan ko lang siya tanggalin kung anong nakapuwing sa kanya. Is that the reason why inis na inis ka sa'kin? Because you thought I was a cheater?"
Napamaang siya. What? All these years na inisip niyang manloloko ito... hindi pala totoo? Na mali lang 'yung pagkakaintindi niya sa sitwasyon?
"Ano, Arabella?" pukaw nito sa kanya. "You assumed the worst in me and didn't even have the decency to at least confront me about it."
"Eh malay ko ba kung magdadahilan ka lang? How would I know na pinsan mo 'yon. And pinsan ba talaga? Masyado naman far-fetched 'yang kwento mo—"
"But it's the truth!" giit nito. "You can even ask Jarvis about it. Kung gusto mo pa nga eh pwede natin siya puntahan eh. Ano, gusto mo ng birth certificate? Family tree? Magsabi ka!"
"Malay ko ba kung kakuntsaba mo kapatid mo? Birth certificate? Eh wala naman 'dong makakapagpatunay na magpinsan kayo! Ang dali-dali din mapeke ng family tree! Grade one nga nakakagawa niyan tapos ang asawa ng nanay eh artista," pagdidiin niya.
"What? Are you fucking serious right now, Arabella?!" Kitang-kita sa itsura nito na nawawalan na ito ng pasensya. Pero hindi siya bibigay. Hindi siya papatalo.
"Yes, I am fucking serious," sagot niya. "At ano ba ang pinagpuputok ng butchi mo? That was four fucking years ago, Inno. At sabi ko nga, okay na 'diba? Wala na 'yon. We're still friends. May boyfriend na din ako at ikaksal ka na. So what's the big issue? Maayos na ang buhay natin so we shouldn't be stressing about something that had happened in the past."
"Dahil sayang, Arabella!" sigaw nito. Napahawak pa ito sa noo. "Sayang. Four damn fucking years! Kung sinabi mo lang... kung kinomprunta mo lang ako... lahat... shit! Kung sinabi mo lang lahat ng 'yan sa'kin noon eh di sana tayo ang ikakasal ngayon!"
Napasinghap siya. What?
"K-Kasal?!" bulalas niya. "Pano ka naman nakakasiguro na kung naging tayo nga noon eh tatagal tayo? Ngayon pa nga lang eh nagsisigawan na tayo eh!"
"Oo sigurado ako!" ganting sigaw nito making her flinch a bit. "Bold of you to assume na papakawalan pa kita after maging tayo. At tsaka, yung sigawan? Natural na 'yon sa'tin. That's how we are. Pinagsasabihan mo ako kapag nasosobrahan na ang pagiging gago ko at sinasagot naman kita kapag sumusobra ka na sa pagiging taklesa. We're perfect for each other!"
Natahimik siya. She had no idea how to argue with something she agrees with—mahirap mang aminin iyon.
Yes, Wes is the perfect guy for her. Pero ang boring. Hindi rin niya maramdaman gaano ang presensya nito sa buhay niya. So may point naman talaga si Inno.
But no matter how boring Wes was, he's still her boyfriend. At si Inno, ikakasal na rin. Napaka-pointless ng away nila ngayon.
"Pero wala na nga kasi diba?" sambit niya nang makabawi. "Nangyari na. Kahit anong away pa ang gawin na'tin ngayon, hindi na mababago ang nakaraan. You're getting married, Inno. And I'm with Wes. Okay na ang buhay natin. So please lang, wag na natin guluhin pa."
Inno sighed.
"So ganon na lang talaga 'yon?" tanong nito.
"Wala na tayong magagawa, Inno. Nangyari na ang nangyari. All we can be now is friends. Wag na natin gawing komplikado ang lahat."
"But—" Hindi na nito naituloy ay sasabihin at muling napabuntong-hininga. "This sucks."
"On the bright side, nawala na 50% ng inis ko sa'yo," she said trying to lift up the mood.
"So I still have another 50%?"
"You still annoy the shit out of me," kibit-balikat niyang sagot. She tried to sound as natural as she could. He scoffed.
"Then that's great," anito as he took a few steps to shorten the distance between them. Inno then cupped her face. "Maghihintay na lang ako."
Then he walked past her. Pero bago ito tuluyang makalabas ng kanyang shop, eh may pahabol pa itong sinabi.
"Wes will fuck it up eventually," anito then kinindatan siya. "By then, I will make my return."
"Inno!"
💐
"So ayun na nga, Ate Yoon. Magandang venue yung The Island para sa Bachelorette party ni Ate. I'm sure perfect 'yon para sa plano na'tin mamaya."
Hindi niya maiwasang mapakapit sa batok when out of the blue ay tinawagan siya ni Uno dahil gusto daw nito bigyan ng bridal shower and pinsan.
Oo, normal iyon sa mga ikakasal pero hindi ganitong biglaan. Tinext na lang nito bigla na narentahan na daw ng babae ang buong The Island at nakapag-pagawa na rin ng rush na cakes. Decorations na lang daw ang kulang nito at distraction para sa bride.
"Uno, alam kong excited ka para sa bridal shower ng ate mo pero hindi ba pwede sa makalawa na lang?" tanong niya dito. "I'm free and all pero, hindi ba masyadong biglaan?"
"It's actually better na ganito, Ate Yoon. That way, no one can spoil the plans kay Ate kasi wala nang time," pagdadahilan nito. Nakaramdam nanaman tuloy siya ng sakit sa sintido. "Don't worry, ate. I got this. All you need to do is go out with Ate Naia, Ate Aki and Ate Synm and then show up sa bridal shower. That's it!"
"Are you sure you have everything prepared? Games? Food? Beverages?"
"Yes, yes and yes, ate. I have Kendall here to help me decorate the place. Andito rin sina Box, Seven, Third and Yvo. They rented out the bottom floor para naman kay kuya Inno."
The mere mention of Inno's name ay natigilan siya. Right. He's getting married kaya dapat lang din ay may bachelor's party ito. Weird lang dahil walang nasabi si Jarvis about it.
It's been days at hindi pa sila nagkakausap muli ng lalaki. Hindi rin ito gaanong sumisipot sa mga meetings with regards to his wedding to Naia.
"Maghihintay na lang ako."
Bakit parang sure na sure ito na maghihiwalay sila ni Wes? Eh kung tutuusin nga eh ang kasal nito ang mas legal and binding which will be the main problem.
Wait. Bakit ba masyado siyang umaasa? Tangina naman. Expectorant ka ghorl?!
"Okay fine. Just text me the details, okay?" aniya sa kabilang linya. "Siguruhin mo ring maayos yung lugar ha. And no strippers. Kapag nakita kong may mga macho dancers sa venue, pagbubuhulin ko kayo ng mga lalaki diyan."
"Patingin muna ng buhol, ate," Uno taunted.
"Isadora—"
"Joke lang, Ate! Hehe. Mwah! Labyu!"
Agad din siya nito binabaan ng tawag. Napailing-iling na lamang siya at kinontak sina Synn at Arika to tell them the plan. After that eh kinontak na nila si Naia.
Nakaka-miss din talaga 'yung mga oras na nagkakasama-sama silang apat. When Naia left, bihira na din sila magkita-kita nina Arika at Synn. Arika being busy between graduation, reviews and boards habang si Synn naman eh naging abala sa pagpapayaman through her best selling novels. Occasionally ay nagkikita sila but it wasn't the same without Naia.
Napunta ang kwentuhan nila sa sitwasyon nina Naia at Jarvis. Then sa arranged marriage naman nito at ni Inno which was really complicated at sobrang sakit sa ulo kung iisipin.
Bakit ba kasi ginagawang collateral ng mga mayayaman ang anak nila pagdating sa negosyo? Bakit di na lang nila hayaan ang mga ito magmahal ng malaya? Fuck tradition! It's 2020. Panibagong dekada nanaman kaya dapat eh magbago na ang mga sinaunang nakagawian at makibagay sa kasalukuyan.
"Ano ba 'yang topic niyo. Nakaka-down," reklamo niya habang pinagdidiskitahan ang brownie na inorder. "Pwede ba wag na natin isipin 'yan? It's all in the past. As much as I hate the guy, I know Naia's in safe hands with Inno. Hindi niya man mahal ngayon eh malay natin, mahalin niya in the future. It's not hard to love the guy—"
Napahinto siya sa sinasabi nang biglang bumaling sa kanya ang mga kaibigan.
"What?"
"It's not hard to fall in love with Inno?" tanong ni Synn. "Hoy, Eunice Arabella! Are you... do you..."
"Do you like Inno?" diretsong tanong sa kanya ni Naia. Bigla siyang kinabahan
"What?! No!" tanggi niya agad trying her darn best to sound natural dahil baka ipahamak pa siya ng lecheng feelings niya. Ang bwisit kasing Inosencio na 'yan. Nakuha pang mag-disappearing act!
After nitong iklaro lahat ng misunderstanding four years ago, parang zombie na nabuhay muli 'yung slight na pagkagusto niya sa lalaki. Lalo pa kung anu-anong banta pa ang pinagsasabi nito.
"I-I was merely pointing out the silver lining from all of this."
Good. Pwede na pang FAMAS.
"Catriona ka gHoRL?!" kantiyaw ni Arika na agad naman niyang hinampas. Tumawa lang ito.
"Leche ka! Eh sa totoo naman eh," depensa niga. "Sabi nga diba. Dapat look on the bright side. Kesa dinedepress natin masyado si Naia about the past, bakit hindi na lang natin tingnan yung present? Blooming pa man din si bakla kahit mukhang puyat—"
Nagulat sila nang makitang umiiyak si Naia. Agad nila itong dinaluhan at tinry patigilin.
"Jusmio, Naia! Tumigil ka nga diyan sa kaiiyak mo. Nadadala ako!" bulalas ni Arika na nagpupunas na din ng namumuong luha mula sa mga mata. "Shuta bakla. Ikakasal ka na."
"Yeah," ani Naia habang patuloy pa rin ang pagiyak. "Ikaw din naman eh. You'll be married to River soon."
"And sooner or later, si Yoon naman," ani Synn.
She too can't control her tears. Isa-isa nang kinakasal ang mga kaibigan niya. Siya kaya kelan? Sa totoo lang kasi, she can't see herself getting married yet. Lalo na kay Wes. Even if she sees him as the perfect type of guy, hidni niya magawang makita ang sarili na ikkasal dito.
"Kayo ha. Siguruhin niyong nasa entourage ako para may libreng foods at gown ako. Mag-iipon ako ng mga 'yan parang yung sa 27 Dresses. Bongga 'diba?" patuloy nito.
"Ano 'yan, always the bridesmaid never the bride ang peg?" kantiyaw ni Arika.
"Oo," confident nitong sagot. "Pero unlike in the movie, okay sa'kin 'yon. Di ako magagalit if hindi man ako ikasal. Love is a sham created by men to capitalize against women."
"For a romance writer, ang weird mo," komento ng kaibigan nila na mukhang hindi na maipinta ang mukha. "Hoy, 'love' and source of income mo kaya dapat naniniwala ka diyan."
Synn scoffed. Natawa na lang silang dalawa ni Naia dahil sa reaksyon nito. Maya-maya pa'y biglang nag-ring ang telepono ng babae.
"O, anong problema?"
Mukhang si Uno na iyon. And judging by Naia's expression, mukhang effective ang kung ano mang sinabi ng loka-lokang pinsan nito. Agad nagpaalam ang babae at nagmadali papunta sa parking lot.
Napabaling siya sa mga kasama. At nagsitango ang mga ito. Arika knows a faster route papunta ng BGC kaya ito na ang pinag-drive niya sa kanyang kotse. Nagcarpool na lang kasi ito dahil nasa The Island na rin naman daw si River.
So they arrived at the venue ahead of Naia. Way ahead. Mukhang namali ata ng rinig ang kaibigan nila kaya instead of Bonifacio ay sa Marcelo ito nagpunta—which was all the way in Parañaque. Nadoble tuloy ang biyahe nito.
"Hindi raw darating si Inno."
Napatingin siya agad kay Jarvis. Kasunod nito sina Dos, Box, Seven at Yvo na pumasok sa silid.
"B-Bakit?" hindi niya napigilang itanong. Ngumiti naman si Jarvis sa kanya.
"Business meeting sa Seattle," sagot nito. "Ayun, kasasakay lang sa eroplano."
"Biglaan naman yata. Sayang nung party, o."
"Expecting ka, Ate?" Nakangising tanong ni Box.
"Balak mo ba lasingin si Kuya?" Segunda naman ni Seven.
Inirapan niya agad ang kambal.
"Excuse me, hindi ako expecting—"
"Kuya Inno!" bulayaw ni Yvo.
Agad siyang napatingin sa may pinto but there was no one there. Pagtingin niya muli sa tatlo ay nakangisi ang mga ito.
"Di daw expecting..." bulong ni Dos.
"Ewan ko sainyo!" bulyaw niya sa mga ito habang ramdam na ramdam ang pagiinit ng kanyang mga pisngi. "Bastedin sana kayo ng mga babae niyo, mga leche!"
Inis na iniwan niya ang mga lalaki at katabi ni Synn.
Biglang tumunog ang kanyang telepono. It was chat from Inno.
Inno Montecillo
Just now
Wag masyado uminom, bata. Baka manghalik ka nanaman. Hintayin mo na lang ako. xx
"O, ba't ka namumula diyan?" tanong sa kanya ni Synn.
"Wala! Sadyang mestiza lang talaga ako."
Shit. Yung puso niya nanaman. Peste ka talaga Inosencio!
💐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro