[B2] Episode 35
🦙
INOSENCIO RAZIEL
Four years ago...
This is getting old. Kung noon ay naeenjoy niya pa ang pagpunta punta niya sa mga bar, now it was as boring as going to the office.
Same songs, same people, same girls. Wala man lang bang napapadpad ditong bago? Ang boring na kasi.
"Yoon, wait!"
Napatingin siya sa may gawing kanan. A girl—who he guesses was the one that guy called 'Yoon', made her way towards him.
"Excuse me. Single ka?"
Napatingin siya sa babae. Damn. Maputi ito, medyo may kaliitan ang mukha pati katawan. But she had curves on the right places. Hindi rin makakaila ang ganda nito lalo pa't mamula-mula ang mga pisngi nito. Was this girl drunk?
Hindi niya napigilan ang sarili mapangiti. Straightforward. He likes that. Ayaw niya nung mga tipo ng babaeng ang dami pang arte gusto lang naman palang humingi ng number.
"For a beautiful lady like you, yes, I am single." She was direct so dapat lang din huwag siyang magpatumpik-tumpik. Go for gold—
"Good."
Woah. Hindi niya inasahan ang sunod na ginawa ng babae. She cupped his face and kissed him straight on the lips. Sa sobrang gulat niya ay hindi siya agad nakareact dahil agad niyang nalasahan ang alak sa bibig nito.
It wasn't mind-blowing but he'd be lying if he said it didn't do anything to him. Sa katunayan nga ay tila may kakaibang uri ng kuryenteng bigla dumaloy sa kanyang sistema. Or maybe it was just because she was really attractive.
Pero hindi siya tumugon. A girl like this—aggressive and with a guy tailing not far from her, is clearly just out for blood. Kung tama ang iniisip niya, hinalikan lamang siya ng babae to spite the guy or something. Kaya kapag tumugon siya, baka sabihan pa siya nitong manyak o hindi kaya nananamantala lang. Hindi siya pinalaking ganon. If he were to kiss a girl, dapat ay pareho silang willing participant. Because they won't be just kissing by the end of the night.
"Is it me?" tanong nito bigla nang humakbang palayo. "Hindi ba talaga ako desirable?"
He was ready to shout a big fat "no!" to her question. Seeing her eyes start to water—yep he's a sucker for that just like any other functioning man, parang may biglang pumiga sa kanyang puso.
"Hindi?" He heard her voice break.
Fuck principles! He should've just kissed her back. Pero ano pa bang magagawa niya?
"It's not like that—" Akmang lalapit na sana siya dito pero muli itong nagsalita—more like sumigaw.
"Eh putangina mo naman pala eh!" Nagulat siya sa bibig nito. Palaban. "May 'beautiful lady-beautiful lady' ka pang nalalaman hindi ka naman pala hahalik ng maayos. Leche kayo! Leche kayong lahat!"
Nagsimula itong umiyak. Shit. Kasalanan niya ba 'to? Hindi niya alam ang gagawin at nakatingin na ang majority ng mga tao sa bar. They'd think it was his fault kung bakit ito umiiyak. Or worse, siya ang gagong nagpaiyak dito.
"Miss, hindi naman sa ga'non. It's just that you're clearly not in the right min—"
"Brokeback ka ba?" bigla ay tanong nito. She was looking at her like he just committed murder or something.
And wait. Brokeback? Anong brokeback?
"What?" naguguluhang tanong niya dito.
"Are you gay?" sagot nito. "Ang sabi ni Fred eh nadala lang siya kaya nakipaghalikan siya doon sa babae and said it was a natural response for a guy. So maybe you didn't kiss me back because you're gay."
"What?!"
Hindi naman siya insecure pagdating sa sekswalidad niya pero, what right does she have to spur those words out to a complete stranger? Maybe it was the alcohol talking pero that doesn't justify her words—or actions.
Bigla itong tumalikod na parang wala itong ginawa o sinabing masama. Not that being gay was bad but, accusing him of something he's isn't, was distasteful and clearly rude.
"Miss, hindi ba sumagi sa isip mo that maybe I didn't kiss you back because you suck at it?"
"What?! Anong sinabi mo?!"
He scoffed. Now she knows how it feels. Minsan kasi, kailangan ding turuan ng leksyon ang mga taong mapanghusga. And it's not like he was lying.
Yes, he felt a bit excited because of her kiss but it wasn't as inviting as the other ones he had. In other words, he's tried better, mind blowing ones. Pero may potential ito.
"Miss, I don't care if you're drunk or whatever. Huwag kang nambibintang ng kung anu-ano dahil kapag pinatunayan ko sa'yong hindi ako bakla, baka hindi ka makalakad ng maayos ng isang linggo."
It was like the girl—who I kinda forgot her name, froze on her heels. Hindi agad ito nakabawi at tila pino-proseso pa ang sinasabi niya.
"So ano, Miss? Gusto mo ba patunayan ko sa'yo that I'm straight? O gusto mong turuan na lang kita humalik para next time eh hindi humahalik sa iba ang boyfriend mo?"
Hindi agad siya nakaiwas at biglang dumapo ang palad nito sa kanyang pisngi.
"Bastos!"
Okay. Maybe he deserved that. Minsan din kasi hindi niya mapigilan ang sobrang pagiging straightforward niya. And the last part of his last sentence was clearly not her fault. Gago lang din talaga yung boyfriend nitong humalik sa ibang babae.
Oddly, she found the furious girl more attractive with her cheeks puffy with shades of crimson and her eyes full of rage. Ang cute lang nito tingnan kapag galit. Isa pa ngang pang-asar.
"Wow. Kapag babae ang nang-offend, okay lang? Tapos kapag lalaki na, bastos na?"
"Aba tarantado ka—"
But their banter was cut short—much to his disappointment, nang bigla itong hinahin papalayo ng kaibigan nito. But that didn't stop this cute lady from throwing a daggering gaze at her.
"Gago!" pahabol pa nito.
And that was it. Hindi na naalis ang ngiti sa kanyang mga labi buong gabi.
🦙
Three years after...
"Life mission mo na ba ang bwisitin ako araw-araw, Inosencio? Or talagang bored ka lang at ako ang pinagtitripan mo?"
Isang malapad na ngiti ang sinagot ni Inno sa babae habang nakasalumbaba sa may counter at pinagmamasdan ang babae na busy sa pagaayos ng mga papel.
She met this feisty girl again just a week after the bar incident dahil nagtatrabaho ito sa café ng kanyang kapatid na si Jarvis. Napaka-small world din dahil ang matalik na kaibigan pala nito ay ang first love ng kanyang kapatid na sobrang tagal na din nitong hinahanap. But sadly, things didn't turn out the way they expected it to be dahil nagkahiwalay ang mga ito. Naia's currently in America habang si Jarvis naman ay may girlfriend na.
Muli siyang napabaling sa babae na kanina pa abala sa ginagawa. She was shuffling through invitation samples habang siya nama'y nakasalumbaba lang sa may tabi nito at pinagmamasdan ang babae.
Arabella was different from all the other girls he met. Wala itong kaartehan sa buhay at napaka-driven. Napaka-independent din nito and she refused all the help he tried to offer her para mas lalo pang lumawak ang events planning business nito. She was adamant that she start from scratch and learn everything all on her own.
In short, she was amazing. Bonus na lang talaga yung maganda nitong mukha at matabang pisngi na sobrang sarap pisilin. Kaya nga gustong-gusto niya ito asarin dahil ang bilis nitong mamula sa galit.
She looks so damn cute.
"Pumili ka na lang diyan, Inosencio," asik nito sabay lapag ng mga hawak nitong papel kanina sa harapan niya. "Wala ka bang assistant? O di naman kaya ibang empleyado? Bakit ikaw pa talaga yung pumunta dito?"
"Busy sila eh," pagdadahilan niya. Sekretarya niya naman talaga dapat ang nagaasikaso nung mga detalye tungkol sa company ball pero gusto niya kasi itong makita. Kaya siya na lang yung sumipot sa meeting. "Saka ako naman boss nila kaya ako din naman talaga ang magaapprove ng mga yan."
Inirapan lamang siya ng babae bilang tugon. Bakit ang ang ganda ganda nitong si Arabella kapag nang-iirap? Pano pa kaya kapag tumitirik ito sa saya?
Fuck.
Lihim na pinagalitan niya ang sarili sa biglang naisip. Hindi naman siya manyak pero... fuck.
Ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin, Arabella?
"Hoy Inno! Kinakausap kita!"
"Huh?" Napatingin siya sa babaeng salubong nanaman ang kilay sa kanya. "Oh. Sorry. Iniisip ko pa kasi kung alin dito yung pwede sa event—"
Narinig niya ang biglaang pagtunog ng door chime sa maliit na shop ni Yoon. Kitang-kita niya kung pano lumiwanag ang kanina'y inis na inis na itsura nito.
"Babe!"
Kumunot agad ang kanyang noo. Babe?! Sinong babe?!
"Babe."
Isang lalaki—di naman katangkaran at kulang ata sa ligo, ang lumapit kay Yoon at hinalikan ito sa pisngi.
"You done yet?"
Parang pang-ipis pa yung boses. Psh.
"Madali na lang 'to, babe. Upo ka na muna 'don," anito sabay ngiti.
Ngumiti ang lalaki bago sumunod. Pero napatingin ito bigla sa kanya.
"Oh. Right," ani Yoon. "This is Inno Montecillo, my client. Inno, this is Wes. My boyfriend."
Napataas ang kilay niya sa babae. Client?
Palihim na inismidan siya nito bago ngumiti na parang bang hindi pakawala ang bibig nito at daig pa mga pirata kung makapagmura.
Wala sa loob na nakipag-kamay siya sa boyfriend nito.
"It's nice meeting you, Inno."
"Same—"
Teka. Bakit parang kakaiba ang kapit ng lalaking 'to sa kamay niya? At yung ngiti...
Fuck.
Hindi niya napigilan ang namumuong ngiti sa kanyang mga labi.
How unlucky you are, my dear Arabella, anas niya sa sarili. And what a lucky bastard I am.
🦙
One year after...
"Ano, hindi mo pa rin mahanap 'no?" pang-aasar sa kanya ng pinsan na si River.
Kasalukuyan silang nasa bakuran kasama ng kanyang kapatid at iba pang mga pinsan. It has been a busy day for him dahil literal na sinuyod niya ang buong Maynila para lang hanapin si Yoon.
It was all a big misunderstanding. Hindi niya hinalikan si Renalea. Basta na lang kasi itong nanglulundag kaya hindi siya agad naka-react para maitulak ito palayo.
"Napakababaero mo kasi," asik naman ni Dos na umiinom din kaharap nila. "Magbago ka na kasing hayop ka."
"Gago!" bulalas niya sabay bato ng chichiryang pulutan nila. "Hindi ako babaero! Hindi ko kasalanan kung bigla na lang ako nilundag nung babaeng 'yon 'no."
"Sus. Dedeny ka pa kuya eh gustong gusto mo namang nilulundag ng mga babae," gatong pa ni Yvo.
"Hoy Giovanno bawal sumabat ang supot dito!" bulyaw niya sa bunso. "At anong gustong-gusto? Hindi kaya! Kadiri kayo. Si Arabella lang gusto kong lumulundag sa'kin 'no."
"Nangarap nanaman ng gising ang ilusyunado," anas nanaman ni Dos. "Di nga gumagana diga mo, lulundagin ka?"
"Psh," napangisi siya nang maalaa yung tagpong naganap sa kanila nung nakaraan ni Yoon. Nung linundad siya nito. "Kung alam mo lang."
"Luh si kuya o! Lapad ng ngisi," ani Yvo. "Bakit kuya, nag-kiss na kayo ni Ate Yoon?"
"Sa panaginip siguro," singit ni Seven.
"Wet dreams ni kuya," ani naman ng kakambal nito sabay high-five pa yung dalawa.
"Aba mga putangina neto—"
Natigilan siya saglit. Nahahawa na siya kay Yoon. Nagiging madumi na din ang bibig niya.
"Nababaliw na si kuya Inno. Ngumingiti mag-isa. Luh!"
"Nag-iimagine nanaman 'yan. Hayaan niyo na lang 'yan sa kamanyakan niya. At least sa isip niya naka-isa na siya."
"Hindi ka ba nagkakakalyo sa kamay kuya kaka-imagine mo?"
"Ginagamit niya ata yung pangsosyal na lotion kaya smooth pa din daw yung kamay."
"Tangina niyo! Ang babastos niyong mga putangina kayo!" bulyaw niya sa mga nagtatawanang pinsan. "Hindi ko minamanyak si Arabella 'no!"
"Weh? Talaga?" ani River. "Ikaw?"
"Animal ka. Rinerespeto ko ang babaeng mahal ko!"
"Uy, mahal!" sabay-sabay na kntiyaw ng mga ito sa kanya.
"Sana all, mahal."
"Mama mo, mahal"
"Ang tanong, mahal ka ba?"
"Tangina niyo talaga," inis na bulalas niya sa mga ito. "Kapag naging kami talaga ni Arabella, who you kayong mga putanginang animal sa'kin."
"Sana all, who you."
"Mama mo, who you."
"Tanga isa lang nanay natin!"
"Eh 'di, mama natin who you."
"Hindi ko kayo kamag-anak."
"Sana all—"
"Tangina mo, Borromeo!"
Pero kung magkataong maka-isa nga talaga siya eh baka ipaframe niya pa yung ano niya for a job well done.
Pero siyempre, joke lang 'yon.
🦙
Present time...
"No. Hindi ako papayag, Arabella. You are not taking my sons away from me!" hiyaw ni Inno habang karga karga si Sandro.
"Nanay nila ako kaya I have all the right!" ganting sigaw naman ni Yoon na karga naman si Seppe.
"Pwede ba umayos nga kayong dalawa diyan?" sigaw naman ng nakapamaywang na si Naia. "Ang dadrama niyo. Bibisita lang naman si Yoon sa nanay niya kasama nung kambal."
"Pero ayaw niya akong isama eh," giit niya. "She can't take them with her tapos iiwan nila ako dito sa mansyon."
"Ewan ko sainyo. Bahala kayong dalawa mag-inarte diyan," ani Naia bago kinuha si Mavi mula sa playpen at umalis ng silid.
Muli ay bumaling siya sa kasintahan.
"Hindi ka nga kasi pwede sumama dahil may trabaho ka!" asik nito. "Kung makapag salita ka diyan parang hindi na kami babalik nung mga bata."
"Alam mo namang I can't stand a day not seeing you and the kids. Tapos isang linggo kayo sa probinsya? Balak mo ba akong patayin, Arabella?!"
Umirap ito. "Ang OA mo, Inosencio. Sungalngalin kita diyan eh."
"Pwede naman kasi akong sumama eh," pamimilit niya. "I can file for a leave. Saka ako CEO. Pwede ako mag-power trip kung kelan ko gusto—aray! Did you just flick me?!"
"Oo!" bulyaw nito sa kanya. "Para ka kasing bata. Isang linggo lang naman kami magbabakasyon akala mo naman eh tatakasan ka. We're getting married in two weeks, for God's sake!"
"Still, I don't want to be away from you and the kids. I'll miss you—and them, too much. Gusto ko, kung asan ka, dun din ako."
He saw how Yoon rolled her eyes again but this time, there was a smile slowly forming on her lips. He took that chance to walk towards her and work his magic.
"Sama ako sainyo sa probinsya, okay?" he said planting a soft kiss on Arabella's cheek.
"Okay," sagot naman nito. He gave a triumphant smile before kissing her again.
He may not be a perfect guy but he tries to be the best for her. Para naman balang araw siya na ang maging Mr. Perfect ni Arabella Montecillo.
END OF BOOK 2
💐
two books down, five more to go!
salamat sa lahat ng nagbasa at sumuporta kay Inno at Yoon. sana po abangan niyo din yung sa iba. Hehe!
xx Aki 💋
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro