[B2] Episode 34
💐
"Inno!"
Agad niyakap ni Yoon ang kasintahan the moment she saw him waiting outside the operating room. Bahid sa suot nitong puting polo ang mga tilamsik ng dugo at dumi na galing kung saan.
"Love, anong ginagawa mo dito?" anito habang nakahawak sa magkabila niyang pisngi. "And where's Jarvis? Sinabihan ko siyang puntahan kayo to make sure you're all okay--"
"Is she okay?" putol niya agad dito. "Is Renalea okay?"
The last thing she remembered when she woke up was Naia saying something about Inno at nabaril. Agad naman tinama iyon ni Jarvis who just got back from their supposed "talk" with Senator Ibañez.
Naisuggest noon ng Ate Ramona niya to turn the table against the Senator. She provided Inno some documents proving na pagmamay-ari nito ang isang pabrika na kamakailan lang ay na-raid ng mga pulis which was later confirmed na madaming lamang smuggled goods. How her sister got the said document ay hindi na nito idinetalye. Her reason being hindi lang daw sila ang iniipit nito. That the shrewd old man had tons of enemies waiting in the sark for his downfall.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang magpipinsan at plinano agad na kompruntahin ang matanda. With some armed men and the FBI backing them up dahil siyempre, hawak nito ang mga lokal na pulis. Pinublish din sa internet ang mga dokumento sa tulong ng mga kilalang news outlets para masira din ang kedebilidad nito sa publiko. In short, wala na itong kawala.
Pero ayon na rin sa kwento ni Jarvis, hindi naging ganon kaayos ang pagtatagpo dahil nanlaban si Senator Ibañez. Good thing they also had their own set of body guards to protect them as well as a background on self defense. Black belter pala ang kasintahan niya pati si Dos and she had no idea.
Things got out of hand though at nauwi 'yon sa pagkakabaril ni Renalea. Jarvis didn't go much into detail pero sinabi nitong naidala naman daw agad ni Inno at River ang babae sa ospital. That's why kahit pinigilan siya nito, pinilit niya pa ring puntahan ang kasintahan to check on Renalea. Dahil kahit sobrang inis na inis siya sa babae noon, alam niyang biktima lang din ito. And they wouldn't know about Senator Ibañez's plans kung hindi nito sinabi sa kanila.
"Jarvis said she was shot," patuloy niya. "Ano na ang kalagayan niya? What did the doctors say?"
"We're still waiting, love," sagot naman agad nito sa kanya. "Sa delikadong parte siya natamaan ni Tito Renato when she tried to stop him from shooting."
"Paanong nagkaron ng barilan?" bulalas niya. Shocked pa rin siya sa mga pangyayari at nagaalala na rin. "Sinsabi ko na kasi sainyo, Inno. You should've let the FBI take care of this. Hindi 'yong ganito bida-bida ka nanaman kasing leche ka--"
"Relax, love," pigil nito sa kanya dahil nagsisimula nanaman siyang ma-stress. "Kinailangan naming sumama, Arabella. Our family is involved dahil kadikit ng pangalan ng La Monte ang mga Ibañez. If we did not cooperate with them ay malaki ang tyansang madadawit din ang pamilya sa patong-patong na kaso ni Tito Renato."
"But you could've been hurt too..." mahina niyang sambit. Hormonal pa naman siya kaya ang babaw ng luha niya pero deep inside eh gusto niya nang bigwasan ang gago dahil hindi nagiisip. Magkakaanak na sila't lahat tapos naisip pang ipahamak sarili. Action star ka ghorl?! Pero ayun nga, na-ooverpower nanaman siya ng kanyang buntis brain.
"Love, wag ka na umiyak please," anito sabay halik sa kanyang pisngi. "Okay ako, see? And magiging okay din si Renalea. We have the best doctors here. River made sure to give her the best our hospital has to offer--"
Naputol ang sinasabi nito nnag biglang lumabas ang isang doktor mula sa operating room na agad naman nilang nilapitan.
"She's stable and we're able to remove the bullet just on time," imporma nito sa kanila which made them sigh in relief. "Wala namang naging damage sa kanyang internal organs kaya't pwede na siya i-transfer sa isang private room."
"Thank God," ani Inno. "Maraming salamat po, Dr. Arnaiz."
"It's my job, hijo," ani ng doktor bago magpaalam.
Muling bumaling sa kanya si Inno at niyakap siya ng mahigpit.
"Everything's okay now, love. Okay na ang lahat."
Napatingin siya dito at tumango.
He's right. Wala nang gulo. Wala nang hadlang. Makakahinga na siya ng maluwag at--
"Putangina!" hiyaw niya as she felt a sharp stirring pain on her belly. "Inno!"
💐
Naiiyak na si Yoon sa sobrang sakit. She was barely even close to her 30th week. Pero ano pa nga ba? Andito na. She had gone into labor prematurely.
"Punyeta ka talaga Inosencio!" sigaw siya habang mahigpit na nakahawak sa buhok kasintahan. "Kasalanan mo 'to! Dapat diyan sa betlog mo pinuputol eh!"
Then she felt yet another contraction again kaya't muli nanaman siyang napahiyaw. Butil-butil na ring pawis ang tumagktak sa kanyang ulo habang nakasakay siya sa wheeled stretcher na itinutulak ng mga nurse kasama na rin ni Inno.
"It's okay, love. You can do this--Ah!" Napahiyaw ito dahil napahipit muli ang kapit niya sa buhok nito when she felt yet another contraction.
"Putangina!"
"Mahal ang sakit teka mapapanot na ata ako!"
"Sipain ko 'yang bayag mo tingnan natin kung ano mas masakit!"
Hindi nagtagal ay narating nila ang operating room. Teka. Maglelabor na ba talaga siya? Hindi ba't delikado kapag pre-mature? 30 weeks... ilang buwan na ba 'yon? Hindi na siya makapag-compute dahil sa sobrang sakit.
"Inno! Lintek ka! Bwisit ka!" Isang malakas na sigaw nanaman ang pinakawalan niya as the contractions intensified. Parang any minute ay mahahati na siya sa dalawa.
May kung anu-anong sinasabi yung mga nurse pati si Inno pero hindi niya na iyon maintindihan. The pain was too much for her to even handle. Plus, inaalala niya ang kanyang mga anak. It's too early. Baka kulang pa ang mga daliri nila o kung ano. Baka... baka magkadiperensya ang mga ito dahil maaga silang lalabas.
"Shit!" hiyaw niyang muli as yet another contraction almost ripped her in half.
Hinang-hina na siya at feeling niya'y hihimatayin siya at any moment. She could barely even catch a breath from all the screaming. Naramdaman niya ang paglipat sa kanya sa kung saan.
"She's bleeding! Why is she bleeding? Anong nangyayari?"
Rinig na rinig niya ang pagpapanic sa tinig ni Inno. Hawak na nito ang kamay niyang kanina lamang ay mahigpit pang nakakapit sa kanyang buhok. Hindi na siya gaanong makaramdam dahil nagsisimula nang mamanhid ang kanyang katawan. Ang kanyang isipian naman eh unti-unti na ring linalamon ng antok. Pero pilit niya iyong nilalabanan.
"Her water didn't break," narinig niyang sambit ng kung sino. "She's currently experiencing a dry labor--"
"What!? Labor? Hindi pa siya full term--"
For the nth time ay napasigaw nanaman siya sa sakit. Her legs were raised as the doctor--assuming it was the doctor, examined her.
"10 centimeters," ani nito. "Be ready to push, Mrs. Montecillo."
"Teka--Aray!" sigaw ni Inno nang bumaon ang kanyang mga kuko sa kamay nito.
"Tangina!" sigaw niya as she tried to push her first baby out. Kumuha siya siya ng pwersa mula sa pagkakakapit kay Inno at sa hinahawakang bakal sa kabila. Kung kanina ay pakiramdam niyang parang pinupunit ang buong sistema niya eh mas dumoble pa ngayon. Literal na napupunit na ata ang bukana niya. "Tangina mo talaga Inosencio!"
"She's crowning!" ani muli ng doktor. "Sige pa, Mrs. Montecillo."
"You're doing great, love. Ayan na. Palabas na sila--holy shit! The fuck is that--Aray!"
Umire nanaman siya. Feeling niya'y mapapaos na siya sa sobrang lakas ng naging pag-sigaw niya. Kumuha siya ng lakas muli sa kinakapitan maging sa mga paang naka taas. Then when the pain suddenly stopped, isang nakabibinging iyak ang pumainlang sa silid.
"It's a boy," ani bigla ng doktor.
Ang pagod at panghihinang kanyang naramdaman kanina lamang ay bigla na lamang napawi. Napabaling siya agad kay Inno na kitang-kita rin ang tuwa nang makita ang anak. Lumapit ito sa kanya't kinintalan ng magaang halik ang kanyang noo.
"You did amazing, love. He's beautiful," anito which added to the bliss she's currently feeling.
Gusto niyang mahawakan ang kanyang panganay. She was ready to extend her arm pero hindi sila hinayaan ng doktor dahil premature ang bata kaya't agad itong idinalsa sa NICU. Pakiramdam niya tuloy ay parang kalahati ng buo niyang pagkatao ang pinagkait sa kanya as she watched the nurse carry her first born away.
"You'll see your son soon, Mrs. Montecillo," paniniguro nito sa kanya. "You have to brace yourself. Mukhang ready na rin sumunod 'yung isa."
And there, naramdaman niya nanamang uli ang pamilyar na sakit sa kanyang pamibaba. Samu't saring makukulay na salita nanaman ang kanyang nabitawan habang umaaray si Inno sa kanyang tabi dahil nahuli nanaman ng kamay niya ang buhok nito.
The pain was a bit tolerable now. Dahil siguro nakita niya na ang isa sa kambal. Pero hindi pa rin 'non mababago ang isip niya na sipain ang crown jewels ng kasintahan once this is all over. Lintek lang ang walang ganti. Dapat masaktan din ang hinayupak na Inosencio after doing this to her.
"Last push, Mrs. Montecillo..."
And with all the remaining strength she had left inside her petite body, she pushed. Mas malakas pa nga ata ang naging sigaw ni Inno sa kanya when she pulled his hair.
Ang iyak ng kanyang pangalawang anak ang kanyang huling narinig bago tuluyan nang lamunin ng dilim.
💐
Dahan-dahang iminulat ni Yoon ang kanyang mata. Agad na bumungad sa kanya ay ang puting kisame at ang malakas na amoy ng anesthesia sa paligid.
Nasaan siya? What just happened?
Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata dahil medyo disoriented pa siya. Then she felt a sudden tinge of pain sa pangibabang parte ng kanyang katawan kasama na rin ang pananakit ng kanyang dibdib.
Maya-maya ay naulinigan niya ang tinig ni Inno. Parang may kausap ito.
"I'll wait for her to wake up. Sabay na lang namin bibisitahin ang kambal."
Bakit bibisitahin ni Inno ang kambal? Nasa tiyan niya pa 'yon--
Muli niyang iminulat ang mga mata. My babies!
Oo nga pala't nanganak na siya. Prematurely. Pinilit niyang bumangon mula sa pagkakahiga ngunit parang naka-magnet ang kanyang likuran sa kama. Nangangatog rin ang kanyang mga braso at parang hindi 'non kaya suportahan ang katawang nanlalata pa.
"Love!" ani Inno nang makitang gising na siya at pilit na itinutukod patayo ang sarili. "Dahan-dahan lang."
"Nasan ang mga anak natin, Inno?" nagaalalang tanong niya. Babies born prematurely rarely survives. "Are they safe? Idinala na ba sila dito? I want to see them."
"Relax, love. They're both fine," anito na nagpa-panatag ng kanyang kalooban. Inalalayan siya nitong makaupo ng maayos at kinintalan ng isang magaang halik sa noo. "You did great, love. Both our boys are healthy pero kailangan muna nilang mag-stay sa NICU dahil kulang sa buwan. But the doctors said pwede na silang makalabas in a week or two."
"Boys?" tanong niya dito. "You mean to say--"
"Both are boys," nakangiting sagot nito sa kanya. "I told you, malakas ang lahi ng mg Montecillo. Meron na akong naisip na mga pangalan but I wanted to wait for you to wake up para makapagdecide."
"Pwede na ba natin sila bisitahin?" tanong niya sa kasintahan. "Gusto ko na sila makita, Inno. I want to hold them so bad--"
"Of course, love," anito at muli siyang hinalikan sa noo. "Wait here at kukuha lang ako ng wheelchair--"
"Ako na ang kukuha."
Nagulat siya nang biglang sumulpot si Dos out of nowhere. Or nandoon na ito pero hindi niya lang talaga napansin.
"Thanks, Dos. At least man lang makabawi ka after mo kaming unahan makita yung kambal." Kitang-kita niya pa ang pag-irap ng lalaki bago ito lumabas ng silid.
"He already saw them?" tanong niya.
"Nilandi yung nurse kaya napayagan," paliwanag ni Inno. "Dumating sila ni George kaninang umaga and the first thing they did was visit the twins."
Nangunot muli ang kanyang noo. Si George?
Bumaling si Inno sa may couch at sinundan ang tingin nito. Doon niya lang din napansin ang babaeng natutulog.
"Galing na rin dito kagabi sina Yvo at Cole pero pinauwi ko muna para kumuha ng gamit," bigay alam nito sa kanya. "Nasabihan ko na rin si Synn pati ang mama mo. Pinasundo ko kina Box at Seven. Sina Mrs. Ramirez naman eh mamayang hapon daw makakadalaw."
Oo nga pala. Sina Synn. Ang mama niya. Pati ang Ate Ramona niya't si Fyro.
Ilang minuto lamang ang lumipas at nakabalik na si Dos tulak ang isang wheelchair. Maingat siyang tinulungan ng dalawa upang makasakay doon.
Excited na siyang makita ang kanyang mga anak. Gusto niya nang mahawakan ang mga ito at mayakap. Sabik na sabik na rin siyang malaman kung kanino ba sa kanila ni Inno nagmana ang mga ito.
Inno pushed her wheelchair towards the busy hallway of the hospital at pumasok sa isang silid labeled NICU. Mula sa glass wall ay nakita niya ang dalawang munting anghel na sinisinagan ng kulay dilaw na ilaw.
"There they are," bulong sa kanya ni Inno nang inilapit nito ang sarili pababa sa kanyang tenga. "Our little angels."
Kulang ang mga katagang 'tumigil ang pag-inog ng mundo' the moment she saw the twins up close. Hindi niya napigilang mapaluha at napahawak sa glass wall na nagsisilbing pagitan nilang magiina.
"Our babies..." mahina niyang sambit at natutop ang sariling bibig. "Ang mga anak natin, Inno..."
Naramdaman niya ang pagikot ng mga bisig nito mula sa kanyang likuran.
"Yes, love. Our babies. Kompleto na ang pamilya natin..."
Inno kissed her cheek as they watched their babies from the glass wall. Kakaibang ligaya ang nararamdaman niya ngayon and it was a bit overwhelming. Nagflash bigla sa kanyang isipan ang lahat ng mga pinagdaanan. It was all worth it.
Dati ay lagi niyang tinatanong sa sarili kung bakit mailap sa kanya si Mr. Perfect. Ngayon ay alam na niya kung bakit.
"You know how much I love you, right?" anito habang nakayakap sa kanya. Naisip niyang asarin ito at nagkibit-balikat lamang.
"Feeling ko kailangan mo pa akong i-convince--"
Inno crouched down to claim her lips. Isang malapad na ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi. Alam na alam niya na kung gano siya nito kamahal. She just wanted to kiss her Mr. Not-so Perfect as they start their happily ever after.
Together.
💐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro