[B2] Episode 31
💐
"Ako? Bakit ako? Anong kinalaman ko dito?"
Napahawak si Yoon sa kanyang dibdib nang biglang sabihin ni Inno na kilangan niya daw sumama sa meeting nito.
"Apparently ay kailangan daw munang makita ni Mrs. Ramirez ang babaeng pakakasalan ko bago daw to convince her that she'll betting on the right side of the company," sagot naman ng lalaki. "Believe me, I was shocked when I heard the condition pero, naalala kong ipinakilala kita noon kay Mr. Ramirez. Baka namention ka niya sa asawa niya kaya gusto ka makilala. And I think they just want to make sure kung sino ba talaga yung pakakasalan after the whole Renalea thing."
"Inno naman eh. I'm not good with this. Hindi ko kaya humarap sa mga investors niyo," aniya sabay kagat ng pangibabang labi. "Pa'no kung ako pa yung maging dahilan para hindi sila pumayag? Nakakakaba, Inno."
"Relax, love. Baka ma-stress yung mga bata," kalmadong sambit nito sabay yakap sa kanya. "It's just a simple dinner. Si Mr. and Mrs. Ramirez lang ang makakasama natin. Saka, if all else fails, magiging farmer na lang ako. Magaling naman akong magtanim."
Bumusangot siya dito. He wasn't helping at all.
"Hindi ka pwede maging farmer. Bold star pwede pa," singhal niya dito.
"Papayag kang makita ng madla ang katawan ko, love? Sabagay. Sabi nga nila, share your blessings—"
Agad niyang hinataw ang kasintahan ng hawak na baby book sa ulo.
"Gago."
Tumawa ito at magaang hinalikan ang kanyang pisngi.
"Joke lang. For your eyes only ang katawan ko," nakabungisngis nitong saad.
"Dapat lang, leche ka," pinagkrus niya ang braso't tinalikuran ito. "But I still don't know, Inno. Ninenerbiyos ako diyan sa dinner na 'yan. Hindi ako cut out sa mga business cheneloo. Bring Dos. Or di kaya si Jarvis."
"Yung mapapangasawa ko nga daw ang dalhin ko, Arabella. Mukha bang type ko si Dos o si Jarvis? Kahit maging bakla ako eh di ko maaatim tikman ang pinsan ko. Lalo na kapatid—Aray!"
"Umayos ka nga, peste!" bulyaw niya sa lalaki pagkatapos muling hatawin ng baby book.
"It's just dinner, love. Hindi ikaw ang kakainin doon—well pwede akong kumain pero ngayon dapat o di kaya mamaya na lang pag-uwi natin—"
"Inno!"
Hahatawin nanaman sana niya ito pero agad itong nakailag. Inuna pa talaga takpan ang mukha. Napairap siya't dumiretso pababa ng hagdan. Inno was still following her.
"Love, simpleng dinner lang naman 'yon. Casual talks lang at kamustahan," pagkumbinsi nito sa kanya. "I'm sure Mrs. Ramirez requested that I bring you along para hindi puro business ang pagusapan. You'll be fine. Saka, you've met with tons of clients before. I'm sure you'll charm their pants off. Parang ako."
Napairap siya't napailing sa pambobola nito.
"Please, love. You know I won't force you kung alam kong hindi mo kaya," diga pa nito. "But I'm positive na ikaw ang magiging lucky charm ko sa paguusap na 'to. So please, baby. For me?"
Baby. Biglang nagflashback sa kanya yung mga panahong nilalandi pa lang siya nito at tinatawag na baby against her will. Pero kabaliktaran nang nararamdaman niya noon tuwing inaasar siya nito, her heart instantly melted at parang kahit sabihan siya nitong tumalon sa teresa ay gagawin niya.
Maybe not jump off the terrace because that would be dumb pero, parang ga'non.
Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan bago tumango.
"Fine. Sasamahan kita sa dinner na 'yan," pagpayag niya sa kahilingan nito. "But you have to brief me, okay? Ayokong mapahiya ka dahil sa'kin."
"Kahit kelan ay hindi ako mapapahiya dahil sa'yo, love. Kahit maglakad-lakad ka pa diyan ng hubad, it won't embarrass me. Sasabayan pa kita—Aray love ha. Nakakarami ka na. One hampas, one kiss. Ano? Laban?"
"Napaka-baboy talaga niyang bibig mo, Inosencio."
"Gustong-gusto mo naman i-kiss," nakngising sambit nito. "Tara na uli sa kwarto, love. Pa-isa muna bago tayo maghanda para sa dinner—"
"Nakakaharang kayo."
Sabay silang napatingin sa kanilang likuran. It was River. Sabay silang umisod papalayo sa isa't-isa at agad namang dumaan sa espasyong 'yon ang lalaki. Napangiwi siya sa lakas nang naging pagsara nito ng pinto.
"San pupunta 'yon?" tanong bigla ni Inno. "Ang aga-aga—"
"Probably to visit Arika," sagot naman agad ni Dos. Karga nanaman nito si Mavi.
Yung totoo. Sino ba talaga ang magulang nung bata?
"I'm surprised hindi siya pumunta pagkadating na pagkadating niya—"
"Nandoon ata kasi si Mara," ani naman ni Naia na agad namang binawi ang anak mula kay Dos. "Seriously, Dos. Kung gumawa ka kaya ng baby para hindi ka nangaagaw ng anak. Kainis 'to."
"Kailangan daw kasi ng partner, baby," singit naman ni Jarvis na umakbay sa misis nito. Tumunog ang telepono bigla ni Inno at dagling nagpaalam ito upang sagutin iyon. "Eh wala siya 'non so hindi makagawa."
"What happened to George?" hindi niya napigilang tanungin. Agad naman siyang binato ng masamang tingin ng lalaki.
"War ata sila ngayon," nakangising saad ni Naia. "Hindi pagala-gala si George dito so baka tinaboy nanaman niyan. Ewan ko ba. Nakakapagod na subaybayan ang push and pull nitong dalawa. Daig pa yung mga napapanood sa TV."
Dos clicked his tongue at mukhang naiinis nanaman. If there's one thing na makapagpapalbas ng klarong emosyon mula sa demonyong 'to, that would be George.
"Kala mo ba nagenjoy din kami sa kapabebehan niyo noon ni Jarvis?"
Napamaang si Naia at mukhang ready na patulan ang lalaki pero umismid lang ito bago sila iwan papunta sa kusina.
"Devil incarnate talaga 'yang pinsan mo," nakabusangot na saad ni Naia sa asawa nito. "Kawawa naman si George."
"Intindihin mo na lang, baby. Naguulyanin na 'yang si kuya," tumatawang sagot ni Jarvis. "Paarawan na lang muna natin si Mavi. Nags-swimming ngayon 'don yung mga bunso."
"Sige—"
"Wait," pigil niya agad sa kaibigan. "Pwede bang ano... pwede bang mahiram ko muna si Naia saglit? I need her help."
Nagkatinginan muna ang mag-asawa bago sumagot ni Naia.
"Of course," nakangiting sambit nito sabay abot kay Mavi sa asawa. Humalik muna ito sa pisngi ni Naia bago tuluyang binagtas ang daan patungong bakuran. "What can I help you with?"
"I need something to wear."
💐
Kanina pa hindi mapakali si Yoon. Nasa passenger's seat siya ng sasakyan ni Inno habang ito naman ang maingat na nagmamaneho para sa kanila.
They ran a little bit late dahil medyo sumakit ang tiyan niya pero nagpapasalamat na lang siya sa traffic dahil maging ang mga Ramirez male-late din daw ng kaunti.
"Relax. You'll be fine," ani Inno at dahan-dahang pinisil ang kanyang kamay. "And you look amazing in that dress, by the way."
Isang simpleng light pink maternity dress ang kanyang suot na nahiram pa niya kay Naia.
Maya-maya pa'y nakarating na sila sa restaurant at itinuro sila sa isang pribadong silid. It was more like a conference room pero maliit lamang iyon at may ambiance pa rin ng isang restaurant. Nanlaki ang kanyang mata nang makitang may samu't-saring pagkain nang nakalapag doon.
"Akala ko ba simpleng dinner lang?" hindi niya napigilang ibulong sa kasintahan. Humigpit din ang kapit niya sa braso nito. "Bakit ang daming pagkain?"
"Ganyan talaga, love. Stop psyching yourself out," natatawang sambit nito bago siya halikan sa pisngi at maingat na pinaupo sa isang silya. "They'll be here soon."
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago tumango.
Hindi nga nagtagal at dumating na ang mag-anak na Ramirez. Nagulat siya dahil mukhang hindi lang ang mag-asawa ang kanilang makakasalo sa hapunan.
"Sorry we're a bit late," agad na paaghingi ng paumanhin ni Mr. Ramirez.
"It's okay," kaswal na sagot ni Inno at nakipagkamay sa ginoo. "Kadarating lang din namin. By the way, this is my fiancée, Arabella Suarez."
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang makita ang munting pagkislap ng mata ni Inno. Ramdam din niya ang pagmamalaki sa tono ng pananalita nito.
"Miss Suarez," ani ng ginoo at nakipagkamay sa kanya na malugod niyang tinanggap. "And this is my lovely wife, Ramona Ramirez. The brain behind Bellamona."
Nanatiling nakatingin sa kanya ang ginang. Medyo na-conscious siya ng kaunti kaya't medyo napangiwi siya.
"Hon?" pukaw ng lalaki sa asawa nito na agad namang napakurap.
"Oh, right. Hi," bati nito't nakipagkamay kay Inno. "Thank you for accepting our dinner invitation."
"The pleasure is all ours, Mrs. Ramirez," magalang na sagot ni Inno. "Honestly, I was surprised to have received the call from you. I've always been intrigued about the mysterious Ramona Ramirez of Bellamona, Inc."
"Hindi nga nagkamali ang aking asawa sa pagkwento," anito at ngimiti. "You have a way with words. I do hope na hindi lang salita ang mayroon ka."
Tumawa ng magaan si Inno—not taking offense of what Mrs. Ramirez has said. Then maya-maya ay sa kanya naman bumaling ang ginang.
"Arabella," anito sabay abot ng kamay na kanya namang tinanggap agad. All of a sudden ay may naramdaman siyang kakaibang init na dumaloy mula sa kamay nito. It was some sort of... familiarity. "It's nice to finally meet you."
"L-Likewise," tugon niya naman agad. "It's great to finally meet you, ma'am."
"Tss."
Napatingin siya sa kasama nitong nagreact na agad din namang nag-iwas ng tingin.
Bigla niyang naalala si Yvo at ang pinsan ni Naia na si Third. Parang halos magkakaedad lang ang mga ito at sumisigaw nang 'baby boy' vibe. Kung hindi siya nagkakamali, halos kaedad lang ito nung dalawa. Hindi rin ito nahuhuli sa itsura ng dalawa dahil napaka-gwapong bata rin nito. He had a pair of monolid almond-shaped eyes and a well-defined jawline. Mas lalo pang napapansin ang presensya nito dahil sa kulay light-blue nitong buhok na bumagay naman sa itsura nito.
"Don't be rude, Fyro," mahinang pagalit dito ng ginang.
Teka. Anak ba nito ang lalaki? Napakabata naman ata. Mukha kasing nasa thirties pa lang ang ginang. Not unless naloko nanaman siya ng panlabas nito tulad ni Tita Saturn.
"Whatever," ani ng tinawag ng ginang na Fyro at nilagpasan sila ni Inno. "Let's eat. I'm hungry."
Aba. Attitude si bebe boy.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mrs. Ramirez bago humingi sa kanila ng tawad.
"I'm sorry," ani ng ginang. "Masyadong matagal kasi kami na-stuck sa traffic kaya naging cranky yung kapatid ko. I'm sure you're both hungry too."
Ah. Kapatid.
Isang magalang na tango ang isinagot ni Inno sa ginang bago siya inalalayan papunta sa kanilang upuan.
"I hope you like the food we've pre-ordered," ani Mr. Ramirez. "Inisip kasi naming mas maiging mauna na maserve yung pagkain para hindi na tayo maghintay."
"Yes, we do," sagot naman agad ni Inno. "In fact, favorite nitong si Arabella yung Tuna Carbonara. I was surprised kasi hindi iyon usually ino-order kapag dinner."
"Paborito kasi 'yan ni Fyro." Malawak ang naging pagngiti ng ginang. "We wanted him to be comfortable since ito rin ang first business dinner niya."
Napangiti siya't bumaling sa lalaki. He still had this scowl on his face habang kumukuha ng makakain. And yes, inuna nito yung carbonara.
"What?" asik nito nang mapansing nakatingin siya dito. "Di ka ba makapaghintay?"
Napasinghap siya. Aalma sana si Inno—na ngayo'y kunot na kunot na ang noo, pero naunahan ito ng kapatid nito.
"Flerido!" saway agad dito ni Mrs. Ramirez na agad namang tinugon nito ng isang irap.
"Sorry," he mumbled.
Then bumaling sa kanya muli si Mrs. Ramirez. "I'm really sorry Arabella. He's just acting up dahil pinilit namin siyang isama. With the traffic and all—"
"I-It's fine," agad niyang sambit at pilit na ngumiti. "So Flerido pala ang name niya. My um... My father's name is Flerido too. What a coincidence."
Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi ng ginang bago bumaling sa asawa nito. Tumango lang ito at pinisil ang kamay na nakapatong sa mesa. Muli ay bumaling ito sa kanila—sa kanya particularly.
"Arabella, there's a reason why we asked Inno for you to come," maingat na turan ng ginang. Kitang kita niya rin ang naging pag-iwas ng tingin ni Fyro. "Fyro's name is Flerido Roman Suarez. At ako, before I got married ay Ramona Altea Suarez."
Napasinghap siya. So that means—
"Yes, Arabella. Kapatid mo kami ni Fyro. Iisa ang ama nating tatlo."
💐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro