[B2] Episode 30
💐
"He is stable. Kailangan niya lang ng tamang pahinga. He'll be awake soon," ani ng doktor na tumingin kay Dos.
Bagaman naguguluhan, hindi na lamang nagtanong si Yoon at binantayan na lang si Mavi hanggang sa tumila ang gulo. Kaya nang kinuha ito sa kanya ni Naia—who was awaken by all that chaos, naisipan niyang puntahan ang silid nito.
Apparently Dos fainted habang may mga dokumento inaaral. Natagpuan na lamang ito ni Cole na nakahandusay sa sahig nang maisipan ng dalaga dalhan ng makakain ang kuya.
"Thank you, Ninong Santi. Pasensya po at naabala ka pa namin," ani Inno sa matanda na ngumiti lamang.
"It's okay, hijo. I'm just a few houses away from your compound," sambit nito. "Nagulat nga ako't pinasundo mo pa ako kay Yvo. Pwede naman sana akong ipag-drive ni Shin."
Napatingin siya kay Yvo na mukhang alalang-alala pa rin sa kapatid nito.
"Just tell him to take his meds," patuloy ng matanda. "Mukhang nakakalimot nanaman 'tong si Isidro. Manang-mana sa kapangalan."
"I'll remind him that, Ninong."
Maya-maya pa'y nagpaalam na ito at inihatid pauwi ni Yvo. Si Cole ay ayaw iwan ang kuya at hindi umaalis sa tabi ni Dos habang si Jarvis nama'y bumalik na sa mag-ina nito. Box and Seven also wanted to stay with Dos pero pinagalitan ito ni Inno.
Pa'no daw ba makakapagpahinga si Dos kung ang daming magpapaiwan sa silid nito? Only one can stay, sabi pa nito. Hinamon tuloy nung kambal si Cole ng bato-bato-pik.
Yung prinsesa ang nanalo. Siyempre nag-amok yung dalawa pero agad namang naka-isip ng solusyon: ang mag-camping sa may labasan ng silid nito. Nung dumating si Yvo ay sumabay pa ito.
Dumb, Dumber at Dumbest daw sabi ni Inno. Nagsleepover ang mga ito sa hallway.
Halos alas tres na nang madaling-araw sila nakabalik sa kanilang silid. Agad siyang hinila ng antok kaya't hindi na siya nakapagtanong pa sa kasintahan tungkol kay Dos.
Inaasahan niyang makakakuha siya ng sagot mula kay Inno kinaumagahan ngunit tinanghali na siya ng gising. Wala na ito sa mansyon at sa halip ay nag-iwan lang ng isang maliit na note sa nakahandang pagkain sa coffee table ng kanilang silid.
Pipikit pa uli sana siya nang biglang makarinig ng katok mula sa pintuan.
"Ate Yoon? Are you awake?"
"Oo, Cole. What's up?" aniya sabay tayo at pinagbuksan ang babae ng pinto. She was smiling.
"Pinapatanong po nina kuya kung sasabay ka da po sa'min maglunch?" tanong nito sa kanya.
"Ah, sige. Teka lang at kukunin ko yung tray—"
Agad siyang pinigilan nito. "It's okay, ate. Ako na lang. Bilin kanina ni Kuya Inno na bawal ka daw po ma-stress."
"Pero—"
Hindi na siya hinayaan ng babae magsalita at pumasok na nga ng silid sabay kuha ng tray na may lamang pagkain. Isang malapad na ngiti ang nakaguhit sa mukha nito—malayo sa nagaalala't di mapakaling itsura nito nang nagdaang kagabi.
On their way to the dining room ay na-tempt siyang magtanong kung kamusta na si Dos. Pero hindi niya nagawa dahil bumulaha sa kanya ang lalaki na magiliw na nilalaro si Mavi sa may sala.
"What?" mataray na tanong nito nang mapansing kanina pa siya nakatitig. "It's rude to stare, Yoon. Hindi ba 'yon tinuro sa'yo ng pinsan ko?"
"Are you okay?" Hindi niya napigilang tanong. Dagli itong napahinto at napabaling sa kanya.
"I am," tipid niyong sagot.
"But last night—"
"Don't worry about it," putol agad nito sa sasabihin niya. "Worry about yourself. Buntis kang tao tapos hindi ka kumakain ng tama. Gusto mo bang kainin nung kambal sa uma diyan tiyan mo ang isa't-isa?"
"Okay ka na nga. Balik demonyo ka nanaman," inis na sambit niya na ikinangisi lamang nito't pinagpatuloy ang paglalaro sa pamangkin.
Dumiretso siya sa hapag kung saan naguunahang maglagay ng mga plato at kubyertos sa mesa si Box at Yvo.
During her stay in the Montecillo household ay ilang beses niya nang napansin na napaka-kaunti lang ng mga kasambahay doon. Mga tatlo lang ata ang napansin niyang umaaligid sa mansyon.
Ang paliwanag sa kanya noon ni Inno ay dahil daw 'yon sa kagustuhan ni Tita Saturn na matuto ang mga ito maging mapagkumbaba.
"Doing household chores and simple things like preparing the table would help humble us so that we won't think we're superior just because we're a little rich."
Tama nga naman. And true to that, napaka-humble nga ng mga Montecillo.
"Ate Yoon!" ani Cole nang makita siya nito. Galing ang babae sa kusina't dala nito ang uulamin saka inilapag sa mesa. "Do you like Kare-Kare? 'Yun kasi niluto ni Kuya Jarvis. Miss na daw ni Ate Naia yung bagoong."
"Okay lang naman," aniya. "Hindi naman ako gaanong nagke-crave ngayon. Asan pala si Seven?"
"Nakipag-date po, Ate," sagot naman agad ng kakambal nitong si Box.
"Ang aga naman ata?"
"May pa-early bird bird promo po ata, Ate," ani naman ni Yvo. "Early bird catches the worm—"
Umiiling na binatukan ni Cole ang kuya nito.
"Aray naman Cole!" hiyaw nito. "Wala ka talagang respeto. Kuya mo pa din ako!"
"Kuya mo din naman si Kuya Seven ah. Bakit mo tinawag na ibon si kuya? The disrespect!"
Inis na babatukan din sana ito ng lalaki pero agad naman itong napigilan ni Dos.
"Giovanno," asik nito. Karga pa rin nito si Mavi. "Subukan mong batukan si Cole at ipapakita ko kay Isadora yung video mo."
"Kuya naman eh—"
Isang taas lang ng kilay ni Dos ay agad na naitikom ni Yvo ang kanyang bibig. Si Cole naman ay binelatan ang kuya nito.
"Annika," saway agad ni Dos.
Patay malisyang inilayo ni Cole ang tingin nito sa nakatatandang pinsan at umupo sa tabi niya. Sunod-sunod na umupo ang magpipinsan habang si Naia nama't kinuha na si Mavi para padedehen rin.
"Kuya Jarvis, pinapasabi pala ni Mama na matatagalan siya sa Singapore dun sa furniture business niya. Ipapaayos niya na lanh daw kay Tito Luciano yung papers to give SPA just in case magpatawag ng meeting si Tito Renato."
"Okay Cole," sagot naman agad ng lalaki. "I'll tell Inno about it as soon as he gets home."
"Magbobotohan pa din ba?" hindi niya napigilang itanong kay Dos. "I thought okay na?"
"It's just a precaution," simpleng sagot nito. "Lahat ng plano at dapat may back-up plan just in case the first one doesn't work."
"Kaya ba maagang umalis si Inno?" tanong niyang muli dito. "Para sa Plan B?"
Tumango ito bilang tugon sabay sandok ng kanin.
"Relax, Yoon," ani naman ni Jarvis. "Kaya na ni Inno 'yon. He was VP for acquisitions for years bago naging CEO. Kayang-kaya niya 'yon."
"Mas nahirapan pa nga siyang mapasagot ka Ate eh," segunda naman agad ni Box. "Dun talaga siya namroblema."
"Lagi ngang napapagalitan no Tita Saturn 'yon si kuya kasi laging dumadayo sa coffee shop ni Kuya Jarvis para lang magpapansin sa'yo," gatong naman ni Yvo sa sinabi ng pinsan nito.
"Yang kambal sa uma na lang ang intindihin mo. Baka duguin ka nanaman tapos tumakbo uli ng walang salawal yung tatay niyan."
Right. Nakwento kasi ni Yvo na nung araw na natanggap nito ang tawag mula kay Renalea ay nakauwi na't maliligo sana ang kanyang kasintahan. Sa sobrang pagpapanic ni Inno ay nakalimutan niyang naihubad na pala nito ang kanyang pantalon. Kinailangan pang habulin ito ni Jarvis at ulanin ng mura ni Dos bago marealize ang itsura't bumalik ng kwarto para magsuot ng pantalon.
"Ipagpatuloy mo 'yang pagtawag ng kambal sa uma sa mga anak ko at ni anino ng dalawa ay di mo makikita," banta niya dito.
Umirap lamang ito at pinagpatuloy ang pag-kain. Isang ngiting tagumpay ang gumuhit sa kanyang labi bago napabaling naman sa kanina pa nagkukulitang mga bunso.
"Hindi ko nga kasi sabi boyfriend 'yon!" giit ni Cole habang nakatutok ang tinidor nito kay Yvo. "Hindi ako magboboyfriend ng pangit na tulad mo."
"Hindi ako pangit, 'no," singhal naman ni Yvo. "Ang dami kayang nagkakandarapa sa'kin sa school."
"Pangit ka kasi di mo nga mapasagot si Ate Uno."
Ang lakas ng naging pag-tawa ni Box na sinabayan din ni Jarvis. Maging siya'y hindi napigilang matawa.
"Kuya Dos si Cole nagbe-below the belt!" hingi nito ng saklolo sa kapatid. Pero si Dos naman ay nagkibit-balikat lang.
"Mukha ka kasing dugyot," pang-aasar pa nito. "Maligo ka kaya araw-araw."
"Save water daw kasi kuya. Not unless may kasama ako maligo, every other day na lang para makatulong ako sa environment," katwiran nito kaya't binato ito ng placemat ng kuya.
"Gago."
Tawang-tawa siya mga pinaggagagawa ng magpipinsan habang kumakain. Maya-maya ay bigla nilang narinig ang pagbukas ng gate.
"Ang aga naman ata ni Inno—"
"Kuya River!" excited na bati dito ni Cole.
Agad napatayo ito at tinakbo ang kuya. Pero laking gulat ng lahat nang hindi ito pansinin ng lalaki. Sa halip ay tinalikuran nito ang bunso at nagiisang pinsang babae at umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon.
The coldness in River's eyes haunted her. Napaka-blanko ng ekspresyon nito at tila wala nang buhay.
Totoo nga. River's heart died with Arika.
The sun that used to comfort everyone got lost under the dark clouds that surrounds it. Magagawa pa kaya nitong bumalik?
Nakita niya ang biglang pagtahimik ni Box at magkuyom ng kamao nito. Mukhang napansin din iyon ni Dos kaya't nagsalita ito.
"At least he came back," anito in his usual stern voice. "Ibig sabihin ay nandiyan pa rin ang River na kilala natin."
"Tama," pag-sang ayon naman agad ni Jarvis. "River will never turn his back on us. It's a start."
Muli ay napatingin siya may hagdan. She hopes that someday, the old River would come back.
Kung hindi man ngayon, sana balang araw.
💐
"Hey."
Agad napatingin sa pintuan si Yoon nang marinig ang tinig ni Inno. He looked exhausted at konti na lang ay babagsak na.
"Hey," sagot niya sabay hawi ng comforter at tinapik-tapik ang bakanteng espasyo sa kanyang tabi. "Kamusta?"
"It could've been better," anito. Umupo ito sa kanyang tabi sabay kintal ng isang magaang halik sa kanyang pisngi. She scrunched her nose.
"Love..."
"I know, I know. Pahinga muna ako dun sa couch saglit then I'll take a shower," tumatawang sambit nito bago tumayo. Pero bago pa man ito makahakbang ay hinawakan niya agad ang kamay nito.
"Sorry, love," mahina niyang sambit. "I know you've had a long day tapos magiinarte pa ako. I just... I just can't help it."
"It's okay, love. Naiintindihan ko," anito sabay pisil sa kanyang kamay at halikan iyon. Then he went towards the couch at doon nagpahinga. "Yvo texted me that River came back."
Tumango siya. "Kaninang lunch."
"At least bumalik siya," anito pagkatapos huminga ng malalim. "Nagsumbong kanina si Cole na hindi daw siya pinansin ni River. She cried over the phone."
"Hindi niya ba alam?" tanong niya. "Yung tungkol kay Arika?"
Tumango ito. "She does. Pero hindi niya lang siguro inexpect yung ganito. Cole had always been our princess. Walang sinuman saamin ang nakakatiis sa kanya. You've seen her, love. That brat is irresistible."
Muli ay napabuntong-hininga ito. Minabuti niyang lumapit dito kahit pa nababahuan siya dito. Her pregnancy nose can suck it. Kailangan siya ni Inno ngayon at dadamayan niya ito.
"Hayaan na lang muna natin si River," aniya sa kasintahan sabay upo sa kandungan nito.
"Love baka masuka ka nanaman—"
"I can handle it," aniya sabay kulong namg mukha nito sa kanyang mga kamay. "My baby damulag needs me."
Napangiti ito't inilapit ang sariling mukha sa kanya. Then he placed a chaste kiss on her lips.
"Swerte ko naman sa future misis ko," anito habang nakakulog siya sa mga bisig nito. "Nakakatempt anuhin."
"Ano?" Taas-kilay niyang tanong dito. She very much knows what he meant pero, magpapabebe muna siya ngayon.
Sabay na tumaas baba ang dalawang kilay nito habang gumuhuhit ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito. Inirapan niya ito.
"Di pwede. Ayoko sa mabaho—!" Napahiyaw siya nang maingat na pangkuhin siya nito. "Inno!"
"Maluwang ang hot tub, love. Baka naman."
Napakalakas ng naging pagtawa niya nang dalhin siya nito sa banyo.
She might not be able to help out with the problem in the company pero kaya naman niyang bawasan ang stress nito.
For now.
💐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro